SUPERHUNTERS:The BEGINNING (b...

By Henry_1998

257K 11.2K 566

Masaya na ang buhay ko sa aking mundo ngunit nagbago ito sa hindi inaasahang pangyayari. Nasira ang mahalagan... More

◇Prologue◆
-The Other World-
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4 ◆
◇CHAPTER 5◆
~*Dawn's Part*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Strong*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Bully*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 5◆
~*Revenge*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
Promotion!
Announcement
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Truth and Acceptance*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Uncontrolled*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Eyes*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
~*Shifter*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
~*Livewire*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*The Fire Bender*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
Important Announcement!
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
◇CHAPTER 5.3◆
◇CHAPTER FINALE pt.1: The End of Beginning◆
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 2 Extended: Inside the Characters Mind◆
◇CHAPTER 2 Extended pt 2: Inside the Characters Mind◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER FINALE pt.2: The Night Before Dawn◆
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5.1◆
◇CHAPTER 5.2◆
-Epilogue
SUPERHUNTERS: SEASON 2 SPOILER ALERT!

◇CHAPTER 4◆

3.5K 177 3
By Henry_1998


-Dawn

Kanina pa ako naglilinis dito sa kwarto niya pero parang wala akong kasama dito..nakatingin lang siya sa computer niya.

Wala naman akong karapatang magreklamo dahil ito ang kasunduan namin at isa pa ginagawa ko to para na rin magantihan ko ang mga mabubuting ginawa sa akin nina Tita,Yumuko ako para tignan sa ilalim ng kama niya kung may mga damit pa bang natira.

agad kong inabot ang isang tela na nakita ko at nanlaki ang mata ko nang makuha ko yun...

"Hoy!,huwag muna yan ang tignan mo,lumapit ka muna dito may ipapakita ako sayo.."si Shawn, salamat naman at nakapagsalita na siya..

Nilagay ko yung brief niya sa malaking basket na pinaglalagyan ko ng mga nagamit na niyang damit.

Lumapit ako sa kanya.

"tignan mo to"sabi nito habang tinuturo yung computer niya.Napangiti ako sa nakita, ang mga impormasyon tungkol kay Jared ang nasa Computer.

"Salamat sa impormasyon, sa totoo nga niyan, nakita ko na yan kanina sa school sa computer Lab niyo pero hindi ko natapos dahil bigla na lang namatay ang kuryente ng Lab."sabi ko na nakangiti.

Nagkatitigan lang kaming dalawa,Bigla niyang binawi ang pagtingin sa akin, tumikhim ito "Kamusta pala ang lakad niyo ni James?"tanong nito.

"OK lang naman,medyo mahihirapan nga lang ako dahil parang kulang pa ang impormasyon"sagot ko.

"ano ba nalaman niyo sa kanya?"tanong ulit nito.

"Isa siyang sikat na basketball player sa paaralan niya pero parang nagpalala pa sa sitwasyon dahil ginamit niya ang kasikatan na nakukuha niya para lang manakit sa mga estudyante doon, sa tingin ko nga naghihiganti yung pumatay sa kanya sa mga ginawa nito"pagpapaliwanag ko sa kanya.

"ibig mo bang sabihin,isa don sa mga estudyante ng school nila?"tanong nito.

"siguro, pero wala akong ideya kung nasaan siya,malamang sa ngayon lalo na siyang kinokontrol ng kristal "sabi ko.

"tinignan ko ang mga forms at record sa imbestigasyon ni Dad tungkol kay Jared pero parang wala akong nakitang bahid man lang nang ibidensiya"sabi nito na nakatutok lang sa Computer..

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

"Oh...bakit natingin ka lang diyan?"sabi nito.

"Ah-ah? Wala may iniisip lang, sige tapos na ko maglinis pwede na ba akong umalis?"Ako.

"kahit hindi kana bumalik,sige nah"masungit na sabi nito.

"Sige.."nasabi ko na lang pero bago ako umalis may sinabi pa ako sa kanya.

"Alam mo Shawn...kahit hindi mo sabihin, alam kong matutulungan mo ako sa misyon ko dito sa mundo niyo, nakikita ko sa mga galaw mo, salamat nga pala sa ginawa mo ngayon.."

------------------------------------------------------

Narration:

Sa kailaliman ng gabi umaalingawngaw ang malakas na tunog ng musika na nagmumula sa Gubat kung saan nag-iinuman at nakakasiyahan ang magbabarkadang estudyante,mapababae man o Lalaki.

"Hindi dito Babe...nahihiya ako sa kanila "sabi ng babae sa gitna nang kanilang paghahalikan ng lalaki..

"Sumunod ka sakin.."sabi naman ng lalaki.

Agad silang humiwalay sa kanilang barkada at pumunta sa isa sa mga ilog ng gubat.

Isinandal nang lalaki ang babae sa malaking bato at hinalikan ng buong pagnanasa,ang babae naman ay hindi nagpahuli.

Agad nilang hinubad ang kanilang mga damit nagpatuloy sila sa kanilang halikan,tumigil sila sa kanilang ginagawa nang makarinig sila ng kaluskus dahilan upang ang init na nararamdaman ng dalawa ay unti unting nawawala.

"sino yan? Jeros? Dan?kayo ba yan..."sabi ng lalaki habang humahakbang papunta sa mga puno.

"Jeff huwag mo kong iwan dito.."mahinang tili ng babae sa lalaki nang makitang lumalayo ito sa kanya..

"Sandali lang...baka pinagtitripan naman tayo ng mga gunggong na yun.."ang lalaki.

Ilang sandali lang ay parang wala nang naririnig na ingay ang lalaki kaya humakbang ito pabalik sa babae.

"Wala naman Babe hangin lang sigu...."hindi na natapos ng lalaki ang pagsasalita nang bigla itong hatakin pailalim ng isang nilalang sa ilalim ng Lupa.

"Jeff!!!" Napasigaw ang babae dahil sa hindi maipaliwanag na nakikita..

tumakbo ang babae palayo sa ilog habang sumisigaw pero nadapa ito dahil sa may kung anong mabigat na bagay ang hinagis sa kanyang likod.

Umiiyak ang babaeng tinignan ito..

"AAAHHHHHH!!!"isang malakas na sigaw mula sa babae ang narinig sa tahimik na kagubatan, Nakita niya ang katawan ng lalaki na may malaking butas sa likod nito na para bang kinunan ito ng lamang loob..

------------------------------------------------------

-Shawn

Isang bwesit na tunog ng alarm clock ang napagising sa akin bigla sa pagkakatulog ko..

Agad ko itong pinatay at nag-inat nang katawan...

Pumunta ako sa banyo upang maghilamos na at ayusin ang mukha ko, pagkatapos nun nagpalit ako ng Sando na tinakpan ko ng itim na Jacket at sumuot ng jersey short, Naisipan ko munang magjugging ngayon dahil matagal na rin na hindi ko nagagawa ito.

Paglabas ko nang bahay ay hindi pa masiyado sumisikat ang araw, medyo malamig pa ang hangin at wala pang tao sa paligid.

Nag-umpisa na akong magjugging nang mahagilap ng mata ko si Dawn sa bintana ng bahay na nagiinat ng katawan habang nakatingin dito sa labas..

Hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya,kung titignan mo siya parang may kakaiba sa mukha niya napakahinhin at napakaamo parang isang simpleng lalaki na walang kapintasan sa katawan.

natagpuan ko na lang ang sarili na ngumingiti nang makita siyang humikab na parang bata.

Napatigil ako nang tumingin siya sa kinaruruonan ko,Ngumiti siya at kumaway sa akin pero bago pa ako madala sa mga ngiti niya hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagjujugging...

------------------------------------------------------

-Dawn

Hindi man lang pinansin ni Shawn ang pagkaway ko sa kanya,Pumunta na lang ako sa banyo upang ayusin na ang sarili ko at pagkatapos nun sinuot ko na ang medyo malaki kong damit.

Magpapasalamat talaga ako sa kuya ni Shawn pag-nakita ko siya.. dahil kong hindi sa kanya ewan ko kung papahiramin ako ng damit ni Shawn..

Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili ko.ilang araw narin ako dito pero isang piraso palang ang nakukuha kong Kristal.

napabuntong hininga ako dahil sa naisip.

"Magtatagal siguro talaga ako sa mundong ito.."

Naalala ko na naman ang mga nangyari sa mundo namin, si Gaston,si ina,ama at si Lucas.

Napatigil ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng parang may tumakbo sa labas ng Kwarto..

Agad kong binuksan ang pinto, nakita ko si Tito na parang minamadali ang pagsuot ng polo nito habang pababa na sa hagdan,Sinundan ko siya..."Tito ano po ang nangyari?"natanong ko nang makita ko siyang nagmamadali.

"May emergency sa opisina Dawn may nangyari na naman kagaya nang kahapon, may patay na namang lalaki sa Gubat.."sagot ni tito

Natigilan ako sa sinabi ni Tito, palala na nang palala ang pagkontrol sa kanya ng Kristal,hindi na pwede to.

"Pwede po ba akong sumama Tito?"sabi ko na nagpahinto sa kanya.

------------------------------------------------------

-Shawn

Napatigil ako sa pagjujuging nang makita ko ang dalawang saksakyan ng pulis na nilampasan ako.

Nagtaka naman ako nang may tumigil na isang sasakyan ng pulis sa gilid ng daan kung saan ako nakatayo.Binuksan ng nasa loob ang bintana ng sasakyan at nakita ko si Uncle Mark.

"Shawn yung Dad mo nasaan? At bakit ka nandito sa ganitong oras?"sunod na tanong ni Uncle.

"Nagjujuging, si Dad naman nandun pa sa bahay,Bakit?"tanong ko rin..

Hindi ako nito sinagot sa halip ay kinuha nito yung parang gamit ng mga pulis kung may tatawagan sila, hindi ko alam kung ano ang tawag dun..

"George nandiyan ka ba?Over.."sabi nito.

Ilang sandali lang ay sumagot si Dad..

"Oo.. papunta nako diyan..Over"

"Sige hihintayin ka namin..Over"si Uncle Mark at agad binaba ang hawak niya.

"Umuwi ka na sa inyo at mag almusal ng kape at tinapay, yun na lang gawin mo baka mapahamak ka pa dito"sabi nito at inistart na ang sasakyan pero pinigilan ko siya..

"Sandali lang Uncle.. ano po bang nangyari?"tanong ko.

"May nangyari na namang pagpatay sa Gubat isang lalaki kagabi, pupunta kami doon para imbestigahan yun."sagot nito.

Sa narinig ko bigla kong naisip si Dawn, Kailangan niya tong malaman..

"sasama po ako sa inyo.."sabi ko at agad binuksan ang pinto ng sasakyan.

"A-ano Hoy hindi pwede!!"sigaw nito sa akin pero wala na siyang magagawa dahil nakaupo na ako sa panglikod na upuan ng sasakyan..

"Sige na po uncle gusto ko lang po makita yung ginagawa niyo"pangungulit ko pa,Aist...! kung hindi lang sa kasunduan,hindi ko to gagawin..

Marami pang sinabi si Uncle pero nauwi parin sa pagpayag niya na sumama ako,hindi ko alam pero parang naging interesado ako sa mga nagaganap,kasalanan talaga to ni Dawn kung bakit ako nagkakaganito.

------------------------------------------------------

Pagdating namin sa gubat meron nang abulansiya at mga pulis na nagiimbistiga sa bangkay.

Pumunta ako mismo sa bangkay na ngayon ay natatakpan ng puting tela.

Dahil na rin sa pagtataka binuksan ko nang bahagya ang puting tela,tumambad sa akin ang mukha nang lalaki na madungis na halatang iningudngud sa lupa.

"Hindi ako makapaniwala na may nangyayaring ganitong uri ng pagpatay"nasabi ko habang tinitignan ang mukha nito..

Napapitlag ako ng may humawak sa balikat ko, galit ko itong nilingon.

