Officially Blake's

By mykessimum

25.7K 365 45

I knew at that moment, that we belonged to each other. The bunny and the bear, with all their craziness and d... More

Officially Blake's - Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11 (part 1)
CHAPTER 11 (part 2)
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
Side Story : CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
Side Story : CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Side Story: CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53 (part one)
CHAPTER 53 (part two)
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
Second Part
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
Side Story: CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
Officially Blake's - Epilogue
I love you... million times more than anything.

CHAPTER 27

346 3 0
By mykessimum

CHAPTER 27

BLAKE'S POV

Paulit ulit akong napalunok.

Nakaabot lang sa'kin ang kamay niya at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naalala ko tuloy 'yung sinabi sa'kin ni Nick a long, long time ago. There were times when even the meanest person could be afraid. Tapos dagdag niya pa, that was printed on my underwear.

Shit, right?

Nakikipagshake hands lang siya pero hindi ko na alam ang gagawin ko. 

"Do you want me to repeat what I said for the third time, Perez?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya at huminga ng malalim. Sinubukan kong tumingin kay Nicolle pero kausap siya ng Mama niya. Help! 

"Perez," sabi niya ulit. 

I cleared my throat. "Sir, hi. Good evening."

Nakipagshake hands ako. Nanliliit ang mga mata niya at sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa magang maga kong kamay na nakabandage pa. Shit. Wala bang awa 'tong lalaking 'to?! Pinigilan kong hindi ipakita na nasasaktan na ang kamay ko. Kelangan kong maging badass ngayon. Hindi ako pwedeng magpatalo dito kay Ka Berto.

"So, do you know what shit you got yourself into?" tanong niya, pagbitaw sa kamay ko. 

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Tingin ko nga hindi na ako marunong magsalita eh. Hindi naman sila pumapatay ng tao diba? Unless boyfried ng prinsesa nila. I am so dead. Ilang minuto ring nagtitigan kami ng papa ni Nicolle. Pinilit ko na wag ipakita yung takot ko sa kanya pero sa totoo lang, naiihi na talaga ako at pinagpapawisan sa sobrang nerbyos.

"Sir, I don't think that dating your daughter is a shit," sagot ko.

"Even if I cut your head off with a chainsaw?" tanong niya.

Nagtitigan ulit kami.

"Dad!" sigaw ni Nicolle.

"Oh come on, Jot. Give 'em time to talk," sabi ni Vincent kay Nicolle.

"Robert, maybe you two could talk later. Attend to your daughter first," sabi ng Mama ni Nicolle.

Oh thank fuck.

"Sir, I'll give you some time."

Agad akong pumunta sa pinto para lumabas na. Pero bago pa ako makalabas, narinig kong tumawa si Vincent.

"His face....dude...that was priceless!" sigaw niya habang sobrang lakas ng tawa niya.

Nararamdaman kong medyo mainit ang tenga ko sa sobrang inis at pagkakapahiya. Ganun ganun na lang akong paglaruan ng mga 'yon?! Shit naman oh! 

Sinarado ko 'yung pinto at pinakinggan ko muna silang magtawanan. Sumilip ako dun sa transparent na part ng pinto at nakita kong pati ang Mama niya nakikipagtawanan at nakikipaghigh five sa dalawang lalaki. Pero pinakamalakas ang tawa ni Nicolle. Kahit na ako, si Blake Perez, ang pinagtatawanan nila, hindi ko mapigilang matuwa. Hindi ko mapigilang sobrang mapangiti. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito kasaya mula nung umalis sina Macey at Dickhead.

Narinig kong sumigaw ang Papa ni Nicolle. "Call him. Lets do it again. Lets do it again," sabi niya habang tumatawa pa. Ayt. Pinagttripan ba nila ako?!! Tch. Kesa tuluyan akong mainis, umalis na lang ako at tinawagan sina Luke.

Nakangiti ako. At least, ok na kami ni Nicolle. Ang problema ko na lang ngayon ay ang kamay ko. Magang maga at ngayon ko lang naramdaman ang sakit. "Paps. San kayo?" tanong ko kay Luke. Syempre nawala na ang galit at pag aalala sa boses ko at napalitan na ng tuwa. Sobrang tuwa. Hindi ko akalain na ganun lang akong papatawarin ni Nicolle.

Pumunta ako sa cafeteria kung saan kumakain sina Luke. Ok lang naman si Nicolle kahit iwanan ko siya. Andun na pamilya niya eh. Nakangiti akong pumunta doon at pasipol sipol pa. Kahit sobrang sakit ng kamay ko, I don't give a damn. 

"Paps!" sigaw ko. Lalong napatingin ang mga tao sa'kin. Hindi ko na pinansin pa. Lagi naman akong pinagtitinginan eh. At napansin ko na tinuturo turo pa nila ang kamay ko. Again, hindi ko na lang din pinansin. May kumukuha na nga ng pictures kina Luke tapos nung dumating pa ako napunta lahat sa'kin ng atensyon. Kung hindi lang ako sobrang masaya ngayon, malamang nasigawan ko na silang lahat dahil sa sobrang inis. But I would not want to ruin my good mood.  

Kinawayan ako ni Luke at umupo ako sa tabi ni Krungy. Tumingin ako sa kanya. Tumingin siya sa'kin. Sa loob ng dalawang minuto, nagkatitigan lang kami. Shit. Tinaas ko ang isa kong kilay at umiling na lang siya. She looked down. Ano bang problema neto? Parang ang weird. Nananahimik si Krungy. Si Luke at Zelle, nagkkwentuhan. At napansin ko lang ah, mula kanina hindi pa nag uusap 'tong si Luke at Krungy. May malaking away ba sila? Ano kayang nangyari? Tch. Who cares?!

Ngumiti si Zelle sakin. Ngumiti din naman ako. 

"Blake, uhh.. uhhh," sabi ni Krungy. Halos matawa na nga ako. Hindi naman 'to nabubulol dati ah. Pagka gusto niyang magsalita, diretso lang siya. Napatingin ako sa kanya. Tinaas ko ang dalawang kilay ko ng makita ko ang expression niya. Anong problema neto? Parang nagmamakaawa siya sakin na ewan. Makikita naman sa mata eh. Ahh. Siguro feeling niya third wheel siya kay Luke at Zelle. 

"Krungy...pwede mo 'ko samahan?" tanong ko sa kanya ng nakahalf smile. Gets na siguro niya yon. Tumango siya agad at binitawan yung coke na hawak niya at tumayo na. Nagnod lang ako sa dalawa at sumunod na kay Krungy na agad nasa pinto ng cafeteria. 

"Saan kayo pupunta?!" sigaw ni Luke habang naglalakad ako papunta kay Krungy.

"Basta!" sagot ko na lang.

Tumakbo agad ako papunta kay Krungy na nakasimangot. Napansin kong patingin tingin siya kina Luke at Zelle. Nag away siguro si Luke at Krungy dahil kay Zelle. Nang makalapit na ako sa kanya, tinignan niya lang ako at naglakad na siya. Ayt. 

"Anong problema mo?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway. 

Nagshrug lang siya. "Nothing. It's just awkward being a third wheel." Tumingin siya sakin at inirapan ako. "Thank you, by the way."

"Para saan?" tanong ko ng nagtataka. 

"For saving me." 

Nagshrug lang ako. Siguro nga naiilang na lang siya pagka kasama niya 'yung dalawa. Eh sa ang sayang nagkkwentuhan ni Luke at Zelle tapos siya nakatunganga don. Teka nga lang! Bakit ba ganito si Krungy?! 

Tuloy tuloy lang kaming naglalakad at napansin ko na lang na nasa labas na pala kami ng building ng ospital. At napansin ko din, parang may kakaiba kay Krungy. Actually, kanina ko pa napapansin eh. Hindi naman siya ganito eh. Kahit noon pa man, madalas third wheel siya kay Kirsty saka dun sa boyfriend niya. Tapos biglang ganito?

Umupo kami dun sa may waiting shelf sa labas ng hospital building. Narinig ko siyang magsigh. "Krungy. Anong proble—" 

"Kumusta si Nicolle?!" tanong niya agad ng pasigaw. Napatigil ako saglit. Ayaw niyang pag usapan. Edi 'wag kase!

"Ok na siya. Kasama niya ang pamilya niya." Nagnod lang sya. Natahimik kaming pareho ng mga ilang minuto. Hindi talaga ganito si Krungy eh. May mali talaga sa kanya eh. Lumapit ako at tumingin sa mga mata niya. I know her all too well para hindi ko mapansin na may mali. 

"Krungy..." sabi ko. "may..." natigil ako sa pagsasalita ko ng nanlaki ang mata niya at tinuro ang mga mata ko. 

"Blake, yung mga mata mo," sigaw niya.  

I rolled my eyes. "Alam ko!" sagot ko sa kanya. 

Napatango siya ng dahan dahan at biglang may tumawag sa kanya. "It's Andrew," sabi niya sakin habang nakatingin sa phone niya.  

Andrew. Nang pagkasabi sa pangalan niya, parang uminit ang ulo ko. My body stiffened. Gago yon eh. Bakit niya yon ginawa? Hanggang ngayon, tinatanong ko pa din sa sarili ko yon. HIndi ko talaga akalaing magagawa niya kay Nicolle 'yon. Hindi ko akalaing magagawa niya sa'kin 'yon. Bullshit. Napansin ko na dumudugo na ang labi ko kaya tumigil na ako sa pagkagat. Wala namang point kung sarili ko lang ang sasaktan ko.  

Umalis na si Krungy para makausap si Andrew. Pumikit na lang ako at hinintay na bumalik si Krungy. Kinalma ko na din ang sarili ko. Ayaw ko ng manakit ng ibang tao. Alam ko naman na ayaw 'yun ni Nicolle eh. Noong naramdaman ko na umupo na siya sa tabi ko, dumilat ako. Tumingin ako sa paligid. Gabi na pala. Hindi ko napansin. Masyado lang sigurong occupied ang isip ko. Tinignan ko ang oras ng phone ko. 6:30.

"Hintayin lang natin si Andrew. Papunta na daw siya." Tumango na lang ako. Hindi alam ni Krungy. Ako lang, si Nicolle at si Andrew. Walang alam sina Luke, Zelle at Krungy. At hindi na sila dapat madamay pa. 

Ayaw ko na baka mapahiya lang si Nicolle sa iba.  

Tumingin ulit ako sa phone ko. Tch. Kung hindi ko lang to pinakuha kay Nicolle noong araw na yon, hindi yon mangyayari. Ok sana siya ngayon. Unti unti kong sinisi ang sarili ko sa nangyari. Eh mas gago pala ako kay Andrew eh. Ako ang dahilan kung bakit nagkaganito si Nicolle ngayon. Edi sana... edi sana wala siya ngayon dito. Paano kung lalong lumala ang mga mental lapses niya? Tapos matuluyan sa AD? Shit. Huminga ako ng malalim. Hindi ko na dapat 'to iniisip. Mali lang si Mama. Mali lang siya.

Ilang minuto pa ang lumipas, tahimik lang kaming pareho ni Krungy. Bihira nga lang tong mangyari kaya hinayaan ko na lang.

"Blake." 

Napatingala ako at napasmirk ng makita ko si Andrew na nasa tapat ko. 

"Asan siya?" tanong niya. Kitang kita sa mukha niya ang pag aalala.  

"Krungy, pumasok ka muna," sabi ko habang nakatingin pa rin kay Andrew. 

"Bakit?" tanong naman ni Krungy. 

Huminga ako ng malalim. "Gawin mo na lang," sabi ko ng malakas. Hindi ko tinatanggal ang tingin ko kay Andrew. At siya din naman.  

Pagkaalis ni Krungy, tumayo ako. Nakatitig pa din ako kay Andrew at andun pa din yung smirk. Napatingin ako sa paligid. Maraming mga tao ang nakatingin sa'min. 

"'Wag tayo dito mag-usap," sabi ko sa kanya na punung puno ng galit ang boses ko. Naglakad ako at bago pa man ako makalayo, hinawakan niya ang balikat ko.

"Wala ako dito para makipag-usap sa'yo, Paps. Papasok na lang ako," sagot niya.

Binitiwan niya ako at humarap ako sa kanya. "Mag uusap tayo, Andrew."

Nagsmirk siya sa'kin pero tumango. Pumunta kami dun sa dulo ng parking lot dahil walang mga tao don. Tahimik lang kaming dalawa na nagtititigan sa isa't isa. Hindi naman tanga si Andrew para hindi niya maramdaman na sobrang nag iinit ang dugo ko. At hindi rin ako tanga para hindi siya turuan ng leksyon. 

Tumingin siya saglit sa baba bago nagsalita. "Alam mo na?" 

Lalong uminit ang ulo ko kaya tinulak ko siya. Napaatras siya pero hindi natumba. Knwelyuhan ko siya at tumitig sa mga mata niya. "Paps," sabi niya habang nakatingin sakin. Paps? Pagkatapos niyang gawin yon, tatawagin niya akong paps? Eh gago pala talaga to eh! 

Sa sobrang galit ko, sinapak ko ang mukha niya kahit na namamaga pa ang kamay ko. Nakita kong dumugo ang ilong niya pero hindi ako natigil. Sinapak ko siya ng sinapak. Tinulak. Sinipa. Pero hindi siya nanlalaban. Duguan na siya pati ang kamay ko. 

Nakahiga na siya sa sahig at namimilipit na sa sakit. Tumigil na ako. Bigla bigla, tumawa siya at tumayo. Pagtayo niya, bigla niya akong sinapak. Napaatras ako at dumugo ang labi ko. 

"Mahal mo nga," sabi niya ng nakangiti. 

Itutulak ko na sana si Andrew ng maalala ko bigla si Nicolle. Hindi niya to magugustuhan. Lalo na kaming dalawa ni Andrew ang nagsapakan. Pinigilan ko ang sarili ko. Napatingin na lang ako sa kanya. I gritted my teeth. Nagpigil na lang ako kahit gustong gusto ko na siyang sapakin. Napaupo na lang ako sa sahig. Umupo si Andrew sa tabi ko.

Nakita kong nagtanggal siya ng shirt at pinunasan ang mga dugo niya. "Hindi niya tayo pwedeng makita ng ganito, Paps."

"Bakit mo ginawa yon?" tanong ko sa kanya ng seryoso. Hinagis niya ang shirt niya sa tapat namin at tumingin sakin. 

"Kala mo ba ikaw lang ang natulungan niyang makalimot?"  

"Andrew—"

"Wag kang mag alala. Hindi ko naman sasabihin sa kanya eh. Sayo siya diba? Nakikiusap lang ako, wag mo siyang sasaktan dahil ako ang sasalo sa kanya," sabi niya. 

Natahimik kaming pareho. Nakaupo lang kami don. "May gusto din ako sa kanya, Blake." 

"Hindi ako naniniwala sa'yo, Andrew," sagot ko. "Ginagawa mo lang siyang panakip butas dahil nakikita mo sa kanya si Reika." Lalo akong napasmirk.

"Siguro nga nakikita ko si Reika sa kanya. Pero ikaw, ginawa mo talaga siyang panakip butas." 

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Wala na akong masabi. Totoo 'yon. Ginawa ko lamang panakip butas si Nicolle when she deserves better. This time, hindi lang ako kay Andrew nagagalit. Mas nagagalit ako sa sarili ko. Bakit ginawa kong panakip si Nicolle? Napakabait niya. Napakaganda niya. Napakaperpekto niya. Tapos gagawin ko lang siyang panakip butas?! 

Natawa ako ng maisip kong, mas gago pala ako. 

Napatingin ako sa kanya at bago pa man ako magsalita, tumawa siya at tumayo. Naiwan akong nakaupo. Yumuko ako at kinagat ang labi ko hanggang dumugo. Pumikit ako. 

"Fuck!" sigaw ko. Bakit kelangang si Andrew pa ang makaagaw ko? Hindi malayong maagaw niya si Nicolle sakin. Alam ko naman na dating gusto ni Nicolle si Andrew eh. Isa lang ang pwede kong gawin, I can't mess this up again. Totoo ang sinabi ni Andrew. Pagka sinaktan ko si Nicolle, si Andrew ang sasalo sa kanya. At wala akong magagawa don. 

Tumayo ako at gamit ang undershirt ko, pinunasan ko ang mga dugo sa katawan ko. Malalagot ako neto kay Nicolle. Dumiretso ako sa banyo, pinalabas lahat ng tao at naglinis ng mukha. Tumingin ako sa salamin. May namumuong pasa ako sa may panga ko. At may mga sugat ako. Napasmirk ako. Hindi naman pala ako masyadong pinuruhan ni Andrew eh. 

Lumabas ako at umakyat sa kwarto ni Nicolle. Sa labas, nakita kong nakaupo si Luke at Zelle sa. Hinihintay siguro ako. "Kasama ni Andrew si Krungy," sabi ni Luke. Tumango na lang ako at dinaanan na lang sila. Papasok na ako. 

"You think Nicolle would like that?" tanong ni Zelle ng malakas. Napalingon ako sa kanila. Nicolle wouldn't like this, sabi ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa restroom para linisin pa ang mukha ko. Mag isa ulit ako dahil pinalabas ko na naman ang mga tao. Pumikit ako at huminga ng malalim. Nang binuksan ko ang mga mata ko, nakaharap ako sa salamin. Kinuha ko ang phone ko at pinunasan ang dugo na nasa may case. Tinawagan ko agad si Nick. 

Nang tenth ring, dun pa lang niya sinagot. "Hey, I was having a good time!" sigaw niya sa'kin. Medyo hinihingal siya. I rolled my eyes. 

"Come back to bed, honey!" narinig kong sigaw ng isang babae. 

"Nick, get out of there!" sigaw ko sa kanya. 

"What the fuck, dude?! I was in the middle of a passionate scene, you called, I answered. Now, you're telling me to get out of here?!"

Nagsigh ako. "I need you to do something for me," sabi ko.

"What's that?"

"Research about Robert Lee, Jennifer Lee, and Vincent Lee," sagot ko.

"Oh, I don't have to, dude. I know them. Robert Lee, owner of a luxury car manufacturing company. Jennifer Lee, lawyer. Vincent Lee, douchebag. And there's another one, the girl. The chick Nico—"

"Fuck you, Nick."

"I'm already fucking someone here, dude!"

Pinatay ko na ang phone at tumingin ulit sa salamin. Gago talaga 'yung Nick na 'yon. Kung kelan mo kelangan dun nakikipag—

Biglang may kumatok kaya huminga ako ng malalim. I need to face this. 

Hindi to magiging katulad ng pagkakilala niya sa parents ko. 

This will be hard.

*** 

"Sir... I... I'm Blake Perez," dahan dahan kong sinabi habang inaabot ko ang kamay ko para sa shake hands. Natutulog si Nicolle. Nakaupo sa tabi niya ang mama niya. Si Vincent nakaupo at nakatingin samin ng Papa nila. I gulped. Nakatitig lang sakin si Ka Berto (nickname ko para kay Robert). 

"I know who you are." Nakipagshake hands siya sakin. Pinisil niya ng konti. Konti lang dahil nakita niya na medyo maga ang kamay ko. Pagbitaw niya, agad niyang sinabing, "I don't like  a guy who gets into a fight when his girlfriend is in the hospital and his girlfriend's family is there too. What you think, Cent?" 

"Me neither, Dad." Nagshrug si Vincent. Napayuko ako. Shit! I screwed this up. Sa loob loob ko, gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader. Dapat inisip ko muna yon bago ako nakipagsapakan kay Andrew. Dapat inuna ko si Nicolle bago ang galit ko.

ROBERT:1 BLAKE: 0

"Don't be rude dad, you told me he has a chance," narinig kong sabi ni Nicolle. Napatingin ako sa kanya at napangiti. 

ROBERT: 1 BLAKE: 1 

"Yeah, princess, the slightest bit of chance." 

Napatingin ako sa kanya. 

"...but I was joking." Tumawa siya.  Tumayo si Vincent at pinalo siya sa likod na tumatawa na din. Tumatawa silang apat at ako nakatingin lang kay Nicolle. Ganito din pala kabaliw ang pamilya niya. Nagsigh ako at tumawa na lang din pero ninenerbyos. 

Nang tumigil na silang tumawa, tumingin sakin si Robert. Yung tingin niya nakakamatay. Napalunok ako.

"We need to talk. Right now." 

Napalunok ulit ako at lalo akong kinabahan. Seryosong seryoso siya sa pagkakasabi niya. Tumigil na din ako sa fake na tawa ko at tinignan siya. Tumango ako. "Yes sir," sagot ko na lang. 

Palabas na kami ng pinto nang marinig namin si Nicolle. "Dad!" sigaw niya. Napalingon kami at nakasimangot si Nicolle. Tumango lang si Robert at sinarado na yung pinto. Naglakad kami papunta sa cafeteria. Walang nagsasalita samin. Wala siyang sinasabi pero hindi natigil ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Pero may mga tumatawa sa paligid namin. 

Umupo kami sa isang table. Hindi kami nag order. Nakaupo lang kami doon at nakatitig siya sakin ng seryoso. Siguro ako dapat ang mauna. Inabot ko ang kamay ko. "I'm Blake Perez, sir. Nicolle's boyfriend." ngumiti ako.

Hindi siya nakipagshake hands kaya binaba ko na lang ang kamay ko. Napansin kong medyo kumunot ang noo niya. "Let's order coffee," sabi niya. 

"Yes sir." Tumayo ako at nag order ng dalawang kape. Black coffee. Bumalik ako sa table at binigay ko yung coffee sa kanya.  

"Did you put sugar in it?" tanong niya. Tumango ako. "I'm not drinking this." Sumandal siya sa upuan niya at tinulak yung kape palapit sa akin. Nagpasorry ako at nag order ulit ng kape na walang sugar. 

Binigay ko yung kape sa kanya. "How much did you put?"  

"A teaspoonful, sir." 

Nagsigh siya at nagcross ng braso sa dibdib niya. 

"Tablespoonful. I do tablespoonful," sabi niya. Tch. Pinigilan ko na manggigil dahil hindi yon maganda. Test lang siguro to. 

"Yes sir!" sabi ko pagkatayo ko. 

Kinuha ko yung kape pero hinawakan niya ang braso ko. Napatingin ako sa kanya. "I would want a new one," sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Ngumiti ako at nag yes, sir na naman. Umalis na ako at pinatimpla siya ng bagong kape. 

Nang bumalik ako, nakatingin siya sa wrist watch niya. Bingay ko yung kape sa kanya at napatingin siya sakin.

"It took you 3 minutes. Vincent could do that 5 seconds. You're slow." Kinuha niya yung kape at uminom. Umupo ako. 

"I'm sorry sir." 

Inubos na muna ang mga kape namin. Ilang minuto din ang lumipas. 

"What's your intention?" tanong niya habang nilalaro yung tasa.  

What's your intention? Saan? Ano bang sasabihin ko sa kanya? Nag isip ako ng malalim. Hindi naman siguro siya nagmamadali para hindi niya ako mahintay sa pagsagot. What's my intention? Kay Nicolle? Tama. Kay Nicolle nga siguro. What's my intention? Mahal ko si Nicolle. Wala akong intensyon. Basta mahal ko siya. Yun lang.

"Sir, I am in love with your daughter," sabi ko ng confident. First time kong maging confident sa harap niya. "I assure you, sir, I am really in love with Nicolle." 

Nag nod lang siya. Binitawan ko ang tasa na hawak ko. 

"I won't hurt her." 

"Then why did you let this happen?" tanong niya. Hindi pa din nawawala ang pagkaseryoso niya. I asked myself the same question. 

"I was stupid sir. I—" 

"She's special. Are you even aware of that?" Napatingin ako sa kanya. 

"I know, sir. She's the most special person I've ever met. She's different. And I love her. I love her—"

"Not love thing special. She's different. If you really love her, you will know about that. Now I'm asking you, do you know what I am talking about?" Napasimangot siya.

I nodded. Hinawakan ko ng mahigpit yung tasa. Alam ko ang sinasabi niya. Yung tungkol sa kondisyon ni Nicolle.

"I do, sir. I know about the accident. I know about her mental condition." 

Nanliit ang mata niya sakin. Siguro nagtataka kung paano ko nalaman. Dahil kay Dickhead, pero hindi ko pwedeng sabihin na siya ang nagsabi sakin non kundi baka managot siya. 

"She told you? She remembered?" Napansin ko na na medyo napangiti siya for 0.0000001 seond. Nakita ko sa mga mata niya ang pag asa na baka naalala na ni Nicolle. But the truth disappoints people. Mali, expectations disappoint people.

Umiling ako.

"No sir. She still doesn't remember. The doctor said she has Alzheimer's disease. And I know you would not want her to know anytime soon, sir. And I respect that."

"So, you would lie to her?" tanong niya.

"I don't want to, sir. But I think I have to," mabilis kong sinagot.

"I love my daughter, Perez. I would give up everything for her. I am ready to murder anyone for her. You, for that matter. You should know that it hurts that I am his father but I'm lying to her. But I have no other choice. We have no other choice."

"I know, sir."

Pareho kaming natahimik at nakatingin lang sa baba. Masyadong masakit na magsinungaling sa pinakamahalagang tao sa buhay mo. Sinasaktan mo siya. At sinasaktan mo din ang sarili mo. 

"Anne Perez... she is your mother right?" bigla niyang tanong. Tumingin ako sa kanya, tumango at medyo ngumiti. 

"How did you know, sir?"

"Oh I did my research. And you look a lot like your old man." 

Totoo yun, mas kamukha ko ang papa ko kesa kay mama.

"I respect your family. Don't make me change that." 

Tumango na lang ako. Ngumiti siya sakin at tumayo. "I'm still her dad so that makes me your mortal enemy." Nagsmirk siya.

Tumayo ako at nakipagshakehands sa kanya. At least I had the slightest bit of chance. Naglakad na siya pero after ilang steps, lumingon siya sakin. "Just a piece of advice...you may want to check your back."

Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalakad. Kumunot ang noo ko. Check your back? Literally or figuratively? Tinaas ko yung kilay ko at umalis na din. 

Figuratively siguro.

*** 

Change my diaper. 

Pagkatapos kong magleave ng voice message sa school head na baka Wednesday na kami makapasok ni Nicolle, sinabi nung isang tao na may papel na nakadikit sa likod ko. At nang makita ko kung anong nakasulat, nanginig ako at namula sa sobrang hiya. Ayun pala ang sinasabi ni Robert na "check your back". Sino pa ba ang makakagawa nito? Si Vincent lang. Kung pwede lang siyang batukan kanina ko pa ginawa eh. Tch. Buti na lang kuya siya ni Amgirl.

After kong magdinner kasama si Krungy, na weird pa din, dumiretso na ako sa room ni Nicolle. Andun ang pamilya ni Nicolle, nakikipagkwentuhan kina Luke, Zelle at Andrew na puno ng pasa ang mukha. Si Krungy na lang talaga ang kulang. Natutulog na ang mama ni Nicolle sa tabi niya. 

Nang makita niya ako, ngumiti si Nicolle sakin.

"Hey Blake," bati ni Zelle na nakaupo sa gitna ni Andrew at Luke.

"Guys, can I go out with Blake?" tanong ni Nicolle sa kanila habang palapit ako sa kanya.

"It's ok. I have cameras to watch that boyfriend of yours anyway, Jot," sabi ni Vincent habang nagsstretch. Naghighfive sila ni Robert habang sinsabing 'nice move son.' Inirapan siya ni Nicolle habang bumababa siya ng kama. Tumakbo ako papunta sa kanya para tulungan siya. Pinili ko na lang na hindi pansinin ang dalawa. Nang makababa na siya, pumalakpak si Zelle at Luke. 

ROBERT: 1 BLAKE: 2

"You didn't really earn a point there, Perez," sabi ni Robert.

ROBERT: 1 BLAKE: 1

Shit. 

Tch. Kala ko pa naman ok na kami sa pag uusap namin kanina. Nagtawanan ang lahat maliban saming dalawa ni Nicolle. Nagnod si Robert kay Nicolle at ngumiti. Lumabas na kami. Nakahawak siya sa braso ko at hindi sa kamay ko dahil namamaga pa sila.

Tahimik lang kaming pumunta sa labas ng hospital building. Merong minipark doon. Umupo kami sa may damuhan. Nakaharap kami sa isa't isa. Ngumiti ako. "How are you feeling?" tanong ko. Nagsigh siya. 

"Jerk! What did you do to my Andrew?!" sigaw niya. Nawala ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng simangot. Bumilis ang tibok ng puso ko sa inis. Bakit kelangan niyang sabihin yon? Napalunok ako. Bago pa man ako magsalita, hinawakan niya bigla ang braso ko at mabilis na nagsalita. "No...no.. it's a joke. Sorry, it's not funny. It was supposed to be a joke."

Napansin ko ang expression niya. Para siyang nagpapanic. Napangiti ako. At nakahinga na din na joke lang pala yon. "Ok lang." Ginulo ko ang buhok niya at tumawa. Nagnod lang siya at ngumiti. Natahimik kami ng ilang minuto. Nakatitig lang ako sa kanya at siya sakin. Nakangiti ako the whole time. I could spend the whole night like this. Nakikita ko lang siyang nakangiti, ok na ako.

"Hinabol dapat kita," sabi ko ng mahina habang nakatingin sa damuhan. Narinig ko siyang magsigh. Tumingin ako ulit sa kanya. Poker face lang siya. "I'm sorry. Hindi kita dapat pinabayaan." 

Nakakunot ang noo niya. Hindi siya nagsalita.

Napaisip ako, saan kaya siya nagpunta noong araw na nawala siya? Kase, ok ang dating niya eh. Hindi naman siya mukhang nagutom o nabastos. Ok talaga ang dating niya non. 

"Where—" 

"Vincent told me, we were playing then you were chasing after me then I fell from the stairs. What are you talking about running after me?" tumingin siya sakin na nagtataka. Nakataas ang dalawang kilay niya. 

Nakalimutan niya?  

"Oh...nothing. I'm just...Maybe I was talking about Krungy. We had..." 

"Oh, so that's why she wasn't around? I haven't seen her today." Tumango na lang ako at ngumiti. "I'm sorry I didn't tell you Tracy...uhmm.. she..." 

"Alam ko. Sorry, wala ako don para ipagtanggol ka. 'Wag kang mag alala. Kakausapin ko siya. Ok?"

Napakagat siya sa labi niya. 

"It's ok. She wants you back, so that's the end of this. I want to break up, Blake. I love you but we need to break up, now."

Nakalimutan niya na may kasalanan ako sa kanya. Nakalimutan niya na naglayas siya. Nakalimutan niya na nawala siya. Nakalimutan niya na naaksidente siya. 

Pero hindi niya nakalimutan na nag umpisa lang sa deal lahat ng 'to?

Naalala niya pa rin yon? 

"Please, Blake. Let's just break up. It's for the best."

Continue Reading

You'll Also Like

52.6M 1.3M 70
after a prank gone terribly wrong, hayden jones is sent across country to caldwell academy, a school for the bitchy, the dangerous and the rebellious...
43.6M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
294K 7.3K 105
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #1- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
190M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...