Her Unwanted Love (Salvador S...

Par teensupreme

3.7M 53.6K 1.6K

Gremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants s... Plus

Her Unwanted Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 28

79.6K 1.2K 32
Par teensupreme

Chapter 28

"Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, love is a war; love is a growing up."
―James Baldwin

***

Day off ko ngayong araw kaya naman naisipan kong ilabas ang kambal ngayon sa playground o sa water park saka mag-picnic. Matagal na namin iyong hindi nagagawa bilang bonding time namin. Palagi nalang kaming nasa loob ng bahay at naglalaro o kaya ay nasa backyard lang at naghahabulan.

Inunahan ko na sa paggising ang kambal para mas makapaghanda ako sa aming picnic. Alas sais pa lang ng umaga ay busy'ng busy na ako sa kusina. Maraming putahe ang gusto kong lutuin at dalhin sa picnic. Naroon iyong new york sandwich na excited akong lutuin ever since. Syempre, fried chicken na pinakapaborito ng kambal saka mga mapapapak na mga pagkain na rin para sa amin ni Angel.

"Mommy!" naunang pumasok si Gray sa kusina at mabilis na inakyat ang kitchen stool para makita ang ginagawa ko.

Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa bewang. "What do you think you're doing, big boy?" Pinugpog ko siya ng halik sa mukha at panay naman ang tawa at piglas niya sa akin. Kinarga ko siya at dinala sa sala. Iiwan ko na muna ang mga natirang sandwich na hindi pa napa-pack.

"Mommy! S-Stop!" Nahulog kaming dalawa sa couch dahil sa panay na pagpiglas niya sa mga halik ko.

"Aray! Sakit ng balakang ko dun ah!" bulalas ko. I fell on my back as I held Gray in my chest.

"M-Morning, mommy!" ang maarteng boses naman ni Gale ang nagpabalikwas sa akin.

"Morning, baby! Come!" pinalapit ko siya sa amin ni Gray saka niyakap, likewise, pinugpog ko rin siya ng halik sa mukha pero humahagikgik lang siya. And her giggle is very contagious, nakakaadik talaga. Oh, my son and daughter.

"How was your sleep?" I asked both of them when we settled in the couch.

"Nagd-dream po ako na nag-school na po ako," ang cute na bibig ni Gale ay ngumingiwi sa bulol na pagsasalita. Awwe, gusto ko siyang pisilin. Si Gray ay sumandal naman sa balikat ko habang nakikinig sa kapatid. "T-Tapos nag-run po ako papunta sa isang big guy and then he hugged and kissed me."

"Really? Sino daw ang big guy na 'yon? Si Lolo mo?" masigla kong tanong.

Umiling si Gale sa akin. "N-Not Lolo but I c-called him daddy." My jaw hanged in the air. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I even doubt if I heard it right. Gusto kong tanungin muli si Gale sa kanyang sinaad pero ayoko namang marinig na tama nga ang aking pandinig.

"Mommy?" nilingon ko si Gray na tinawag ako. "W-What's daddy?"

"Daddy? Hmm ..." kinarga ko silang dalawa patayo. "Daddy ay ..." How do I say this? Hindi ko alam, I lost the words. I never rehearsed an answer for that question. Dahil hindi ko rin naman inanticipate na tanungin nila ako ng ganung tanong.

"Daddy ay lalaking version ng mommy, ganun." Pinaupo ko silang dalawa sa magkatabing upuan. "Let's eat breakfast na? Para maka-ready na tayo. Gusto niyo bang mag-waterpark? Gusto niyo ba 'yun? Pool and slides?" I tried to divert their attention. Dahil hindi ko gusto kung saan patutungo ito. They're just three years old kids, they'll never understand the situation we have in.

"Yehey swimming!" I succeeded in diverting Gale's attention. Pero si Gray ay diretso ang tingin sa akin. Alam kung may nais siyang itanong. He's a really smart kid, no doubt. But it's still too hard for me to explain.

"Yes, swimming!" tinaas ko ang aking kamay sa ere. "But first, kain muna tayo and then bath time, okay?"

"Yes, mommy!" Gale answered with energy.

"I can't hear you, Gray ..." ngisi ko kay Gray.

"Yes, mommy," he answered me with a deep voice na para bang nagbibinata na siya.



