The XL Beauty (PUBLISHED)

By superjelly

22.5M 355K 53.2K

Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya? More

The XL Beauty
One
Two
Three
Four
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty one
Twenty two
Twenty three
Twenty four
Twenty five
Twenty six
Twenty seven
Twenty eight
Twenty nine
Thirty
Thirty one
Thirty two
Thirty three
Thirty four
Thirty five
Thirty six
Thirty seven
Thirty eight
Thirty nine
Forty
Forty one
Forty two
Forty three
Forty four
Forty five
Forty six
Forty seven
Forty eight
Forty nine
Fifty
Fifty one
Fifty two
Fifty three
Fifty four
Fifty five
Fifty six
Fifty seven
Fifty eight
Fifty nine
Sixty
Sixty one
Sixty two
Sixty three
Sixty four
Sixty five
Sixty six
Sixty seven
Sixty eight
Sixty nine
Seventy
Seventy one
Seventy two
Seventy three
Seventy four
Seventy five
Seventy six
Seventy seven
Xtra: Linggo ng Wika
Seventy eight
Seventy nine
Eighty
Epilogue
Xtra Chapter: Tabby the Dreamer
Yay.

Five

401K 6.8K 1.6K
By superjelly

"Ay nako, you owe me one Tabby ah. Sige sige, mukhang magigising na rin naman yan si Mr. Cutiepie maya-maya so aalis na ako. May date pa ako with Allen eh."

"Oo na. Umalis ka na nga at naiimbyerna pa ako." sabi ko at umalis na nga yung babaeng iyon. Sus. Palibhasa may boyfriend makapagyabang eh. Mas maganda naman ako sa kanya.

Napatingin ako sa lalaking iyon. Natutulog siya dito sa sofa ng salas namin. Buti na lang malakas ako at nabuhat ko siya. At buti na lang ay malakas din si Manong Jojo na driver namin at nahila niya ako palabas ng shelter box.

Mukhang cute nga naman 'tong unggoy na ito eh. Tsss. Kaso kung umasta grabe. Skwakwa.

"Oy makatitig ka dyan matutunaw ako nyan." nagulat ako nung bigla siyang nagsalita. Unti-unting dumilat ang mga mata niya at napalayo ako sa kanya.

"Nakakainis ka! Hindi mo ba alam na-"

Napaisip ako. Sasabihin ko bang.... na.... na kinuha niya sa akin yung first kiss ko? First kiss ko! T . T Hindi ba alam ng unggoy na ito na mas mahal pa ang halik ko kesa sa sarili niyang buhay? Pero kase...

"Ba't ka namumula dyan?" tanong niya sa akin at napaupo na.

Napatayo na ako. "Kumaen ka na nga lang hampaslupa ka. Para naman maranasan mong makatikim paminsan-minsan ng masasarap na pagkain. Naaawa kasi ako sa'yo eh. Mukhang yung mga nakakain mo eh yung mga inaapak-apakan ko lang."

"Aba ang yabang mong baboy ka ah!"

"Mas mayabang ka kaya!!! Unggoy! Pulubi! Dyan ka na nga. Tapos maligo ka na rin okay? Nakakahiya sa mansyon ko baka mahawa ng kabahuan mo."

"Baboy." nasabi niya.

"Ka." tugon ko naman.

"Rin."

Aba at hindi nagpapaawat ah. Magsasalita na sana ako nang naunahan niya ako sa pagsalita.

"Baboy ka, period no erase to the infinity and beyond forever and always maubos man ang natitirang buhok ni Noynoy."

Hindi ko na lang siya pinansin. Sa halip, hinila ko siya papunta ng dining room at pinaupo sa mamahalin naming upuan at sinubsob ang mukha niya sa plato. Hindi na siya nakaangal at gutom na gutom na kumain ng kanin at beef steak na luto ni Nay Erma my loving yaya. Kaen lang ng kaen si unggoy kaya pumunta na lang akong kusina at nagugutom na rin ako.

