Being Mrs. Jeon

By aphrodaity

498K 16.9K 5.9K

" 'Bias: A person that will never be yours' nah, sorry girls! But I have my bias "- Shana Xigrid Jung-Jeon 【F... More

Being Mrs. Jeon
Prologue
Chapter 1[β˜†] Mrs. Jeon
Chapter 2 [β˜†] Savior
Chapter 3 [β˜†] Hurt
Chapter 4 [β˜†] Loser
Chapter 5 [β˜†] Mr?
Chapter 6 [β˜†] Supportive
Chapter 7 [β˜†] Bullied
Chapter 8 [β˜†] Trouble
Chapter 9 [β˜†] Childhood Sweetheart
Chapter 10 [β˜†] Guilty
Chapter 11 [β˜†] Date
Chapter 12 [β˜†] Back to basic
Chapter 13 [β˜†] Anniversary
Chapter 14 [β˜†] Cold
Chapter 15 [β˜†] Sorry
Chapter 16 [β˜†] Special Date
Chapter 17 [β˜†] Wifey Baby
Chapter 18 [β˜†] 12:00
Chapter 20 [β˜†] Set Up
Chapter 21 [β˜†] Be Natural
Chapter 22 [β˜†] Suitors
Chapter 23 [β˜†] Truth
Chapter 24 [β˜†] Rumor
Chapter 25 [β˜†] Bangtan
Chapter 26 [β˜†] Apology
Chapter 27 [β˜†] Sick
Chapter 28 [β˜†] Personal Nurse
Chapter 29 [β˜†] Merry Christmas
Chapter 30 [β˜†] Invitation
Chapter 31 [β˜†] Baby Duck
Chapter 32 [β˜†] Ball Party
Chapter 33 [β˜†] Mall Date
Chapter 34 [β˜†] Jealous
Chapter 35 [β˜†] Baby-sitting
Chapter 36 [β˜†] Outing
Chapter 37 [β˜†] The Plan
Chapter 38 [β˜†] Partners
Chapter 39 [β˜†] Truth or Dare
Chapter 40 [β˜†] Escape
Chapter 41 [β˜†] Pain
Chapter 42 [β˜†] Care
Chapter 43 [β˜†] Someday
Chapter 44 [β˜†] Realize
Epilogue
Noteu~

Chapter 19 [β˜†] -Star

9.1K 338 178
By aphrodaity

Shana's POV

After ng little scene kanina biglang nag announce ang president namin na hindi may biglaang meeting ang prof namin. Hay major subject pa naman kaya 3 hours kaming walang klase tapos 2 hours 'yung vacant namin after nito kaya 5 hours kaming nganga. Nakaka bored!

"Tara labas tayo" Anyaya ni Aila saakin. Nag simula na rin umalis ang mga kaklase namin.

"E! Ang init sa labas, dito muna tayo" Sagot ko, totoo naman kasi, ang init kaya sa labas. Buti pa dito may aircon.

Umirap si Aila "K, fine" Walang ganang sagot niya at umupo na muli at may inilabas na cookie jar.

Inabot niya ito saakin "Oh, pina bibigay ni mommy" Aniya. 

Masigla ko naman itong tinanggap at binasa ang note na naka dikit dito.

Gorgeous Shana,

Take care always! Feel free to visit us okay? Here's a jar full of cookies made with love! :*

-Tita Althea

Napa ngiti naman ako.

"Ang sweet talaga ni tita" Naka ngiting sabi ko and opened the jar.

"Namimiss ka na n'ya. Nung nalaman n'yang mag peperform tayo, sabi n'ya sa bahay na lang daw tayo mag practice para makita ka n'ya" Aniya at kumuha ng cookies.

I really love tita's cookies! Ang sarap kasi talaga, hindi sya sobrang tamis at hindi rin ganoon ka-tigas.

"Okay, basta may cookies and cake" Biro ko and giggled a bit.

Aila and her mom really loves to bake at dahil doon, isa ang business nila sa famous pastry business in the world. I swear high class talaga.

Tahimik kaming kumain ni Aila at halos nangalahati na ang jar nang naisipan naming kumain na ng kanin.

"Anyare sa'yo?!" Exagg na tanong n'ya nang makitang iika-ika ako mag lakad.

"Nadulas lang ako kaninang umaga" Simpleng sagot ko at pinag patuloy na ang pag lakad. Agad naman akong inalalayan ni Aila.

"Nadulas ka ba talaga? Hindi ka sinaktan ng asawa mo?" Taas kilay na tanong n'ya saakin. Umiling naman ako.

