World War III: Ang Hinayupak...

By valerie_salcedo

3.2K 141 5

Sa magulong pag-ibig para sa tatlo, kilalanin natin ang mga sundalo ng pag-ibig: ang ipokrita, ang babaeng w... More

World War III: Ang Hinayupak, Ipokrita at ang Perpekto
CHAPTER I
CHAPTER II
CHAPTER III
CHAPTER IV
CHAPTER V
CHAPTER VI
CHAPTER VII
CHAPTER VIII
CHAPTER IX
CHAPTER X
CHAPTER XII
CHAPTER XIII
CHAPTER XIV
CHAPTER XV
CHAPTER XVI
CHAPTER XVII
CHAPTER XVIII
CHAPTER XIX
CHAPTER XX
CHAPTER XXI
CHAPTER XXII
CHAPTER XXIII
CHAPTER XXIV
CHAPTER XXV
CHAPTER XXVI

CHAPTER XI

87 7 0
By valerie_salcedo

CHAPTER ELEVEN

“Sorry talaga! I’m very sorry. Patawad. Alam ko walang kapatawaraan ang ginawa ko. Ayos lang na magalit ka, basta ang mahalaga humingi ako ng tawad. Sorry Max, sorry,” dirediretsong sabi ni Lance.

Napasandal ako sa mataas na bookshelf sa di mataong parte ng bookstore. Nakayuko pa rin si Lance. Tsinoy nga sya. Mahilig yumuko.

“Ayos lang. Hindi ako galit. Medyo kasi…”

Hindi ko na naituloy. Huminga na lang ako ng malalalim. Inangat naman ni Lance ang kanyang ulo at tumitig sa akin. Kitang-kita ang pagsusumamo sa kanyang mukha lalo na sa kanyang mata.

“Max, alam ko napahiya ka. Sorry. Pero wag kang mag-alala: handa kitang panagutan.” Tumitig siya sa akin. Napamulangat naman ako. Panagutan? Ano ako buntis!

“Panagutan?!” gulat kong tugon.

Napailing si Lance.

“Sorry mali yung term na nagamit ko. Ang gusto ko lang sabihin handa akong maging boyfriend mo para hindi ka mapahiya.” Nakatitig pa rin siya sa akin. Puno ng pag-aalala. Ang kanyang mukha at halatang hindi siya mapakali.

“Lance. Ang pagkakaroon ng boyfriend hindi instant. Wag mo pilitin ang sarili mo. Hindi naman kita pinipilit tsaka ayos lang naman ako. Alam mo mukha kang irretable. Ayos ka lang? Umuwi ka na kaya.” Hindi nakapagsalita si Lance. Huminga siya ng malalim. Yumuko at tila pumikit. Umiling-iling tapos ay bigla akong sinunggaban. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinitigan ako ng napakaseryoso. Huminga siya ng malalim at biglang nagsalita.

“Mali ka ng iniisip Max.” Huminto siya at lalo pa akong tinitigan.

“Ngayon ko lang gagawin ‘to . Max, ang totoo, ma- ma- ma- ma- ma- ha-maha- maha---”

“Ehem!”

Natigilan si Lance at sabay kaming napalingon sa aming tabi.

Nakatitig sa amin si Vince. Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa na para bang may leprosy kami at diring-diri siya.

“Bookstore ‘to. Hindi ito park, banyo o prívate room para mag-ano-kwan kayo dyan. Humanap nga kayo ng tamang lugar. Nakakadiri!”

Tumalikod si Vince para kumuha ng libro sa kabilang shelf, pero bago pa man siya makahawak ng libro ay hinatak ko na ang buhok niya.

“Aray!”

“Hoy Vince! Linisin mo nga ‘yang utak mo! Polluted na! Wala kaming ginagawa na kahit na ano! Tarantado ka talaga!”

Tinulak akong bigla ni Vince.

“Bakit ka nananabunot! Ang yabang mo! Kung wala kayong ginagawang masama bakit andjan kayo? Alam nyo bang pwede kayong mapalayas sa school kapag nakarating sa kanila ang ginawa ninyo! Mga bastos!”

Galit na galit na sabi ni Vince

“Bastos!? Wala kaming ginagawang masama!”

Pagtatanggol ko naman sa amin ni Lance. Lumapit bigla si Lance kay Vince. Tumayo siya sa harapan ng bansot at malumanay na nagsalita.

“Vince, wala kaming ginagawang masama. Ang totoo nyan nandito ako para humingi ng sorry kay Max.”

Tinitigan ni Vince si Lance

“Sabi na nga ba. Joke lang ‘yung sa wedding booth kanina. Sa bagay obvious naman. Sino ba naman ang magkakagusto sa babaeng tulad ni Max na pa –”

“Tama na Vince!” galit na sigaw ni Lance.

“Tama ka, maaaring hindi ko nga siya girlfriend pero nandito rin ako ngayon para sabihin kay Max na, na, na, mahal ko siya. At alam mo ba Vince? Hanggat nandito ako, hindi mo na pwedeng laitin at pagtaasan ng boses si Max, dahil ako mismo ang makakalaban mo.”

Nagkatinginan sila. Mata sa mata. Seryoso silang pareho, para ngang may kidlat-kidlat pa sa mga mata nila. Hanggang sa basagin ni Vince ang katahimikan.

“Hindi ko alam kunga bakit gusto mo sya. Pero, alam mo pareng Lance, maraming atraso sa akin ‘yang mahal mo, at wala kang karapatan para pigilan akong gumanti, kahit ikaw pa ang makabangga ko.” Tumalikod si Vince at naglakad palayo.

