Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 10 - Clues

7.1K 299 163
By wistfulpromise

Jace.

"Iyan lang po talaga ang nahanap namin eh. Yung iba po kasi nai-anod na noong binaha kami noong nagdaang bagyo. Pasensya na po talaga Sir ah. Pero sana po makatulong 'yan sa hinahanap nyo." Sabi ng babae na syang nakausap ko sa telepono. Tinulungan ko syang mangalkal sa bodega nila pagkadating na pagkadating ko. Maluwang at malaki ang bodega nila. Wala ring gaanong gamit kundi mga konting lumang kahon at ilan sa mga kasangkapan sa bahay. Malaki ang labasan nito. Ang sabi nya sa akin dati raw kasi itong talyer. Pagawaan ng malalaking truck noong buhay pa ang papa nya ngunit ngayon ay naabandona na.

Mayroon silang lumang computer kung saan ko paulit-ulit na pinanood ang cctv recording na ibinigay nya sa akin. Naka-ilang play ako ng maling recording hanggang sa nahanap ko ang hinahanap ko. Naroon sya, isang babae na may halos hawig ng katawan nya, buhok pati na rin galaw kasama ng ibang mga bata. Nakaupo sila sa tabi ng Bakery sa labas, sa tabi ng poste na nadaanan ko kanina pagkapasok ko rito. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha nya dahil bukod sa black and white ang kulay ng recording na ito, nakayuko rin sya habang naka-upo. Mayroon syang tila iginuguhit sa semento samantalang ang iba sa mga batang palaboy na nasa tabi nya ay abalang naglalaro.

"Kailan nyo sya huling nakita?"

"Ah Sir sa totoo lang hindi ko na rin talaga maalala. Pero minsan naikwekwento ng nanay ko noon na meron silang dalaga na binibigyan ng pagkain dyan sa labas sa tuwing umaga. Baka nga po sya 'yong tinutukoy ng mga magulang ko."

Doon sa ibang nahanap kong recording na naroon ulit ang babae ay wala itong pinagkaiba sa pwesto nya ngayon. Nakaupo, tulala, naghihintay... kasama nga nya yung mga bata pero parang may sarili syang mundo. Madalas ay panay lang sya laging nakatalikod at hindi ko maiwasang mapailing. Sya ba talaga ito? Kung gano'n, gusto kong makita.

"Itong mga batang ito? Nakikita nyo pa ba rito?" Itinuro ko ang isang gusgusing bata na malinaw na nahagip ng cctv ang mukha nya habang naglalaro ng patintero kasama ang ibang mga bata. Nakita kong kinakausap nya yung babae sa cctv. Kung sumagot man sya o hindi, walang makakaalam. Bukod sa dalawang kulay lang na itim at puti ang recording na meron sila, wala rin itong tunog.

Umiling ang babae na katabi ko. "Hindi na po Sir. Madalas kasi 'yang mga batang 'yan dayo lang sa lugar namin. Pumupuslit-puslit sila sa mga bangka para makapunta sa ibang isla para manlimos."

Nagpasalamat ako sa impormasyon na ibinigay nya sa akin pero kinuha ko na rin ang cctv recording na iyon para lang may babalikan akong kopya kung sakali na may matagpuan pa akong ibang ebidensya sa kung nasaan na nga ba sya ngayon. Sa labas ng Bakery ay inilibot ko ang tingin. Sa tabi nito sa may gilid ay ang posteng nadaanan ko kanina at 'yong nakita ko sa cctv. Dito nakaupo ang babaeng sa tingin ko ay si Serene limang taon na ang nakakalipas. Iyon nga ay kung, sya nga.

Lumuhod ako ng konti sa lugar na iyon at kinapa ang sahig, naghahanap ng ebidensya sa bakas ng kahapon na maaaring magturo sa akin sa hinaharap na matagal ko nang hinahanap. Sa sementong sahig na iyon, malabo man at tila ba mabubura na sa tagal ng panahon, ay ang bakas ng iginuhit na G-Clef gamit ang matalim na dulo ng bato na iginasgas sa semento. Ganitong-ganito ang nakaukit doon sa bangka na nasakyan ko.

