POSSESSIVE 11: Valerian Volkz...

By CeCeLib

86.9M 1.6M 493K

LUSTING over Grace Oquendo was not good for Valerian Volkzki's health. He should be working his ass off and f... More

SYNOPSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
AUTHOR'S NOTE - C.C.
EPILOGUE
Special Chapter

CHAPTER 17

1.8M 35.2K 6.7K
By CeCeLib

CHAPTER 17

Maraming naging pasyente si Grace sa araw na 'yon. Halos hindi niya namalayan na hapon na. Sa sobrang dami, nakalimutan na niyang kumain ng lunch dahil naging abala siya.

Pabagsak siyang naupo sa swivel chair nang wala nang tao sa clinic. At last, makakapagpahinga na rin siya.

Kinuha niya ang cell phone sa bag, saka tiningnan kung may mensahe siyang natanggap.

Thirty-five miscalls and twenty messages.

Napanganga siya. At lahat 'yon ay galing kay Valerian. Holy mother of God. Baka nag-alala 'yon nang hindi niya sinasagot ang tawag.

Akmang tatawagan niya si Valerian nang bumukas ang pinto ng clinic.

"I was worried, damn it!" It was Valerian who entered, and he was fuming mad. "Hindi mo sinasagot ang tawag ko, hindi ka nagre-reply sa text ko. Fuck, Grace, mababaliw ako sa pag-aalala sa 'yo. Dapat nasa board meeting ako ngayon, but I'm here because I'm fucking worried that something bad happened to you and—"

"I was busy," sansala niya sa iba nitong sasabihin. "Pasensiya na. Ang dami ko kasing pasyente."

Lumambot ang mukha nito. "God, Grace." Bumuntong-hininga ito. "I was so worried."

"I know. Nakikita ko sa mukha mo," sabi niya saka lumapit dito at kinuha ang aso niyang si Valerian na karga-karga nito. "Pasensiya na. Hindi ko sinasadyang pag-alalahin ka. Marami lang talaga akong pasyente kaya hindi ko napansin na tumatawag ka." Ginawaran niya ng halik ang mga labi nito. "Sorry na, huwag ka nang magalit," paglalambing niya, saka niyakap ito sa baywang. "Hindi na po mauulit."

Valerian sighed. "Para namang kaya kong magalit sa 'yo nang matagal. Nag-alala lang talaga ako sa 'yo nang sobra. Akala ko napano ka na." Sinapo nito ang mukha niya, saka hinaplos ng hinalalaki ang pisngi niya. "Nawala na ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko, ayokong mawalan uli ng isa pa, moon cake. Lalong-lalo na kung ikaw ang mawawala sa akin. Truth to be told, I'm afraid to lose you." He pressed his forehead against hers. "You become a vital part of my life and losing you is like losing a part of my body, maybe my heart."

Naguluhan si Grace. "Valerian, hindi ko kukunin ang puso mo kung aalis man ako. Ayaw kong mamatay ka. Baliw ka talaga."

Mahina itong natawa. "Aww. My very literal thinker moon cake." He pressed his lips on hers. "Ito na lang." Nginitian siya nito. "Ikaw ang puso ko. Kaya kung mawawala ka, para na ring nawala ang puso ko."

'Yon ang nagpangiti sa kanya nang sobrang lapad. Tumibok nang mabilis ang puso niya kasabay ng kilig na naramdaman. "I am your heart?"

"Yes."

"You are my heart too," madamdaming sabi niya. "Kaya huwag kang mawawala dahil mamamatay ako. Figuratively speaking," pahabol niya na ikinatawa ni Valerian. "Anyway, wala pang alas-singko. Bumalik ka na sa office mo. Didn't you tell me that you should be in a board meeting right now—"

"Fuck! Fuck!"

Napangiwi siya sa pagmumura na naman nito. "Valerian!"

"Sorry." Napangiwi ang lalaki. "Sige, aalis na ako." He kissed her lips. "Sunduin kita mamaya sa condo mo."

She instantly smiled. "Yes, Sir."

Nagdilim ang mukha ni Valerian. "Don't call me that."

Napakagat-labi si Grace. "Sorry, baby."

Doon lumiwanag ang mukha ni Valerian. "Great." Hinalikan uli siya nito, saka nagmamadaling lumabas ng clinic niya.

