POSSESSIVE 11: Valerian Volkz...

Von CeCeLib

87.1M 1.6M 493K

LUSTING over Grace Oquendo was not good for Valerian Volkzki's health. He should be working his ass off and f... Mehr

SYNOPSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
AUTHOR'S NOTE - C.C.
EPILOGUE
Special Chapter

CHAPTER 32

1.6M 32.2K 4.7K
Von CeCeLib

CHAPTER 32

Lumipas ang mga araw, wala pa ring narinig si Grace mula kay Valerian. She was starting to get irritated and annoyed. Hinihintay niyang tanungin siya nito tungkol sa napag-usapan nila pero wala.

Valerian stayed silent.

And nakakairita pa, palaging trabaho ang inaatupag nito. Kung hindi busy sa harap ng laptop ay wala naman itong sa bahay at halos gabi na kung umuuwi.

His reason? Work.

Argh!

At ang mas nakakabuwisit, ni minsan ay hindi siya nito hinalikan o hinawakan man lang. Basta na lang itong parang robot na tatabi sa kanya ng higa sa kama at kinabukasan ay wala na.

In short, malamig ang pakikitungo ni Valerian sa kanya. Doon niya naisip na baka pinaglalaruan lang siya nito. Siguro kasama iyon sa plano ng lalaki. Maging mabait, paasahin siya, saka hindi siya papansinin.

Maloloka na siya sa kakaiisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Wala naman siyang lakas ng loob na magtanong dito kasi natatakot siya sa magiging sagot nito.

Nagpatuloy na lang siya sa pagiging alipin niya. Naglilinis siya ng bahay at nagluluto. That was what she had always did. Ang tanging magandang nangyayari lang sa kanya sa bahay na 'yon ay tuwing paggigising niya sa umaga, ang mga labahan niya, nilabhan na ni Valerian.

"Grace, babalik na tayo sa Manila ngayon," wika ni Valerian habang nag-aagahan sila isang umaga.

Umirap siya sa hangin. At may boses pala ang kumag, nakakapagsalita naman pala.

"Grace, narinig mo ba ang sinabi ko?" May iritasyon sa boses nito.

At ito pa talaga ang may ganang mairita?! Argh! "Oo, narinig ko," mataray niyang sabi.

Nag-angat si Valerian ng tingin sa kanya. "Ano ba ang problema mo?"

So now he is asking that? Buwisit!

She scoffed. "Para namang hindi mo alam. Buwisit! Ikaw ang problema ko!" Tumayo siya at iniwan ang lalaki sa hapagkainan, saka nagpunta sa kanilang kuwarto at nag-impake.

Bumukas ang pinto ng kuwarto at narinig niya ang boses ni Valerian. "Grace, ano ba ang problema mo sa 'kin?"

Matalim ang matang tiningnan niya ito. "Huwag kang magmaang-maangan. Mas nabubuwisit ako. Ibalik mo na lang ang aso ko para matapos na itong laro mo!"

He looked at her, confused. "Ano ba ang pinagsasasabi mo, ha?"

"Give me back my dog, Valerian!" galit niyang sigaw. Masakit ang maghintay kung kailan ito magtatanong tungkol sa pinag-usapan nila. Maybe he was just toying with her. "Ayaw na kitang makita. Please, ibalik mo na ang aso ko."

It hurts.

Gumuhit ang iritasyon sa mukha ni Valerian. "Hindi ko ibabalik sa 'yo ang aso mo." Tinalikuran siya nito, saka sinipa ang maliit na trash bin na nadaanan palabas ng kuwarto. "Fuck! Fuck! Fuck!"

Namasa ang mga mata ni Grace pero pinilit niyang hindi umiyak. Tama na ang pag-iyak. Wala namang mangyayari kahit isang drum pa ang iluha niya.

Bumalik siya sa pag-iimpake ng gamit, saka lumabas ng kuwarto. Agad siyang lumabas ng bahay at naroon na si Valerian sa loob ng kotse nito at naghihintay.

Nakatiim-gabang siyang sumakay sa sasakyan at walang sabi-sabing pinaharurot nito ang sasakyan patungo sa kung saan.

Hours later... Grace found herself inside Valerian's private jet.

Walang imik sila pareho habang magkatabing magkaupo. Nakikita niyang gumagalaw ang panga nito at matalim ang mga mata. He was mad, she could feel it. Well, she was too!

Hanggang sa makarating ang eroplano sa Manila, walang salitang namutawi sa mga bibig nila. Wala siyang balak makipag-usap sa lalaki. She waited days for him to talk to him, but nothing!