"Ganito kasi 'yan, nag hihiwa ako ng hotdog kaninang umaga para sana agahan namin, kaso hindi ko namalayan na daliri ko pala 'yung nahiwa ko. Nakita n'ya akong inaabot 'yung first aid kit sa banyo, edi kinuha n'ya at s'ya na gumamot ng sugat ko. Bigla kong naalala na may niluluto pala ako, nung pag takbo ko naapakan ko 'yung natumbang agua oxinada at natumba" Kwento ko.

Tumango tango lang s'ya hanggang sa nasa may pinto na kami ng canteen nang lumabas sina Kiel at Sky.

"Anong nangyari sayo, Shaxi? Bakit iika-ika ka mag lakad?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Kiel saakin.

"Wala, dakilang clumsy 'yan e, nadulas daw" Kibit balikat na sagot ni Aila.

"Tsk, mag iingat ka kasi" Ani ni Kiel at ginulo ang buhok ko.

"Tara" Anyaya ni Sky at hinawakan ang siko ko at inalalayan sa pag lalakad.

Ewan ko kung anong meron pero parang lahat sila sinusundan kami ng tingin.

" I really think si Shana 'yun"

"Ako din feeling ko si Shana 'yun"

"Paano naman girl? Blurred 'yung pictures"

"Kung si Shana man 'yun, bakit naman sila magka sama ni Jungkook, aber?"

"Oo nga, baka si Yanna 'yun. Mang hahalik ba si Jungkook ng kung sino lang?"

"Tama! Si Yanna 'yun, hindi si Shana"

Narinig kong bulung-bulungan nila, napa kunot naman ang noo ko dahil dun.

Nang maka-upo na kami sa table na sinave nila Kiel, biglang pumasok ang Bangtan kaya nag hiyawan at umingay ang mga tao. Hindi namin sila pinansin.

"Kami na bibili ng orders n'yo. Ano sa'yo, Shana?" Tanong ni Sky sa'kin.

"Alam mo na 'yun" Naka ngiting sagot ko.

Spaghetti, fries at caramel sundae ang lagi kong inoorder bukod sa burger steak.

Kinuha naman ni Kiel ang order ni Aila at umalis na silang dalawa ni Sky.

"Hi Shana" Bati ng Bangtan sa'kin. Inirapan ko naman sila nang umupo sila sa gilid na table namin.

"Yanna! Ang sweet ng date n'yo ni Jungkook kahapon" Narinig kong sabi ng isang babae kay Yanna.

"Oo nga! Ang sweet ninyong dalawa! Kiniss ka pa n'ya! Kyaaaa" Kinikilig na sabi naman nung isa.

Mukha namang nag tataka si Yanna sa kung ano ang sinasabi nila. She faked a smile "Oo nga e" Nag aalangan na sagot n'ya at umalis na 'yung dalawang babae. Base on my peripheral view tinitignan n'ya ako ng masama.

"Nag date kayo? 'Diba hindi kayo sabay umuwi kahapon?" Nag tatakang tanong ni Yoongi kay Jungkook.

"Hindi nga" Sagot ni Jungkook.

Hinarap ni Yanna si Jungkook "E sinong kasama mo?" Galit na tanong nito.

"Ah! Baka 'yung asawa n'ya. Belated anniversary date n'yo ba?" Sabat naman ni Hoseok. 

Hindi ko mapigilang mapangisi nang makita ko ang inis at irita sa mukha ni Yanna.

"Wow naman Jungkook! Hindi mo ako hinatid sa bahay dahil nag date kayo?" Hindi maka paniwalang bulalas ni Yanna.

"Ano namang masama? Normal lang sa mag asawa ang mag date" Malditang sabat ni Aila.

Marahan na hinarap ni Yanna si Aila "Shut up bitch, I'm not talking to you" Yanna hissed on gritted teeth.

"Shut up then, hindi bitch ang kaibigan ko. Please, 'wag mo kaming isama sa uri mo" Bwelta ko. 

Yanna scoffed "So ano, ang landi mo talaga e 'no? May girlfriend na 'yung tao yayayain mo pa ng date. So desperate" Yanna spat and rolled her eyes at me.

"First of all, hindi ako malandi. Second, hindi ko s'ya niyaya, why don't you ask him? FYI s'ya ang nag yaya sa'kin ng date at ibabalik ko lang sa'yo 'yung sinabi mo. Ang landi mo naman, may asawa na 'yung tao papatulan mo pa?" Mataray na bwelta ko.

Mukha namang nagulat si Yanna sa sinabi ko at marahan na hinarap si Jungkook "You asked her on a date?" Hindi maka paniwalang tanong ni Yanna kay Jungkook.

"Oo" Kibit balikat na sagot naman ni Jungkook.

Nag-igting ang bagang ni Yanna "And you kissed her?!" 

"Sort of?" Kibit balikat na sagot muli ni Jungkook.

Yanna puffed a mocking laugh "Hindi mo ako hinatid sa bahay kasi nakipag date ka sa kan'ya? Bullshit" Galit na sabi niya at inirapan ako.

"Hindi naman kita pinag palit, its just that bumawi lang ako" Paliwanag ni Jungkook.

I rolled my eyes at them. Nawalan na ako ng pake sa kanila nang dumating sina Sky na dala ang pagkaing inorder namin.

"Thank you" Naka ngiting pasasalamat ko at inalis sa tray ang mga pagkain.

Nag simula na kaming kumaing apat nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Kunot noo kong kinuha ang phone ko at binasa ang text message.

From: Unknown Number

You look so gorgeous my lady

-Star

Lalong kumunot ang noo ko dahil sa text na na receive ko. Sino 'to? Bigla nanamang nag vibrate ang phone ko.

From: Unknown Number

You look even more cuter when you frown.

-Star

"Hey, are you okay?" Tanong ni Kiel na naging dahilan para mapa tingin ako sa kaniya.

"Yeah" Sagot ko and gave him a little smile at itinago na ang phone sa bulsa.

"After natin kumain dadalhin kita sa clinic" Sabi ni Sky kaya napa lingon ako sa kan'ya.

"Okay naman ako ah" Kunot noong ani ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Aila "Okay ka pa talaga sa lagay na 'yan ha?" Mataray na aniya.

I rolled my eyes at her "Tss oo na" At ipinag patuloy ko na lang ang pag kain.

Matapos ang ilang minuto ay tapos na kaming kumain. Nag pahinga muna kami after namin kumain. Hanggang sa naramdaman ko nanaman ang pag vibrate ng phone ko kaya kinuha ko ito.

From: Unknown Number

Your smile makes me fall for you more. Can't wait 'til you're mine.

-Star

Geez! This guy is creeping me out! Agad kong itinago ang phone ko sa bulsa.

"Tara na" Anyaya ni Aila. Tumayo na din ako. Agad naman na lumapit sa'kin si Kiel at inalalayan akong mag lakad.

"Aish ang bagal" Narinig kong reklamo ni Namjoon na nasa likod pala namin.

Masyadong maliit ang space kaya hindi sila maka daan.

"Ano bang nangyari sa'yo?" Tanong ni Yoongi.

"Nadulas, masyadong tanga my labs" Nagpapa cute na sagot ni Aila.

Tinignan ko s'ya ng masama pero nag kibit balikat lang s'ya.

"'Wag mo nga akong tawaging my labs" Iritang ani ni Yoongi kay Aila.

"Ang bagal naman! May patay ba?" Maarteng reklamo ni Yanna. 

Napa-irap naman ako. "Wala pa, hindi ka pa patay e" Mataray na sagot ko.

"SKY!" Bulyaw ko nang bigla akong buhatin ni Sky na parang sako.

"Ayan na, nakakahiya naman kasi sa'yo" Galit na sabi ni Sky at nag umpisa ng mag lakad.

"SKY! IBABA MO AKO!" Sigaw ko habang pinag hahampas s'ya sa likod.

"Sige hampasin mo lang d'yan, masarap. Ilang araw na rin masakit katawan ko dahil sa practice. Sige lang, Shana masahihin mo lang ako" Ani ni Sky. I immediately stopped at paa ko naman ang pilit kong pinupumiglas.

Hanggang sa hindi na n'ya ako mahawakan ng maayos "'Wag ka ngang malikot!" Sigaw na saway n'ya.

"NAMAN KASI, SKY! 'YUNG CYCLING KO!" Sigaw ko. Agad naman n'ya akong ibinaba na parang namumula at binuhat in bridal style.

"Okay na?" Taas kilay na aniya at nag lakad na ulit.

"Ang sweet naman" Narinig kong kumento ni Taehyung kaya napa tingin ako sa likod.

"Ako nga din fafa Jimin buhatin mo" Sabi ni Taehyung sa pang babaeng boses. Napa rolyo naman ang mga mata ko.