Nilagay ko sa harapan nila ang tig-isang plato ng pancakes. Hitik iyon sa syrup kagaya ng gusto nila palagi. I want to see their smile first thing in the morning kaya as long as I can give what they want to have, binibigay ko talaga. Ganoon ko sila kamahal. Tinulungan ko silang i-slice iyon in bite sizes para ang pagtusok sa tinidor at pagsubo nalang ang gagawin nila.

I am training them to do the basics alone like eating, changing shirts and shorts, combing and stuff. Not all the time they'll depend on me on all things. If only they'll be this young forever, but that is impossible. They are growing up and that is inevitable.

Naabutan ko si Angel na naglalaba sa likod ng bahay, kaya pala hindi ko siya nakita sa sala na nagsa-soundtrip habang nagma-mop. Pinatigil ko siya sa ginagawa para maihanda na iyong basket na paglalagyan ng mga pagkain. Ako naman ay sasabayan ang kambal na maligo para makatipid sa oras, alas-nuwebe na at heto't nasa bahay pa kami. Malayo-layo pa naman ang waterpark mula dito sa bahay.

Malapit nang mag-alas onse nang nakarating kami sa isang waterpark sa Lapu-Lapu City. Agad na tumakbo si Gale pagkarating namin sa pool area. Nakakabighani ang pag-agos ng bughaw na tubig na sinasabayan ng preskong hangin mula sa dagat. Napaka-swerte nang taong ganitong eksena ang ginigisingan sa araw-araw.

"Gale, ingat ka ah?" pinaalalahanan ko si Gale na tumatakbo paikot sa pambatang swimming pool. "Angel, pakibantayan nga si Gale." Si Gray ay kasalukuyan kong nilalagyan ng sunblock ang braso. Ngumisi siyang nang padaanan ko ang kili-kili niya ng haplos.

"Aba! May kiliti si Gray sa kili-kili ah?" nginisihan ko siya at kiniliti roon. His laugh is divine. Nakakawala ng stress at iba pang iniisip.

"Mommy p-please s-stop!" he giggled once again kaya tinigilan ko na siya. "Mommy, palagi ka po na-nangingiliti," he told me smiling.

"Talaga?" tanong ko habang naglalagay naman sa braso ko ng sunblock.

"Opo."

"Kasi nakaka-adik ang tawa niyo ni Gale eh," nakangising sagot ko sa kanya.

"What's naka-nakaka-a-adik?" he asked me with his questioning eyes.

"Hmmm ... nakaka-adik like you always want it, you will never get tired of it. I'll never get tired of seeing you laugh, Gray."

"Hmm, I love you, mommy!" it was one of those rare moments he tells me he loves me. Pero sa dalang ng mga panahon na nagsasabi siyang mahal niya ako ay alam ko namang totoo ang sinasabi niya sa akin.

"I love you, too, baby!" niyakap ko siya ng mahigpit. "Kung sana'y ganito lang kayo ka-cute at ka-sweet habang buhay, anak ..." mahinang bulong ko.

"Splash! Splash!" humagikgik si Gale habang sinasabuyan ako ng tubig.

"Water power! Whaaaa!" dumating si Gray at kunwari ay nag-water bend na parang sa Avatar. Nagkunwari akong natamaan at sabay-sabay kaming tatlo na tumawa. Si Angel ay pinalusong ko na rin sa pool para dalawa kaming magbantay sa kambal.

Pagdating ng tanghalian ay pinagsaluhan namin iyong mga niluto ko. Gustung-gusto ni Gale iyong new york sandwich dahil niramihan ko ng cheese sa loob nito. Masaya ako at nagustuhan nang mga anak ko ang niluluto ko para sa kanila. Walang pagsidlan ang kagalakan sa puso ko tuwing ganado silang kumakain sa mga hinahanda ko. I feel fulfilled being a mother, being their mother.

Lihim akong napangiti sa aking sarili habang tinitingnan silang dalawa. I sighed dreamily wishing this day would never end.

Bandang alas-tres nang pina-ahon ko na sila mula sa tubig. Ang labi ni Gray ay nangingitim na sa lamig kaya naman agad siyang umahon at umupo sa sun lounger nang pinagsabihan ko siya. Pero si Gale ay ayaw makinig sa akin. Tinakbo niya ang kabilang side ng pool nung akmang iaahon ko na siya.

"Aba Gale! Umahon ka na, magkakasakit ka nyan!" pangangaral ko sa kanya. Nginisihan lamang ako ng spoiled na bata at nagpatuloy sa paglalaro nung salbabida nila na shark.

"Gale!" tinawag ni Gray ang kapatid at sinenyasan itong lumapit.

"Ayaw!" sigaw naman ni Gale pabalik.

"Tsk!" napailing na ako at nilapitan na si Gale, tinakbuhan niya ako at bumaba sa pool. "Gale, isa!" banta ko at pinuntahan ang direksyon niya. Sinabuyan niya ako ng tubig sabay, "Splash!"

"Gale, you won't like me mad, baby. C'mon!"

Gale looked at me with her pleading eyes. Para siyang nagulat na tumaas ang boses ko sa kanya, ganyan naman talaga siya kapag napapag-sabihan ko na. Ayokong they'll grow spoiled, not everything in this world will be given to them because frankly, some things cannot be given to them. Pero syempre dahil ina ako, gusto kong maibigay lahat sa kanila as long as I can give it to them, walang problema.

Mabilis ang hakbang kong nilapitan siya at hinawakan sa ilalim ng kili-kili. Inahon ko siya mula sa pool at inupo sa tabi ni Gray. Gale just looked at me at para bang iiyak na siya kung hindi ko lang siya binalot ng tuwalya.

Kinuskos ko ang kanyang basang buhok. "Gale ah? Listen to mommy always, 'wag matigas ang ulo, okay?" She cutely nod at me before she sneezed.

"Ayan, magkakasakit ka na nyan kasi ang tagal mong umahon sa pool."

Humatsing siya ulit habang binibihisan ko ng tuyong damit. Si Gray ay tapos nang magbihis at iniinom iyong milkshake na inorder ko para sa kanilang dalawa. "Gusto mo ng milkshake?"

"Milkshake, like!"

"Okay, after magbihis," tumango siya sa akin at nagpasuklay na ng buhok.

Tulog si Gale habang bumabiyahe kami pauwi sa bahay. Maganda ang sunset sa Marcelo Fernan bridge nang dinaanan namin ito. If only Gale is awake, ma-aappreciate niya sana ang view. Gray is indifferent on things like this, ewan ko ba sa batang ito. He likes stuff that makes him think thoroughly or solve something. Iyon ang kumukuha sa atensyon niya talaga. He is, I think, a critical thinker.



Tumigil ang taxi sa harap ng bahay namin dahil pina-diretso ko na ito. Pinauna kong palabasin si Angel at Gray dahil sa balikat ko nakatulog si Gale. Nang lumabas na ako'y napansin ko ang pagtigil ng isang itim na kotse sa kabilang kalsada sa tapat lang ng gate namin. Napatingin ako dito dahil bihirang may kotse ang mga tao rito sa subdivision namin.

"Dumating na pala iyong galing America na kapitbahay natin?" tanong ko kay Angel nang matapos akong magbayad. Umalis na iyong taxi kaya naman mas naaninag ko ang kotse, Mitsubishi ito pero hindi ko alam kung ano ang model, hindi ako magaling sa mga kotse eh.

Inilingan niya ako, "Hindi pa po, bakit?"

"Eh iyong kotse, kanino?" nginuso ko ang kotse. Hindi ko naman maaninag ang nasa loob ng kotse dahil heavy tinted ito.

"Baka po dun sa bagong lipat sa kanto, ma'am."

"May bagong lipat?" tanong ko habang hinihintay na mabuksan ni Angel ang gate.

"Meron po, ma'am."

Nagkibit nalang ako ng balikat at pumasok na ng bahay. Hiniga ko na agad si Gale sa kama niya, sumunod naman si Gray papasok sa kwarto.

"Dali baby Gray, bihis na tayo," saad ko dito.

Isa itong mahabang araw pero sobrang saya. I'm wishing for more happy days like this.





Naalimpungatan ako sa matinis na iyak ni Gale. Mabilis akong bumangon ng kama at nagsuot ng robe sa aking silk na pantulog. Sinilip ko ang oras sa wall clock, alas kwatro pa lang ng umaga.

