PASSWORD (Completed) (Raw)

By dcmuch

37.4K 1.5K 1K

Highest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery... More

Password
PASSWORD : Perfect Human
PASSWORD : Him
PASSWORD : Him II
PASSWORD : The Prognostication
PASSWORD : The Rationale
PASSWORD : Best Friend
PASSWORD : The Mission
PASSWORD : The secret
PASSWORD : Loving you from afar
PASSWORD : Lets enjoy the moment and forget the reality
PASSWORD : Jumble Emotion
PASSWORD : It Happens Again
PASSWORD : Struggle
PASSWORD : Weird Me. Weird Situation
PASSWORD : Am I dreaming?
PASSWORD : We meet again!
PASSWORD
PASSWORD : PINAM
PASSWORD : Craig Family
PASSWORD
PASSWORD : That curiosity makes me a sinful man!
PASSWORD : Clothe Man?
PASSWORD : Clothe Man II
PASSWORD : Her secret
PASSWORD : ONE DOWN! WHO'S NEXT?
PASSWORD : She's Back!
PASSWORD : Face off!
PASSWORD : Choose
PASSWORD : I miss you
PASSWORD : It's not too late!
PASSWORD : The Test!
PASSWORD : Realization
PASSWORD : Evo meet Shery!
PASSWORD : His Feelings!
SERCRET by: YURI and SEOHYUN
PASSWORD : Becoming One
Finale : I am into you

PASSWORD : Chain Reaction

5.3K 133 161
By dcmuch


Ang istoryang Password ay isinulat sa mix language na English at Tagalog. Sinimulang isulat noong November taong 2015. Bawat eksena, pangalan ng tauhan, lugar o anumang pangyayari ay likha lamang ng aking kaisipan. Kung mayroon mang pagkakapareha sa iba iyon ay malaking aksidente at hindi ko kinopya.


Ito ay pasok sa genreng misteryo na may halong action at drama. Hindi ako professional writer pero ibinigay ko ang lahat nang magagawa ko upang maisulat ito ng maayos. Please appreciate! Wala akong magagawa kung may mali, hindi ako perpekto pero asahan niyong lubos ko pong ikinalulugod ang inyong pagtatama o magandang puna. Malaking tulong din iyon upang bigyan ako ng lakas upang magpatuloy sa pagsusulat.


Gusto ko sanang ipabatid na may sarili po akong pamamaraan nang pagsulat, kung mapapansin na nagsimula ang salita sa upper case iyon ay panibagong yugto. Kung Itallic naman ay pansariling salita, flashback pag naka-itallic na buong stanza. Bold at may naka-indikasyon na qoute pag phrases. (Hindi ko sinasabi ito dahil hindi mo alam, upang linawin lamang ang ilang naguguluhan o baguhan)


Credits to endorphinGirl my beautiful cover photo.



^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^


Tahimik noon sa klase dahil lahat ay seryosong nagsusulat sa kanilang kwaderno upang kopyahin ang nasa blackboard. Hanggang sa lahat ay matuon ang atensyon sa pinto noong may lalaking sumigaw mula doon.


"Miss Shery!"


Hindi iyon pinansin ng dalagang pinapatukuyan bagkus ay ipinagpatuloy lang nito ang pagsusulat. Wala ni isa sa mga kaklase niya ang may lakas ang loob na magtanong o mangialam dahil lahat ay takot maging ang kanilang guro. Maging ang lalaking sumigaw sa pinto ay kinabahan sa kanyang ginawa pero kailangan para kay Katie na kanyang classmate.


"Si Miss Katie nahimatay!"


Nakatutok sa kanyang kwaderno ang dalaga at kasalukuyang binabasa ang susunod na isusulat nang rumehistro sa isip niya ang isinigaw ng lalaki. Si Miss Katie nahimatay. pagbabasa niya sa isip.


Bakas ang pagtataka sa mukha niya kaya ang binatang nakaupo sa unahan at nakita ang pag-iiba ng ekspresyon niya ay nanginig.


Mabilis ang mga pangyayari dahil ang sumunod na nasaksihan nila ay ang pagbagsak ng isang mamahaling ballpen sa sahig at ang pagsara ng pinto.


Si Katie na-nahimatay? Anong nangyari? Ani sa isip ng dalaga habang tumatakbo.