Marunong din naman siya mapagod sa kahihintay. Maybe this was what he wanted, for her to wait, like what he did one and a half year ago.

Nauna na siyang lumabas ng eroplano pero madaling nakahabol sa kanya si Valerian.

"What the fuck is your problem?!" singhal nito sa kanya na hinawakan siya sa braso para patigilan siya sa paglalakad.

Piniksi niya ang braso. "Let go of me! At huwag mo akong ma 'fuck-fuck'! Pinagbigyan na kita noon na murahin ako kasi kasalanan ko, pero isa pang mura, mag-asawang sampal ang tatama diyan sa mukha mo!"

He gripped her arm. "Ano ba kasing problema mo? And where the hell do you think you're going?"

"Home."

"Home?" He smirked. "Baka nakakalimutan mo ang aso mo."

Doon natigilan si Grace at nagtatagis ang bagang na humarap dito. "Ibalik mo na ang aso ko. Ano pa ba ang kailangan mo sa 'kin ha? Sex? Ibinigay ko na sa 'yo. Tears? Pinaiyak mo na ako. Explanation, I already explained. Ano pa, ha?!"

"Fuck, Grace—"

Malakas niya itong sinampal. "Huwag kang magmumura."

Nagtagis ang mga bagang ni Valerian at mas nanlisik ang mga mata nito. "Hindi ka uuwi, sasama ka sa 'kin."

"At saan mo na naman ako dadalhin? Is this one of your fucking games?!" Nagmumura na siya sa sobrang galit na nararamdaman.

Mapusok at marubdob siyang hinalikan sa mga labi ni Valerian. It took her by surprise.

"No cussing, Grace," sabi nito nang pakawalan ang mga labi niya.

She just started at him, dumbfounded.

"Halika na." Hinila siya nito papasok sa airport. "And don't make a scene," mariin nitong sabi.

Hindi pa rin makaimik sa gulat si Grace habang hinihila siya ni Valerian. She was still in shock. Siya ang humahalik dito kapag nagmumura ito, not the other way around.

Namalayan na lang niya na nakasakay na siya sa kotse ni Valerian at humaharurot na 'yon patungo sa kung saan.

Ilan kaya ang kotseng pag-aari niya? Marahan niyang ipinilig ang ulo, saka bumaling sa nagmamaneho.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya.

Valerian didn't answer her, sa halip ay mas pinabilis lang nito ang pagmamaneho na para bang may humahabol sa kanila.

Mahigpit na napahawak si Grace sa kanyang seat belt nang biglang lumiko at umikot ang sasakyan, 'tapos bigla iyong tumigil sa harap ng isang mansiyon.

Wait a minute... kilala niya kung sino ang may-ari ng bahay na 'yon. The Coleman's Residence!

"Ayokong mag-sigawan tayo sa harap ng mga kaibigan ko." Biglang nagsalita ang kulugo. "So play nice for a while. Mamaya tayo mag-uusap."

"Ayokong makipag-usap sa 'yo," singhal niya.

"You have no fucking choice—" Sasampalin sana niya si Valerian dahil na naman sa pagmumura ng maliksi nitong nasalag ang kamay niya. "One cuss, one kiss, remember?" Kinindatan siya nito. "I don't accept slaps."

Buwisit! Kahit pa galit na galit siya, nakaya pa rin nitong patibukin nang malakas at mabilis ang puso niya sa simpleng kindat na 'yon.

"Hmp!" Inirapan niya ito, saka binawi ang kamay at mabilis na lumabas ng sasakyan.



Grace played nice as she met Valerian's friends and their wives. Kahit inis siya kay Valerian, nagawa naman niyang maging masaya para kina Lash at Nez na may forever na, may pornever pa.

Eh, siya? Nganga.

At habang kausap niya ang mga asawa ng mga kaibigan ni Valerian, panay lang irap niya sa lalaki tuwing nagtatama ang mga mata nila.

Buwisit!

At dahil hindi siya mapakali sa kinauupuan, tumayo siya, saka nagtungo sa gilid ng yacht at ihinilig ang katawan sa railing.

"You and Valerian, huh?" Boses iyon ni Lash na ikinagulat niya. "Ano'ng nangyari?" Inakbayan siya nito. "Magkuwento ka nga."

She gritted her teeth. "It's a long story."

"Well, summarize it."

Ibinuka niya ang bibig para magkuwento nang may mga brasong pumalibot sa baywang niya, saka hinila siya palayo kay Lash.