"Boy, boy," Iniangat ko ang tingin sa boses kung saan ito nanggagaling. Sa harap ko ay may isang matandang lalaki na may malaking ngiti. Ang ngipin nya ay kulang-kulang na at ang katawan ay kay payat, aakalain mong ilang araw na syang hindi kumakain. Pero ang saya sa mga mata nya, na tila ba kahit anong hirap ay enjoy na enjoy sa ginagawa nya sa buhay, iyon ang nakakuha ng atensyon ko. "kay ganda ng umaga boy, baka gusto mong tikman itong taho na paninda ko? Mainit na at masarap pa! Tamang-tama upang simulan mo ang magandang sikat ng umaga."

Umiling ako sa kanya at saka tumayo. Nagsisimula na akong maglakad palayo noong hinabol nya ako.

"Sige na boy, buena mano naman o. Pagbigyan mo na ako. Dadagdagan ko pa para sa'yo, pangako 'yan!"

Inilabas ko ang pitaka ko at tiningnan kung may barya ako. Doon pa lang sa ginawa kong iyon ay tuwang-tuwa na sya. Agad nyang ibinaba ang binubuhat mula sa balikat at masaya akong sinandukan ng mainit nyang taho. Umuusok ito paitaas. Naaamoy ko ang mabango nitong aroma.

"Salamat, salamat, salamat boy ha. Ang ganda na ngang lalaki at mabait pa! Siguro ang dami mo nang babaeng pinaiyak ano? Ang dami mo na rin sigurong minahal. Wow naman, lover boy! Sabagay noong ako rin noong araw. Aba, ang dami ring babae ang nahuhumaling sa akin. Sila pa nga ang naghahabol eh. Pero isa lang talaga yung minahal ko at iyon ay yung misis ko. Pero wala eh. Wala na sya ngayon. Pero ayos lang. Tuloy pa rin ang buhay. Binigyan naman nya ako ng tatlong magagandang anak na kamukhang-kamukha nya at ngayon ay may magaganda na ring buhay. Wala na ang akong mahihiling pa." Tumatawa sya habang abala sa ginagawa nyang pagsasandok. Ang isip nya ay lumilipad sa nakalipas na ala-alang sa tingin ko ay paulit-ulit na nyang naikwento sa iba nyang mamimili.

Iniabot nya sa akin ang isang baso ng taho na gawa sa plastik at kulay pink. Sa ibabaw ng puting taho na nahaluan ng matamis na syrup ay ang mga sago na inayos nya para maging smiling face. Ibinalik ko ang tingin sa kanya, katulad ng ngiti sa taho ko ay ang ngiti nya.

"Salamat... ho." Napakunot-noo ako ng konti sa inasal ko. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko sa ginawa nya. Ibinigay ko ang bayad ko sa kanya. Susuklian nya na sana ako pero sabi ko huwag na. Mas lalong lumaki ang ngiti sa mukha nya, puno ng galak at ni walang kahit anong halo ng kaplastikan ang makikita rito.

May gano'n pa rin pa lang mga tao? Na sa kakarampot na bagay ay ikinasasaya na nila ng lubos.

"Masarap hindi ba? Kaya nga ako nagtagal sa paglalako ng taho ay dahil binabalik-balikan talaga ako ng mga suki ko!" isinasara na nya ang nilalako. Sa balikat nya ay ang isang maliit na puting twalya. Ipinunas nya ito sa noo nya dahil sa pawis na nag-aambang tumulo.

"Isa pa lang."

"Ha?"

"Doon sa sinabi nyo kanina, isa pa lang po. Isa pa lang yung babaeng minahal ko." Ang huli kong sinabi ay para bang isang bulong, kasabay no'n ay ang mapayapa kong pagtingala sa asul na langit.