"Ano ba!! Pwede mo naman akong tawagin sa pangalan ko,kung nasapak kita.."asik ko dito pero sa mahinang boses lang.

Hindi ako nito pinansin sa halip ay natuon ang pansin nito sa bangkay na nasa harap ko.

"Siya nga yun.."kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Anong siya nga yun?...kilala mo siya?"tanong ko.

"Siya yung lalaking nakita ko sa school ni Jared, sa totoo lang ay hindi siya mabuting tao dahil parang hari ito kung maglakad tinutulak nito yung mga taong sagabal sa dinadaanan niya.

Magsasalita pa sana ako nang biglang sumulpot si Dad sa likod ko..

"Sh*t, pwede bang magsalita naman kayo bago kayo sumulpot bigla"asik ko sa kanilang dalawa pero sa ikalawang pagkakataon hindi ako pinansin ng mga ito.

"Huwag kayong lumapit dito, sumama kayo dito upang manood hindi humawak ng mga bagay na pwedeng maging ebidensiya"si Dad at agad niyang sinabihan ang mga tauhan ng abulansiya na ipasok na ito sa sasakyan.

Hindi na kami pinansin ni Dad at nagumpisa na itong makipagusap kay Uncle Mark,Umalis na kami palayo kina Dad,ilang sandali lang ay nagsalita si Dawn.

"Shawn palala ng palala ang mga nangyayari kung hindi natin siya mahahanap agad..baka higit pa sa ganito ang gawin niya".

"Anong gagawin ko? hanapin siya at hulihin?ni isang katiting bagay nga wala tayong alam kung sinong pumapatay"sabi ko sa kanya.

"yun nga ang sinasabi ko, kailangan pa natin maghanap ng makakatulong sa atin para malaman kung sino ang taong yun"Sabi nito.

"Paano? Mahihirapan tayong makita siya dahil sa gabi siya umaatake"tumigil ako sa pagsasalita ng may naisip akong plano"tama Gabi..."tinignan ko si Dawn.

"Kung sa gabi kaya natin siya hanapin?baka makita natin siya, napansin ko kasi na Gabi niya pinatay yung dalawang lalaki"sabi ko.

"Tama sa Gabi..mukhang may ideya na ko"sabi nito.

Naputol ang usapan naming dalawa nang may marinig kaming tumawag sa pangalan ni Dad.Lumingon kami ni Dawn at nakita namin ang tatlong pulis na parang may tinitignan.

Dahil na rin sa pagtataka agad naming pinuntahan ito upang matignan kung anong nakita nila.

"Shawn mukhang alam ko na ang katangian ng hinahanap natin..."nilingon ko si Dawn sa sinabi nito.

Seryoso lang siyang nakatingin sa malaki at malalim na butas sa lupa.

------------------------------------------------------

WEST MARSHAW HIGH(CAFETERIA)

-Dawn

"Hindi mo pa ba kakainin ang nilibre ko sayo?"natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si James.

kinulit kasi ako nito na kumain dito, libre naman daw niya kaya pumayag na lang ako,Hindi ko siya maintindihan kung bakit ginagawa niya to, ilang araw palang naman kaming magkakilala pero sa ginagawa niya parang magkakilala na kami nang matagal.

"nakikita ko sa mukha mo na parang may iniisip ka talaga, yung kahapon ba?"tanong nito.

"Wala toh, si ano...si Shawn tama.. iniisip ko si Shawn"pagsisinungaling ko.

Pero sa totoo lang yung nangyari kanina ang iniisip ko, ang malaking butas na nakita ko sa Lupa at ang pagkamatay ng dalawang lalaki,

Nakita ko siyang napakunot ng noo  na para bang nagdududa pero iwinaksi niya rin naman ito agad.

"May gusto ka ba kay Shawn?"

nabulunan ako sa tanong niya,nagmadali naman siyang ibigay sa akin ang tubig na nakalagay sa bote.

"Hindi kaya kami minsan magkasundo nun at isa pa ilang araw ko lang din siya nakilala.."diretsong pagkakasabi ko.

