A Love Like This (FFTB #2)

By elisestrella

2.9M 90.1K 22.9K

C O M P L E T E D --- Falling for the Billionairess Book 2. --- Siya si Meredith Balajadia, ang executive vic... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Fifty-One
Fifty-Two
Fifty-Three
Fifty-Four
Fifty-Five
Fifty-Six
Fifty-Seven
Fifty-Eight
Fifty-Nine
Sixty
Sixty-One
Sixty-Two
Sixty-Three
Sixty-Four
Sixty-Five
Sixty-Six
Sixty-Seven
Sixty-Eight
Sixty-Nine
Seventy
Seventy-One
Seventy-Two
Seventy-Three
Seventy-Four
Seventy-Five
Seventy-Six
Seventy-Seven
Seventy-Eight
Seventy-Nine
Eighty
Eighty-One
Eighty-Two
Eighty-Three
Epilogue
Special Chapter: Ang Unang Pasko

Six

47.3K 1.2K 425
By elisestrella

NAKA-ILANG beses akong nagpabalik-balik sa kotse para mag-iwan doon ng mga pinamili ni Meredith. Close na nga kami ni manang lady guard d'un sa entrance ng basement parking dahil kanina pa ako daan nang daan sa kanya.

Paano halos limasin ni Meredith ang mga estante sa Home department ng SM Megamall kung saan kami nakabili ng mas maganda at mas murang basong di mukhang arinola, mga pinggang di ko susubukang hugasan sa takot na mabasag sila at maabo ang halos P4,000, mga kutsara't tinidor, kutsilyo, sandok, siyanse at iba-iba pang gamit sa pagluluto. Baka kung may palayok at bilao pa d'un, malamang binili na rin niya.

At pagkatapos ng department store, parang pinasok yata namin ang lahat ng tindahan ng mga damit, sapatos, makeup at lahat ng bookstores ng mall.

"Lunch na muna tayo?" tanong ni Mere mayamaya nang makalabas kaming dalawa sa mala-blackhole na tindahan ng gamit na naman sa bahay. Sinabi raw ni Daddy noon na tisoy ako. Puwes, tisoy na talaga ako ngayon dahil namumutla na ako sa gutom. Alas dos naman na kasi at matagal nang na-digest 'yung kinain kong sosyal na siopao ng Tim Ho Wan.

Bumungisngis siya nang bigyan ko siya ng nagmamaka-awang puppy dog look at pinisil niya ang kamay ko bago ako hinila papunta sa Mann Hann na malapit lang d'un sa pinanggalingan namin. Di na ako namili, at di na ako nagreklamong Chinese restaurant na naman siya. Kung nangangalumata ka na sa gutom, kakainin mo kahit ano.

Magkatabi kaming naka-upo ni Mere sa isang booth nang mag-ring ang phone niya. Nilingon ko siya, nginunguya ang kakasubo ko lang na hakaw na sa gutom ko ay balak kong ipagdamot kay Mere kung sakaling manghingi siya.

"Hi, Mom!" sabi niya at tahimik akong nagpatuloy sa pagnguya habang pinapanood siya.

Glowing siya, halatang masaya. Parang hindi pa pagod kahit pa apat na oras na siyang naglilibot sa mall. Sa susunod talaga, magdadala na ako ng energy drink kapag mag-aya siyang mag-shopping ulit. O kaya mag-e-endurance training muna ako ulit para handa ang katawan ko. Napagod talaga ako ngayon.

Tumaas ang mga kilay ko sa kuryosidad nang excited siyang umirit at inabot ang kamay kong may hawak ng tinidor. "Na-deliver na raw 'yung kama natin!" sabi niya sa 'kin bago binalikan si Mommy sa telepono. "Opo, thank you, Mom, I love you! Opo nga pala! Ibinili ako ni Ash ng cast iron skillet!"

Doon, natawa na rin ako. Sige na, aaminin ko nang good idea 'yung lintek na kaldero na 'yun kahit mahal ang hinayupak.

"Opo. Ang ganda niya! Katulad niya 'yung nand'yan pero mas malaki. Opo... Opo... Mamaya na kayo umuwi, Mom. Lunch lang po kami then grocery. Hintayin n'yo na kami. D'yan na kayo mag-dinner ni Daddy."