"Kaya ka ba kay lungkot ng mga mata mo kasi, wala na sya?" Naroon pa rin ang saya sa tono nya pero hindi maipagkakaila ang simpatya rito.

"Sa totoo lang po hindi ko alam. Umaasa ako, sana..."

"Kung para sa'yo, kahit gaano man kalayo ang narating, babalik at babalik sa'yo."

Umaasa ako na sana nga... tama sya.

"Paano nyo ho ginawa iyon... ang maging masaya kahit wala na sya?" Hindi ko maiwasang maitanong. Ang init ng taho at ang kamay ko ay tila ba naging isa. Namumula ng konti ang palad ko dahil sa init pero wala akong maramdaman.

"Aah, o pag-ibig," he said full of dramatization. Para syang nasa teatro habang binibigkas ang mga salitang iyon. "alam mo kasi boy bago pa man ako nag-asawa matagal din akong naging single. Alam mo na, binata. Saya rito, saya roon. Gala rito, gala roon. Sa tagal ng panahon kong mag-isa, natuto akong maging masaya at kumportable sa sarili ko. Na maging masaya at tanggapin ang sarili ko. Alam mo 'yon? Madalas nga ay nagmumuni-muni lamang ako roon sa bukid, pinapanood ang mga kalabaw, walang iniisip na kahit ano kundi ako lang at ang sarili ko. Naranasan kong maging masaya nang hindi dumedepende sa iba pero syempre wala pa ring makakapalit sa pakiramdam na may kasama ka. Noong naging mag-asawa kami ng misis ko, ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo lalo na noong nagkaanak pa kami. Pero noong nawala sya, syempre malungkot. Pero isang araw napagtanto ko, na kung noon, noong wala pa sya sa buhay ko, ay nabuhay na akong mag-isa at naging masaya... ngayon pa kaya?

"Alam mo kasi boy, masarap ang umibig sa isang tao na alam mong mahal ka rin. Pero wala nang mas hihigit pa sa pag-ibig na meron ka sa sarili mo. Kasi boy, ang pera, materyal na bagay o kahit pa ang mga mahal natin sa buhay ay maglalaho at sa huli iisa lang ang matitira sa'yo. Alam mo ba kung ano 'yon? Ikaw. Ang sarili mo. Magmula sa umpisa hanggang sa dulo, iyan ang nag-iisang kakampi mo sa buhay. Kaya kung pati 'yan papabayaan mo at aawayin mo, ano na lang ang mangyayari sa'yo?" Sa isang huling ngiti at isang huling kaway, binuhat na nya ulit ang mabigat na dalang paninda sa balikat nya. Isinubo ko na rin ang lahat ng natitirang taho sa bunganga ko at saka itinapon ang plastik sa isang basurahan malapit kung nasaan ako nakatayo.

Nalingat ang tingin ko sa isang glass mirror ng bakery na puno ng alikabok at bandalismo. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito ay ang repleksyon ko. Ngayong narinig ko ito mula sa kanya ngayon ko lang naisip, kailan na ba ang huling beses na tumingin ako sa salamin at pinakatitigan ang sarili na tulad nito? Kailangan na nga ba ang huling beses na sobrang saya ko, humalakhak ng sobrang lakas na akala mo wala ng bukas? Kailan na nga ba ang huling beses na mayroong ngiti sa mga mata ko... na mayroon itong ningning na parang may isang bituin ang sumabog rito at gumawa ng maliliit na nagbabagang liwanag na nakakahawa katulad ng kay lolo kanina na talagang hindi mapagkakaila?

Sa tagal ng panahon ay hindi ko na maalala. Sa paghahanap ko nga ba ng hinahanap ko ay ang sarili ko naman ang nawawala ko? Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano ang sagot sa tanong na iyon. Sino nga ba ako noon at ngayon? Ano na ang nangyari sa akin? Ako pa nga ba si Jace na nakilala ng lahat noon, o isa na lamang akong anino ng nakaraan na hindi na alam ang paroroonan?

**

Celestine.

Ilang oras nang halos lumundag ang truck na sinasakyan namin dahil sa bako-bakong daan na dinaraanan namin. Masakit sa pwet lalo na kung sa lapag ka lang nakaupo at tanging ang dyaryo lamang ang naghihiwalay sayo mula sa maalikabok at maduming sahig ng likod ng truck na ito.

"Hindi ka pa ba matutulog? Halos wala ka pa yatang tulog ah." May inabot sa aking palamig si Cello. Palamig na binili nya kanina sa gilid ng kalsada noong sandaling umihi ang drayber namin na nagmamaneho sa harap.

"Paano ako makakatulog kung ganito naman na halos mayuga ang buong pagkatao ko sa truck na ito? Hindi na. Alam mong hindi rin naman ako basta-basta natutulog sa kahit anong byahe lalo na kung saan-saan lang."

"Okay. Sinabi mo eh." Inayos nya ang bag na dala nya at doon nahiga. Ginamit nyang pantakip ang braso nya ngunit bago pa man ipikit ang mga mata ay tumingin pa sya sa akin. "Sigurado ka ha? Matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kung malapit na tayo."

"Truck lang ito 'no. Kung makarating man tayo sa pupuntahan natin, baka araw pa ang gugulin natin dito. Nasa dulo tayo ng Mindoro. Timog, para eksakto."

"Eh di, matutulog ako ng ilang araw." Kibit-balikat nyang sagot. "Nariyan ka naman. Salamat, miss guard."

"Ha-ha. Gentleman."

"Aba, tinanong kita. Sabi mo ayaw mong matulog. Ano ba talaga?"

"Ayoko nga."

"Eh bakit ngayon nagrereklamo ka? Sabi mo—"

"Hay! Sige matulog ka na nga lang kasi." Itinulak-tulak ko sya na bumalik na sya pwesto nya. Tinawanan nya lang ako.

Pagkababa namin sa cargo ship ay sinunod naman agad ng Kapitan ang usapan namin. Malaki ang truck pero tanging tatlong tao lamang ang kasya sa harap. Dalawa na ang nakaupo roon, ayoko namang pumagitna sa kanila. Kaya sabi namin ni Cello ayos na kami sa likod kasama ng mga gulay at prutas na ginagamit nilang pandenggoy sa kabalbalan na ginagawa nila.

Dumaan ang mga araw. Sa likod ng truck ay halos mabagot na kami. Minsan nandoon lang kami nakadungaw sa magagandang tanawin habang iniihip ng malakas na hangin ang mga buhok namin. Minsan naman naglalaro lang kami ni Cello ng kung anu-ano. Binigyan din kasi kami nung drayber ng baraha. Naawa yata sa amin. Black jack, unggoy-ungguyan at kung anu-ano pa. Galit na galit sa akin si Cello kapag natatalo ko sya. Akala mo lagi syang nadadaya.

Sa mahaba-habang road trip na ito ay nakilala rin namin kahit papaano ang dalawang lalaki na kasama namin sa harap. Ang isa ay si kuya Gary, sya ang drayber namin. Samantalang si kuya Harold naman ay ang kasama nya na palaging nagbibiro sa amin. Hindi ko alam kung may alam sila tungkol sa mga baril na dala nila. Pero ayon sa mga galaw nila pati na rin sa mga inosente nilang mukha, parang wala. Isa lamang silang mga simpleng tao na sa kasawiang palad, ginagamit na instrumento upang gawin ang mga maiitim na balak ng mga tinuturing nilang 'bossing'.

Naaawa ako sa kanila. Dahil paano kung mahuli sila? Sila ang lubos na madidiin dito. Kaya minabuti na lang namin ni Cello na huwag makialam at huwag nang ipaalam sa kanila. Ang gusto lang naman namin ay makapunta sa pupuntahan namin ng hindi gumagastos ng gano'n kalaking halaga. Kung pati itong libreng sakay na ito ay mawala pa sa amin, paano na lang kami?

