POSSESSIVE 11: Valerian Volkz...

By CeCeLib

86.9M 1.6M 493K

LUSTING over Grace Oquendo was not good for Valerian Volkzki's health. He should be working his ass off and f... More

SYNOPSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
AUTHOR'S NOTE - C.C.
EPILOGUE
Special Chapter

CHAPTER 21

1.5M 30.8K 6.5K
By CeCeLib

CHAPTER 21

Valerian woke up without Grace on the bed. He instantly felt annoyed. Nasaan kaya 'yon? "Moon cake?" He grunted. "Moon cake?"

Fuck!

Bumangon siya, saka binuksan ang banyo. "Grace?" tawag niya sa pangalan ng babae.

Fuck!

Wala ito sa banyo pero basa pa ang sahig n'on. Ibig sabihin, naligo na si Grace.

Valerian sighed and took a quick bath. Nang makapagbihis, lumabas siya ng kanyang kuwarto, saka hinanap sa buong kabahayan ang babae.

Twenty minutes had passed, halos nasuyod na niya lahat ng sulok ng bahay pero ni anino ni Grace ay hindi niya nakita.

"Nasaan kaya 'yon?" Napasabunot siya sa sariling buhok. "Baka lumabas ng bahay," pagkausap niya sa sarili.

Naglakad siya patungo sa pinto, saka binuksan 'yon. Napakunot ang noo niya nang makitang papasok sa gate ng bahay niya si Ream. May dala itong paper bag na may nakasulat na Reaveros Jewelry Shop.

"Oliveros," Valerian closed the door to his house and walked towards the gate. "Dala mo na?"

Tumango ito at iniabot sa kanya ang paper bag. "Here's your order. That's one point five million by the way." Ngumisi ito. "Good luck on proposing."

Valerian rolled his effing eyes. "Gee. Thanks." Tinanggap niya ang paper bag. "Ipapadala ko na lang ang tseke sa 'yo."

"Yeah, yeah." Naglakad si Ream palabas ng gate niya, saka sumakay sa kotse nito.

Valerian sighed and took out the white velvet box inside the paper bag. Binuksan niya 'yon, saka napangiti nang makita ang heart-shaped diamond ring.

Perfect.

So perfect for his moon cake.

Itinapon niya sa basurahan ang paper bag, saka ibinulsa ang velvet box at lumabas ng gate. Habang naglalakad patungo sa destinasyon niya, tinawagan niya si Grace.

Panay lang ang ring ng cell phone nito. Kahit nakalimang tawag na siya, hindi ito sumasagot.

He sighed in annoyance. Mukhang umiwi ito nang hindi man lang siya ginigising. He bet she have an emergency in her clinic. Pagdating sa mga aso, nakakalimutan siya nito.

And he admired her for that. Grace would be not Grace if she didn't love animals.

Nang makarating sa CCTV house ng village, binuksan ni Valerian ang pinto at agad niyang nakita si Shun na nakatambay sa harap ng monitor. Mukhang naatasan na naman ito ni Lysander Callahan, ang may-ari ng buong Bachelor's Village.

"Singkit, paki-rewind ng CCTV footage sa labas ng bahay ko," sabi niya, saka umupo sa katabi nitong upuan. "I need to see if Grace left my house before I fucking woke up."

"Stalker." Ipinaikot ni Shun ang mga mata, saka mabilis na tumipa ang mga daliri sa keyboard. "How are you, my man?" tanong nito.

"Don't talk to me," inis niyang sabi.

Tinawanan lang siya ni Shun. "O, hayan na."

Matiim siyang tumitig sa monitor. And there she was, his moon cake, leaving his house in haste.

May kakaibang kaba siyang naramdaman habang nakatingin sa mukha ni Grace. She looked pale, afraid and panicky. Maybe she had a sick patient. Si Grace pa na sobra kung mag-alala sa mga pasyente nito.

Tumayo siya, saka naglakad patungo sa pinto.

"You're welcome!" puno ng sarkasmo na sigaw ni Shun.