Teka, akala ko ba na-deliver na 'yung kama natin? Paano natin ite-testing 'yun kung nasa bahay ang mga magulang mo? Pagod pa naman ako ngayon. Dapat sana pagdating natin kaagad sa bahay kasi baka di ko kaya ang usual minimum number of rounds natin... baka mabitin ka, baka maka-tatlo lang ako mamaya.

"All right, Mom! See you later po. Love you! Thank you ulit." Ibinalik niya sa bag ang phone at binalingan ako. Masaya siyang pumalakpak bago pinanggigilan ang braso ko. "May kama na tayo!"

Ngumisi ako at kumindat-kindat. Tumawa si Mere bago binalikan ang pagkain sa pinggan niya. "Behave! Nand'un si Dad mamaya. Baka lagariin niya 'yung kama at paghiwalayin para di tayo tabi. O kaya double-deck nga ang i-deliver nila sa 'tin!"

"Sus, kahit Monobloc na upuan lang ang meron sa bahay, magagawan natin ng paraan 'yun."

Tumawa siya, namula at sinundot ako sa tagiliran bago muling kumain.

Ikinukwento niya 'yung mga gusto niyang gawing dekorasyon sa kwarto namin. Tumango lang ako kapag may sinasabi siya, nagpapanggap na alam ang kaibahan ng kulay ng byzantium at plum, at sumasang-ayon na maganda para sa banyo naming gusto pala niyang papalitan ng tiles ang blue-green. Lalaki ako, kung hindi primary o secondary ang kulay, di ko na alam 'yun.

Anyway, hinayaan ko lang siyang magsalita. Ang saya kasi talaga niya. Ang yabang ko lang kasi alam kong kasama ako sa mga dahilan kung bakit masaya siya.

At 'yung hakaw na gusto kong ipagdamot sa kanya? Ayun, wala rin. Tininidor ko 'yung isang hakaw at inangat 'yun sa bibig niya para matikman niya nang tanungin niya ako kung masarap daw 'yun. Generous ako eh. Kinain ko na lang 'yung tira niya sa tinidor ko. Pagkatapos natawa ako.

"Bakit?" Nakatingin siya sa 'kin na may kuryosidad sa mga mata.

Nilunok ko 'yung kinakain ko. "Wala. Mababaw lang. Kinilig kasi ako na kinain ko 'yung kinagatan mo. Na-realize ko lang na kahit tayo na, may crush pa rin ako sa 'yo."

Natigilan siya sa pagnguya bago ako binigyan ng aww face niya. Tumawa siya, masaya akong niyakap at mabilis na hinalikan sa mga labi. Nanatili siyang nakayakap sa 'kin at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

"I love you," sabi ni Mere. "'Wag kang tumigil sa pagpapakilig sa 'kin ha? Saka okay lang kung may crush ka pa sa 'kin hanggang ngayon, kasi may crush pa rin naman ako sa 'yo."

Nawala pagod ko. Pinagdikit ko ang mga noo namin at nagngitian kami bago namin mabilis na hinalikan ulit ang isa't isa. Tumawa kami, parehong masayang-masaya, bago niya ako binitiwan at nagsimula kami ulit kumain.


TUMAWA SI Mere nang maipit ng nagsasarang mga pinto ng elevator ang puwet ko. Nasa building na kami at kinailangan niyang hawakan 'yung mga pinto ng elevator kanina para maipasok ko lahat ng mga pinamili namin... niya. Dahil ang binili ko lang naman ay deodorant at toothpaste.

Gayunpaman, halos wala nang espasyo para sa mga paa ko sa sahig ng elevator dahil puno iyon ng mga paper bags. Inangat ni Mere 'yung iba para hindi ko maapakan, 'tapos tumatawa kaming parang naglalaro ng newspaper dance d'un na nakasiksik sa isa't isa habang paakyat ang elevator. Nagpasaklolo kami kina Mommy at Manang Thelma pagdating namin sa floor namin at naipasok naman naming lahat ng mga iyon.

"Inubos ba ninyo ang laman ng Megamall?" biro ni Mommy habang pinagmamasdan ang iba't ibang paper bags na nakakalat sa sofa, sa dining table at sa kitchen counter namin.

"Di naman po," natatawang sabi ni Mere bago ipinakita 'yung special kaldero kay Mommy na na-excite din. Mababaw lang pala 'tong mag-ina. Kaldero lang ang katapat. Pagkatapos ay naisip ko kung magkano ang kaldero na 'yun kaya sumama na naman ang mukha ko.