Isang gabi ay huminto ang sasakyan namin sa harap ng isang kainan. Wala nang gaanong tao dahil malapit na ring mag-alas dose no'n. Nagbibilang pa lang si Cello ng barya sa bulsa nya noong sinabi ni kuya Harold na sya na raw ang bahala sa pagkain namin. Tumanggi kami pero sabi nya ayos lang daw. Hindi naming maiwasang makonsensya ng konti ni Cello dahil sa kabaitan na ginagawa nila. Do'n sa likod ng truck, pinahiram pa nga nila kami ng kumot noong isang araw dahil sobrang lamig. Tapos ngayon, ito naman.

"Salamat po pero, baka nagiging malaking abala na po kami sa inyo? Pasensya na po talaga." Sabi ko sa kanila.

"Wala 'yon ano ba. Parang kasing edad nyo lang ang mga anak ko. Sino ba naman ako hindi ba? Alam kong may mga magulang din kayo at kung yung mga anak ko ay nasa sitwasyon din na tulad nito sana, may tumulong din sa kanila."

"Meron po. Sigurado 'yon dahil isa kayong mabuting tao." Sa isang ngiti ay sinimulan na namin ang pagkain. Sa totoo lang gusto nila bilhin kami tig-isa ni Cello ng pagkain pero sabi namin share na lang kami tutal sanay naman na kami na gano'n. Alam din kasi namin na walang-wala rin sila. Ayaw na naming dumagdag pa sa gastusin nila.

Sobrang init ng sopas, hindi ko sinasadyang malaglag sa baba ang kutsara na hawak. Tinatawag ko ang serbidora ngunit abala sya sa ginagawa. Napasimangot ako ng konti. Pagkaharap ko sa mesa ay may kutsara nang inaabot sa akin at may laman na itong sopas. Bago pa man mailayo ay sinubo ko na ito. Gutom na gutom na rin kasi ako.

Tumawa si Cello dahil sa inasal ko. Pabiro ko syang itinulak pero nagpasalamat pa rin sa ginawa nya. Binigay na nya sa akin ang kutsara nya. Sya na ang nagtaas ng kamay ngayon upang tawagin ang serbidora.

"Kayo ba ay siguradong magkapatid? Baka jinojoke nyo lang kami ah?"

Hindi ko maiwasang mapailing sa sinabi ni kuya Gary. "Kuya naman. Ano ba yang iniisip nyo? Mahirap mang tanggapin pero kapatid ko talaga ang mokong na 'yan."

"Hindi ba halata kuya?" inakbayan ako ni Cello. "Sabagay hindi ko po kayo masisi kasi di hamak na ang layo ng kagwapuhan ko sa commoner nyang mukha."

Napaikot ako ng mga mata dahil sa kahambugan nya. Siniko ko sya ng malaka sa tagiliran.

"Talaga? Hindi kaya nagtanan lang kayo kaya kayo narito ngayon? Nakikisakay sa truck ng mga gulay papunta sa Maynila?" Halos maibuga ko ang hinihigop na sopas dahil sa sinabi ni kuya Harold. Sa ikalawang banda ay tumawa ng napakalakas si Cello. Napatingin pa ang ibang tao sa amin.

"Kambal po kami!" pagsasalba ko sa sitwasyon. Ano bang pumapasok sa isip nila at iyon ang mga sinasabi nila sa amin?

"Pero hindi kayo magkamukha."

"Fraternals po." Sagot ko pa. Pinapaabot ko kay Cello 'yong tissue sa tabi nya pero ayaw nyang iabot. Inilalayo pa nga nya sa akin. Inapakan ko ng napakalakas ang paa nya dahil sa inis. Tumayo na ako at iniabot 'yon ng mag-isa.

"Meron pa lang gano'n?"