"Lash Coleman, I suggest you keep your fucking arms to yourself. Dahil ako ang puputol diyan kapag nasagad mo ang pasensiya ko," nagtatagis ang mga bagang at madilim ang mukha na sabi ni Valerian.

Lash just smiled. "Oh, come on now, Valerian, huwag kang masyadong possessive. Girlfriend mo ba itong si Grace?"

Parang may ulap na nakapatong sa ulo ni Valerian sa sobrang dilim ng mukha nito. Hindi talaga niya maintindihan ang lalaking 'to? Bakit ba ito nagagalit?

Valerian glared sharply at Lash. "Don't test my anger, Lash Coleman."

Ngumisi lang si Lash, saka hinawakan ang kamay niya. "Grace is very special to me—"

Bago pa matapos ang sasabihin ni Lash, umigkas na ang kamao ni Valerian. 'Buti na lang at bago 'yon tumama sa kaibigan niya ay nahila niya pababa ang braso nito.

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "What happened to playing nice?" Pinandilatan niya ito. "Tumigil ka nga."

Mahinang tumawa si Lash na parang iniinis talaga si Valerian. "Chill, Volkzki, no need to be jealous."

Nanlilisik ang mga mata ni Valerian nang tinalikuran sila ni Lash at umalis.

Valerian's glaring eyes turned to her. "Bakit ka ba nakikipaglandian sa lalaking 'yon? God, Grace, may Nez na si Lash. Mahiya ka nga!"

Parang may sumampal sa kanya dahil sa sinabi nito. Mas namula lalo ang mukha niya sa galit.

"Isaksak mo to sa kukote mo! Hindi ako malandi at kahit kailan, hindi ko lalandiin si Lash dahil matalik ko siyang kaibigan." Dinuro niya ang dibdib nito. "Ang kitid ng utak mo!" Nagmamartsang iniwan niya si Valerian, saka nagtungo sa lower deck ng yacht. Sobra siyang naiinis! Sobra!



Nakatiim-bagang na bumalik si Valerian sa mga kaibigan niya. Nang makaupo siya, agad siyang inakbayan ng pinsan niyang si Tyron.

"You okay, my man?" tanong nito.

At talagang nang-aasar na tumawa si Lash. "Ty, nagseselos 'yan sa 'kin. Inakbayan ko kasi si Grace, ang kanyang love of his life— I mean, not really."

He glared at Lash. "Masasakal talaga kita!"

Tumawa si Iuhence. "Aherm! Aherm! Hindi ko pa nakakalimutan, Volkzki. Sabi mo noon, possessiveness is not healthy."

"At..." Ngumisi si Train. "Sabi mo pa noon, nakakabaliw ang pagiging possessive."

Tyron smirked at him. "Val, cousin, ipapa-reserve na ba kita ng ward sa mental hospital?"

Valerian rolled his eyes. "Fuckers."

Nagtawanan lang ang mga luko-loko. Hinanap naman ng mga mata niya si Grace pero hindi niya ito nakita. Agad siyang tumayo at hindi pinansin ang mga kaibigan na tinatawag ang pangalan niya.

Hinanap niya si Grace at natagpuan niya ito sa lower deck, nakatingin sa karagatan na parang napakalalim ng iniisip.

Valerian sighed and left her alone. Mamaya na niya ito kakausapin kong ano ang problema nito. Wala sila sa tamang lugar baka magsigawan na naman sila.



Nagpasalamat si Grace na magdesisyon ang mga kaibigan ni Valerian na magsiuwian na. It means uuwi na rin sila.

But Valerian didn't drive her home. Tumigil ang sasakyan nito sa labas ng bahay nito sa Bachelor's Village.

Napipilitan siyang lumabas ng sasakyan, saka sumunod ditong pumasok sa loob ng kabahayan. His house still looked the same. Cozy and welcoming. Walang pinagbago.

Dinala siya ni Valerian sa kusina. At habang nagluluto ito ay wala silang imikang dalawa. Kahit pa noong kumain sila, walang nagsalita sa kanila. Hinihintay niya na ito ang magsalita pero wala.

Pagkatapos nitong kumain, tumayo na ito. "Marami pa akong trabahong tatapusin. Maiwan na muna kita. Mag-uusap tayo pagkatapos ng ginagawa ko."

Grace sighed when Valerian left.

Buwisit!


CECELIB | C.C.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

15.4K 831 52
Marami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.
65.8M 1.2M 28
She was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was Lysander's life before he started desir...
33.8M 1.4M 69
Eliza Velasquez is beyond belief to have Khairro Sanford - the man she once loved but has grown to hate - as her bodyguard. With them forced to spend...