Nilingon ako ulit ni Mere, inabot ako at mahigpit na niyakap.

"Thank you talaga," sabi niya sa 'kin.

Ay, galit ba ako d'un sa kaldero? Hindi na nga pala. Napatawad ko na nga pala siya.

"You're welcome," sagot ko naman na niyayakap din siya.

"Tingnan na ninyo 'yung kama ninyo," sabi ni Mommy sa 'min. "Hindi ko pa inaayos at itong si Meredith ay may sariling paraan ng pagaayos ng kama niya. Baka hindi makatulog mamaya."

Siyempre bastos ang naisip ko pero ngumiti lang ako kay Mommy na parang inosenteng anghel bago ako nagpatangay na naman kay Mere sa kuwarto namin.

At nandoon nga ang bago naming kama. Naka-bold pa 'yung kutson kasi wala pang bedsheet pero iba na naman ang ngiti ko nang makita ko 'yun. Surprisingly, ngayon ako hindi naka-isip ng bastos. Hindi pa. Ang naisip ko ay kama namin 'yun ni Mere. Kama namin.

At salamat kay Lord, hindi siya double-deck.

"Ayusin natin!" sabi niya bago lumabas ng kwarto namin para magpunta d'un sa kwartong inangkin na ni Kuya Lex. Di pala ako niloloko ni Kuya n'ung sinabi niyang sa kanya 'yung isang bag na pinadala niya sa 'kin n'ung naglipat ako.

Pagka-ayos ng mga gamit namin ni Mere sa cabinet namin sa sarili naming kwarto, inayos din ni Mere ang mga damit ni Kuya Lex d'un sa closet ng gusto niyang silid. Sa extra closet din d'un niya nilagay 'yung mga comforters, bedsheets, pillowcases at mga kumot niya. Ako naman kasi ay wala n'un. Kay Kuya Lex ang lahat ng ginamit ko n'ung nasa bahay niya ako.

Tinulungan ko siyang maghakot bago namin magkatulong na binuno ang higante naming kutson.

"Kapag di mo 'ko mahanap sa gabi, nasa kabilang dulo lang ako ng isla ha," sabi ko sa kanya habang iniipit sa ilalim ng isang kanto ng kutson ang bedsheet.

"Weh. If I know, kahit gaano kalaki 'tong kama natin, nakakapit ka lang sa 'kin magdamag."

"Ako?" tanong ko na nanlalaki ang mga mata. "Ikaw kaya 'yang guwapong-guwapo sa 'kin na di ka makatulog nang hindi naka-unan sa dibdib ko."

Inunat niya ang comforter na ipapatong niya sa kutson. "Excuse me. Di ka gan'un kaguwapo 'no."

"Woooow, hinihiritan na ako ni Miss Balajadia. Lika nga rito!"

Napatili siya nang hablutin ko siya at itinulak pahiga sa kama. Dinaganan ko siya at pilit isiniksin ang mga kamay ko sa mga kilikili niya. Automatic na inipit ng mga braso ni Meredith ang mga iyon.

"ASH! 'WAG!" sigaw/tawa niya na naninigas na at hindi maikilos ang mga braso dahil kapag itaas niya ang mga 'yun... "'WAG, PLEASE! MAMAMATAY AKO!"

"Sabihin mo munang guwapo ako."

"Guwapo ka!" tili niya na tumatawa at namimilipit na pero hindi niya talaga maalis 'yung mga kamay ko sa kilikili niya.

"Na ako ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa."

"Ikaw ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa! Ash, please! Tama na!"

"Na love na love na love mo ako."

"Oo nga! Oo na!" sabi niya na humihingal at naiiyak na at mariin nang nakapikit. Iginalaw ko ang mga daliri ko at muli siyang tumili at nanlaban. "I love you! Love na love na love kita!"

Tumawa na rin ako at isinilid ang mga kamay ko sa ilalim niya at ibinaon ang mukha ko sa gilid ng leeg niya Yumakap din siya sa 'kin pero sinabunutan muna niya ako. "Nakakainis ka!"

"I love you, too," sagot ko na nakadikit ang ngiti sa gilid ng leeg niya. "God, I love you so much."

Umayos ako ng higa at hinila siya para doon na kami sa gitna ng kama namin. Nakasiksik siya sa tabi ko, nakapatong ang pisngi sa dibdib ko at nakabalot sa baywang ko ang isang braso habang nakapatong sa mga hita ko ang isang hita. Tiningala niya ako nang marinig niyang bumuntong-hininga ako. Ngumisi ako sa kanya. "May kama na tayo."

