Officially Blake's

Par mykessimum

25.7K 365 45

I knew at that moment, that we belonged to each other. The bunny and the bear, with all their craziness and d... Plus

Officially Blake's - Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11 (part 1)
CHAPTER 11 (part 2)
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
Side Story : CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
Side Story : CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Side Story: CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53 (part one)
CHAPTER 53 (part two)
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
Second Part
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
Side Story: CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
Officially Blake's - Epilogue
I love you... million times more than anything.

CHAPTER 23

373 2 0
Par mykessimum

CHAPTER 23 

LUKE'S POV

Napatingin ako dun sa babaeng dumaan sa tapat namin. Nakasports bra lang at short shorts. Nice. Ganitong ganito ang mga gusto kong view eh. Sa pagdaan niya, nakagat ko ang labi ko sa sobrang gigil. Napansin siguro ni Papa Blake 'yung pagsunod ng mata ko sa sexy ass ng babae kaya binato niya ako ng towel.

"Tol! Magbubuhat ka ba o mamboboso?" tanong niya. Nagsmirk lang ako sa kanya. Susundan ko yung babaeng 'yon. Bago pa man ako tumayo, hinarangan na niya ako sa kamay niya.

"Tange. Akala ko bang seseryosohin mo si Zelle?" napatingin lang ako sa kanya at tinanggal yung kamay niya. Medyo napasimangot din ako.

"Bayaan mo na yon! Papakawalan mo ba yung babaeng yon?" sabay turo ko dun sa sexy na babae. Napatingin kaming pareho, may kausap siya na muscleman. Naconscious tuloy ako. Tipo niya pala yung mga lalaking halos sasabog na yung muscle sa katawan. Napailing na lang ako at bumalik na sa pagbubuhat. Madami pa namang iba dyan.

Pagkalingon ko, nawala na si Papa Blake. Binitawan ko yung weights at napanganga nung may dumaan ulit na sexy na babae. Dapat siguro madalas na ako sa gym na 'to. Tumayo ako at hinarangan yung babae. 

"Hi, baby girl," bati ko at kumindat. Tumingin siya sakin. Nakataas ang isa niyang kilay at nakasmirk din.

"Well, hi, Mr. Sy." sagot niya. Napaisip ako. Parang nakita ko na 'tong babaeng to ah.

"Have I seen you before 'cus you look so familiar?"

"Oo naman, Luke! Nagdate tayo for like  5 minutes tapos umalis ka at sinundan mo yung isa pang babae. That was a week ago." 

Darn. Kelangan kong makaisip ng dahilan para makawala sa gulong 'to. Malay ko ba kung may back up tong babaeng to o kaya andito yung boyfriend niya. Eh, umalis pa naman si Papa Blake. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Kelangan lang maging confident.

"Oo, Cath. Kase, Uh...", hindi ko alam ang sasabihin ko. Last week? Last week ko ba nakita tong babaeng to? Saka, sino naman 'yung sinusundan ko? Hindi kaya si Zelle o kaya si Nicolle o kaya si Krungy? Ayt. Bahala na nga! "uh.. oo. Yung, yung pinsan ko yon!" 

Nagsmile siya sakin. "Oo nga eh. Nakita ko nga kayong naghahalikan eh. What was that about?" 

Ayt! Naloko na!

"And by the way, Rachel ang pangalan ko."

Napatango na lang ako at umalis na siya. Woo. Muntikan na yon ah. Kinuha ko yung phone ko para tawagan si Papa Blake pero biglang may mga lumapit na dalawang lalaki sakin. Malalaki ang katawan nila at anytime, pwede nila akong mapatay sa pagdagan lang sakin. 

Nabitawan ko yung phone ko at tumakbo palabas. Pumunta ako sa parking lot at dali kong hinanap kung saan ko pinark ang kotse ko. Nakikita kong nakasunod ang mga lalaki sakin. Hindi lang dalawa. Madami sila at nakasuit pa. Alam ko na kung sinong may pakana neto.

Nung mahanap ko na ang kotse ko, dun ko lang naalala na naiwanan ko yung susi ko dun sa instructor sa gym. Shit shit shit. Masama 'to. Wala akong choice kundi tumakbo na lang at paglabas ko sa parking lot, may nakita akong Millona 16. Napanganga ako at natigil saglit. 

"Sakay na Paps," sigaw ni Papa Blake. Dahan dahan akong sumakay sa motorbike niya sa sobrang pagka amaze. Kelan niya pa nabili to? "Wag kang slowmo dyan! Mahahabol na tayo ng mga bodyguards ng nanay mo eh!"

Binilisan ko ang pagsakay. Pagsakay ko, dali dali kaming humarurot. Hindi na namin inintindi ang mga maskuladong lalaking humahabol samin. Hinayaan na lang namin sila. Basta binilisan ni Blake ang takbo ng motor. Shit. Ang saya neto! 