“Goodbye Mr. And Mrs. Sy.” Pahabol pa niya.

Naiwan na naman kami Lance sa isolated na parte ng bookstore. Kasalukuyan pa lang nanunuot sa pagkatao ko ang sinabi ni Lance kanina.

Mahal nya daw ako? Mahal nya ako?....................

Pusanggala Maxine mahal kan nya! Jackpot ‘tol! For the first time may na-inlove rin sayo, gwapo na, matalino na, multi talented na, rich pa! Jackpot! Pag sinuswerte ka nga naman! Ah! Ang haba ng hair mo Max!

“Max, I love you.”

Natigilan ako sa pag-iisip at napatitig kay Lance. I love you daw? I love you nga.

“Can you be my girlfriend?” hinawakan ni Lance ang kamay ko at tinitigan niya ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko nang mawalan ng malay hindi na ako makahinga. Anong sasabihin ko? Sasabog na ata ang puso ko! Gusto raw niya akong maging girlfriend at mahal nya raw ako. Well i think i like him, but like only not love. Crush ko sya meaning I admire him. Mapansin nya lang ako at maging close kami, mag besfriend okay na, pero ‘yung maging girlfriend, ibang usapan na ‘yon.

“Lance nakakagulat ka naman.” Sabi ko sabay tawa ng pilit.

“Alam ko nakakabigla, pero maghihintay ako sa sagot mo.” Titig na titig pa rin sa y si Lance at talagang kita sa mata niya na seryoso siya, ni hindi nga niya mabitawan ang kamay ko na kanina pa naninigas sa kaba.

Sandaling walang umiimik. Dyahe! Ayaw ko ng ganito! Corny! Hindi naman telenovela ang buhay ko!

Hinila ko ang kamay ko. Kailangan ko nang umalis. Ngayon na ngyon na. Pero kailangan maayos ang pagpapaalam ko.

“Bye. See you!” sabi ko sabay sibat palayo, diretso sa pinto at mabilis na naglakad pauwi. Bumalik lang ako sa aking sarili ng nasa bahay na ako.

Nakahiga ako sa kama ko, iniisip ang mga pangyayari at kung paano ko tinuldukan ang lahat sa walang ka kwenta-kwentang linyang ‘Bye. See you!!!!! Timang ko talaga.

“Hoy! Ate Max simula na pala ng foundation mo, bakit hindi mo ako sinama?!”

Napatingin ako sa pinto. Bwisit, eto pa isang asungot.

“Hoy ka rin dyan Mack! Bakit ngayon ka lang umuwi? Kababae mong tao gala ka.” Sermon ko sa kapatid kong nuknukan ng intrimitida.

“Asus! Bakit ikaw saan ka galing?” mapang-asar na tanong ni Mack.

“Sa bookstore ho, binibining Mackie Juliet. Matino ho ako, hindi mo ako kagaya na kung saan-saan dumadayo kasama yung makulit nating pinsan na si Jackie!”

Sumimangot si Mack at umupo sa kanyang kama na malapit sa kama ko.

“Mukhng hindi libro ang naiuwi mo sa bookstore ate, mukhang konsumisyon. Nag krus na naman ba ang landas nyo nung tarantadong si Vicente?”

Tumingin ako kay Mack. Sabihin ko kaya sa kanya yung tungkol kay Lance? Kahit naman ganito itong si Mack, mana ito sa akin, magaling rin magpayo.

“Oo nga e. pero may mas malala pa dyan. Si Lance kasi, yung bago nga naming kaklase nanliligaw sa akin. Ang timang ano?”

Halos mahulog si Mack sa kama at napamulagat sa akin.

“Hindi lang timang! Baliw na sya! Kung ako magkakaboyfriend hindi na kataka-taka iyon, pero kung ikaw ‘te Max, asonggala, himala!” tinitigan ko siya sa masungit na paraan.

“Ang sakit mong magsalita ha. Pero may punto ka. Anong masasabi mo?”

Napaisip sandali si Mack.

“‘Wag mong sagutin ate. Niloloko ka lang nun.”

“Duda ko nga napagpustahan ako.”

Napatulala si Mack sandali, parang nag-iisip. Sigurado kalokohan na naman ito.

“Anong buong pangalan nung sira ulo Ate?”

“Lance Leohard Sy.”

“kaano-anu nya si Henry Sy na may-ari ng SM?”

“Wala. Ka-apelyido lang daw nya.”

“Ahm… Mayaman ba itong Lance?”

“Oo.”

“Malaki bahay?”

“Mansion.”

Tumigil sandali si Mack.

“Mansion?”

“Kastilyo.”

“Ate sagutin mo na pala! Tapos landiin mo, pabuntis ka, wag mo ng pakawalan, pera na yan ate, pera!”

Pakiramdam ko sumabog ako sa magkahalong inip, bvwisit at hiya. Sinunnggaban ko si Mack at tinakpan ng unan ang mukha. Unuop ko siya gaya ng pang-uuop k osa kanya kahit noong bata pa kami tuwing mang-aasar siya.

“Tarantado ka Mack. Papatayin na talaga kita.” Nagpupumiglas si Mack hanggang sa makawala siya. Mabilis siyang tumakbo sa pinto at lumabas. Sumigaw pa ito…

“Mana lang ako sayo ate Maxine.”

“Bumalik ka rito Mack papatayin kita.”

hanggang d2 lng po muna..sana po nag enjoy kau sa pagbabasa.....lol...tnx for reading po...

plz share this story...para dumami ung readers nmin..tnx guys.... ^_^

Continue Reading