PASSWORD (Completed) (Raw)

By dcmuch

37.4K 1.5K 1K

Highest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery... More

Password
PASSWORD : Chain Reaction
PASSWORD : Perfect Human
PASSWORD : Him II
PASSWORD : The Prognostication
PASSWORD : The Rationale
PASSWORD : Best Friend
PASSWORD : The Mission
PASSWORD : The secret
PASSWORD : Loving you from afar
PASSWORD : Lets enjoy the moment and forget the reality
PASSWORD : Jumble Emotion
PASSWORD : It Happens Again
PASSWORD : Struggle
PASSWORD : Weird Me. Weird Situation
PASSWORD : Am I dreaming?
PASSWORD : We meet again!
PASSWORD
PASSWORD : PINAM
PASSWORD : Craig Family
PASSWORD
PASSWORD : That curiosity makes me a sinful man!
PASSWORD : Clothe Man?
PASSWORD : Clothe Man II
PASSWORD : Her secret
PASSWORD : ONE DOWN! WHO'S NEXT?
PASSWORD : She's Back!
PASSWORD : Face off!
PASSWORD : Choose
PASSWORD : I miss you
PASSWORD : It's not too late!
PASSWORD : The Test!
PASSWORD : Realization
PASSWORD : Evo meet Shery!
PASSWORD : His Feelings!
SERCRET by: YURI and SEOHYUN
PASSWORD : Becoming One
Finale : I am into you

PASSWORD : Him

1.4K 72 59
By dcmuch


ILANG minutong nakaupo lang ang dalaga sa sahig habang yakap ang tuhod. Tulala ito at patuloy sa pagluha dahil inaalala niya ang mukha ng kanyang yumaong ama. Sanggol pa siya noong mangyari ang trahedyang nagpabago sa pakikitungo ng kanyang lolo.


Salamat sa larawang natagpuan niya sa attic. Larawan ng kanyang ama habang hawak ang kamay ng isang babae. Putol ang larawan na sa palagay niya ay ang dapat na larawan ng ama at ina. Pinutol iyon at ang natira ay ang sa kanyang ama kaya't lihim niyang inilagay iyon sa kanyang wallet.


Dad I wish you were here with us. I want to feel your comforting hug. Seeing your sweet smile and hear your angelic voice calling my name.


"Daddy nahihirapan na po akong magpatuloy. Hindi ko na kaya," napayuko ang dalaga sa tinuran dahilan upang bumagsak ang mga luha sa pulang carpet. Isa, dalawa hanggang sa lumikha iyon ng isang mapa.



---



SA kabilang banda ang binatang si Brent ay nagtungo sa mansyon upang sunduin si Katie. Nagpapasama kasi ito sa kanya sa Mall upang mamili nang gagamitin para sa dadaluhang Cosplay Event.


Binagtas niya ang daan kahalintulad sa daang tinahak ni Shery kaya naman noong inaayos niya ang suot na puting polo shirt ay halos mapahinto ito sa nakitang taong nakaupo sa 'di kalayuan.


Ang yabag niya ang naging dahilan upang lingunin ng dalagang nakayuko.


Napanganga ang dalaga, gusto niyang usalin ang pangalan ng binata pero nahihiya siya. Idagdag pa na walang bahid ng awa ang ekspresyon ng binatang kaharap na para bang nagsisisi pa itong nagpunta doon tuloy nagkrus muli ang landas nila.


Batid ng dalaga ang galit ng binata. At tanggap niya iyon dahil wala naman kasi siyang magagawa kung tataliwas siya sa kagustuhan ng Lolo. Gustuhin man niyang magpaliwanag pero ito na ba ang tamang oras?


Nagsimulang kumilos ang binata at tuluyang lumagpas sa kanyang posisyon na parang walang nakitang Shery na nakaupo sa sahig.


Ang dalaga ay nagdadalawang-isip pero gulat na napatakip ito ng bibig noong kusang kumilos ang bibig niya upang tawagin ang pangalan ng binata.


Epektibong napahinto ang binata pero hindi siya hinarap. Para bang hinihintay siya nitong magsalita pero hindi niya alam kung saan sisimulan. Kilala niya ang binata dahil ito ang kanyang kababata idagdag mo pa na ito ang kanyang mangingibig noon.


KASAGSAGANG naghahabol si Shery ng requirements ni Katie. Nakiusap kasi itong tulungan siya dahil hindi niya iyon magagawa dahil may importanteng laban siyang dadaluhan.


Madami siyang hawak na papel, folder at ilang libro. Lahat ng iyon ay requirements ni Katie bukod pa ng sa kanya mismo kaya't halatang hirap ito sa noo'y dapat na pagkatok sa pinto.


"May I?"


Napalingon sa likuran ang dalaga noong makarinig ng boses mula roon. It was Brent who offers her a help. Ngumiti ang dalaga sa kanya kaya't agad niya itong pinagbuksan ng pinto.


Kinuha rin niya ang ilan sa hawak nito upang maayos na maibigay sa guro. Matapos ng ilang minuto ay masayang lumabas ang dalawa sa pinto ng faculty room. Nagtatawanan silang binagtas ang hagdanan nang biglang magsalita si Brent.


"I'm so happy today!" Brent announced. Shery smiled as if saying same here.


Mula sa masaya ay mabilis naging seryoso ang binata. Mabilis niyang idinampi ang kanang kamay sa pisngi ng dalaga na ngayon ay nakatingala sa kanya. Nagbago rin ang ekspresyon ng dalaga na parang nagtatanong.


"Seriously I'm happy when you're happy. Seeing you laughing brings joy in my heart. Please don't cry anymore!"


"Brent you make me smi---," agad pinigil ng binata ang noo'y sasabihin ng dalaga sa pamamagitan ng kanyang hintuturo. "I like you Shery!"


Natatakot ang binatang umamin ng kanyang nararamdaman sa dalaga dahil baka iwasan siya nito pero hindi na talaga niya mapigil ang sarili at nasabi niya ang dapat ay iniisip niya lang.


Ang tagal sumagot ni Shery at base sa mukha nito ay gulat na gulat talaga kaya noong biglang yakapin nito si Brent siyang ganting yakap niya dito.


Tumagal ng isang taon na palagay ang loob ng dalawa. Kung babasehan ang bawat kilos ng dalawa ay parang sila na gayung hindi naman sinabi ni Shery na sila na. Hanggang dumating ang panahong aminin ni Katie ang nararamdaman sa binata, narinig iyon ni Shery kaya agad siyang nagparaya at lumayo sa binata. Hindi alam ni Brent kung ano bang dahilan kung bakit siya iniiwasan ni Shery at ang kambal nito ang madalas na nakakasama.


Sa tuwing nagkakaroon nang tsempong makita ang dalaga ay agad siyang lumalapit dito ang kaso kasabay nang pagsulpot ni Katie kaya't hindi siya mabigyan nang pagkakataong makausap manlang ito. Hanggang sa tuluyan nang hindi nagpakita si Shery sa eskwelahan at kumalat ang balitang nag-aral ito sa ibang bansa upang mas mapalawak ang kaalaman.


NAINIP ang binata kaya't muli itong naglakad. Natatarantang napapikit ang dalaga sa inis. Iniisip kong ano bang dapat sabihin sa binata. Sana lang ay paniwalaan siya nito.


"I'm sorry!"


Muling huminto ang binata kaya kahit nanghihina ay pinilit ng dalagang makatayo. Gusto niyang yakapin ito at iparamdam kung gaano kasakit na mapalayo rito.


Nanginginig ang mga binting inihakbang upang makalapit habang ang mga kamay nito ay parang gustong hawakan ang binata pero ang layo ng distansya nila samahan pa na hindi niya maramdaman ang mga binti dahil sa pagkamanhid. Sa ikalawang hakbang ay hindi na kinaya ng dalaga at napasalampak kasabay nang muling paglakad ng binata palayo na tila hindi na kayang maghintay sa paliwanag na hindi kayang sabihin ng dalaga.


No please come back, Brent I need you. Usal ng dalaga sa isip sa tuluyang pagliko ng binata. Masakit ang pagbagsak niya at aminado siyang hinaluan ng inis at pagkadismaya na hindi manlang siya tinulungan ng binata pero mas nangibabaw ang sakit sa puso nang tuluyang ignorahin ng binata ang kanyang paumanhin.


Sa mga panahong kailangan ko ng tulong palagi kang nariyan. Sa tuwing nakikita mo akong umiiyak parati kang nariyan para patahanin ako. Sa tuwing nadarapa ako nariyan ka para itayo ako. Nariyan ka para payuhan at pasayahin ako. Ngayon Brent. Kailangan kita! Kailangan ko ng isang Brent Coleman, ang taong kailanman hindi ako iniwan, pero ako. Ginawa ko iyon sa iyo. Patawarin mo ako Brent, patawarin mo ako.



----



HUMINGA ng malalim ang dalaga saka itinutok sa target ang hawak na baril. Dahil sa isang ear plug ay tahimik na nakapagfocus ang dalaga sa minamatang pulang target.


Open field ang pribadong pinuntahan niya at ito ang unang punta niya dito sa tulong ni Mr. Run na siyang nag-asiste sa kanya patungkol sa lugar na iyon.


Umihip ang hangin kaya't naningkit ang mata ng dalaga. Ang hangin na iyon ang nagpalabo sa target na halos 3 metro ang layo mula sa kanya. She's the one who decide about that. Sa tuluyang pagkawala ng ilang alikabok siyang kalabit niya sa gatilyo dahilan upang tumama ang bala sa gilid ng pulang bilog.