Sumisingit singit na lang kami sa mga sasakyan para makadaan at makatakas kami. Kung anu anong bagay na lang ang mga nasasagasaan namin. Buti nga wala kaming napatay na tao eh. Sa sidewalk kami dumaan nung nakita namin na palapit na palapit na yung mga guards. 

Nakaabot kami sa isang bridge sa may Class C ng biglang natigil kami. Biglaan talaga ang pagtigil namin kaya tumalsik kami. Nung bumagsak kami sa kahoy na bridge, tawa kami ng tawa. Nasugatan kami pero tawa kami ng tawa. Ang saya non eh! Kala ko nga nasa action film ako eh. Iba talaga pagka nagsama kami ni Papa Blake ko. 

Tumayo kami at chineck yung Millona 16. Flat. Shit. Lagot si Papa Blake neto. "Paps, saan mo 'to nakuha?" tanong ko habang hinihimas himas namin yung motorbike. 

"Uh... nabili ko lang yan last week." Napatingin na lang ako sa kanya at napamura. Tumawa kaming pareho at naghigh five. Natigil saglit ang kasiyahan namin noong biglang dumating ang mga guards ni Mama.

Double it 'cause she was there. 

Shoot.

As expected, pinosas kami ni Papa Blake at pinwersang sumama sa kanila. I hate my mother. 

***

Dinala kami ni Mama sa bahay. Ayt. Ayaw na ayaw ko dito eh! Kaya nga sa condo ako nakatira ngayon eh. Pumasok siya sandali sa kwarto niya, siguro para kalmahin ang sarili niya. Siniko ko si Papa Blake para magising. Hindi to tamang oras para matulog. High blood na high blood na si Mrs. Sy oh! 

"Paps," bulong ko. "Gising. Papatayin tayo niyan ni Mama eh."

Hindi man lang siya nagising. Hindi nga siya gumalaw eh. Tch. Walang kwenta tong taong to! Hindi alam timing-an ang mga bagay bagay eh. 

Biglang lumabas si Mama at inayos ko ang sarili ko.

"Luke."

Napatingin ako sa kanya. She rolled her eyes. What the?! Wala naman nga akong ginagawa sa kanya tapos...ayt! Baliw na talaga tong babaeng to eh.  

"Ano?" tanong ko ng iritang irita. Hindi siya sumagot. Umupo lang siya sa couch habang kami, sa floor nakaupo. Nakaposas.  

"Luke... what the hell are you doing with your life? I don't understand you. I can't understand you," sabi ni Mama. "You can't pass your exams if you don't threaten the teachers. How do you view your life, huh?"   

Napatingin ako kay Papa Blake. Tulog pa rin. Huminga ako ng malalim at tumayo kaya nahila din si Blake. "Paps!" sigaw niya ng iritang irita. Hinayaan ko na lang siya.  

"Ma! 19 na ako. Just let me live my life! Bayaan mo na ako. Pwede ba?!" sigaw ko. Nakakairita naman kasi eh! Umuuwi lang naman tong mga to pagka may nagagawa akong mali eh.

"I have 10 important meetings back in Hong Kong and I cancelled them all just to see you. And look what...  what... Look at you! Luke, please, get a grip. Ok? You can't be like this forever. Playing with life, playing with all your money, playing with the girls. I mean, for crying out loud, you have a sister!"

Tumayo siya dun sa last sentence niya at ako naman napailing na lang. "Ma, is this about what I did to Kirsty?" seryoso kong tanong. Nagsigh siya at tumango. 

"You sent a death threat to your sister. You freaked everyone out. Do you have any idea how stressed we are?!"

Natawa ako nung maalala ko yung reaction ni Kirsty noong tinawagan niya ako nung gabing yon. Tinignan ako ng masama ni Mama kaya tumahimik ako. 

"Sorry. It was a prank. Come on, Mrs Lynn Sy! Naging bata ka din naman ah! Prank lang yon. Joke lang yon. Ok?! Ok na ba?! Sorry na," sabi ko habang pinipigilang tumawa. Tumingin ako kay Papa Blake, nakatingin lang siya kay Mama at parang inaantok. Tinignan ko siya para humingi ng back up pero sa ganitong pagkakataon, wala namang pakialam sa mundo to. Ayt. 

Lumapit sa akin si Mama. "Death threat is the farthest thing from the word joke!" sigaw niya. Napakamot ako ng ulo dun sa free hand ko at nagsmile ng isang super weird smile.

"But admit it, Ma. It was hilarious," sabi ko habang tumatawa pa din. Nakakatawa naman kasi talaga eh. Sobrang nakakatawa. Yung reaction ni Kirsty, ni Papa at ni Mama. Priceless. Akala nila may mangyayaring masama. Saka fake na daliri lang naman yung pinadala ko sa Vegas eh. Laruan nga lang yon eh. Malay ko bang seseryosohin nila.  

