Angel in Disguise - Chapter 15 *Blessing *

755 13 2
                                    


  Chapter 15



*Blessing *







[Jake's POV]







What the *toot toot toot* is this?! This is *toot toot toot* annoying!!! Anak ng *toot toot toot* naman eh!!! Ako?! Pagsususotin nila ng *toot toot toot* na mascot na to?! In their *toot toot toot* dreams!!!





Kinuha ko yung ulo ni Barney na nakatingin saakin habang naka ngiti! Anak naman ng dinosaur oh!!!! Nasan na ba yung hinayupak na LBM boy na yun ha?! Siya dapat ang mascot hindi ako eh!!! Anak talaga ng dinosaur oh!!!





Pero ano akala nila magsusuot ako nito?! Ha never! Isa pa puro bata doon sa baba! Mga madudumi yun! Kadiri!





Kinuha ko yung gamit ko at nagpa-plano ng tumakas ng may marinig naman akong familiar na boses.





"kuya mascot, ok na po ba kayo?"





Bigla akong nataranta ng marinig ko ang boses ni Dionne at mga yabag na papalapit  dito. Agad agad kong isinuot ang ulo ni Barney at sakto naman, biglang nagbukas ang pinto sa dressing room.






"wow si Barney!" sabi ni Dionne na manghang mangha "kuya barney bat di mo pa suot yung katawan mo? gusto mo tulungan kita?"





Umiling iling naman ako sa kanya. Anak ng pagong naman oh! Sa dinami-dami ng aakyat saakin bakit itong chimay pa na to?!?! Asar!!





"sige po iintayin na kita sa labas para sabay na tayo bumaba sa party!" masiglang sabi ni Dionne at lumabas na siya.





Anak ng pagong talaga!!! Bwiset!!! Bantay sarado pa ako dito ngayon!! Patay saakin yang si LBM boy pag nakita ko siya!!! Puputulin ko pwet niya ng di na siya mag-tae kahit kailan! At babaliin ko naman mga buto nung babakla baklang boyfriend ni Dionne!! >___<





Bago ko tuluyang isuot yung mascot, winisik wisikan ko muna ng alcohol ito. Mamaya puro germs to eh to think na si LBM boy pa nagmamayari nito! Anak ng pagong talaga naman ko!! Pakshet!! Kinikilabutan ako! Nakakadiri!!!! Bwiset!!! Bat ba ko nalagay sa sitwasyon na to?!?!?!?! BADTREEEEPPPPP!!!!!





Nung maisuot ko na yung linshak na mascot na to, lumabas na ako ng dressing room at nakita ko naman doon si Dionne na nag aantay.





"wow ang cute ni Barney!!" sabi niya habang ngiting ngiti.





Anak ng tinapa!!!! Ano ang cute dito?!?! Nakakadiri!!! Baklang bakla!! Bwiset!! Nakakayamot talaga!!  


  Nagulat naman ako ng bigla akong inamoy amoy ni Dionne "hmm? Bat ganun? Bat amoy alcohol ni Japoy?"





Natigilan ako bigla. Ay tokwa, sana naman hindi ako mahuli ng babaeng to! Pag kumalat talaga na nagsuot ako ng Barney costume sa media eh malamang katapusan na ng career ko!!





Tss, bat ko ba kasi sinundan pa tong babaeng to!!! Malas talaga si Dionne sa buhay ko!!! Sobrang malas! Malamang may balat siya sa pwet! I'm positive!





"uhmm Mr. Barney tara na?" sabi ni Dionne saakin.





Sinundan ko naman siya pumunta sa may function area at nakita ko na ang daming nagkalat na bata. Hindi sila mga normal na bata. Yung iba naka wheel chair, yung iba mga may bonnet sa ulo na obvious naman na wala ng natira ni isang buhok sa ulo nila. Lahat sila mapuputla, mapapayat at mga mukhang may sakit.





Titigan ko pa lang sila feeling ko magkakasakit na ko dito! Badtrip naman oh! Napasuot na ko ng mascot ,na-expose pa ko sa mga bacteria kids! Ang malas malas talaga ng araw ko ngayon!! >__<





"si kuya Barney!" sigaw nung isang bata saakin kaya naman lahat sila napatingin saakin at nagtakbuhan papalapit saakin yung mga bata. Yung iba niyakap ang binti ko, yung iba naman pilit na nagpapakalong sakin.





Kung wala lang sakit ang mga batang to eh pinagsisipa ko na tong mga to! Ang kukulit! =___=





"Ang cute cute ni Kuya Barney at  magaling pa siya sumayaw!" sabi nung isang batang babae na nakalambitin sa braso ko

Angel in Disguise By AlyloonyWhere stories live. Discover now