Valerian showed Shun his middle finger before stepping out from the house. Tinakbo niya ang pagitan n'on patungo sa bahay niya, saka agad na sumakay sa black sedan niya.

Mabilis siyang nakarating sa clinic ni Grace. Pero laking gulat niya nang makitang nakasara 'yon at naka-lock mula sa labas.

"What the fuck?"

Mabilis niyang binuhay muli ang makina ng sasakyan, saka pinaharurot 'yon patungo sa condo ng babae. Nang maiparada ang sasakyan sa labas ng gusali, malalaki ang hakbang niyang tinungo ang elevator at nagpahatid sa floor kung saan ang unit ni Grace.

Valerian was in haste as he jogged to the unit. Nang makarating do'n, pinanggigilan niya ang doorbell pero lumipas na ang ilang minuto, walang nagbubukas. Naiinis na pinihit niya ang doorknob pero naka-lock 'yon.

Fuck! Fuck! Where is she?!

Nakakaramdam na siya ng takot habang sakay sa elevator pababa. Nang tumigil iyon at bumukas, tumakbo siya patungo sa pinag-iiwanan palagi ni Grace sa aso nitong si Valerian.

And thank God iba na ang bantay roon.

"Is Valerian here?" agad niyang tanong. "Ang aso ni Grace Oquendo."

"Wait a minute, Sir," tugon ng nagbabantay, saka may tiningnan sa logbook at tumingala sa kanya. "Kinuha po niya ang aso niya kaninang mga ala-sais ng umaga."

Fuck! It's already nine-thirty AM!

Patakbo siyang umalis at tinungo ang sasakyan niya, saka parang nakikipagkarera sa sobrang bilis na bumalik sa Bachelor's Village.

Mariing ipinikit ni Valerian ang mga mata. Nararamdaman niyang nanginginig ang kamay niya. Umaatake na ang takot na baka may masamang nangyari kay Grace. He couldn't live with that. Siguradong mababaliw siya kapag may nangyaring masama sa babaeng mahal na mahal niya.

Dumeretso siya sa CCTV house, naroon pa rin si Shun. Nakita siguro nito ang nagpa-panic niyang mukha dahil mabilis itong tumayo at humarap sa kanya.

"What happened?" Shun asked.

Walang sali-salitang nilapitan niya ang emergency button na nakakonekta sa bahay nina Knight, Lander, Ream at Andrius, saka nagsalita sa intercom. "This is Valerian. CCTV house. Now," sabi niya.

"What the fuck, man?!" Napasigaw si Shun sa ginawa niya. "Ano ba'ng nangyayari?"

Humarap siya kay Shun. Isasantabi muna niya ang inis sa kalahi nito. He needed Shun Kim at the moment. Bumaling siya sa pinto ng CCTV house nang pumasok doon ang humahangos na sina Knight, Lander, Ream at Andrius.

"What is it, Val?" Agad siyang inakbayan ni Knight.

"Fuck it, what is happening?" Si Lander na hinihingal.

"Ano ba'ng nangyayari?" sabay na tanong nina Ream at Andrius.

Huminga siya nang malalim. "I need your help." I can't do this alone.

Napasipol si Andrius at ngumisi. "This is a miracle in the making. Si Valerian, humihingi ng tulong sa atin—"

"Nawawala si Grace," putol niya sa ibang sasabihin ni Andrius.

Sabay-sabay na nagmura sina Knight, Lander at Shun. Si Ream naman at si Andrius ay kunot ang noong nakatingin sa kanya.

"Sino si Grace?" sabay na tanong ng dalawa.

"Grace is the woman that I love," sabi niya, saka kinagat ang pang-ibabang labi nang maramdamang kinakain na ng takot ang buo niyang pagkatao.

"Okay. Ano'ng magagawa namin?" tanong ni Knight sa kanya.

Huminga si Valerian nang malalim, saka tumingin kay Lander. "May kaibigan ka sa LTO, 'di ba?" Tumango ito. "Ipahanap mo kung ano ang plate number ni Grace Oquendo." Fuck! I can't lose her! "Shun, pakihanap si Grace sa lahat ng papaalis na eroplano sa bansa. Kung kailangan mong suyurin ang bawat database ng mga paliparan sa buong bansa, suyurin mo." Please, God, keep her safe. I love that woman. "Ream, 'di ba dati ka namang pulis?"

"Yeah," Ream answered. "Ano'ng magagawa ko?"

"May connection ka ba sa 'taas?"

"I could pull some strings," wika ni Ream, saka inilabas ang cell phone mula sa bulsa at may tinawagan.

Kahit paano, kumakalma na siya. "Andrius, can you—"

"On it!" mabilis na tugon nito habang mabilis na nagta-type sa cell phone. "Tatawagan ko si General Salazar."

"'Di ba ama mo si General Salazar?" naguguluhang tanong ni Knight kay Andrius.

"Yes." Andrius grinned and put his phone over his ear.

Pabagsak na naupo si Valerian sa sofa, saka sinapo ang ulo. Please, God, keep the woman I love safe. Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanya. I don't want to lose another person that I love so much!

"Ano'ng magagawa ko?" tanong ni Knight sa mahinang boses.

Tiningala niya ito. "Moral support."

Mahinang itong tumawa at ginulo ang buhok niya. "Gago."

Valerian chuckled. "Pareho lang tayong gago, huwag kang magmalinis."

"What the fuck ever." Ipinaikot ni Knight ang mga mata.

"Lander..." Si Ream 'yon. "Anong plate number ni Grace?"

Mabilis na sinabi ni Lander ang plate number. "Galing ang impormasyon na 'yan sa LTO."

"Good." Inulit ni Ream ang plate number. "That's the plate number, Director Montevo. Tawagan n'yo agad ako kapag may nasagap na impormasyon ang mga bata n'yo," he paused. "Thanks, Sir." Pinatay nito ang tawag, saka tumingin kay Andrius. "Ano na?"

"Dad is already deploying armies in every checkpoint area here in Manila. May mga sundalo rin siyang pinakilos para hanapin si Grace at ang sasakyan nito," wika ni Andrius.

"Shun, ano na?" kinakabahang tanong ni Valerian habang abala rin siya sa pag-contact sa kilala niyang detective. Naalala niya, may kaibigan si Grace na ang pangalan ay Tessmarie. Baka nandoon ang dalaga at kung wala man, baka alam nito kung saan nagtungo si Grace.

"Nakita ko na ang sasakyan ni Grace!" wika ni Shun.

Tumalon siya patayo mula sa kinauupuan, saka humarap sa monitor. "Nasaan?"

"Tsukamoto Pier," sagot ni Shun.

"Pier... pier... Tsukamoto..." Valerian chanted, saka mabilis na tumakbo palabas ng bahay at sumakay sa kotse niya.

Alam niya kung nasaan ang pier na 'yon.

Bago pa niya mapaharurot 'yon, mabilis nang nakasakay si Knight sa passenger seat.

Malakas na inapakan ni Valerian ang silinyador ng sasakyan, saka pinaharurot 'yon patungo sa Tsukamoto Pier. From his sideview mirror, he could see his friends' cars behind his.

Mas lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo. Nang makarating sa pier, umuusok na ang harap ng sasakyan niya pero wala siyang pakialam doon. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at patakbong nilapitan ang pamilyar na sasakyan ni Grace na nakaparada sa isang garahe.

"Sasakyan 'to ni Grace," sabi niya sa mga kaibigan niyang nagsidatingan na.

"Nasaan siya?" tanong ni Shun.

"Fuck! Fuck!" Gusto niyang manuntok at magwala pero walang maitutulong 'yon.

"Sino ho sila?" sabi ng boses mula sa gilid ng garahe.

Lahat sila napatingin sa nagsalita. Medyo may katandaan na ang lalaki.

"Nasaan ang babaeng may-ari ng sasakyang 'to?" agad na tanong ni Valerian sa lalaki. Abot-abot ang kaba niya habang hinihintay ang sagot sa tanong niya.

"Ah, si Ma'am Grace ho?"

"Oo. Siya nga." Unti-unti siyang napapangiti. Thank God. Someone knew his moon cake. "Nasaan siya? Bakit narito ang sasakyan niya?"

"Dito talaga iniiwan ng Pamilya Oquendo ang sasakyan nila tuwing umuuwi sila. Ako ang caretaker ng pier na 'to na pag-aari ng mga Oquendo." Itinuro ng lalaki ang dagat. "Kaninang umaga, mga alas-sais y media, inihatid ko sa speedboat si Ma'am Grace patungo sa isla nila."

Valerian grinned happily. Thanks heavens. Kumalma na rin siya sa wakas. "Puwede mo ba kaming ihatid do'n? I'm Valerian Volkzki, boyfriend ako ni Grace." Hindi naman 'yon kasinungalingan. Label na lang ang wala sa kanila ng babae. "Nag-alala ako sa kanya nang umalis na lang siya bigla sa bahay nang walang paalam."

"Valerian Volkzki?" gagad ng matandang lalaki. "Ikaw si Valerian Volkzki?"

"That's me," mabilis na sabi niya. "Ako 'yon. Bakit mo alam ang pangalan ko?" nagtatakang tanong niya.

May hinugot na papel ang matandang lalaki mula sa bulsa, saka iniabot sa kanya. "Heto po. Sabi ni Ma'am Grace, hindi siya sigurado kung pupunta ka rito pero kung pumunta ka raw at hanapin siya ay ibigay ko raw 'to sa 'yo."

Nagtatakang tinanggap ni Valerian ang papel at matiim iyong tinitigan. Fuck! He was fucking nervous. He knew that this was a letter from Grace. What was inside made him dreadful.

Fuck! Fuck! Fuck!

For the first time since her mother and sister passed away, he felt afraid again. Natatakot siya sa kung ano sng laman ng sulat na iyon.

Valerian took a step back and opened the letter. Grace penmanship was curvy and clear. Nang mabasa niya ang dalawang salita na nakasukat do'n, parang may sumuntok at sumakal sa puso niya.

I'm sorry.

– Grace

Ano ang ibig sabihin n'on? Kinabahan siya bigla. Baka mali lang ang nasa isip niya. Maybe, he was assuming again. Maybe... maybe... this was just a joke from Grace.

But his moon cake didn't joke around.

Ibinulsa ni Valerian ang maliit na papel, saka humarap sa lalaking nagbigay sa kanya n'on. "Puwede mo ba akong ihatid sa isla nila? Kailangan ko lang siyang makausap."

Nag-isip muna ito bago tumango. "Puwede. Sige, tara." Naglakad ang lalaki patungo sa speedboat na nakaparada. Sinundan nila ito.

"Man, kayo na lang," sabi ni Andrius. "Tatawagan ko si Dad na itigil na ang paghahanap."

"Yeah. Me too," sabi ni Ream.

"Sige," sabi niya.

Tanging sina Shun at Knight lang ang kasama niyang sumakay sa speedboat patungo sa isla kung saan naroon ang moon cake niya.

Nang dumaong ang speedboat, agad silang bumaba.

Itinuro ng lalaki ang maliit na pathway. "Tahakin n'yo ang daang 'yan. Sa dulo niyan ay ang bahay nina Ma'am Grace."

"Salamat." Si Knight ang nagsabi n'on.

Sila ni Shun ay agad na naglakad patungo sa daan.

Malalaki ang hakbang nilang tatlo patungo sa bahay ni Grace. Nang makarating sa dulo ng daan, agad nilang nakita ang malaking mansiyon.

Damn! His moon cake was fucking rich!

Sinalubong sila ng isang may-edad na na babae. "Sino ho sila?" magalang nitong tanong.

"I'm Valerian Volkzki," pagpapakilala niya. "Gusto ko sanang makausap si Grace."

"Ah, si Ma'am Grace? Kaalis lang po."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Saan? Pabalik sa Manila?"

Umiling ang babae. "Hindi ko po alam kung saan, Sir. Basta may dalang malaking maleta si Ma'am. 'Tapos nagbilin na baka matagalan silang makabalik na buong pamilya. May sumundo sa kanyang private plane. Doon siya sumakay."