Shemay VMin feels.

"Umayos ka nga, andito si Jungkook e" Saway ni Jimin. JiKook OMG.

"Hindi mo lang ako kayang unano ka e" Ismid ni Taehyung at inirapan pa si Jimin.

"Hoy! Anong hindi!? FYI may biceps at abs ako kaya kaya kita. Masyado lang akong loyal kay Jungkook, ayaw ko syang mag selos atsaka hoy! Hyung mo ako 'no!" Mataray na bwelta ni Jimin.

"Wala kang maloloko dito Jimin-hyung, biceps na lang ang meron ka wag kang feeling" At na tameme si Jimin sa sinabi ni Taehyung.

"Ikaw nalang fafa Hoseok" Sabi ni Taehyung at sumampa kay Hoseok.

"Ayan! Isang cowboy at ang kabayo" Natatawang sabi ni Yoongi. Napa-iling naman ako.

Hindi ko na narinig ibang pinag-uusapan nila dahil lumiko na sila.

Maya maya ay nasa clinic na kami.

"Ano pong nararamdaman nila?" Tanong ng school nurse.

"Iika-ika po kasi s'ya mag lakad baka may nangyari sa paa n'ya" Sagot ni Sky at inilapag ako sa kama na nandoon.

Agad naman na lumapit saakin ang nurse at ineksamina ang paa ko.

"Wala naman po kayong sprain pero mukhang may ugat na naipit" Aniya at may kung anong ginawa sa paa ko.

"Pwede po muna kayong mag pahinga dito" Aniya muli nang matapos na s'ya sa ginagawa n'ya sa paa ko.

"Shana, may practice pa ako, mauuna na ako ha?" Paalam ni Sky saakin.

"Ingat" Naka ngiting sabi ko. Hinalikan naman n'ya ako sa noo bago umalis.

"Shaxi, may class pa ako, alis na din ako ha? Take care" Paalam ni Kiel at hinalikan din ako sa noo.

"Ang haba ng hair mo day!" Kumento ni Aila at hinawakan pa ang buhok ko nang maka-alis na 'yung dalawa.

"Baliw" Natatawang sabi ko sa kan'ya.

"Matutulog muna ako Aila ha" Sabi ko at humiga na.

Nasa kalagitnaan ako ng pag tulog nang maalimpungatan ako. Agad kong iminulat ang mata ko pero wala akong makita.

Akmang sisigaw na ako dahil may naka takip sa mata ko nang takpan n'ya naman ang bibig ko.

"Don't shout my lady, It's me" Bulong nito saakin.

"Who are you?" Kinakabahan na tanong ko.

"Your future husband my lady. Take care, I'm always watching you" Aniya at agad kong tinanggal ang naka takip sa mata ko pero wala ng tao.

Hawak hawak ko ang panyo na naka takip sa mata ko kanina.

Star

Agad akong napa tingin sa may gilid ko, may rose at may note na naka lagay.

A beautiful rose for a beautiful lady. Damn it, what's mine is mine alone. Ayokong nilalapitan ka ni Kiel at Sky. Akin ka lang my lady.

-Star

What? Who the hell is this Star? Seriously, he's creeping me out!

"Okay ka na?" Tanong ni Aila kaya napa lingo ako sa kaniya.

"May tao ka bang naka salubong na galing dito?" Tanong ko.

Kumunot naman ang noo ni Aila "Wala" Sagot n'ya at lumapit sa'kin.

"Maayos na ba pakiramdam mo?" Tanong n'ya ulit saakin. Tumango lang ako at bumangon na.

"Teka, iihi lang ako" Paalam n'ya kaya nauna na akong lumabas hanggang sa mag vibrate nanaman ang phone ko.

From: Unknown Number

Sobrang ganda mo talaga, kaya lalo akong nahuhulog sayo e.

-Star

Who the fuck is that Star?! Natatakot na ako ah! Mag papalit na nga ako ng number! WTF.

[EDITED]

Continue Reading

You'll Also Like

73.3K 1.1K 58
An ARMY has been chosen to be the Bangtan's Princess. This is how her life began as a teenager with the 7 boys. But one day, they disappeared. Now...
105K 4.4K 109
ex lovers taehyung and jisoo had to work together for their friend's one last request. everything seems to be settled, unless for one thing. can they...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
498K 19.3K 40
Book Cover By: -Euluxuria We Got Married BTS #2 ---------------- Here we go again. Who would have thought na sa Bangtan nanaman ang mapipili ng dire...