Nasa ikalawang palapag ng building ang klase niya kaya ganoon kabigat ang hingal nito noong pababa ng hagdan. Saan ba ang klase niya ngayon at anong subject? Hindi na kasi siya nag-aksayang tanungin pa ang lalaking tumawag ng kanyang atensyon dahil tingin niya lalo lang siyang bibigyan ng problema nito. Napahinto siya ng maalala na naka P.E. uniform ang binata na iyon at sa pagkakatanda niya nagmensahe si Katie na kung pwede ay magcheer sila sa mga classmate nilang maglalaro ng soccer.


Soccer field! Saan ang Soccerfield?


Tahimik na nag-isip ang dalaga at humarap sa kanang bahagi. Tama nasa east wing ang Soccer Field. Muli siyang tumakbo. Natatanaw na niya ang soccer field pero ang nakakapagtaka dahil ang kumpol ng tao ay nasa pathway.


Nanggigil siyang lalo at binilisan ang takbo nang mapansin ang imahe ng isang lalaki na siyang nagpahawi sa kumpol ng taong tingin niya ay pinapaligiran si Katie, ang kanyang kambal. Huminto siya at sinipat ang lalaki kung sino ito. Brent?


Mabilis itong umupo at kinapa ang pulso ng nawalang malay na dalaga. She's conscious but her breathing it's-asthma? Ani ng binata matapos ay binuhat si Katie na parang pangkasal.


Ang clinic ay nasa main building kung saan galing ang dalagang si Shery kaya ang binata ay tumalikod sa mga tao at napahinto. Nakita kasi niya ang imahe ng isang pamilyar na babae sa hindi kalayuan at salo ang dibdib.


Agad niya itong iniwasan ng tingin at lagpas-lagpasan ang atensyon na nakatanaw sa layo ng kanyang babagtasin.


Ang dalagang noon ay nakapirmi sa pwesto at salo ang dibdib. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Four years passed yet still he has this charm and affection on me. Isang buwan na buhat noong umuwi siya dito at ni hindi manlang niya nasilayan ang binata.


Gusto niyang lumapit dito at kausapin upang malaman kung anong nangyari pero hindi niya mahanap ang tamang salita na sasabihin. Parang ang mga labi niya ay nalock dahilan upang hindi maibuka. Palapit na ito sa kanyang pwesto at batid niya ang panaka-naka nitong pagtingin kaya noong tuluyan na itong makapantay sa kanya nagawa niyang ngumiti na bihirang makita sa dalaga.


Ang ngiti sa labi ay mabilis nawala. Tuluyan nang lumagpas ang binata sa kanya at nagawa pa nitong banggain siya dahilan para makita niya ang onti-unting paglayo nito. Parang sinampal siya sa nangyaring kahihiyan. She's speechless and ashamed. Maging ang mga nakasaksi sa nangyari ay nagsimulang magbulong-bulungan na si Colin Shery Hanzrouie ay winalang bahala ng isang Brent Coleman.


Nagsimulang manginig ang bawat kalamnan niya. He's damn mad at me. I can't force him to believe. After four years of living I deserved to be treated like that.


"Miss Shery I'm sorry. Nagpaalam lang po ako saglit kay Miss Katie na magbabany---" mula sa malalim na pag-iisip napaharap sa likod si Shery upang harapin ang bodyguard ni Katie.


"Stop explaining. You must not leave her!" Hasik nito sa lady guard ni Katie.


Sa takot ay muling yumuko ang babaeng nakathree piece suit matapos ay tumayo ng matuwid at sinundan si Brent na buhat si Katie.


Naguguluhan si Shery una't bihira atakihin si Katie ng asthma dahil masyado itong masayahin at mahinhin. Alam niya ang hangganan ng pagod at gagawin kaya't iniisip ng dalaga kung ano ba talaga ang nangyari.


She started to walk back into her room. Kampante naman siya kay Brent. Kababata niya ito at alam niyang hindi nito ipapahamak si Katie. Sa pagtungtong niya sa unang baitang ng hagdanan agad itong napahinto at nilingon ang kaliwang veranda.


Quick three steps backward then hide nice try.


Humarap siya sa hagdanang dapat ay aakyatin pero minabuti niyang pumirme sa pwesto at kinuha sa bulsa ang mobile. Mabilis siyang bumuo ng mensahe at pinindot ang send upang ipadala ang mensahe sa taong kakatagpuin bukas.


---



"Creepy, though you have a point. Ang isang Hanzrouie na tulad mo at walang bodyguard. Napakadali mong i-abduct at ibenta sa isang auction. Naku instant milyonaryo ang gagawa noon sa'yo," natatawang salaysay ng isang mahinhing lalaki nang hindi tinitignan ang inuusog ni Shery na tasa sa tapat niya.