"Mommy! Mommy!" ang sigaw at iyak ni Gale ang bumungad sa akin paglabas ko pa lang ng aking kwarto.

"Ma'am!"umibis rin si Angel mula sa kanyang quarter at binuksan lahat ng ilaw.

Halos sabay kaming pumasok sa kwarto ng kambal at nadatnan namin si Gale na nakasapo sa kanyang noo nang nakahiga at umiiyak. Si Gray naman sa kabilang kama ay umaaba na ringumiyak dahil sa ngiwi ng kanyang labi.

"Oh, anong problema, baby Gale?" mas una kong nilapitan si Gale dahil sa kanyang malakas na iyak. Kinarga at sinapo ko ang kanyang noo, nagulat ako sa init nun. Nilalagnat ang batang 'to.

"Angel, ang taas ng lagnat ni Gale!" bulalas ko at tiningnan si Angel.

"Ma'am, kukuha po ako ng paracetamol sa cabinet," sagot sa akin ni Angel na mabilis kong kinatango.

Patuloy ang pag-iyak ni Gale nang naka-ub-ob sa leeg ko. Hinaplos ko ang kanyang likod at hinagkan siya sa noo. Habang ginagawa ko iyon ay sinilip ko si Gray na nakahiga na ulit pero sa akin nakatingin.

"Baby Gale, anong masakit?"

"Mommy, dito!" aniya at mabilis na sinapo ang kanyang noo.

"Diyos ko! Namumutla ka!" mabilis na sumipa ang kaba sa aking dibdid dahil sa unti-unting pagkawala ng kulay sa mukha ni Gale. Ni minsan hindi ko pa naranasan na ganito kataas ang lagnat ng ni isa man sa kambal.

Mabilis akong lumabas ng kwarto nang yakap-yakap si Gale. "Angel!" tawag ko kay Angel na agad ring nagpakita sa akin.

"Opo, ma'am?"

"Pupunta tayong hospital, namumutla si Gale at sobrang init niya talaga. Damputin mo nalang agad iyong baby bag saka kargahin mo na muna si Gray, baka natatakot na iyong mag-isa sa kwarto. Sumunod ka kaagad, magtatawag ako ng taxi."

"Sige, ma'am. Masusunod po."

Tinawagan ko iyong front gate ng subdivision para magtawag ng taxi. Hindi ko na alintana ang lamig sa hita ko dahil sa iksi ng aking silk shorts na pantulog. Nang lumabas na ako sa gate ay nabigla ako nang naroon pa rin ang itim na kotse na tumigil doon kanina. I think the owner parked in the wrong house.

Iyak pa rin ng iyak si Gale sa balikat ko kaya naman panay ang hagod ko sa likod nito. "Sshh, stop crying na," pagtatahan ko dito at sinasayaw na para matigil lang sa pag-iyak.

Pero kung anong kaba ng dibdib ko sa mataas na lagnat ni Gale ay iyon naman ang gulat ko nang may bultong lumabas mula sa kotse.

Kung hindi pa dahil sa maliwanag na lamp post sa tapat ng gate namin ay hindi ko maaaninag ang mukha ng lumabas sa kotse. Nanliit ang mata ko, not sure if I wanted to blurt out his name in this time. This isn't the right time for him to show up, really. Kailangan ko ng maisugod sa hospital si Gale dahil hindi matigil ang pag-iyak nito dahil sa sakit ng ulo.

"R-Raine ..."

"K-Ke-Keaton?"



***

Note: Galit ako! Galit ako sa laptop ko dahil ayaw mag-connect sa home wifi namin, tinopak, swear! Kaya sorry talaga guys! :(

- teensupreme xx

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

94.8K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
115K 2.5K 23
"...now it is clear, my devotion is a fire that will never perish." - PEREGRINE TYR SELLOZZO R-18 COMPLETED
325K 5K 50
BOOK TWO OF AGAINST SINFUL AFFAIR (My Brothers With Benefits) WARNING: R18+ A/N: Read at your own risk. Sabi nga nila, kaakibat ng pagmamahal ang sak...
3.2K 168 38
(Book #01 of Petal Doulogy) Wren Luinne Montaños had a crush since child to her childhood friend, Horace Kale Merande, a son of her nanny. But when h...