Angel in Disguise - Chapter 14 *Mr. Stalker*

625 9 0
                                    


  Chapter 14



*Mr. Stalker*









[Dionne's POV]









"Japoy, ready na yung almusal mo. Aalis na ko ah?" sabi ko kay Japoy na kasalukuyang nanunuod ng TV sa living room niya





"hmpf!" nakasimangot niyang sagot saakin sabay iwas ng tingin.





Napangiti na lang ako sa expression niya atsaka ko kinuha yung gitara ko at lumabas na.





Mula pag uwi namin kahapon, hindi ako pinapansin ni Japoy at talagang nakasimangot lang siya mag damag. Siguro nagtatampo siya saakin kasi hindi ko napag bigyan yung request  niya. Pero pagbibigyan ko naman siya kung hindi lang importante ang lakad ko ngayon eh.






Hay di bale, mag lilinis na lang ako mamaya ng unit niya pag uwi ko tapos uuwian ko na lang siya ng alcohol pang peace offering para di na siya mag tampo saakin. ^___^





Bumaba na ko sa condominium ni Japoy tapos dumiretso na ako sa church kung saan kami magkikita kita. Walang practice ng choir ngayon dahil nag set ng children's party ang church na to sa isang restaurant para sa mga batang may cancer. Kaya ko tinanggihan si Japoy kasi gustong gusto ko talaga maki-isa sa project na to. You see, some of those kids has a limited time to live. Bilang na ang oras nila sa mundong ito kaya naman gusto ko kahit papaano ay makatulong akong pasayahin ang mga batang yun.





Nang makarating ako sa church, nakita ko naman na naka-abang si Ashley saakin.





"Dionne!"





Lumapit ako sa kanya "hi Ashley! Good morning!"





"good morning din! Buti nakapunta ka! Akala ko hindi ka papayagan ng amo mo eh!"





Nginitian ko lang si Ashley. Hehehehe naku kung alam lang niya, nagtatampo saakin ngayon ang amo ko. Hehehehe





"Ash!" napalingon kami pareho ni Ashley doon sa tumawag sa kanya and nakita kong may isang lalaking tumatakbo palapit saamin.





"hey Ash dumaan ako sa house mo  kanina, naiwan mo tong inuminan mo" may inabot yung lalaki kay Ashley na water container

"ah thank you Kite!"

"no problem!" he tapped Ashley's head "ikaw talaga napaka makakalimutin mo kahit kelan"

"hehehe sorry bestfriend! Ay oo nga pala!" tinignan ako ni Ashley "Kite, this is Dionne, kasamahan ko sa choir, Dionne this is Kite, best friend ko"

Nginitian ako ni Kite "nice meeting you" then inilahad niya ang kamay niya para makipag shake hands

I took his hand "nice meeting you too"

"sige pasok na muna ako sa loob ng church ah? baka magstart na yung mass" sabi ni Kite saamin

"ay sabay na ko sayo best friend" sabi naman ni Ashley "ikaw Dionne?"

"ha? hintayin ko muna si kuya Romy dito"

"sige una na kami ah, punta ka na lang sa may choir"

"Sure"

Tinignan ko yung dalawa na pumasok sa loob ng simbahan habang nag-aasaran. Napangiti naman ako at napatingin sa langit.







'sorry kuya, mukhang may iba ng love si Ashley eh. Pero nararamdaman ko na isang mabuting lalaki si Kite'





"Hey Dionne!" napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko naman si Kuya Romy na papalapit saakin. Siya yung pinaka head namin sa choir and siya din yung nakaisip ng project na to para sa mga batang may sakit. Mabait na tao si Kuya Romy, yun nga lang madalas siyang inaaway nung iba at nabu-bully kasi lalambot lambot siya. Parang bakla kung baga. Though hindi naman siya umaamin na bakla siya, hindi rin naman niya ito tinatanggi. But either way, Kuya Romy is still kuya Romy. Ang mahalaga ay meron siyang ginintuang puso.





"kuya Romy!"





Inakbayan ako ni kuya Romy "oh bat hindi ka pa pumapasok? Magsisimula na ang mass"





"hehe hinihintay kasi kita"





"ikaw talaga tara na at pumasok na tayo"





Sabay na kaming pumasok ni Kuya Romy sa simbahan and pumunta na sa mga kasamahan namin sa choir para kumanta sa mass na to.















[Jake's POV]







Tss ano ba namang chimay to! Makikipag date pero sa simbahan pumunta?! Ang korny ng meeting  place nila ha!!

Angel in Disguise By AlyloonyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora