Her Unwanted Love (Salvador S...

By teensupreme

3.7M 53.5K 1.6K

Gremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants s... More

Her Unwanted Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 26

77.5K 1.1K 15
By teensupreme

Chapter 26



"And then the day came, when the risk
to remain tight in a bud
was more painful than the risk
it took to blossom."

— Anaïs Nin

***



"Claire!" malayo pa lang ako sa reception desk ay tinawag ko na si Claire. Agad siyang tumingin sa akin nang may pagtataka.

"Yes, ma'am Lorraine?"

"Iyong nagpadala ba ng bulaklak, wala bang papel na binigay ang nagdeliver?" Kahit nagtataka ay tumalikod si Claire sa akin at may kinuha sa isang table.

"Mayroon po, ma'am. Ito po oh," she handed me a small paper. May pirma niya iyon bilang proof na na-receive nya pero walang fill-up ang ibang information sa form. Walang return to sender option man lang dahil walang sender's address na nakalagay.

Napasinghap ako at kinuha ang papel. Umalis ako matapos magpasalamat kay Claire. Nang bumalik ako sa aking opisina ay kinuha ko ang aking cellphone mula sa'king bag at di-nial ang numero sa bahay. May nahihinuha ako sa nagpapadala ng bulaklak. Damn it!

Paano kung nalaman na nya kung nasaan ako at ang mga anak nya. Is he going after us? Why? He wants his son and daughter? Ang tanong nga ay kung alam ba nya na dalawa ang anak namin at kambal ito. Well, hindi na rin siguro ako dapat magtaka. Magaling sila mag-trace ng impormasyon. Malamang ...

"Hello?"

"Angel, ang kambal?" agad kong bungad.

"Ma'am, nanunuod po ng Adventure Time."

"Ganoon ba? Sige, Angel, mag-ingat kayo riyan. Saka lagi mong tatandaan ang bilin ko ha? 'Wag magpapapasok nang kung sinu-sino lang. Kapag may kumatok dyan at sinabing kilala ko siya ay wag mo pa rin papasukin. Naiintindihan mo ba, Angel?"

"O-Opo, ma'am," parang nalilito ay sumagot pa rin ang kasambahay ko.

"Sige, wag mong kalilimutan ang pananghalian ng kambal. Mga dinner na ako makakauwi, 'wag ka na magluto. Bibili nalang ako ng pagkain."

"Sige, ma'am. Noted," nabahiran ko ng ngisi ang sagot ni Angel kaya nagpaalam na ako.

Nang binaba ko na ang cellphone ay dumaan ang katrabaho kong si Fem. "Lorraine, andyan na si Madame L."

"Salamat, Fem."





Sobrang productive ko ngayong linggo sa trabaho. Malapit na kasi ang pagpapasa ng  financial statements at tax returns bilang requirements sa BIR. Ako ang leader ng team na nagha-handle sa isang malaking kumpanya dito sa Cebu kaya sobrang hands-on ko dapat sa lahat ng detalye. Ganoon naman kasi ang trabaho namin, dapat attentive hanggang sa pinakamaliit na details. Ayon kasi sa kasabihan, mas nakakapuwing ang maliliit na bagay.

Tama nga naman. Often times, the smallest things causes the biggest chaos. If we continue to neglect the smallest things, they pile up and become bigger and that's when they matter. We have the time to solve them before, when they were still immaterial but we chose not to. So, mas lalong lumaki tuloy ang sularanin at mahirap ng solusyonan. Well, it's not a hugot but that is the reality of life.



"Sama ka sa'min, Lor?" isang hapon ay sumilip si Vera sa aking opisina. Nagliligpit na ako ng gamit dahil alas singko na at paniguradong hinihintay na ako ng kambal. Nangako akong magluluto ako ng spaghetti dahil birthday ni Angel ngayon.

"Huh? Saan kayo?"

"Pupunta kami sa Mango Square. Alam mo na, holiday bukas. Minsan lang tayo makalabas eh. Sama ka na."

Napasapo ako sa'king noo nang naalala na kulang-kulang ang stock ng ingredients sa bahay. Kailangan ko pang mag-grocery. Sinilip ko ang aking relo. "Naku Vera! Pasensya na talaga. Alam mo rin naman, may mga anak na ako. Saka nangako ako na lulutuan ko sila ngayon eh kaya pass na naman muna ako."

Ngumiwi si Vera sa akin. "Ano pa nga ba? Palagi ka namang pass eh."

Malungkot akong ngumiti sa kanya. Nag-iiba na talaga ang routine mo kapag may anak ka na at hindi lang isa ah, dalawa pa. "Pasensya na talaga. Babawi nalang ako."

"Sige, sa birthday ko ah? Hindi na tayo busy nun, tapos na ang requirements natin sa BIR nun. Sana naman hindi ka na umayaw."

Tumango ako at ngumiti. "Sige, sasabihan ko ang kasambahay at ang kambal ko."

"Oh sya sige, Lor. Alis na 'ko."

"Sige, Vera. Sorry talaga."

"Ayos lang 'no."





Dahil sa lapit ng building namin sa isang malaking mall ay wala pang sampung minuto nasa loob na ako ng supermarket. Tinext ko si Angel tungkol sa ginagawa ng kambal at kakagising lamang daw ng mga ito galing sa siesta. Mabilis kong dinampot ang isang kilong pack ng pasta.

