Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Prologue

33.9K 708 171
By wistfulpromise

Prologue:

Jace's POV

Narinig ko ang tawa nya at hindi ko mapigilang mapangiti. Nasa may tabing dagat kaming dalawa, naglalakad at tahimik na pinagmamasdan ang mapayapang alon ng tubig. Tumingin sya sa akin bago tumakbo. May nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Tahimik ko syang pinagmasdan, kuntento na makita syang masaya. Takbo sya ng takbo at ikot ng ikot na parang bata. Akala mo ngayon lang sya nakapunta sa tabing dagat dahil sa saya sa mukha nya.

Tinawag nya ang pangalan ko at kumaway sa akin. Kumaway rin ako pabalik bago napailing dahil sa mga kalokohan na ginagawa nya.

Minsan napapa-isip ako. Bakit nga ba ako nahulog sa isang katulad nya? Puro kalokohan at napaka-isip bata. Minsan may pagka-engot din. Pero ganun lang siguro ang love. Wala kang sagot sa kung bakit sya ang itinitibok ng puso mo, nararamdaman mo na lang. Yung para bang walang kasunod na 'kasi' o 'dahil' ang sagot mo kung 'bakit sya?'. Yung tipong mapapangiti ka na lang dahil natamaan ka na ng pana ni kupido at masasabing 'Ewan. Basta mahal ko sya at sya lang ang tinitibok nito' sabay turo sa dibdib. Yun ang pinaka the best feeling sa lahat. Sadyang nagmamahal ka lang.

Hinabol ko sya dahil sa patuloy nyang pangungulit sa akin. Sa may tabing dagat sabay kaming nagsitakbuhan, naghahabulan na parang wala ng bukas. Puno ng saya sa buong paligid. Nangingibabaw ang tawa namin kaysa sa malakas na pag-alon ng tubig.

Sa di sinasadyang pagkakataon ay bigla akong nadapa. Dali dali syang lumapit sa akin pero pinagtawanan din nya ako dahil sa sinapit.

Tumayo ako ngunit agad na nakaramdam ng hapdi kaya muli akong napaupo sa may buhanginan.

"Tumayo ka jan! Kaya mo yan!"

Sinubukan ko ulit pero kusang bumabagsak ang mga tuhod ko ng walang pasabi. Hindi ko alam kung saan ang masakit. Basta may nararamdaman akong hapdi na hindi ko masabi.

Kaya mo yan.. mga salitang lagi nyang sinasambit na nakapagpabawas sa sakit na nararamdaman ko. Ilang beses na ba nya itong sinabi sa akin sa tuwing sa tingin ko ay wala na akong pag-asa? Sa tuwing hindi ko na alam kung kaya ko pa? Sa tuwing gusto ko ng sumuko sa laban ng buhay at hindi na muling babangon pa? Sa oras na parang wala na akong tiwala sa aking sarili nandyan sya at patuloy na nagtitiwala sa akin, naniniwala na kaya ko, sumusuporta at umaalalay.

Dahil dito muli kong sinubukan, puno ng determinasyon sa aking mukha. Para sa kanya tatayo ako, para sa kanya kakayanin ko. Minsan napapa-isip ako kung paano napunta ang isang anghel na tulad nya sa harapan ko. Tinulungan nya akong magbago at binigyan ng direksyon. Tinulungan nya ako kung paano mas maging mabuting tao kaysa kung ano ako noon. Kundi dahil sa kanya wala ako... kundi dahil sa kanya hindi ko mararamdaman ang salitang 'pagmamahal'.

Sya na lang ang meron ako. Sya na lang ang pamilya ko. Sya lang ang minahal ko. At sya lang ang mamahalin ko.

Nakatayo ako at ngumiti sa kanya. Muli kong narinig ang mahina nyang tawa sabay sabi sa akin na "Sabi ko na nga eh kaya mo yan!'. Binigyan nya pa ako ng isang napakatamis na ngiti bago muling tumakbo palayo. Ngunit sa pagkakataon na ito palayo na sya ng palayo. Tinawag ko ang pangalan nya ngunit hindi sya lumingon. Nakaramdam ako ng kaba at dali dali rin syang hinabol.