Hindi siya nakarinig ng sagot kay Shery kaya sinara nito ang librong binabasa. Tumambad sa kanya ang nakahalukipkip na dalaga at ang kilay nitong parang sinisindak siya.


"Burahin natin ang salitang abduct at auction at palitan nang sana nilapitan mo para malaman mo kung sino ang taong nagtatago roon!"


"Wasting time," tipid niyang sagot sa binatang kaharap matapos ay tumingala sa punong nagsilbing proteksyon upang hindi sila mainitan. Nagmensahe kasi siya dito kahapon na puntahan siya ngayon. Ang totoo niyan gusto niyang ikwento sa kaibigan ang pagtatagpo nila ni Brent pero mas na bahala siya sa taong nagmamanman sa kanya. Buhat noong dumating siya sa mansyon ng Lolo niya palagi nalang siya nakakaramdam na parang may sumusunod sa kanya.


"Anong wasting time doon? Jusko po Shery hindi mo nga ginawa kaya ito ka ngayon nababagabag? Nababahala ka ba dahil sa klase mo? Kung alam ko lang takot lang nilang hindi ka hintayin. Tsaka anong silbi nang training m---" agad napahinto ang binata sa dapat ay sasabihin noong mapagtanto niyang lihim ang dapat ay sasabihin niya.


Inabisuhan kasi siya ni Shery na kahit silang dalawa lang ang magkausap ay hindi na dapat pag-usapan pa iyon. Dahil walang nakakaalam nang pag-alis niya kundi siya lamang at ang Lolo ni Shery. Ang tanging alam ng ilan ay nag-aral ito sa ibang bansa upang mas mapalago ang kaalaman.


"Cage who's she?"


Ang nawiwindang na binata ay sinundan ang minamasdan ni Shery saka umayos nang pagkaka-upo.


Mula sa isang Limousine ay bumaba ang isang babae na hindi agad kita ang mukha dahil natatakpan iyon ng isang mamahalin na sombrero. Mula sa mga bodyguards nito'y natitiyak ng dalagang marahil isa ito sa mga investors ng kanyang Lolo. Ang nakakapagtaka lamang dahil ni minsan hindi nag-imbita ang kanyang Lolo ng panauhin lalo't sa sariling teritoryo nito. Naglalaro sa 40's ang idad ng ginang na nakita ni Shery noong lumingon ito sa gawi nila.


"That's your auntie," sa gulat ay agad ibinaling ng dalaga ang atensyon sa kaibigan.


"My auntie?"


Inosenteng tanong niya sa kaibigan kaya't tumango ng pagkalambing-lambing ang binata.


Imposible! Halos labing apat na taon akong nanuluyan sa mansyong ito pero hindi manlang nagkwento si Lolo patungkol sa isa pa niyang anak. All along I knew dad is only son. Who's she? Is Lolo had a daughter with a mistress? Impossible! My head!


"Are you alright?" Nag-aalalang tanong ng binata noong hawakan ni Shery ang ulo na parang sakit na sakit ito.


"I'm fine Cage, what is her name?" Pagsasawalang bahala niya sa nararamdamang buhul-buhol na impormasyong hindi maayos sa kanyang isipan.


Hindi tiyak si Cage dahil hindi na ulit siya nagtungo rito buhat noong umalis si Shery pero bali-balitang ang babaeng tinatanong ng kaibigan ay ang anak na susunod na tagapagmana.


"I suggest you to ask Katie. Ano ka ba Shery ngayon lang ulit ako nakarating dito kung hindi lang dahil sa'yo!"


Hindi natinag si Shery sa sinabi ni Cage na parang sinasabi nitong kilala siya nito patungkol sa pagsagap ng mga balita. Halos malapot ang pawis na namumuo sa kanyang patilya na dahan-dahang gumagapang patungo sa kanyang tenga.


Shery naman e. Reklamo niya sa isip noong lalong bumagsik ang pinukol na tingin ng dalaga sa kanya.


"Excuse me Miss Shery, pinapatawag po kayo ni Sir Louise!" Ang puno ng katanungan na dalaga ay agad na bahala sa biglaang pagpapatawag sa kanya ng kanyang Lolo.


Nagtatakang hinarap niya si Cage na ngayon ay nagdidiwang sa loob niya dahil nakaligtas siya sa kaibigang ang daming hindi alam.



Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 78.4K 53
[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexpected event tears her world apart, her b...
7.5M 378K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
313K 5.6K 42
When people cross paths, it's never just an accident. [TheWattys 2018 - Longlist]
5.4M 164K 58
Kelvin Nikola Aragonza's story.