May nakita akong yogurt. Kumuha ako ng kutsara at napansin kong naglilinis si Nay Erma ng kusina. Lumapit ako sa kanya.

"Nay Erma, pag gusto pang kumain nung lalakeng mukhang unggoy, bigyan nyo lang ha."

Tumango naman si May Erma. "Sino ba yun ha hija? Boyfriend mo?"

"Hahaha nay Erma patawa ka." nasabi ko na lang at umakyat na ng kwarto ko. Yung kwarto ko na puro pink at maraming stuff toys. At may malaking wardrobe. Inubos ko na yung yogurt at hinubad lahat ng damit ko at pumasok sa bathroom. Kapagod kaya magjogging kanina.

Pag pumayat kaya ako magugustuhan na rin ba ako ni Rowell?

Hindi na ba bilang isang nakakabatang kapatid ang magiging turing niya sa akin?

At masasabunot ko na ba ang palaging relax na buhok ng Daphne na iyon?

Nakakainis kase. Bakit pa kaylangan kong tumaba ng ganito. Kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, nandidiri lang ako eh. Oh? Anong akala niyo? Sobrang over duper confident ko na wala ng times na hindi ako naiinsecure?

Teka.... syempre hindi ako insecure no! Never. Proud ako sa katawang ito. Kase kaya ako tumaba ng ganito dahil sa afford ko ang masasarap at mamahaling pagkain no! Saka laging may laman ang ref namin! Eh sa inyo?! Hahahaha!!

"Oy taba...." may narinig akong tunatawag. Eh sino pa ba? Malamang sa alamang si pulubs iyon.

Tumayo na ako at nagsuot ng bathrobe. Ano ba kasing problema ng panget na iyon? Hinigpitan ko yung tali ng bathrobe at lumabas ng bathroom. Pagkatingin ko, nandoon siya, nakaupo sa lapag ng kwarto ko at....

At.... Hawak ang bra ko na nakakalat sa lapag!!

"Whoaaaa. Jumbo. C-cup." sabi niya habang pinagmamasdan ang paborito kog bra na may mga paru-paro pang designs.

Agad akong sumugod sa kanya at inagaw yung bra ko. "Bastos ka din no?! Kung inggit ka sa bra ko, bili ka rin pag may time ah! Oh, wala ka nga palang pambili."

"Aysuuus. Nakakalat kase yang bra mo eh! Para kang hindi babae!"

"Para kang hindi tao!"

Napatingin siya sa akin. "Wow! Pareho lang tayo! Hindi ka tao! Baboy ka! Baboy!"

"Unggoy! Manyak! Pulubs! Panget!!!!!!!"

"Ingay moooooooo!!!!" sigaw niya. Ang sakit sa tenga ahh.

"Magtooth brush ka nga at ang baho ng nganga mo!" sabi ko at hinila siya palabas ng kwarto ko. Masyado akong malakas kaya nagagawa ko siyang itulak. Hinila ko siya papunta doon sa kwarto dati ni Kuya Austin at pinasok siya doon.

"May damit diyan! Maligo ka! Mag tooth brush!!! Para magmukha ka namang tao okay?!!!!"

Sinarhan ko na siya ng kwarto at iniwan siya sa loob ng dating kwarto ni Kuya Austin. Nakakainis talaga yun. Pero in fairness ahh... ngayon na lang ulit naging maingay ang bahay na ito. Hmph. Pero kahit na.

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 34.3K 31
Paul Kurt Mendoza, first year college, engineering student. he has no mercy when it comes to girls! well, he doesn't care about other's feelings! kno...
11.7K 186 38
Every summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)
Her Greatest Return By m

General Fiction

7.2M 17.9K 5
Her Greatest Return Written by: TheDarkestBlue Highest Rank Achieved - #1 in General Fiction (May 31, 2017) Copyright © 2015 TheDarkestBlue, All Rig...
5.9M 101K 55
When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved