Her Unwanted Love (Salvador S...

By teensupreme

3.7M 53.6K 1.6K

Gremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants s... More

Her Unwanted Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 33

76.7K 1.3K 28
By teensupreme

Chapter 33

Some people push others away because they don't want to get hurt. Others push people away because they got hurt.

***

"Lorraine," nilingon ko ang pagpasok ni Vera sa aking office.

"Yes, Vera?" I drifted off my sight from her face to her hand. May bitbit syang malaking bouquet ng salmon colored cabbage roses. Pinanliitan ko siya ng mata nang ilapag niya sa aking table ang bitbit na mga bulaklak.

For me? Hmm. "Para sa akin iyan?"

"Yup!" she sheepishly smiled. "In fairness sa secret admirer mo ah? Sobrang gwapo, as in!" Halos hysterical nyang saad sa akin. Gwapo? Does that mean kilala nya itong nagpapadala ng bulaklak sa akin?

"Who is it, Vera?" tanong ko at sinilip ang bouquet. Hmm, umabot na agad sa ilong ko ang halimuyak ng roses. Bango!

"Naku! Sikreto para bibo!" Humagikgik siya sa akin. "Alis na nga ako, naiinggit na ako dyan sa bouquet na iyan eh. Hmp! Bye!" Agad syang nag-martsa palabas ng opisina ko.

Inamoy ko muna ang roses at ano pang aasahan ko diba? Sobrang bango talaga! May resemblance nga sya ng perfume ko eh. Sinilip ko kung mayroong card and good thing dahil mayroon. It says:

Love, I'll be fetching you at six.

- K x

Nangunot ang noo ko. Ito na naman ang nagpapadala ng roses na mayroong 'K' ang card. And this time, tinawag pa akong 'love'? Love? A memory flashed in my mind.

"You were so cute blushing, love."

"That's why I love you. Thank you, love"

"You're beautiful, love ..."

Iisang tao lang ang alam kong tumatawag sa akin ng ganun.

Agad akong napahawak sa aking leeg. Yes, I'm still wearing the necklace he gave me years back. Gusto ko na sanang itapon at pakawalan ang mga bagay na nakakapag-paalala sa akin sa kanya pero hindi ko magawa. Sa tuwing ina-attempt kung gawin na malimutan ang lahat sa kanya ay nasasaktan ako at nasasayangan. Hindi ko malaman kung bakit hindi ako maka-move-on nang tuluyan after all these years. Yes, mahal na mahal ko pa rin si Keaton. Sobrang mahal na hindi ko alam kung magdudulot ba siya ng sakit sa akin muli ay matatanggap ko pa rin siya.

But I won't give him the pleasure of accepting him back like nothing happened at all. Gusto kong pahirapan siya, sa paraan na malalaman kong deserving siyang maging ama sa mga anak namin.

Bumaba agad ako pagkatapos mag-meeting ng team namin. Bitbit ko ang malaking bouquet kaya naman panay ang tukso ng mga office mates ko. Naglalandi na daw ako, mga sira talaga. Naku! Dumaan ako sa reception at tinanong si Claire kung may naghihintay ba sa akin. Pero nginisihan lamang ako at parang kiti-kiting nginuso ang lobby kung saan naroon ang mga couch at sofa para sa mga guests.

I can't help but feel giddy seeing him. Ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Hindi man lang nagbago. Confirmed ko na talagang tanga ako dahil minamahal ko pa rin ang taong nanakit sa akin.

Mahina akong naglakad papunta sa kanya. Nakayuko sya at nakapatong ang dalawang siko sa mga tuhod na para bang may malalim na iniisip. Humulma ang kanyang biceps at malapad na dibdib sa suot na puting long sleeves na tinupi hanggang siko. Tumikhim ako dahilan para mapa-angat siya ng tingin sa akin. I flashed a straight face.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Napatingin siya sa hawak-hawak kong bouquet na bigay niya bago ako tinignan sa mata. "Uhm, s-sinusundo ka and i-invite you to d-dinner sana kung p-papayag ka."