From: Angel

Ma'am, may tumawag po sa telepono ng bahay. Taga-Rodav Telecom.

Marahas kong nabitawan sa shopping cart ang hawak kong spaghetti sauce. Damn! Mabilis akong nagtipa ng reply kay Angel.

To: Angel

What? Sino daw? Anong kailangan? Anong sinagot mo?

Hindi nagreply si Angel kaya naman hindi ako mapakali. Nakumpleto ko na ang rekado ng spaghetti pero wala pa rin text si Angel.

To: Angel

Angel, anong kailangan ng taga-rodav? Hinanap ba ako? Anong sabi?

Pumunta ako sa milk and coffee section at binilhan na rin ng gatas ang kambal. Mabuti pa'y mag-grocery nalang talaga ako ng iilang stocks. May oras pa naman ako. Dalawang malaking box ng gatas ang dinampot ko. Mahirap na ang maubusan, dalawa pa naman silang umiinom. Kahit gustuhin kong i-breastfeed sila ay ayaw naman nila sa gatas ko, hindi yata sila hiyang sa lasa. Sinilip ko ang aking cellphone bago lumipat sa kabilang aisle para kumuha ng kape.

May nakaharang na babae sa gusto kong bilhin na kape kaya naman nag-excuse ako sa kanya. Tumalima siya at umatras ng isang beses pero nanatili pa rin siyang nakatayo roon. Dinampot ko ang isang malaking pack ng coffee at creamer saka sinilip ang babae.

I looked at her intently. Damn it, Gremaica. You made a wrong move. And she looked at me as if she saw a ghost. How come ...

"G-Gremaica?"

"K-Kirslie ..."

Napalingon ako sa'king likuran baka may kasama siya. Wala naman siyang katabi kaya sana naman ay wala siyang kasamang pinsan.

"Oh my God!" napabulalas siya at humawak sa braso ko. "How are you? God! It's been ... years," aniya at yumakap sa akin. Hilaw akong ngumiti sa kanya. Dumagundong ng sobrang lakas ang puso ko. What if kasama niya ang mga pinsan niya. This is really the end of it all, Gremaica. May nakakita na sa iyo, hindi na matatahimik ang bago mong pamumuhay.

Humiwalay siya sa akin at sumilip sa shopping cart ko. "Uhm ... so," she looked at me directly. "How's my niece or nephew?"

Sinundan ko ang sinilip niya. Bumungad siguro agad sa paningin niya ang pangalan ng malaking karton ng gatas na pambata. "F-Fine," maikling sagot ko. "I-Ikaw lang ba? Sinong k-kasama mo?" pahabol kong tanong.

"Oh, that," nginitian niya ako. "I'm with Kaizer and Zeus."

Hindi ko alam kung anong susunod kong sasabihin kaya naman ay sinipat ko ang aking relo. 5:30 na, mukhang kailangan ko ng umuwi. Nang tinignan ko siya ay nakatitig rin pala siya sa akin. "So, you're here in Cebu? For good?" kalituhan ang nahihinuha ko sa kanyang mga mata.

Mahina akong tumango at agad na umiwas ng tingin. "Uhm, K-Kirslie ... I n-need to go, now. I'm sorry, mauuna na ako." Tumalikod ako pero nahabol niya ng hawak ang aking braso.

"Grem, I don't know what really happened but are you not really coming back to Manila? You were ... missing in action with you and Keaton's child for years. He was looking for you and is still looking for you. At least, let him meet and see his ... baby, perhaps?"

"Look, Kirslie," hinarap ko siya. I smiled at her, "There's more to what you have in mind. At hindi iyon mareresolba kahit makilala pa ni Keaton ang anak namin. He knows we have ..." napatigil ako kung paano ko ia-address ang kambal. "... a child. There are just some things that's coming out of hand. Problems hard to resolve. And even if we resolve it, we will never be back to how things were before for him and I. And I made my mind already, as a mother, I know what's best for my child. And I am doing it now."

"Sana ay hindi nalang siguro makarating kay Keaton pa ang pag-uusap nating ito. I've already forgiven him, but I also want to forget. I already accepted na hindi talaga kami para sa isa't isa because if we were, things will not be like this. We will not be like this. And if he really loves me, he should not let this," kinumpas ko ang aking kamay sa ere. "... happen to us."

"I'm sorry, Kirslie. But I really need to go. Nice seeing you again. Enjoy Cebu!"

Iyon lang at tinalikuran ko na si Kirslie. I did not even bother looking back at her. I don't really care if she calls Keaton right now. At sabihing narito ako sa mall na ito ngayon. Well, part of me actually cares for the reason that he might chase Gray and Gale's custody. But I should always be ready to meet Keaton any time from now. Lalo pa't mukhang nagpaparamdam siya.



Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 401 31
She's inlove with her brother's friend but sadly he's not into her. Until one day, they just found themselves falling in love with each other. But in...
1.4M 25.1K 50
He is my first love. High school pa lang kami, I am already truly, madly, and deeply in Love with him up to the point that I already surrendered ever...
1.3K 75 34
ERITQUE ARCUS SERIES #3: Bluer Than Blue She has been living in a blue world ever since her dad died and her mom threw her out of their house. But wh...
30.8K 1.1K 46
Aurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided...