SUPERHUNTERS:The BEGINNING (b...

By Henry_1998

257K 11.2K 566

Masaya na ang buhay ko sa aking mundo ngunit nagbago ito sa hindi inaasahang pangyayari. Nasira ang mahalagan... More

◇Prologue◆
-The Other World-
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4 ◆
◇CHAPTER 5◆
~*Dawn's Part*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Strong*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Bully*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Revenge*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
Promotion!
Announcement
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Truth and Acceptance*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Uncontrolled*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Eyes*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
~*Shifter*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
~*Livewire*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*The Fire Bender*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
Important Announcement!
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
◇CHAPTER 5.3◆
◇CHAPTER FINALE pt.1: The End of Beginning◆
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 2 Extended: Inside the Characters Mind◆
◇CHAPTER 2 Extended pt 2: Inside the Characters Mind◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER FINALE pt.2: The Night Before Dawn◆
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5.1◆
◇CHAPTER 5.2◆
-Epilogue
SUPERHUNTERS: SEASON 2 SPOILER ALERT!

◇CHAPTER 3◆

3.4K 168 4
By Henry_1998

- Shawn

Bigla akong napadilat mula sa pagkakatulog nang marinig ko ang tunog ng bell.

Agad namang lumabas ang mga kaklase ko.Hinablot ko na ang bag ko at agad ring lumabas..

"Shawn! Sandali"boses ni Dawn ang narinig ko kaya nilingon ko siya..

"Oh Ano?"nayayamot kong sabi sa kanya..bigla naman itong tumingin sa loob ng Room.

"Diba uwian niyo nah?"tanong nito..

"Hindi ba halata?kasi alam ko kapag lumabas lahat ng mga estudyante sa isang kwarto tawag doon uwian"sarkastikong sabi ko..

"basta sa akin Oo na ang sagot don....pupuntahan ko ngayon ang paaralan ni Jared para narin makaalam ng impormasyon tungkol sa kanya...pwede mo ba akong samahan?"tanong nito na parang wala lang sa kanya ang pagiging sarkastiko ko.

"huwag na para kasing sumakit ang ulo ko sa kakatingin sa pagmumukha mo..si James na lang mukha kasing tuwang-tuwa ka makipaglandian sa kanya, sige nah umalis ka na,uwi na ko"sabi ko at agad nang lumakad papalayo sa kanya..

Pambawi ko na lang toh sa ginawa niya kanina na pagtatanggol sa matabang yun..

"Oo o Hindi lang naman ang isasagot mo"pahabol na sabi pa nito.

Nilingon ko siya..Nakita kong tumalikod ito at nagumpisa nang maglakad..

"Hoy!! Akala mo nakakalimutan ko na ang deal natin!! Umuwi ka nang maaga, utos ko yan sayo!!.."sigaw ko sa kanya...Lumingon ito sa akin at nagtatakang tinignan ako.

"Huwag kang mag-isip na nag-aalala ako sayo,mapapagalitan ako ni Mom kapag hinayaan kitang magpagabi sa paguwi "sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Huwag siyang assuming...

------------------------------------------------------

-Dawn

"Ganun ba siya ipinanganak? May galit na kasama"sabi ko sa sarili ko habang naglalakad na papunta kay James na ngayon ay naghihintay sa akin habang nakasandal ito sa sasakyan niya..

Nakita ko itong ngumingiti sa mga babaeng dumadaan na para bang kilala niya ang mga ito.

Napatingin naman ito sa akin ng makalapit ako sa kanya,ngumiti ito habang binubuksan ang pinto ng sasakyan  at sumenyas siya na pumasok na ako.

"West Marshaw High..here we go"narinig ko pang sabi niya bago pinaandar ang sasakyan.

-----------------------------------------------------------

Tumitingin  ako sa paligid habang naglalakad kami papasok sa West Marshaw High..Maraming mga estudyante dito na naglalakad ang iba naman ay umuupo lang sa mga halaman sa paligid, aaminin ko mas napakalawak ang paaralang ito kesa sa paaralan nina Shawn.