Tumawa siya at ibinalik sa dibdib ko ang pisngi. "Oo, meron na."

Saglit kaming natahimik bago ako ulit nagsalita. "Hindi ba p'wedeng i-take out nila Mommy ang dinner nila para maaga nating ma-testing kung komportable 'tong kutson?"

Nag-angat siya ng ulo at hinalikan ako sa pisngi bago bumangon. "Di bilisan na natin dito. Para makalabas na ako at makatulong sa kitchen nang mapabilis ang gawain."

Bumuntong-hininga ako ulit at bumangon na rin. Inabot ko 'yung isang dulo ng comforter. "Pero guwapong-guwapo ka naman talaga sa 'kin di ba?"

Tingnan mo 'to, tawa lang ang isinagot niya sa 'kin.


HINDI na pinatulong nina Mommy si Mere sa pagluluto nang lumabas kami ulit ng kwarto matapos namin maayos 'yung kama. Sila na raw ni Manang Thelma ang bahala at ayusin na lang daw namin ang mga pinamili namin.

Ipinasok ko lang lahat ng hindi galing sa department store sa kwarto dahil 'yung mga paper bags na may tatak ng SM ay galing naman sa home department nila at para sa kusina. Si Mere at si Mommy na ang nagligpit sa mga 'yun.

Nanatili din ako sa kwarto namin, nakaupo sa kama, nakasandal sa headboard habang tinitingnan kung may bagong item sa kalendaryo namin ni Ma'am Meredith. Baka kasi may bagong set palang meeting na hindi ko alam, lagot ako. Papasok na kasi kami bukas.

Nagbasa na rin ako ng mga e-mail, nag-reply sa iba, nag-forward ng mga kailangang mabasa ni Mere. Nag-check na rin ako ng personal kong e-mail.

Nang lumabas ako ulit ng kwarto, nand'un na si Daddy, kakatanggal pa lang ng coat at kasalukuyang niluluwagan ang pagkakabuhol ng kurbata. Binati ko siya at tumayo ako sa tabi niya sa kusina habang pinapanood sina Mere. Nagulat akong mukha nang set ng cooking show ang kusina namin.

"Kumusta ang shopping?" nakangisi niyang tanong bago siya tumawa nang di ko na-control ang ekspresyon ko. "Hayaan mo na. Isa o dalawang beses lang naman sa isang taon ang major shopping spree ng mag-ina ko. Once or twice a year ka lang mapapagod nang gany'an."

"Kayo na rin po naman ang nagsabi na the smile makes it worth it."

Napangiti sa 'kin ang future father-in-law ko at tinapik niya ako sa likod. "D'un nga tayo sa itaas. Hindi pa ako nakakatambay sa roofdeck ninyo eh."

Giniya ko siya sa hagdan paakyat. "Dad, salamat po pala sa kama."

"You're welcome. Saka 'wag na nating pag-usapan at mahirap na topic ang kama. Mahal na kita, hijo, pero gusto ko pa ring isiping kapag natutulog kayo ni Meredith, d'un siya sa kwarto at ikaw eh d'un sa lobby nitong condo n'yo."

Malakas akong tumawa. "Sige na, Dad. Hahayaan ko nang 'yan ang alam ninyo."

"Pasensya ka na. Kapag may baby girl ka na rin, maiintindihan mo na ako."

May baby girl naman na po ako, 'yung baby girl n'yo rin.

Nagkwentuhan kami ni Daddy sa rooftop habang naka-upo sa mga silya malapit sa pool na tulad ng hindi ko nagagawa kasama ng sarili kong tatay.

Itong si Dad kasi nakikinig sa 'kin saka halatang may respeto siya sa 'kin. 'Yung tatay ko... ayoko na munang isipin.

Nang tawagin nila ulit kami para bumaba nang makakain na, pakiramdam ko isa na ako sa mga executives niya na kinonsulta niya tungkol sa isang project na gusto niyang simulan. It made me feel good.

Sa hapag, kasabay namin sina Manang Thelma at Kuya Midel.

"Uy, si Manang!" tukso ni Mere. "Sasabay na sa pagkain!"

Tumawa ang babae. "Nahiya po kasi ako n'ung isang beses kasi kasabay po si Sir Lex. Ang gwapo kasi eh!"