Napangiti siya habang nakatingin kay Valerian na nagmamadaling sumakay sa black sedan nito.

Napaka-weird talaga ng lalaki. Ito ang taong napakadaling mag-alala at napakadaling magalit na parang bombang sumasabog. Pero ito rin ang nakilala niyang lalaking sweet at mahalay.

Natawa si Grace sa panghuling naisip. Mahalay talaga si Valerian. Sigurado siya do'n. Kasi naapektuhan na siya sa kahalayan nito. Kapag kasama niya si Valerian, all she could think about was undressing him, taking him to bed kissing his chest, sucking him and making love with him.

Feeling niya ay adik siya. Pero hindi naman yata kasi kay Valerian lang naman siya ganoon, hindi sa ibang lalaki. Kaya masasabi niyang kay Valerian lang siya adik.

Bumuntong-hininga siya, saka naghanda na para umuwi.



Mag-a-alas-sais na ng gabi pero wala pa si Valerian at ayos lang 'yon kay Grace. Hindi kasi siya makapag-decide kung ano ang susuotin.

For the first time in her life, she wanted to look beautiful for a guy. She wanted to look perfect.

Sabi ni Valerian ay dinner party daw sa bahay ni Knight Velazquez ang pupuntahan kaya she wanted to look best. Para maipagmalaki siya ni Valerian.

She called Tessmarie.

"Girl, napatawag ka. May kailangan ka?" agad na tanong ng kaibigan.

Huminga siya nang malalim. "May pupuntahan akong dinner party kasama si Valerian. And I don't know what to wear." Nagpa-panic na siya. "Please, tulungan mo ako."

Tessmarie giggled. "Leave it to me."

"Nandito ako sa condo."

"I'll be there."

Nakahinga na nang maluwang si Grace sa narinig. She hanged up and waited for Tessmarie to arrive.

After twenty minutes, Tessmarie entered her house.

"Okay, girl. Ipakita mo sa 'kin ang mga damit mo," agad nitong sabi nang makapasok sa unit niya.

Hinila niya si Tessmarie patungo sa kuwarto niya, saka binuksan ang closet. "Hindi ako makapili," sabi niya.

Nagmamadaling inisa-isa nitong tiningnan ang naka-hanger niyang mga damit. Napatigil ito sa pag-iisa-isa sa mga damit niya nang makita ang itim niyang damit na iniregalo ni Nali sa kanya noong kaarawan niya.

Grace bit her lower lip. "Sa tingin mo bagay 'yan?" tanong niya.

Ngumisi si Tessmarie. "Yes! Bagay 'to sa 'yo." She sounded excited. "Bagay na bagay 'to sa 'yo, girl!"

Huminga siya nang malalim. "Sige. I'll try it on."

Tessmarie wagged her eyebrows at her. "Go on," she urged her. "Isuot mo na."

Kinuha niya ang damit, saka tumakbo patungong banyo at nagbihis. Nang lumabas siya, napatili si Tessmarie.

"Ayie!" Mabilis itong lumapit sa kanya, saka hinawakan siya sa baywang at sinuri ang katawan niya. "Wow. Ang sexy mo, girl!" Ang lapad ng ngiti nito. "Bagay na bagay."

Napangiti si Grace habang nakatingin sa salamin. Hapit na hapit sa katawan niya ang tube dress na suot, kita ang maputi at makurba niyang baywang. Para ngang naubusan ng tela ang damit niya dahil hanggang kalahati lang iyon ng hita niya. Her back was bare, down to the base of her spine. All in all, ang sexy ng damit niya at nasisiguro niyang magugustuhan 'yon ni Valerian.

"This is it," sabi niya, saka ngumiti. "Now, I have to do my hair."

"Tutulungan kita," wika ni Tessmarie, saka sinuklay ang buhok niya.

Ten minutes later, her hair was in well-styled bun, with curly hair strands flowing down her bare neck.

"Hayan, ang ganda mo na," nakangiting sabi ni Tessmarie habang nakatingin sa salamin. "Anyway, ako'y aalis na kasi baka dumating si Valerian."

Humarap siya rito. "Maraming salamat, Tessmarie."

"Welcome." Ngumiti sa kanya ang kaibigan, saka umalis na ng unit niya.

Huminga si Grace nang malalim, saka hinintay si Valerian sa sala. Minutes later, the doorbell rang.

Napangiti siya. Valerian was here.