"So? Ano na ang pakay mo dito?"tanong  ni James habang naglalakad kami.

"Kailangan lang natin ibalik ang I.D ni Jared sa opisina nang paaralang ito"pagsisinungaling ko.

"Sa pagkaka-alala ko  marami pa tayong madadaanan bago tayo makapunta sa sinasabi mong opisina."sabi nito.

"pwede naman sigurong lumakad ng mabilis diba?para makarating agad tayo"sabi ko sa kanya.

Naglakad ako ng mabilis na para bang alam ko kung saan ang daan.

"Sandali lang, huwag masiyadong mabilis"sabi nito na tumatawa pa..

------------------------------------------------------

ADMINISTRATION OFFICE

"Pasensiya na,pero parang hindi na makukuha nang nagmamay-ari ang I.D na to"sabi nang isang lalaki nang maibigay namin sa kanya ang I.D.

Mr.Ramuel Rodriguez ang pangalan nito dahil sa nakita kong nakasulat sa pangalan sa unahan ng lamesa niya..

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ni James.

"Ngayong umaga lang nakita siyang patay sa gilid nang daan malapit sa kakahuyan ng Marshaw Hills,hindi pa alam ng mga kapulisan kung ano ang nangyari at sino ang may kagagawan"diretsong sagot nito.

Wala silang kaalam alam na hindi pangkaraniwang tao ang gumawa non.

"Dawn...parang hindi ko inaasahan to ah"mahinang sabi ni James.

"Maiitatanong lang po ako, kamusta po yung pag-aaral niya dito? ibig ko pong sabihin may mga ginawa po ba siyang parang hindi mabuti sa paaralang ito?" tanong ko.

"pumunta kayo sa Guidance office para malaman niyo ang record niya pero sandali lang sino ba kayo at parang interesado kayo sa kanya?"tanong ni Mr.Rodriguez.

"A-ah..."medyo nagulat ako sa tanong niya kaya wala akong maisip na pwedeng e dahilan sa kanya..

"A-ah kapitbahay ko po siya noon, pumunta lang po kami dito para ibalik ang I.D niya at para na rin kamustahin siya"si James..hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit..

Nadagdagan ang pagkabigla ko sa ginawa niya, naramdaman niya rin siguro...kunot noo naman kaming tinignan ni Mr.Rodriguez na para bang hindi siya kumbinsido sa sinabi ni James kaya nagsalita na ako bago pa kami mabisto.

"Aalis na po kami Mr.Rodriguez, salamat po sa oras"pagkatapos non agad na kaming lumabas sa opisina nito.

"muntikan na tayo doon ah...ngayon ano nang gagawin natin?, uuwi na ba tayo?"tanong niya.

"Hindi pa pero sa ngayon bitiwan mo muna ang kamay ko at pumunta na tayo ngayon sa Guidance office na sinasabi niya"sabi ko habang tinitignan yung kamay niya na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

Agad niya itong binitiwan

"Sorry..." napakamot naman ito ngayon sa batok niya.Nagpigil ako sa pagtawa dahil sa mukha nitong namumula.

"Tara na nga.."sabi ko at nauna nang maglakad.

------------------------------------------------------

GUIDANCE OFFICE

"pwede ko bang malaman kung sino kayo?"sabi ng Guidance Councilor.

"kami po ang mga kaibigan ni Jared siya po si James at ako si Dawn, gusto lang po namin siyang kamustahin at para na rin malaman kung ano ba ang mga ginagawa niya dito ng mga nakaraang araw bago po mangyari ang aksidente."sagot ko.

"lahat dito nagulat sa nangyari kay Jared,yung iba parang nasiyahan sa pagkawala niya.. ang iba naman ay parang binaliwala lang pagkatapos nilang malaman."sabi nito.

"ano po ang ibig niyong sabihin?"naguguluhang tanong ko, sa pagkakaalam ko kasi..kilala siya ng mga estudyante dito dahil Sa kasikatan niya sa paglalaro ng basketball pero...bakit ganun?

"marami nang beses na pinapatawag ko dito si Jared dahil sa mga ginagawa niyang pangbubully dito sa mga estudyante, yung iba ay hindi na nakayanan lumipat nang ibang school, masiyado niyang ginagamit ang kasikatan niya para makapanakit kaya siguro ganun ang mga reaksiyon ng mga estudyante dito"mahabang litanya ng Guidance teacher.

Sa mga narinig ko parang unti unti ko nang naiintindihan ang lahat pero parang may bumbagabag pa sa isipan ko....sino naman ang pumatay?isa rin ba siyang estudyante dito? kung ganun, sino?

Pinakita sa amin ng Guidance Councilor ang mga records ni Jared, talaga ngang sikat ito dahil sa mga parangal na natatanggap niya.Karamihang report sa kanya ay "bullying"tawag sa isang Gawain na kung saan nakikipag-away o nagiging bayolente ka sa kapwa mo estudyante..

Ilang minuto rin kami sa opisinang iyon bago magpasalamat sa Guidance Councilor at umalis na..

"Sa totoo lang, naaalala ko si Shawn sa mga ganung bagay..."Si James..

"Bakit naman?"tanong ko..tumingala ako sa kanya.

Tinignan ako nito sandali bago binalik ang tingin sa nilalakaran namin

"isa siyang bayolenteng tao Dawn kaya mag-ingat ka sa kanya, iba siya kung magalit..hindi mo pa siya kilala higit sa akin...ang mga nakikita mo sa kanya pagkairita palang iyon, hindi pa Galit"seryosong sabi niya.

"Gaano na ba kayo katagal na magkakilala?"tanong ko, sa tono kasi nito parang kilalang kilala niya na si Shawn.

"Last year pa lang..."sagot nito.

Natisod ako bigla sa sinabi nito.."A-ah... Ganun ba.."nasabi ko na lang, akala ko pa naman noong bata pa sila magkasama, pero hindi na rin ako nagtataka dahil sa ilang araw palang na magkasama kami ay nakikilala ko na rin siya.Hindi  ko rin alam kung nagiging totoo siya sa sarili niya o yun lang talaga ang pakikitungo niya sa mga kagaya namin..

"Hello ikaw diba si James?"nahinto ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng boses ng babae.lima silang nakaharap kay James.

"Oo ako nga....bakit mga Miss?"si James, napangiti ako dahil lumambing bigla ang boses niya..

"Ah Gusto lang namin magpa autograph sayo at magpapicture na rin"sabi ng babae na nangunguna sa kanila.

"And whos this u-uhmmm.."yung babae naman sa gilid niya ang nagsalita"G-girl? B-boy?"sabi nito ulit habang tinitignan ako sa mukha ng maigi.

"He's Androgynous, you idiots"yung babaeng leader nila ang nagsalita sabay irap sa kanila "By the way James can I take a picture with you?"sabi pa nito habang hinahaplos haplos yung braso ni James..ibang-iba ang mga babae dito kesa sa kaharian namin.

Bigla ako napahiwalay kay James nang magsitumpukan na ang mga babae sa kanya, yung iba nagsisigaw at yung iba napapayakap na sa malaking braso ni James..

Napailing nalang ako sa nakikita ko.

tumingin na lang ako sa paligid para hintayin si James--Hindi ko inaasahang mahagip ng mata ko si Brix na papunta sa direksiyon ko pero hindi niya ko nakikita dahil nakayuko ito at parang may binabasang libro..

Teka..Bakit nandito siya?

"Brix?"puna ko sa kanya nang makalapit na siya sakin..

Tumingin ito bigla at nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat..

"D-Dawn?bakit ka nandito akala ko..."sabi nito.

"Ah may binisita lang kami dito ni......uhmm James"tinignan ko yung kasama ko na ulo niya na lang ang nakikita dahil sa nagkukumpulang mga babae.."ummm..yung ulo nang lalaki na nakikita mo, siya yan"nasabi ko na lang.

"Bakit ka nga pala nandito?"tanong ko sa kanya.