Tumawa na rin ako kasi parang teenager na kinilig si Manang Thelma.

"Paano pala? Papasok na kayo bukas?" tanong ni Daddy habang nilalagyan ni Mommy ng ulam ang pinggan niya.

"Opo, Dad," sagot naman ni Mere na sa palagay ko ay nararamdaman ang nararamdaman ko, 'yung parang estudyanteng nasa last day ng summer.

Nag-usap pa sila tungkol sa trabaho habang ninanamnam ko ang kare-kare ni Mommy. Sarap eh. Ngayon lang yata ako nakakain ng kare-kareng lutong bahay. May mangga pa.

Inabot ko 'yung mangkok ng bagoong nang mapalingon ako kay Meredith na may sariling sawsawan ng mangga. Hawak niya 'yung mangkok na may bagoong at... suka ba 'yun? At napansin kong maya't maya ay...

"Hoy, Balajadia!" bulalas ko na nalimutang tatlo nga pala silang Balajadia sa hapag. "Kung humigop ng bagoong, akala mo sabaw!"

Namilog ang mga mata niya at kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Nagke-crave ako eh," depensa niya sa sarili nang simulan kong kunin 'yung mangkok. Inabot niya iyon at inilayo sa 'kin.

"Maryosep, ka-alat n'yan, eh halos inumin mo."

Lumabi siya. "Minsan lang naman!"

"Masama 'yan."

"Buti nga bagoong at suka!" sabi ni Mommy. "Minsan, nahuhuli ko 'yan, patis na may asin at asukal ang isinasabaw sa kanin."

"Minsan lang naman ako mag-crave ng bonggang maalat," sabi ni Mere na nakatingin lang sa 'kin na nagsusumamo ang mga mata.

"Naglilihi na po ba kayo?" tanong ni Manang Thelma at natigilan kaming lahat sa mesa maliban kay Kuya Midel na patuloy sa pagsubo ng kanin at kay Daddy na nabulunan sa mangga. Tumawa si Mommy at tinapik-tapik ang likod niya.

"Hindi!" sabi ni Mere pero dahil kilala ko nga siya, nakita kong nagdalawang-isip muna siya at nag-isip bago niya sinabi 'yun.

Utang na labas, may posibilidad nga bang naglilihi siya?

Umiling si Mere na para bang nabasa ang iniisip ko. "Hindi talaga."

Hindi ko rin alam kung gusto kong banggitin niya na nagbi-birth control pills naman siya o ayaw ko kasi baka ma-stroke si Daddy kapag marinig 'yun. Ayokong hantarang sabihin sa kanyang, uhm, may "nangyayari" sa pagitan namin ng anak niya. Sensitive pa naman si Daddy. Baka bawiin 'yung kama.

Gayunpaman, napa-isip din ako. Paano nga kung buntis na si Meredith ngayon pa lang? Mapapadali ang kasal namin kasi ayoko namang ipanganak si Ash, Jr. na hindi kami kasal. Pero mauunsyami rin ang pangarap kong isang taong masolo si Mere bago namin buoin si Ash, Jr.

Siguro masyado akong distracted dahil natauhan na lang ako nang makita kong isinalin na ni Mere 'yung binagoongang cane vinegar niya sa kutsara niya at isinubo iyon nang hindi ko napipigilan.

"Hoy!" sabi ko at tumawa siya na parang batang nakalamang. Ang nagawa ko na lang ay ang ilayo ang mangkok ng bagoong sa kanya bago pa siya makapuslit ulit.

Bago mag-alas nueve ng gabi umuwi sina Mommy. May usapan sila ni Mere na babalik daw ulit si Mommy bukas dito. Hindi ko alam kung bakit. Parang may secret sila ni Mere. Parang kinakabahan ako kasi sigurado kong may ide-deliver na naman bukas sa 'min na hindi ko alam. Ano na naman kaya itong binili ni Balajadia?

Anyway, nagpaalam siyang maliligo kaya d'un muna ako naupo sa stool sa kitchen island, bukas ang iPad at may mga nakalatag na papel. Nagkukwenta ako ng kayamanan.

Sana pala sa Financial Management na lang ako nag-major n'ung college. Mas madali kaya 'yun? Business Administration kasi ako, major in Management. Ang na-manage ko lang n'un ay schedule ko para lagi akong kasama sa inuman namin nila Marlon.