Huminga ako ng malalim para pigilan ang pagngisi. He keeps on stuttering and it was so damn funny. "O-Okay," ani ko't diretsong naglakad palabas ng building namin.

Mabilis siyang nakasunod at agad na tinakbo ang kanyang kotseng nakaparada na sa harap ng building para pagbuksan ako ng passenger seat.

"Thanks," I muttered. Nilapag ko ang bouquet sa aking hita matapos itong amuyin muli. Agad naman syang pumasok sa driver's seat at binuhay na ang kotse.

"Saan mo gustong kumain? H-Hindi ko pa alam kung anong m-magandang kainan dito sa Cebu eh." Mabilis niya akong nilingon at binalik rin ang tingin sa daan.

"Hmm, diretsuhin mo lang at sasabihan kita," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"O-Okay."

Natapos ang tahimik namin na dinner ni Keaton sa isang Mexican restaurant. Naisipan pa nga nyang magtake-out ng pizza at mojos para sa mga bata. Nang tinigil niya ang sasakyan sa harap ng gate ay mabilis syang lumabas sa driver's seat at pinagbuksan ako ng pinto. Mahina akong nagpasalamat na kinatango niya.

"Uhm, saan ka nga pala nag-iistay ngayong nasa Cebu ka?"

"Nagcheck-in ako sa isang hotel malapit sa building ng Rodav Telecomm," sagot nya sa akin.

"Ah, dito ka na matulog ngayong gabi." I want to congratulate myself dahil diretso ko iyong nasabi nang nakatingin pa sa kanya. Nasamid yata sya sa sariling laway kaya napasinghap siya.

Besides, nami-miss na rin kasi siya ng kambal. Dalawang araw na syang hindi pumupunta sa bahay dahil busy sya sa ginagawang bagong tower ng Rodav Telecomm sa Cebu. Hindi ko nga alam kung nagkataon lang ba na ngayon talaga schedule na gagawin o pinagawa nya lang ngayon dahil narito siya sa Cebu at hinahanap kami.

"S-Sige," ngumiti ako pagtalikod ko sa kanya.

Sinalubong agad nila ng yakap at halik si Keaton. Miss na miss nila ito at hindi sila magkamayaw sa pagkwento kung ano ang mga ginawa nila habang wala ang ama. Si Gale ay ayaw nang humiwalay sa leeg ng ama kaya napilitan akong papasukin si Keaton sa kwarto ko upang sa banyo ko paliguan ang mga bata dahil naroon ang malaking bathtub. Matapos silang paliguan ay ako na ang nagbihis sa kanila. Nagtatatalon sila sa kama ko habang nilalaro ng ama.

"D-Dito kami mag-s-sleep mommy!"

Malaki naman ang kama ko upang doon sila matulog pero talagang sinasanay ko silang matulog sa sariling kwarto. Lumalaki na sila, dapat nga ay tinuturuan ko na silang maligo nang sila lang pero natatakot naman akong madulas sila sa banyo.

"Hmm, sige," tumango ako sa dalawang cute at biluging mukha sa harap ko. I looked at Keaton's direction. Para syang nagtatanong na ewan sa akin. "Dito ka na din matulog."

"S-Salamat ..."

Tulog na ang kambal at si Keaton nang lumabas ako para tawagan sina mommy at daddy. Hindi ko kasi matiis na hindi sabihin sa kanila na gustong bumalik ni Keaton sa buhay ko at ng mga bata.

"Hello?" ang boses ni mommy ang bumungad sa akin. Binuksan ko ang pinto at umupo sa front porch.

"Hello, mommy?"

"Yes, Grem? Anything wrong, anak?"

"W-Wala naman po. Ayos lang kami ng kambal," sagot ko.

"Awwe! We miss them so much already! Makulit pa rin ba? Naku! Baka nahihirapan kang bantayan sila dyan ng iisa lang ang katulong? Dagdagan mo kaya ang yaya nila?"

"Naku! Hindi na. Baka maspoil pa ang dalawa porke't maraming nagbabantay sa kanila."

"Oh, okay. Miss ka na rin namin ng daddy mo at ni kuya Gavin mo. Konti nalang naman, anak at uuwi na kami."

"We'll wait for that, mmy," I smiled.

"Matamlay yata ang boses mo ngayon, Grem? May problema ba?"

"Uhm," I heaved a sigh before I drop the bomb. "K-Keaton is here ..." napatingin ako sa pinto papunta sa aking kwarto kung saan naroroon ang mag-ama ko. Binalik ko ang tingin ko sa madilim na kalangitan.

"S-Since when? K-Kumusta ka?"

Mapait akong ngumiti. My mother's voice makes me wanna cry. Dahil naaalala ko kung ano ang dinanas ko noon habang binubuntis ang kambal at kung paano nila ako sinuportahan. "I-I'm good, yeah." Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan. "P-Pero inaalala ko ang k-kambal kasi b-baka umalis nalang si Keaton tapos maiiwan kami sa ere."

"Oh, so they know already? How did they take it? T-Tinanggap ba nila?" sunud-sunod na tanong ng ina ko.

"Of course. They were genuinely happy, ma. Feeling ko nakumpleto sila nang malaman nilang may daddy sila. Even the quiet and mysterious Gray became a playful brat. Sobrang attach nila kay Keaton, ma at sobrang natatakot naman ako. P-Paano kung ..."

"Paano kung biglang umalis at iwanan kayo? Paano kung bawiin ang mga bata mula sa'yo? Ano ba ang kinakatakot mo, anak?"

Napapikit ako. "Both, mom. I feared both. Though he told me he want us - the kids and I in his life, hindi pa rin ako makampante, mom. Napupuno pa rin ng takot ang puso ko sa tuwing naiisip ko kung paano biglang lumitaw si Keaton muli sa buhay namin ay ganoon rin siya kadaling mawawala at iiwanan lamang kami."

"I understand your point, Grem. But if the kids want him in their life, why not take a risk, right? Para makumpleto ang pamilya ninyo at sumaya ang mga bata. Kapag ina ka na, Gremaica, almost all the time hindi mo na naiisip ang kapakanan mo, you think of your child's happiness first. Kasi sa tuwing nakikita mo silang masaya, doon napapanatag ang loob mo."

Tumango-tango ako sa tinuran ni mommy. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya dahil totoo iyon. Kaya nga natatakot ako hindi lang para sa sarili ko, para sa mga anak ko.

"Do you still love him, Gremaica? Do you still yearn for a happy family with him?"

Pinalis ko ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata. "Y-Yes ... I love him so much it h-hurts."

"Good. Now, are you willing to take the risk, Gremaica?"

"H-Hindi ko a-alam," sumigok na ako dahil hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. "N-Natatakot ako, mommy. Natatakot akong p-papasukin syang muli sa buhay ko. N-Natatakot akong m-masaktan niya. A-Ayoko na, hindi ko na kakayanin. Ayokong masaktan m-muli. A-Ayoko. It would be too much for me to bear dahil hindi nalang ako ang masasaktan kung sakali, how would Gray and Gale take it i-if ever."

There, I burst it all out. Humikbi na ako at narinig ko ang pag-alo ni mommy sa akin sa kabilang linya. Sinubukan kong pahiran ang mga luhang patuloy na lumalandas sa aking pisngi pero ayaw nilang tumigil kaya napatakip nalang ako sa aking bibig.

I froze when I felt warm hands that possessively wrapped me around from the back. I suddenly feel like I'm home to where I truly belong.

"I'm so sorry, love. I'm really sorry. I'm sorry. I love you." Mas lalo akong napaiyak nang marinig ang boses si Keaton. "Damn, please stop crying."



Continue Reading

You'll Also Like

44.9K 2K 40
Paano nga ba masusukat ang pagiging mabuting anak? Parisein Jinri didn't expect na in just one night and one question ay magbabago ang lahat- ang pa...
244K 4.9K 39
Hoping for a second chance after a sudden break-up, troublemaker Allison enjoys a no string attached setup with her long-time archenemy at a high sch...
95.9K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
115K 2.5K 23
"...now it is clear, my devotion is a fire that will never perish." - PEREGRINE TYR SELLOZZO R-18 COMPLETED