"akala ko kasi iniisip mo siya dahil gusto mo siya pero bakit mo nga ba siya iniisip?"tanong pa ulit nito.

"Ah..iniisip ko yung pinag-usapan namin kanina,yun lang"sagot ko sa kanya at binalik ang atensiyon sa pagkain.

"sabi mo eh,nga pala pwede ka bang sumama sakin mamayang gabi? magiinuman ang mga barkada ko pati si Shawn sa East Wood wala kasi akong Date mamaya pagdating doon"sabi ni James.

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nito.

"Bakit niyo gagawin yun?"tanong ko.

"Weekends ngayon, so walang klase bukas ibig sabihin,yun lang ang tamang oras na pwedeng magsama-sama ang magbabarkada,nandun ang inuman at sayahan"sabi nito.

Hindi pwede toh, masiyadong dilikado lalo na hindi pa namin nahahanap yung pumapatay.

"Huwag niyo na lang kaya ituloy..baka mapahamak kayo lalo na ang balita tungkol kay Jared hanggang ngayon hindi parin nakikita ang pumatay sa kanya"sabi ko.

Tumawa lang ito at tinignan ako na nakangiti.

"Alam mo iisipin kong concern ka sakin kung hindi mo lang isinama sa pag-aalala mo yung mga barkada ko, alam mo, kahit tumutol ako hindi parin yun magbabago sa plano ng mga barkada ko,nagiisa lang ako madami sila..."sabi nito.

"Gawain niyo na ba talaga yan?"tanong ko.

"Yeah,lahat naman ng magbabarkada sa school na to pumupunta sa gubat upang gawing pasyalan o lugar kung saan pwede ka maglasing dahil tahimik doon at walang gumugulo sayo"sagot nito.

"ibig sabihin Malaya ka kung anong gagawin mo don?"tanong ko ulit.

"Oo yun nga.. so sasama ka ba?"tanong ni James at sumandal ito sa upuan niya.

"hindi siguro ako makakasama may gagawin kasi ako mamaya, pasensiya na"sagot ko.

"Ganun ba? Tsk.. First time to ah"sabi nito pero pabulong yung panghuli,wala rin saysay dahil narinig ko parin..

"huh?anong first time?"tanong ko,

Nakita ko siyang nagulat sa tanong ko hindi niya siguro naisip na maririnig ko ang sinabi niya

Napabuntong hininga siya tapos tinignan ako.

"Alam mo ikaw palang ang tumanggi sa kagaya kong gwapo dito sa school, kung babae ka lang at katulad kanila"sabi nito sabay turo sa likod ko lumingon naman ako at nakita ang tatlong babae na nakatingin kay James yung isa napakagat-labi pa na para bang natatakam sa nakikita, tumingin ako kay James nakita ko pa itong ngumiti sa mga babae "siguro kanina ka pa tumatalon sa tuwa"sabi nito.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"tanong ko.

"Oo naman...Hey you!"napakunot noo ako dahil sa ginawa nito, tinawag niya kasi ang babae na dumaan sa gilid ng lamesa namin, lumingon naman ang babae at ngumiti kay James.

"Ano yun?"malambing nitong tanong..

"Can I take you for a Date? maybe Later..?"tanong nito.

"Of course James... what time?"sabi ng babae.

Napanganga ako ng bahagya dahil sa narinig ko

"See told yah"sabi ni James,ngumisi lang siya sa akin nang hindi ako nakapagsalita.

------------------------------------------------------

A/N: Hi Guys hehe pwede bang makahingi ng Vote at comment diyan haha

How was the Story for you?

-Henry_1998

Continue Reading

You'll Also Like

534K 7K 21
Paano kung ang Ex boyfriend mo, ay ang maipapagkasundo saiyo ng Lolo mo na maging Asawa mo? What will you do? Lalo na kung malalaman mong mahal ka pa...
5.1K 525 20
What happens when an angel falls in love with a human? Bryan Choe is just one ordinary guy with a lot issues in life that made him pessimistic over a...
2.9K 460 59
Original Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderf...
33.8K 1K 33
A Fantasy-RomCom Anime Story (BXB) Yaoi