Angel in Disguise - Chapter 16 *Mommy and Daddy*

691 13 1
                                    


  Chapter 16



*Mommy and Daddy*









[Rui's POV]







"Rui sino yung kasama mo doon sa picture na babae?"





"girlfriend mo ba siya?"





"bakit kayo magkayakap noon?"





"according sa mga witnesses ay nakita nila kayong nagaaway ng mga panahon na yun"





"ano po ang nangyari?"





Yumuko ako habang padaan ako sa mga nagkakagulong reporter. Hinaharang naman sila ng entourage ko kaya naman hindi rin sila gaanong makalapit saakin.





"Di ba ang name nung babae ay Maisie Shaey?" napahinto ako ng marinig ko yun at napatingin doon sa isang reporter na nagsabi nun





"please  stop" sabi ko sa kanya






"siya yung fashion designer niyo di ba? Bakit mo siya kasama? Ano ba talaga ang relasyon niyo?" tuloy tuloy parin niyang tanong saakin





"please stop!" bat ba ayaw nila akong tantanan?!





"bakit mo tinatago ang tunay niyong relasyon? Bakit siya umiiyak nung mga panahon na yun? Ano ba talagang tunay na nangyari?"





"YAMETE KUDASAI!!!" sigaw ko.





Nakita kong lahat sila natahimik sa pag-sigaw ko but after a few seconds, binato na naman nila ako ng binato ng mga tanong. Dali-dali akong naglakad hanggang sa makapasok na ako sa office ng manager ko.





Hay nakakainis! Simula ng pumasok ako sa showbiz, hindi ko iniinda masyado ang mga nagiging intriga saakin.





Pero iba na ngayon. May nadamay akong isang tao.







Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, nakita kong nakaupo doon si manager at kasama niya si Maisie.





"oh Rui's here" Tita Jelyn, my manager, said.





Nagkatinginan kami ni Maisie at agad pero agad din naman niyang iniwas ang tingin niya saakin.





Naupo ako sa tabi niya "gomennesai" bulong ko dito






"hindi kita naiintindihan"





"i-I said I'm sorry"





Hindi sumagot si Maisie saakin instead, iniwas lang niya ang tingin niya saakin.





Nagu-guilty ako sa nangyari. Maisie is a very private person. Kahit pa she works with celebrities, lagi siyang nagiingat na hindi madamay sa kung ano mang issue at gulo ng showbiz. Pinaka ayaw niya kasi ang pinag uusapan siya. Alam ko yun. Nung highschool kasi kami, nagkaroon ng issue noon na boyfriend niya yung isa sa mga kaklase namin. Kumalat yun sa classroom at lagi siya nun pinaguusapan. Nakita ko ang trauma sa kanya nun. Sa classroom pa lang namin yun na may mahigit 30 na students.





Paano pa kaya ngayon na halos buong Pilipinas pinaguusapan kami?





Tumayo si Tita Jelyn at lumapit sa kinauupuan namin ni Maisie. Inilapag niya sa table sa harap namin yung mga dyaryo na puro mukha namin ni Maisie ang nakalagay. Meron doon nung times na naghahabulan kami after ng concert. At meron din doon na yung nakayakap ako sa kanya habang umiiyak siya.





"hindi ko muna kayo huhusgahan dalawa, pero gusto kong umamin kayo saakin. May relasyon ba kayo?" tanong ni Tita Jelyn saamin. Iniwas ko ang tingin ko at wala akong planong sagutin ang tanong ni Tita Jelyn pero nagulat ako dahil biglang nagsalita si Maisie.

"wala po kaming relasyon. Isang misunderstanding ang lahat. Wag po kayong mag-alala, willing po akong mag painterview at sabihin ang mga nangyari"

"M-maisie..."

Tumayo siya "uhm sige po mauna na ko. May kailangan pa po kasi akong asikasuhin"

After sabihin ni Maisie yun ay lumabas na siya ng office ni Tita Jelyn.

"Rui, wala ba talaga kayong relasyon ni Maisie?" tanong niya saakin habang nakatingin siya saakin ng seryosong seryoso

"wala po. Kaibigan ko si Maisie"

Angel in Disguise By AlyloonyWhere stories live. Discover now