Tumango si kuya Harold kay kuya Gary na parehas na nakaupo sa harap namin. "Oo, may nabasa nga akong gano'n. Kambal pero hindi magkamukha."

Kung ano man ang reaksyon sa mukha ni kuya Gary, hindi na bago sa akin iyon. Sanay na ako. Sa katunayan, sa tuwing sinasabi namin sa ibang mga tao na kambal nga talaga kami, naroon ang tingin na ayaw nilang maniwala.

May sinabi pang ibang impormasyon si kuya Harold sa kanya pero hindi ko na pinakinggan. Abala na ako sa pag-ubos ng pagkain ko bago pa lumamig. Binigyan ko ng masamang tingin si Cello dahil sa pagiging hambog. Ang ngiti sa mukha nya, ang sarap buhusan ng kumukulong tubig at nang mawala.

"Taga saan ba kayong dalawa?" tanong nila kapagkuwan sa amin.

Parehas na tikom ang mga bibig namin ni Cello. Bukod sa hindi gano'n kakilala ang isla namin, isa rin itong malaking sikreto na kailangan naming itago hanggat maaari— ang ipagsabi sa kung sinu-sino kung saan kami nanggaling.

May bigla kaming narinig na sigaw di kalayuan kung nasaan kami nakaupo. Isang lasing na lalaki ang sumisigaw sa isang serbidora dahil ayaw na syang bigyan ng isa pang bote ng beer.

"Tsk, kahit kailan talaga may mga gago pa rin eh." Iling na mura ni kuya Gary sa inuupuan nya. Nawala na sa isip nila ang tanong nila sa amin na hindi namin nasagot.

"Isa pang bote ng beer! Bakit ba ayaw nyong ibigay ha? Kaya ko namang bayaran!"

"S-sir kasi po lasing na kayo hindi na po—"

"Putangina naman eh! Kaya kong bayaran sabi! Kaya kong bayaran kahit ano, kahit sino!"

"Hindi na po talaga pwede Sir. Pinapauwi na po kayo ng boss ko dahil kanina pa kayo nanggugulo dito—"

"Aba! Ganyan nyo ba tratuhin ang mga customer nyo ha? Mga wala pala kayong kwenta eh! Put—"

"Hindi ganyan kinakausap ang babae." Sabay kaming lahat na napatingin kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Sa harap ng lasing na nakaupong lalaki ay mayroong dumating. Isang dayo. Ngunit di tulad namin ay masasabi kong 'dayo' talaga. Hindi lang sa lugar na ito kundi pati na rin sa bansang ito. Sa kulay mais nyang buhok, maputing kutis at mga mata na kung hindi ako nagkakamali ay kulay abo, isa talaga syang agaw tingin. Ang higit pang nakakagulat doon ay ang pagkabihasa nya sa tagalog.

"Ang galing naman no'ng kano. Nagtatagalog." Siko sa akin ni Cello. Nagkakasagutan na yung sinasabi ni Cello at 'yong lalaking lasing ngayon.

"Baka seminarista na napadpad dito?" Bulong ni kuya Gary sa amin. "Alam nyo yun? Yung nagbibigay ng libreng bibliya?"

May narinig akong nabasag na bote kaya agad na naibalik ang tingin ko roon sa nangyayari. Nagwawala na 'yong lasing na lalaki pero yung kausap nya ay nanatili lamang na kalmado na tila ba ang makipag-usap sa mga gano'ng klaseng tao ay nakasanayan na nya.

Mula sa mesa namin di kalayuan kung nasaan nangyayari ang lahat ng iyon ay pinagmasdan ko sya. Hindi ko alam kung bakit pero mayroon sa boses nya, pati sa bawat galaw ang tindig ang tila ba kumakatok sa utak ko. Hindi ko maiwasang mapaisip. Nakita ko na ba ang lalaking ito kung saan man?

Dumating na 'yong may-ari at pilit pinapakalma ang sitwasyon. May napadaan na isa pang serbidora sa amin dahil nanghingi si kuya Harold ng tubig.

"Miss, kilala mo ba kung sino 'yon?" tanong ko sa kanya sabay turo sa lalaking may kulay mais na buhok.

Umiling sya sa akin. "Bago lang yan dito. Ngayon ko lang nakita. Pero may hinahanap yata eh kaya sya nandito. Kanina kasi kausap nya yung may-ari, may tinatanong."

Ano kaya ang hinahanap nya? "Nakita nyo po ba ang larawan?"

"Hindi eh." Tinawag sya ng isa pang customer kaya umalis sya agad sa tabi ko.

"Asawa nya siguro hinahanap nya." Napa-ismid na biro ni Cello sa akin.

"Tange, dito sa Pilipinas? Mawawala?"

"Aba malay mo kung Pinay rin. O kaya noong namamasyal sila, nawala."

"Oo nga." Sang-ayon ni kuya Gari sa sinabi ni Cello. "Pero bakit kaya gano'n ano? Ang daming Pinay na mahilig sa Puti?"

"Grabe ka naman. Hindi lahat ng Pinay. Nandito pa ako." Tumawa si kuya Harold sa sinabi ko. Nag-apir kaming dalawa.

"Sir kung pwede po lumabas na kayo."

"Ako? Lalabas? Bakit ako lalabas? Bakit nyo pinaalis ang customer nyo ha? Ganito ba talaga kayo mantrato rito? Napakawalang kwenta! Akala nyo ba masarap ang mga pagkain nyo rito? Pwe! Nagkakamali kayo!" Pilit pang pinapaliwanagan ng may-ari yung lalaking lasing ngunit sarado nja ang isip nito sa kahit anong paliwanag. Binasag nya ang boteng hawak at galit na sinugod ang may-ari. Sabay kaming napatayo ni Cello ngunit kasing bilis ng hangin, gumalaw yung lalaking may kulay mais na buhok at kinalag sa mga kamay ang basag na boteng hawak. Nakita ko kung paano nya binali ang kamay nito. Sa sobrang linis at bilis, nagkatinginan kami ni Cello sa isa't-isa.

Kung sino man sya. Kung isa man syang seminarista na katulad ng sinabi ni kuya Gary, hindi sya basta-basta.

Sapilitang pinalabas ng ibang trabahador ng kainan na ito ang lalaking lasing na iyon. Naiwan ang lalaking may kulay mais na buhok sa loob na sya ngayong walang tigil na pinapasalamatan ng may-ari.

"Wala na. Tapos na ang palabas. Tara na at mahaba pa ang byahe natin." Aya nina kuya Harold na inisang lagok ang tubig na sa baso bago tumayo sa kinatatayuan nya. Sumunod na rin si kuya Gary pati si Cello kaya tumayo na rin ako. Naglalakad man palayo ay hindi ko pa rin maialis ang tingin sa lalaking nagligtas sa gabing ito.

Naramdaman kong nalingat ang tingin nya sa akin pero hindi nagtama ang paningin namin dahil tinawag na ako ni Cello. Nahuhuli na kasi ako sa paglalakad.

Hindi ko sya kilala pero bakit parang may bumabagabag sa akin? Sino kaya sya?


===


Isusulat ko pa lang sana yung TSR at LAR pero madaling araw na kasi sa amin at kailangan ko nang matulog dahil magigising pa ako ng maaga bukas lol. 

HAPHAPHAPHAPHAPHAPHAPHAPPEY BERTDAY TO MEEEEEE!!!

Salamat sa mga naggreet!!! Ito ang gift ko sa inyo! <3 Ohmygeeee!

Sino kaya ang nakita ni Celestine? Kakilala nya nga kaya siguro ito o hindi?? ABANGAAN!!!


LOVE YOU LISTENERS!! MABUHAY KAYO! OLE!!! 


-wistfulpromise


Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 36.4K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...