"Ah binibisita ko ang kuya ko, actually ayan siya oh"sabi nito at tinuro yung kuya raw niya..

Lumingon ako at nakita ko ang lalaking may hawak na baston habang binubuksan ang isa sa mga Locker.. may takip yung mata niya..Sunglass ang unang pumasok sa isip ko nang makita ang bagay na yun.

Bigla akong hinila ni Brix papunta sa Kuya niya, hindi man lang kami nito nakita,medyo mataas siya sa akin at makisig rin katulad ni James hindi nga lang kataasan.

"Kuya ako po ito si Brix"sabi ni Brix habang kinakablit nito ang Kuya niya..

"Ah Brixy ikaw pala yan..tapos na ba yung klase niyo?"sabi nito habang may kinukuha sa loob ng locker niya.

"Opo Kuya sa katunayan po may ipapakilala po ako sa inyo, kaibigan ko si Dawn.."

pumaharap ito sa akin.

"Kinagagalak kitang makilala Dawn, ako si Bryan ang kapatid ni Brix"sabi nito at nilahad ang kamay niya sa akin pero hindi sa direksiyon ko..

"Ah eh..pasensiya na Dawn,may kapansanan kasi si Kuya sa mata..bulag sya pero nararamdaman ka niya"sabi ni Brix.

"Ah Ganun ba...ako po ulit si Dawn kinagagalak ko rin po kayong makilala"sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

Pero sa hindi inaasahan..Napaatras ako ng kunti ng maramdaman kung pumintig bigla ang buo kong katawan..parang nararamdamam ko ang Presensiya ng Kristal malapit lang dito...hindi pala...sobrang lapit...

Napabitaw ako sa paghawak ng kamay ni Kuya Bryan at Napayuko dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko..

Nagulat ako pati narin sina Brix nang may narinig kaming parang ingay ng locker na para bang may hinagis o binunggo dito.

tinignan namin sa dulo kung sino ang may gawa nun,isang grupo ng mga kalalakihan ang nakita namin pero nasentro ang tingin ko sa nangungunang lalaki sa kanila, nakasuot siya ng kagaya ng Varsity Jacket ni Jared.

Tinutulak niya ang mga taong nakaharang sa dinadaanan niya hanggang sa nilagpasan lang kami nito na parang wala lang sa kanya na may ginawa siyang masama.

Pinakiramdaman ko ulit ang sarili ko...Wala na ang sakit..anong ibig sabihin nun?nasa paligid rin kaya ang napasukan ng Kristal?..

"Ayos ka lang Dawn?"tanong sa akin ni Kuya Bryan..liningon ko siya.

"OK lang po ako, salamat"sagot ko.

"Dawn..Akala ko iniwan mo na ko, pasensiya na pala kung medyo hindi na kita napansin,mga babae kasi sobra makalingkis sa akin...pinagbigyan ko na lang.."biglang sulpot ni James..

"OK lang yun....ah James si Brix pala at ang kuya niya" sabi ko.

"Hello,ako si Jameskaibigan ni Dawn.." si James,nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang magawi ang tingin kay Brix.

"Diba...ikaw yung nakabangga kay Shawn? pagpasensiyahan mo na ang lalaking yun..mainitin lang ang ulo kaya nagawa niya yun,ako na ang humihingi ng paseniya"

Siniko ko ng mahina si James dahil sa sinabi niya,bakit sinabi niya pa sa harap ng kuya ni Brix,baliw talaga siya.

"Huh?Meron ka bang hindi sinasabi sakin Brix?"Seryosong sabi ni Kuya Bryan.

"Ah wala po yun Kuya, misunderstanding lang po"pagdadahilan naman ni Brix.

Bago pa kami makaramdam na parang may mangyayari nagpaalam na kami sa kanila at mabilis na naglakad..

"may mali ba sa sinabi ko?"narinig ko pang tanong ni James.

------------------------------------------------------

"Salamat pala sa paghatid sa akin dito at sa lahat nang ginawa mo ngayong araw na to"sabi ko sa kanya nang maihinto niya ang sasakyan sa harap ng bahay nina Shawn.

"Well.. kung sa mga kagaya mong tao siguro hindi ako magsasawa sa kakatulong sayo"sabi rin niya na nakangiti.

"sige sa uulitin..."tinangka kong buksan ang pinto pero parang hindi ito mabuksan,Nilingon ko si James,nakita ko yung kamay niya na nanatiling nakadiin sa pindutan para sa lock ng pintuan.

"pwede mo bang buksan?"tanong ko habang nakahawak sa hawakan ng pintuan ng sasakyan..

Tinignan ako nito na nakangiti "not so fast Dawn,sa pagkaka-alala ko may kapalit ang pagtulong ko sayo"sabi nito na nakacrossarms pa.

"Yung Cup Cake at cokies? Bukas ko na lang ibibigay sayo"sabi ko na hindi pa rin binibitiwan ang hawakan.

"Pero parang ayaw ko na nun..gusto kong baguhin"sabi nito na lumapit sa akin, medyo napasiksik ako sa gilid ng sasakyan.

"Sa tingin ko nga mas masarap pa sa Cup Cake at Cokies ang gusto kong kapalit"sabi nito na nagpagalaw lahat ng balahibo ko dahil sa hangin na nilalabas niya sa leeg ko..nakita ko na lumalapit ang labi niya sa labi ko pero bago pa niya magawa yun agad kong itinaas ang paa ko at inabot ang button..bigla ko itong pinindot at agad pinihit ang pintuan dahilan para makalabas na ako ng mabilis.

Nagulat siya sa ginawa ko, napasandal siya sa upuan niya at naihampas ang kamay sa manibela,binuksan niya bigla ang kabilang pintuan ng sasakyan.

"D*mn, you really turning me..paano mo nagawa yun?I must admit na nagkakainteres na ako sayo, I want to get to know you more baby"sabi nito na nakangiti..

"Baka magulat ka lang kapag nakilala mo na ako, Paalam na James"sabi ko at naglakad na papalayo sa kanya..

Narinig ko itong tumawa"Don't you ever challenge me!Bye Dawn!"narinig ko pang sinabi nito at pinaandar na ang sasakyan niya...

binuksan ko na agad ang harang sa bahay ni Shawn at pinuntahan ang pinto..

"Mabuti naman at dumating ka nang Maaga"bungad ni Shawn nang matapos kung buksan ang pinto,agad akong umiwas ng tingin ng makita ko ang maputi at matipunong niyang katawan..

Nakaboxer lang ito at para bang hindi siya nahihiya na ipakita ang katawan nito, si Lucas damit sa itaas lang ang hinuhubad ito parang lahat..

"pumasok ka na,mabuti na lang hindi pa nakarating sina Mom at Dad"sabi nito at umakyat agad sa Kwarto niya..

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya..napailing na lang ako at nagsimula na lang akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Pero bago pa ako makahakbang papunta sa Kwarto.. nakita ko siyang sumandal sa pintuan ng kwarto niya.

"Hoy!Pakilinis ng kwarto ko madumi na.."sabi nito at malakas na isinara ang pintuan..

Sa totoo lang paano naging matalik na magkakaibigan sina Shawn at James?...napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko..

------------------------------------------------------

A/N: Vote and Comment naman po kayo diyan oh..Maraming Thank You!!

-Henry_1998

Continue Reading

You'll Also Like

31.8K 2.2K 34
Status : completed Dahil sa covid-19, pansamantalang nagdeklara ng lockdown sa maraming lugar. Kabilang na rito ang lugar kung saan nakulong ang bi...
34.6K 984 8
Papa-ano kung ang isang hamak na Dukha nasi Maxx Bliss De-Ocampo eh! Maka-pasok sa Paaralan na ang Dapat lang eh mga Mayayamang Bakla at Lalaki. Yes...
33.8K 1K 33
A Fantasy-RomCom Anime Story (BXB) Yaoi
152K 9K 59
Shawn, the fifth gate keeper of Kosmos. Genre: Fantasy/Action/Romance