Mabilis niyang binuksan ang pinto at napangiti nang makita ang lalaki. He was wearing simple black faded jeans, Italian shoes and a statement dark blue T-shirt saying, "Keep Calm and Fuck me."

Napakurap-kurap siya sa nakasulat sa damit nito. "Pati ba naman T-shirt mo, nagmumura?"

Sa halip na sagutin siya, nanlilisik ang mga mata nito sa damit na suot niya.

Grace looked down at her dress. "May masama ba sa damit ko?" she innocently asked.

"Masama?" Napakadilim ng mukha ni Valerian habang iminumuwestra ang kamay sa damit niya. "Fuck, Grace, that's a very sinful dress! You are not wearing that! Not fucking wearing!" Hinapit siya nito palapit, saka hinila papasok sa loob ng unit. "Change! Fucking change your dress, moon cake. Hindi ka lalabas na iyan ang suot mo. And why the hell was your curves bare?! And why the fuck is your back open?! That dress is not decent! Take it off, now, Grace. Take it off!"

He was fuming mad and she didn't understand him at all.

"Hindi ako maganda sa damit ko?" tanong niya sa lalaki na halatang galit pa rin.

"Maganda ka pero—"

"'Yon naman pala, eh." Nagmatigas siya. "Hindi ako magpapalit ng damit."

"No, you're changing! That dress is a work of a devil! Dapat ang suot mo ay turtleneck na damit na hanggang paa ang haba—"

"Ayoko." She liked the dress. "I like this dress and I'm not changing." There was firmness in her voice.

"No, magpapalit ka, ngayon din—"

"Ayoko nga!" sigaw ni Grace sa sobrang inis. "I wore this because I thought you'll like it. Nagpaganda ako para sa 'yo, 'tapos pinagpapalit mo ako ng damit? Valerian, sinasaktan mo ako. Naiiyak na tuloy ako." Suminghot-singhot siya. "Ayaw mo sa damit ko—"

"Shit!" He quickly embraced her. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Ayoko lang na may makakitang lalaki sa 'yo sa ganoong itsura. Your sexy body is mine and mine alone, Grace." Humigpit ang yakap nito sa kanya. "You. Are. Mine. And this dress is awakening the possessive side of me. I'm possessive of what's mine, moon cake." His voice is dark and dangerous. "And you happen to be mine." He gripped his waist. "Mine. Mine. Mine. And mine."

"Valerian—"

"No. Magpalit ka."

Umiling si Grace. "Hindi ako magpapalit. Isinuot ko ang damit na 'to para sa 'yo, at sabi mo maganda ako, kaya hindi ako magpapalit."

"Grace, please..."

Mabilis siyang umiling. "Nasa ref ang cupcake. Nakalagay sa kulay-pink na box. Pakikuha na lang." Kumawala siya sa pagkakayakap nito, saka nilampasan ito at lumabas ng condo niya.

Truthfully, she was afraid. Baka sa galit ni Valerian ay iwan siya nito. Pero nilabanan niya ang takot na nararamdaman. The dress shouted her individuality as a person. Kapag pinalitan niya ang napiling damit, mawawala ang personalidad niya bilang siya.

She respected Valerian's individuality, he should to.

Nang bumukas ang elevator, sumakay siya. Si Valerian naman ay nakahabol bago 'yon sumara. Dala-dala nito ang box ng cupcake na gawa niya.

Inirapan niya ito nang magtama ang mga mata nila at hindi ito kinibo.

"Moon cake?"

Hindi siya kumibo.

"Moon cake?"

She stayed silent.

"Grace, talk to me." May pagmamakaawa sa boses ni Valerian.

Her heart stayed hard. Hindi siya kumibo hanggang sa makarating sa ground floor ang elevator. Walang imik siyang lumabas, saka naglakad patungo sa nakaparadang sasakyan ni Valerian.

Nang marinig na binuksan nito ang lock ng pinto, walang imik pa rin siyang sumakay sa passenger seat, ipinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib, saka hinintay itong makapasok.

Hindi pa rin niya kinibo si Valerian habang nagmamaneho ito. Panay ang tawag nito sa pangalan niya at sa endearment nito para sa kanya pero nagpanggap siyang parang walang naririnig.

Grace was really irritated at Valerian. Oo nga at ignorante siya sa ibang bagay sa mundo at palagi siyang masaya at nakangiti pero marunong naman siyang mainis, mairita at magalit. At ang tatlong 'yon ang nararamdaman niya ngayon.

"Grace, kausapin mo naman ako," sabi ni Valerian nang iparada nito ang kotse sa labas ng isang Spanish-styled mansion. Napakalaki n'on. Nakakalula ang laki. "Grace, please... parang awa mo na. Please..."

She sighed and faced him. "What?" inis niyang tanong.

"Moon cake, please, huwag ka nang magalit—"

"At bakit?" mataray niyang tanong. "I'm angry at you for treating me like that. Valerian. Inirerespeto ko kung sino ka, kung ano'ng pinaggagagawa mo at kung ano'ng ugali mo. You should respect me too! I chose to wear this dress, even if you don't like it, shut the fuck up and respect my decision!" Inilalabas niya ang galit at nasapo niya ang bibig nang mapansing nagmura siya. She looked at Valerian, horrified.

Nanlalaki ang mga matang nakatingin ito sa kanya. "You cussed," sambit nito na halatang nagulat. "You fucking cussed." Bumuga ito ng marahas na hangin. "Ganoon ka kagalit sa 'kin?"

Bumuntong-hininga si Grace, saka napatungo. "I'm sorry. I didn't mean to cuss you. Galit lang talaga ako sa 'yo. Kasi naman, eh, nakakainis. Yes, Valerian, I'm yours but don't decide for me if I didn't ask you to. May sarili akong isip, may sarili akong desisyon, huwag mo akong diktahan."

Nawalan ng imik si Valerian habang titig na titig sa kanya.

"I'm sorry," hingi niya ng tawad uli. "Sana hindi mo ako iwan kasi nagalit ako sa 'yo—"

"Kahit gustuhin kong iwan ka, hindi ko na kaya," sansala nito sa iba pa niyang sasabihin. "And why would I leave you just because you're mad? Hindi naman ako ganoon kababaw, Grace. Hindi ganoon kababaw ang nararamdaman ko para sa 'yo." Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. "I'm sorry kung sa tingin mo dinidiktahan kita. That wasn't my intention but I'm really sorry that I made you mad. Nagseselos lang naman ako sa mga lalaking makakakita sa 'yo na ganyan ang damit mo. Natatakot ako na baka kapag nagkainteres sila sa 'yo at ligawan ka, mas piliin mo sila kaysa sa'kin."

Tumaas ang kilay niya. "Ligawan?"

"Yes, ligawan. Like what I've been doing."

Dalawang kilay na niya ang tumaas. "Nanliligaw ka sa 'kin?"

"Bakit? Hindi ba halata?"

Napakurap-kurap siya. "Hindi ka nagsabi."

"Akala ko alam mo." Ihinilamos ni Valerian ang mga palad sa sariling mukha. "Fuck!" Inuntog nito ang ulo sa manibela. "Fuck!"

Mahina siyang natawa. Dahan-dahan nang nawawala ang galit niya. "Nanliligaw ka ba sa 'kin?"

Mabilis itong tumingin sa kanya. "Oo. Nanliligaw ako."

"Talaga?"

"Oo nga, sabi."

Malakas siyang tumawa. "Okay."

Valerian sighed. "Ang tanga-tanga ko." Napailing-iling ito at matiim na tumitig sa mga mata niya. "Kung tatanungin kita ngayon kung puwedeng manligaw, ano'ng isasagot mo?"

She smiled at him. "I would say yes. You can court me."

Lumiwanag ang mukha nito. "Talaga?"

Tumango si Grace "Talagang-talaga."

He grinned. "Good God. I think I'm in heaven."

Natatawang tinampal niya ang balikat nito. "Halika na nga. Lumabas na tayo ng sasakyang 'to."

Nakangiting tumango si Valerian, saka sabay silang lumabas ng black sedan. Dala nito ang ginawa niyang cupcake na nakalagay sa box. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

65.7M 1.2M 28
She was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was Lysander's life before he started desir...
56.1M 1.1M 26
There are three words to describe the famous Dr. Ymar Stroam who owns the very successful and well known YS Pharmaceutical. Serious. Intimidating. An...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
41.2M 873K 27
With his amethyst eyes, to die for smile and gorgeous body, Lash Coleman was a very handsome male specimen. Girls fall at his feet, but he never catc...