Angel in Disguise - Chapter 27 *One sided*

656 8 0
                                    


Chapter 27

*One sided*

[Maisie's POV]

"sure kang uuna ka na ng uwi pabalik sa manila?" tanong saakin ni Kuya Jake habang nag aayos ako ng mga gamit ko

"oo kuya, kailangan ko na talagang bumalik. Marami pa akong kailangan asikasuhin para doon sa upcoming fashion show pati narin kinukulit na ako ni Mama na bumalik ng bahay"

Nakita kong sumimangot si Kuya Jake "tch.. mawala lang saglit ang bunso niya grabe na mag alala"

Napangiti ako sa reaction ni Kuya dahil aware naman akong nag seselos na naman siya "ikaw kasi kuya, puntahan mo na si mama sa bahay pag uwi mo. Miss na miss ka na kaya nun."

"tch, ako? Ma-mi-miss nun. Hmpf"

I giggled "hay naku ewan ko sayo! Ay oo nga pala, nasaan si Dionne? Bat di mo siya kasama?"

Iniwas agad ni kuya yung tingin niya saakin "e-ewan. B-baka n-nag l-lalakad sa b-beach.. o b-baka n-naghuhunting n-ng mga unggoy!"

I smirk "o kaya baka may nakasalubong siyang gwapong lalaking naka topless sa beach" nakita kong napatingin agad si Kuya Japoy saakin "tapos nakipagkilala sa kanya yung lalaki! Dahil maganda si Dionne, for sure naakit sa kanya yung gwapong lalaki! Tapos nainlove sila sa isa't isa at tuluyan na niyang itinanan si Dionne palayo sa amo niyang mapang api!" ^___^


Nakita kong kumunot ang noo ni Kuya to the point na halos magkadikit ang dalawang kilay niya. Matawa tawa ako sa reaction niya pero gabeng pagpipgil ang ginawa ko para lang wag magalit ang isang to. Hay bat kaya ang sarap sarap niyang pagtripan? XD

"p-p-paki k-ko! E-edi m-mag t-tanan s-sila! M-maghahanap na lang a-ako ng ibang PA!" tumingin ng masama si Kuya "teka! Eh wala naman ako paki doon sa chimay na yun! Wag mo saakin sabihin yan kundi doon sa Hapon na nagtapat at nagbabalak manligaw sa chimay na yan!" after sabihin ni Kuya yun, dire-diretso siyang lumabas ng kwarto ko sabay balabag ng pinto.

Bigla naman nawala yung ngiti sa mukha ko. Nagtapat? Nagtapat na ba talaga si Rui kay Dionne? Sinabi na ba talaga niya yung totoo niyang nararamdaman dito? Ano kaya reaction ni Dionne?

Alam ko na gusto ni Kuya Jake si Dionne pero hindi ko alam ang nararamdaman ni Dionne. Kung iisipin, malapit din siya kay Rui eh. Hindi rin malabong magkagusto si Dionne sa kanya. Hindi mahirap mahalin si Rui.

Pero sobrang hirap niyang kalimutan.

I sigh then nahiga ako sa kama. Bat kaya ang swerte swerte ni Dionne sa buhay? Kahit isa siyang hamak na PA lang, dalawang lalaki ang nagmamahal sa kanya. Ako, oo halos lahat nasa akin na. Mayaman, nakapag aral sa magandang paaralan, at successful sa buhay. Pero hindi naman ako mahal ng nagiisang lalaking minahal ko buong buhay ko.

Tama nga sila, hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.

But I can give up all those things just to have him. Dahil kahit na sinabi kong mag mo-move on na ako, mahal ko parin talaga siya... at alam ko, walang pera, walang career ang makakapagpasaya saakin kundi siya lang.

He's all that I need... but he's the only thing I can't have.

After lunch, nag check out na ako sa resort dahil pabalik narin ako sa Manila. After ng check out, dumiretso na ako sa parking lot para ilagay yung mga gamit ko sa kotse. Bubuhatin ko na sana yung maleta ko ng magulat ako dahil biglang may bumuhat nito at siyang naglagay sa loob ng kotse ko.

"R-rui!"

He looked at me then smile "hay naku aalis ka na pala ni hindi ka nagpapaalam saakin. Nakakapag tampo ka"

Angel in Disguise By AlyloonyWhere stories live. Discover now