"Wala ka talagang alam kung saan siya nagpunta?" pangungulit niya. "Hindi ba siya nasabi—"

"Wala ho talaga, Sir. Pasensiya na, pero kahit halughugin mo ang buong bahay, wala ho talaga rito si Ma'am Grace," sabi ng babae, saka nagpaalam na sa kanila.

Mahina siyang natawa nang walang emosyon. "What the fuck..." Humarap siya sa mga kaibigan niya. "Maybe, she's back in Manila. Siguro kailangan ko pang maghanap." Ang boses niya ay nawawalan na ng pag-asa. "Hindi naman siya aalis nang walang paalam, 'di ba? Hindi naman niya ako iiwan, 'di ba?"

"Puwede pa akong maghanap," sabi ni Shun, saka inilabas ang cell phone mula sa bulsa at mabilis ang galaw ng mga daliri.

"Oo nga, hindi ka n'on iiwan," wika naman ni Knight, saka tinapik ang balikat niya. "Mahal ka niya, 'di ba? Hindi ka n'on iiwan."

Walang buhay siyang natawa. "She thinks she loves me. Hindi siya sigurado. Grace is innocent, Knight. Hindi pamilyar sa kanya ang emosyong 'yon."

"Still, I believe that we can still find her," sabi ni Shun.

Mapait siyang ngumiti. "She actually left without telling me. Nasaan kaya siya ngayon?"

Shun sighed. "Sorry, Val, kung private plane 'yon, walang record ang kahit anong paliparan. I can't find her. I'm sorry, man."

Hinugot ni Valerian mula sa bulsa ang puting box na may lamang singsing at binuksan iyon. Mahina siyang natawa. "I fucking fell in love for the fucking first time and this is what happened." Isinara niya ang box at malakas na ikinuyom ang kamao. "Sabi niya hindi niya ako iiwan, sabi niya mananatili siya sa tabi ko, pucha naman, eh! Punyeta! Punyeta!"

Knight gripped his arm. "Halika na. Umuwi na tayo."

Parang may sumasakal sa puso niya at para iyong pinipipit sa sobrang sakit. Gusto niyang magwala, gusto niyang sumigaw nang malakas pero wala siyang ginawa ni isa. It fucking hurt like hell. He felt like his heart was being cut into tiny pieces and it was fucking bleeding to death.

Nag-iwas siya ng tingin nang maramdamang may nahulog na mainit na likido mula sa mata niya. Mabilis niyang pinahid 'yon gamit ang likod ng kamay, saka suminghot-singhot at humarap kay Knight.

"Let's go," sabi niya, saka naunang naglakad pabalik sa pinanggalingan nila.



Tumingin si Grace sa labas ng bintana ng ianunsiyo ng Tito Fujii niya na nasa Japan na sila. Si Tito Fujii ang piloto ng pribadong eroplanong sinasakyan nila.

She sighed as she looked down from the plane's window. "Valerian..." bulong niya sa pangalan ng lalaki sa hangin. Her heart was aching. Nami-miss na agad niya ito.

Pero hindi niya puwedeng isipin ang sarili niya, dapat unahin muna niya ang pamilya niya. Titikisin niya ang nararamdamang pagka-miss sa lalaki.

Pero ang sakit sa puso niya, bumiyahe 'yon patungo sa mga mata niya at naging luha na nalaglag sa pisngi niya.

"God..." Kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. "I will miss you, Valerian. Very much." Naramdaman niya na lumapag ang eroplanong sinasakyan. She sighed. "God, please bless me."

Ipinikit niya ang mga mata, saka tinanggal ang seat belt at lumabas ng eroplano. Sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
56.1M 1.1M 26
There are three words to describe the famous Dr. Ymar Stroam who owns the very successful and well known YS Pharmaceutical. Serious. Intimidating. An...
41.2M 873K 27
With his amethyst eyes, to die for smile and gorgeous body, Lash Coleman was a very handsome male specimen. Girls fall at his feet, but he never catc...
65.7M 1.2M 28
She was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was Lysander's life before he started desir...