Palayo sya ng palayo... hindi ko sya maabot...

"Serene!" 

Bigla kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad ding napapikit dahil sa dagliang liwanag ng araw. Panaginip. Yun lang pala ang lahat ng yun kaya agad akong nakahinga ng maluwag.

Ilan pang sandali ang pinalipas ko bago ko muling iminulat ang aking mga mata. Dahan dahan lang pero humahapdi pa rin ito kaya napapapikit pa rin akong muli. Ang labo ng buong paligid at tila ba hindi ko maifocus ng mabuti ang tingin sa isang bagay. Malabo man ang paningin, napansin ko na halos puti ang buong paligid. Pero ang mas nakakagulat doon ay ng mapansin ang dextros na nakadikit sa kamay ko pati na rin ang maiingay na machines sa paligid ko.

Parang nangyari na sa akin ito noon. Hindi ba't nasa parehas na sitwasyon na rin ako noon? Napahawak ako sa dibdib ko. Ang alam ko ay naoperahan na ako rito. Sinakripisyo ni Pietr ang buhay para sa akin. Ang puso nya ay puso ko na rin.

Kaya anong ginagawa ko rito sa ospital? Hindi ba't nakalabas na ako?

Ngunit sa ilalim ng gulong gulo na emosyon, muli akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Bakit ako nandito? Nasaan ako? Gusto kong magsalita pero nanghihina ako.

"S-serene...."

Paulit ulit kong sambit sa pangalan nya na parang ito lang ang alam kong sabihin. Hindi ko pa rin maidilat ang mga mata ko ng maayos. Buong katawan ko ay nanghihina at ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko ay parang isang bulong lang sa hangin. May nakita akong pigura ng isang babae, nakatalikod sya kaya hindi ko makita ang mukha nya.

Serene.

Iniangat ko ang isang kamay ko, pilit syang inaabot. Sobrang liwanag sa paligid dahil sa sikat ng araw. Gusto ko syang tumingin. Gusto ko syang makita. Biglang humapdi ang ulo ko pero hindi ko pinansin.

Muli kong sinambit ang pangalan nya. Gusto kong makita ang ngiti sa mukha nya. Gusto kong makita ang ningning sa mga mata nya na puno ng buhay.

Humarap sya sa akin at ngumiti ng tulad sa panaginip. Gusto kong tumalon sa saya dahil nandito sya sa harapan ko. Nandito sya sa tabi ko kung saan sya dapat naroon. Hindi totoo ang panaginip, hindi sya tumakbo palayo... hindi nya ako iniwan.

Lumapit sya sa higaan na hinihigaan ko, puno ng pag-aalala sa kanyang mukha.

Sinambit ko ulit ang pangalan nya. Ngumiti sya sa akin.

"Jace,"

Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Nahihirapan man ay pilit kong inabot ang kamay nya. Gusto ko syang hawakan para masiguro na nandito sya pero masyado syang malayo. Magsasalita sana ako kahit isang bulong lang ngunit pinatahan na nya ako at nag-'shh' bago ko pa maibuka ang labi ko. 

"Magiging maayos din ang lahat.."

Ang malambing nyang mga ngiti.. wala pa rin pinagbago. Matapos itong makita gumaan ang mabigat na pakiramdam dito sa dibdib ko.

"Jace..." bulong nya sa pangalan ko. Tumingin ako sa kanya ngunit muling napapikit. Humahapdi pa rin kasi ang mga mata ko sa liwanag ng araw.

"Remember what you told me? That you won't stop the chase?"

Napangiti ako ng konti at bahagyang napatango.

"Then please don't stop." malungkot na ang ngiti nya ngayon di tulad kanina.

Parang sinaksaksak ang dibdib ko matapos na may makitang luha na tumulo sa kanyang mga mata. Bakit sya malungkot? Bakit sya umiiyak? Bakit sya nagkakaganito? Gusto ko lagi syang masaya.

Kahit masakit. Kahit mahirap. Pinilit kong magsalita.

"I w-won't. Never."

Lumapit sya ng konti kaya nakita ko ng mas maliwanag pa sa araw ang lungkot sa mga mata nya na gusto kong burahin.

