Angel in Disguise - Chapter 47 *Will You Marry Me?*

605 12 0
                                    


Chapter 47

[Jake's POV]

Limang araw na kapayapaan kasama si Dionne. Limang araw kaming nag-tago sa Palawan matapos ang eksenang aminan na ginawa namin sa harap ng mga kapwa ko artista at sandamukal na reporters.

Sa loob ng limang araw na yun, aware akong kaming dalawa ang laman ng balita sa tv, trending topic sa twitter at facebook, at maging sa mga dyaryo.

Superstar Jake Marquez, currently in a relationship with his personal maid.

Kabilin-bilinan ni Venus at Rui sa akin na wag na wag akong sisilip sa mga social media sites. Pero syempre dahil curious ako, sumisilip ako. May mga nag sasabing mala-fairy tale ang love story namin. Pero marami rin ang may negative feedbacks. Karamihan, sila yung shipper naming dalawa ni Venus. Ang dami nilang hindi magagandang sinabi about kay Dionne. Gumagawa pa sila ng mga offensive meme sa mga stolen shots ni Dionne.

At seriously, gusto kong pag su-sugurin ang mga taong 'to.

Ang ikinatatakot ko lang ay, paano kung direktang sabihin na ng mga taong 'to kay Dionne ang mga bagay na 'yan? Paano ko siya po-protektahan sa magulong mundo ng showbiz?

Kararating lang namin ni Dionne sa Manila. Naka-tanggap ako ng tawag kay Manager Rhian na kailangan namin pumunta ni Dionne sa office. Kaya ngayon, sakay kaming dalawa ng van papunta doon.

"Listen Dionne. Relax ka lang ah? Wag kang kakabahan. Wag kang matatakot. Basta kahit ano'ng sabihin ng mga tao o marinig mo, hayaan mo lang. Pag may nag tanong sa 'yo ng kahit ano, dedmahin mo lang. Just give them your usually mysterious smile. Wag kang kakabahan. I'm here okay? Hindi kita papabayaan. I will protect you. Basta wag kang matatakot! Wag kang kakabahan!" sabi ko sa kanya.

"Japoy," ipinatong ni Dionne ang kamay niya sa may tuhod ko. "Ba't ka nanginginig? Ikaw ata ang kinakabahan kesa ako eh," natatawa-tawa niyang sabi sa akin.

Doon ko lang napansin na nanginginig nga ang buong katawan ko sa nerbyos. Leche naman oh! Ako? Si Jake Marquez? Gwapo, sikat, malinis, mayaman at mabango, kasalukuyang ninenerbyos ngayon dahil sa isang issue?! Whaddapak!

"Japoy relax. Wag kang mag alala sa'kin," naka-ngiting sabi ni Dionne.

Tokwa, ba't siya relax na relax lang samantalang ako yung kabadong-kabado sa taong 'to?! Is she even human?! Ni hindi man lamang nakakaramdam ng kaba?!

Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya, "penge nga pang tanggal kaba!"

"Pang tanggal kaba? Eto ba?" may ipinatong na isang bote ng alcohol si Dionne sa kamay ko.

"Hindi 'yan!" hinatak ko ang kamay ni Dionne and I filled the spaces between her fingers. "Ito ang tinutukoy ko."

Nilingon ko siya at nakita kong ang lawak na naman ng ngiti niya. Malamang napakilig ko na naman ang isang 'to. Ako pa ba?

"Ahmm, Japoy, hindi pa ako nakakapag-hugas ng kamay. Hindi rin ako nakapag-alcohol. Kakagaling ko pa naman kanina sa banyo."

"Kadiri ka!


Ang dugyot mo!"

"Uhmm, ba't ayaw mo pa rin bitiwan ang kamay ko?"

Nilingon ko ulit si Dionne at nginitian. Itinaas ko ang magka-hawak naming kamay.

"Kung magkaka-virus man ako, okay lang. Basta sa 'yo galing."

Nagulat ako nang biglang bitiwan ni Dionne ang kamay ko at niyakap ako ng pagka-higpit higpit.

"Japoooyyy!!!"

Angel in Disguise By AlyloonyWhere stories live. Discover now