"Hey," tawag ni Mere na yumakap sa 'kin mula sa likod at hinalikan ako sa pisngi. Ang bango-bango niya lalo saka ang lambot lalo ng balat. "Busy ang baby boy ko ah!"

"Nag-ba-budget kasi ako."

Naupo siya sa stool sa tabi ng sa akin at sinilip ang mga nakasulat sa papel na nagkalat sa harapan ko. Listahan ng bills ang nakita niya.

"O, bakit inaako mo lahat ng bills?" tanong niya, hinihila 'yung papel na pinagsulatan ko ng gastusin sa bahay. Nilingon niya ako nang hindi ako sumagot kaagad.

"Sasampalin mo ba ako kapag sinabi kong kasi ako ang lalaki kaya ako ang dapat kumikita ng pera?" Naningkit siya. Nag-aalangan akong ngumiti bago nagpaliwanag. "D'un ko yata nakuha sa maid namin dati n'ung bata ako. Kaya daw siya nag-maid, hindi kasi kasya sa pamilya nila 'yung sweldo ng asawa niya. Kaya ang naitanim sa isip ko na kapag may asawa na ako, ako 'yung kikita at siya-ikaw-'yung magbu-budget. Tapos mahihirapan ka pa raw kunyari na pagkasyahin 'yung sweldo ko sa mga bayarin natin." Kumunot ang noo ko dahil medyo weird na ang sinasabi ko. "Ewan ko kung saan nanggaling 'yun. Ngayon ko lang na-realize 'yun eh."

Nakangiti siya nang haplusin niya ang pisngi ko. "Ang sweet naman ng baby boy ko! Bata pa lang may ideas na ng pag-aasawa!"

"Bata pa talaga ako n'un. Wala pa akong kamuwang-muwang."

Tumawa siya at binalikan 'yung listahan ko. "Well, kung tayong dalawa, p'wedeng hatiin natin 'yung gastos. Gusto mong magbukas ng joint savings account? Kahit para lang sa autopay ng bills natin." Kinwenta niya ang monthly bills namin at binanggit na p'wede kaming mag-deposit ng tig-magkano tuwing sweldo para hati kami sa bills.

"Hindi ko alam," amin ko. "Hindi naman sa pakiramdam ko nakakalalaki ka ha o na ma-pride ako. Kaya lang kasi," sumenyas ako sa mga bago naming appliances na nasa kitchen counters. "Isang milyong piso yata ang nagastos mo kanina sa SM para punuin 'tong kusina. Sana makihati naman ako."

"Di ba nga sabi mo naman na ako ang bahala sa mga gamit?" paalala niya. "So ako na ang bahala sa mga gamit. Ikaw na sa bahay eh. Basta itong bills, hati tayo rito. Hindi ako papayag na hindi."

Nakita ko sa mukha niya na talagang magmamatigas siya pagdating sa bagay na 'to kaya bumuntong-hininga na lang ako. "Sige. Mag-open na lang tayo ng joint account. Pero gusto kong d'un na lang din ipasok 'yung payment para sa line ko saka sa credit cards. Okay lang?"

"Okay lang. D'un ko na rin padadaanin 'yung sa 'kin. Kakausapin ko si Tita Leny bukas, 'yung accountant ko."

Of course may accountant siya. Gan'un kapag mayaman. Ako naman, ni regular na dentista wala ako.

"Okay."

"Okay," sabi na rin niya bago siya tumayo. "Teka lang. D'yan ka lang ha."

Pinanood ko siyang nagmadali pabalik sa kwarto namin bago ako tumungo ulit sa mga papel. Naglagay na lang ako ng note sa kalendaryo ko para tawagan si Kuya Mark, 'yung stockbroker ko, para kumustahin ang kumikita naming pagkabuhayan. Huling tawag kasi niya, medyo kumita kami, 'yung kita na mas higit pa sa pambili ng isang set ng mga gustong kaldero ni Meredith.

Nilingon ko si Mere nang marinig ko siyang bumalik sa kusina at nakita kong may dala siyang kung ilang paper bags galing sa iba't ibang tindahan. Ibinaba niya ang mga iyon sa tapat ko at muling naupo sa tabi ko na may malaki at masayang ngiti.

Napangiti na rin ako. "Ano 'to?" tanong ko pa kunyari kahit alam ko naman na kung ano ang mga 'yun.