"Please help me... save me. Hihintayin kita Jace..." alam kong pilit syang ngumingiti para sa akin pero ang mga mata na nya mismo ang nagsasabi ng tunay nyang damdamin. Wala pa ring tigil ang pagtulo ng luha sa mga mata nya.

"I love you."

Sa pagkakasambit nya nun bigla akong nakaramdam ng kaba at bigla na lamang kumirot ang puso ko sa di malamang kadahilanan. Itinaas ko ang kamay ko para punasan ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit sa pagkakadampi nito ay dahan dahan, sa liwanag ng araw, naglaho sya sa paningin ko na para bang itinangay sya ng hangin.

"No." pigil hininga kong sambit "No, no, no!"

Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla na lang itong sumakit. Kanan, kaliwa, hindi ko alam kung saan ito ipupusisyon. Sa sobrang sakit gusto ko nang sumigaw. At pagkatapos ay muling bumalik sa akin ang mga nangyari kung bakit ako napunta dito sa ospital na ito.

Ang mga pagsugod nila Dal at Aps...

Mga bugbugan...

Pagsabog at barilan...

Muling bumalik sa isipan ko, sama sama at sobrang bilis. Mga pangyayaring parang parte lang ng isang palabas sa telebisyon, napakabilis, inirerewind pabalik sa utak ko.

At pagkatapos... si Serene.

Naaalala ko nag-uusap kami sa may deck ng yate. Tapos may narinig kaming sigawan. Pumasok ako at iniwan sya sa labas. Nangako akong babalikan ko sya pero noong bumalik ako roon naabutan ko na lamang syang bumabagsak. Umubo sya ng dugo. May tama sya ng baril sa katawan. Naaalala ko nagkatinginan kami sa mata. Nagniningning ang mga mata nya, punong puno ng pagmamahal dito. At pagkatapos...

Parang huminto ang pagtibok ng puso ko. Bumagsak sya sa tubig at nilamon ng dagat. Tumalon ako upang sagipin sya. Hindi marunong lumangoy si Serene. Sa ilalim ng tubig ay nakita ko sya. Inabot ko ang kamay ko para abutin nya. Malapit nang magdikit ang mga kamay namin sa isa't-isa. Malapit ko na syang maabot patungo sa kaligtasan ngunit humampas ang malakas na pag-alon. Sa isang kisapmata ay naglaho sya sa harapan ko. 

"No."

Tumingin ako sa may bintana. Sa gilid kung saan ko huling nakita si Serene, pilit ko pa rin itong inaabot na baka mali ang iniisip ko, na baka bumalik sya at lumitaw ulit sa paningin ko. Muli kong naalala ang panaginip. Ang panaginip na mawawala sya sa akin, na tatakbo sya palayo, at iiwan ako ng tuluyan.

Ang pag-agos ng dagat... ang pagtangay nito sa akin palayo sa kanya... 

Biglang nanlamig ang buong katawan ko.

"No!"

Si Serene... nawala sya sa akin at wala man lang akong nagawa. 

Sunod ko na lang na nalaman ay sumisigaw na pala ako at nagwawala. Walang tigil na tumutulo ang luha sa aking mga mata. May nakita akong mga pigura na dumating pero wala akong pakialam. Nakaramdam ako na may ininject sa akin pero wala pa rin akong tigil sa pagpupumiglas. Hanggang sa maya't maya ay bigla akong nanghina at bumibigat ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

Bago tuluyang pumikit ang aking mga mata ay naramdaman ko pa ang huling pagtulo ng luha ko rito.

"Serene... hahanapin kita.."

Ang huli kong sambit bago tuluyang nalunod sa panibagong panaginip kasama sya.

Copyright © 2015 by Wistfulpromise. All Rights Reserved.

Author's Note: Para sa mga nagtatanong kung kailan ang update nito, tatapusin ko muna ang lahat ng on-going stories ko bago ako babalik dito. Kung kailan? Hindi ko pa alam. Please do understand. Thank you :) 

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 159K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
6.3M 325K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
1.4M 48.4K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
20.1M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...