Huminga ng malalim ang dalaga saka sinipat ang tatlong mintis na nagawa. The result of over thinking is that. Tinanggal niya ang suot na eye protection at ear plugs matapos ay lumapit sa table na pinaglalagyan ng kayang bag.


Siyang saktong tunog ng kanyang mobile kaya sa noo'y pagpindot niya ng answer button ay nakuha ng kanyang atensyon ang isang lalaking tila ayaw sa damit sa sobrang kapal ng jacket, bonnet, ear plugs at eye wear na suot nito.


I guess he's sick or hiding to someone. Creepy but Duh! Whatever!


"Hello?"


Bungad nito sa tumawag sa kanya nang hindi inaalis ang paningin sa taong parang suman na binalot. Halos takpan pa niya ang bibig upang pigilan ang pagtawa.


"Hey sis it's me Katie. Bumili nga pala ako ng bathing suit..." agad kumunot ang noo ng dalaga sa narinig, "...tag-isa tayo," napaubo ang dalaga kaya ang kausap sa kabilang linya ay biglang natawa.


Ang ubong iyon ang umagaw ng atensyon ng taong binalot kaya kahit nakaharap ito sa shooting target ay nakikita niya ang ginagawa ng dalaga na nakaharap pa sa kanya.


"Bakit kasali ako?" Ang tila umaangal sa tono na wika ng dalaga kaya ang panganay na kapatid ay napaigik.


"Alam mo naman na nasa business world si Lolo Louise tanda mo si Mr. Dukot? Ang halos pangatlo sa mayayaman sa talaan at matalik na kaibigan ni Lolo. Anak niya si Cambria. Inanyayahan tayong kambal na dumalo sa pool party niya, at good news sissy ikaw ang request niyang 'wag mawawala sa party dahil idol ka raw niya."


That Idiot Chamber! She's insane. Wala siyang ginawa kundi ang ipagsigawan sa school na magbest friend kami. Wala akong kaibigan at mas lalong hindi ko siya best friend dahil. Nagising sa reyalidad ang dalaga noong magsimulang magpaputok ang taong binalot.


Shvt he's an expert. Dalawang paputok ang ginawa nito at lahat ng iyon ay bullseye.


"Oh Gahd what was that for sissy? Don't tell me nasa--"


"I don't care about her. That spoiled brat Chamber, she's pathetic and insane. No for that nonsense pool party," Shery spill out while starring roughly to Mr. Clothes.


"Whether you like it or not for Lolo Louise Shery you need to come with me, by the way its Cambria not Chamber. P.S. One piece is not bad for you promise. Have a jolly afternoon."


Agad namatay ang tawag kasabay nang pagpapakawala nito ng hangin gamit ang ilong.


Sa tuwing nadadawit ang pangalan ng kanyang Lolo ay hindi niya maiwasang mainis, hindi sa sarili o kahit kanino man. Sadyang hindi niya pwede suwayin ito. Ito na rin kasi halos ang nagpalaki sa kanila, nagsilbing gabay sa paglaki at nagbigay ng tinatamasang kaginhawaan sa buhay. Naikuyom ng dalaga ang kaliwang kamay, Kung pwede lang makipagpalit ng katauhan sana payagan akong maging isang normal na taong kahit hindi mayaman ay nakakaranas naman ng tunay na pagmamahal.


Dahil malalim ang iniisip ng dalaga hindi niya napansin na nagpalit ng baril ang taong binalot at ngayon ay hawak ang rifle. Ang rifle na hawak nito ay lumang version at manual. Bumalik ito sa pwesto, gamit ng siko ay nilock nito ang bala sa loob.


Nagrequest ito sa nakabantay na pagalawin ang target sa medium speed. Kaya ang sistema ay kumakaliwa ito at kumakanan. Gusto kasi ng taong binalot ng kakaibang pakulo kaya ang dalagang malalim ang iniisip ay nagulat sa natunghayan.

Ang bilis ng pangyayari. Muling natamaan ng taong binalot ang pulang target kahit pa gumagalaw iyon.



[a/n Hello po! Para sa mga silent readers ko, comment down lang kung gusto ng dedication okay? How's the drama? Sino ang taong binalot? Is he a spy or just nothing?

Brent Coleman? Hindi na ba niya mahal si Shery? Or si Katie na? O baka may iba pa siyang dahilan kung bakit siya umiiwas?]

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 36.3K 56
(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly? How much are you willing to sacrifice fo...
1.1M 42.9K 35
Love...does it really conquer all?
3.4M 86.8K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (...
2.1M 9K 14
Sam and Brye used to be madly in love with each other. Hindi importante na kapos sila parehas sa pera, kasi para sakanila sapat na ang isa't isa. Per...