"Eh di gifts," sabi niya na parang mas excited pa sa 'kin. "'Yan 'yung mga binili ko habang nasa DFA ka. Pero sorry ha, kasi baka magkuhang couple shirts 'yung mga pinamili ko kasi kapag may nagustuhan ako d'un sa store, hinahanap ko 'yung panlalaki niyang version para bilhin para sa 'yo. 'Wag na lang nating sabay isuot."

Lumapit ako sa kanya saka siya hinalikan. "Kahit pa corny na couple shirt ang binili mo, isusuot ko pa rin 'yun nang buong puso."

Na-touch na naman ako. Ipinag-shopping niya ako nang di ko alam. At bago ko pa siya binigyan ng kaldero sa lagay na 'to ha! Kaya hindi 'yun pambayad sa regalo ko.

And if I thought I couldn't love her more than I already did, nagkamali pala ako. Kasi p'wede pa pala ako mahulog.

Binuksan ko 'yung unang bag galing Uniqlo. May isang kulay light blue na long-sleeve Oxford shirt d'un at isang red and white-striped short-sleeve na polo. D'un naman sa bag ng H&M, may isang puting cotton na sweatshirt at isa pang kulay dark violet naman. May dalawang pares naman ng jeans galing sa American Eagle Outfitters at ang huling bag ay naglalaman ng isang pares ng kulay puting Vans.

"Alam kong gan'yan kasi 'yung mga style ng damit mo saka na mahilig ka sa Vans, kaya 'yan 'yung mga binili ko para sa 'yo," sabi niya na mukhang kinakabahan at hindi sigurado nang lingunin ko siya. "Alam ko rin naman 'yung mga sizes mo pero isukat mo na rin kasi baka hindi kasya. P'wede pa nating papalitan."

Hindi ako nagsalita kasi ang sikip ng lalamunan ko. She bit her lower lip. "Okay lang naman di ba? Nagustuhan mo naman?"

Marahan kong inusog sa isang tabi ng island 'yung mga damit at hinila palapit si Mere. Bumaba siya ng stool at suminghap nang tumungo ako at binuhat siya para maka-upo siya sa kitchen island sa harapan ko. Pagkatapos ay tumayo na rin ako, pinaghiwalay ang mga tuhod niya para makasiksik ako sa pagitan ng mga legs niya bago ko ipinatong sa counter sa magkabilang banda ng mga balakang niya ang mga kamay ko.

When I kissed her, I kissed her gently, na para bang kristal siyang mababasag kapag diniinan ko 'yung halik, kahit pa 'yung unang instict ko eh molestyahin siya d'un sa kinauupuan niya. She kissed me back, her arms wrapping slowly around my neck.

"Thank you," bulong ko nang maghiwalay ang mga labi namin, habang magkadikit ang mga noo namin. Punung punung puno ang puso ko. "Hindi pa dahil sa mga regalo mo pero salamat din sa kanila. Thank you kasi naisip mo ako. Thank you na gusto mo akong maging masaya kaya mo ako binilhan ng mga regalo. Thank you kasi nararamdaman mo para sa 'kin 'yung nararamdaman ko para sa 'yo. Thank you kasi pinili mo ako. I love the gifts, baby girl. And I love you."

She smiled at me and ran her fingers through my hair, her eyes wet with tears na sigurado ko naman ay happy tears.

"I'm glad you love the gifts," bulong din niya. "And I'm very glad you love me."

Hinalikan ko siya ulit bago ko siya hinila at suminghap siya ulit pero tumawa at ibinalot na ang mga binti sa baywang ko. My hands went to her butt and I carried her to our room. Gusto ko nang i-testing 'yung bago naming kama.

Inihiga ko siya sa kama. I kissed her gently, wishing I could make her feel exactly what I was feeling through that kiss dahil wala yatang salitang kayang maglarawan niyon.

Pero sa palagay ko naintindihan naman ni Meredith, kasi nang halikan din niya ako, hindi ko naman kailangan ng mga salita para maintindihan kung ano ang nararamdaman niya para sa 'kin.

Alam na iyon ng puso ko.


Continue Reading

You'll Also Like

4M 199K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.4M 130K 52
"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez...
675K 24.2K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
5.1K 211 11
"Pagdating sa pag-ibig, walang kuwenta ang standards na 'yan. Kung mahal mo, mahal mo." Dear Diary, Boring ang buhay ko until I met two guys: Sina...