Lalong lumalim yung pagkasimangot ni Mama kaya nalaman ko na trouble na talaga to. Nagsigh na lang ako. "You are grounded for life. Keys and phone. And, you will live here. I arranged everything. You are banned from all the hotels and condo units. Everything. You will stay here with me, with Kirsty, and with your dad." nanlaki ang mga mata ko. "They will arrive tomorrow." 

Nagsmirk si Mama. Evil talaga tong babaeng to! Saka tama ba yung narinig ko?! Pati si Papa uuwi?! Bigla akong kinabahan. Ewan ko na lang kung anong mangyayari sakin neto. Dahil alam kong wala na akong magagawa, tumango na lang ako. I'll figure something out pagka nakawala na ako sa lecheng posas na to. Hindi naman ako papayag na ganun ganun na lang kukunin ang freedom ko no. Duhh (Kirsty's word)

Napatingin si Mama kay Papa Blake kaya napangiti siya. "Ayusin mo, Paps," bulong ko sa kanya.  

"And you Mr. Perez. Get ready to be grounded...soon." Nagsignal si Mama na lumingon kami. Paglingon namin, nagkauntugan kami at nag away pa. Nung naayos na ang lahat, lumingon kami ulit at nakita ko sina Tita at Tito. 

Parents ni Blake. 

Oh shit.

"Hi!" ngumiti si Tita Anne kay Blake at habang umiiling iling naman si Tito George. Siya naman ngayon. Habang naglalakad papalapit sina Tita, may lumapit na guard samin at tinanggal ang posas. Sa wakas! Ang tagal ko tong hinintay ah. 

Nagpasalamat ang mga matatandang Perez kay Lynn Sy at umalis na kasama si Papa Blake. Ako naman, naiwan. Sa hell. Pagtingin ko kay Mama, nag fake na lang ako ng smile at naisipang umakyat na lang sa kwarto ko. Matagal tagal na rin noong huli akong umuwi dito. Madalas kasi nakikitulog ako sa mga chicks eh. Pinagsisilbihan kasi nila ako doon.  

Habang paakyat ako ng hagdan, napansin kong may nakabuntot na guard sakin. Tinignan ko siya ng takang taka. "That's your new bodyguard, Luke., sabi ni Mama at naglakad palabas  ng bahay.

Nanlaki ang mata ko at napasigaw. "Ma! What the fuck?!"

"Language, Luke Sy Jr."

***

Naglalakad ako sa may sidewalk papunta sa unit ni Papa Andrew. At nakakairita na tong guard na to ah. Nabbwisit na talaga ako. Hahayaan lang akong mag isa pagka nag ccr ako eh. Kahit sa bahay laging nakabuntot sakin. 1 week na tuloy akong hindi nakakscore ng chicks. At 1 week na din akong pinaparusahan ng kabaliwan at kakornihan nga pamilya ko. Buti na lang hindi binawasan ni Papa ang allowance ko. Pero tong bodyguard, mali pa din yon! Ayt! Kaasar!

Napansin kong naglalakad din si Zelle ng mag isa at may dalang payong dahil medyo umaambon. Siguro naman, pababayaan niya akong makipag usap sa kaibigan ko no? Tumakbo ako palapit kay Zelle at ngumiti. "Ano yang dala mo, Zelle?" tanong ko. 

Ngumiti siya sakin. "Pepper spray. Kabibili ko lang," sagot niya. Napataas ang kilay ko. Ganito ba to kaprotective sa sarili niya? Kung si Krungy nga, sisipain niya lang sa mukha kung sino man yung gagong umiirita sa kanya eh. Si Krungy. Tch. 

Kinuha niya yung pepper spray. "Gusto mo itry naten kung effective?" tanong niya sakin ng nakasmirk. Syempre nagpanic ako at tinakpan ko ang mukha ko. Isang beses ko ng natikman yang bangis ng pepper spray na yan, noong akala ni Kirsty stalker ako. At ayoko na. Masakit yon. Tumawa bigla si Zelle kaya napatingin ako. 

"Pero hindi sayo," sabi niya. Tumigil siya sa paglalakad at lumapit sa akin. "I-t-try ko sa bodyguard mo. Kunwari akala ko stalker siya. Tapos tatakbo tayo, ok?" bulong niya. Kagat kagat niya ang labi niya tapos kumindat. "1...2...." nagpause siya at binuksan yung bottle. "3..."

Napatalikod siya at inispray-an ang mata ng bodyguard ko. Syempre napasigaw yung bodyguard. Agad na binitawan Zelle yung payong. Hinawakan niya yung wrist ko sabay takbo namin. Sa pagtakbo namin, hindi namin napigilan ang pagtawa ng malakas kahit na pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil mukha na kaming tanga.  

Tumigil kami sa may side ng pader. Hindi na siguro kami masusundan nung guard na yon. Hinihingal kami pero tuloy pa din ang tawa namin. Napaupo kaming pareho sa sahig. Nagsigh siya at bigla niya akong kinalabit. "So... ano ng nangyari?" tanong niya.

Ano ng nangyari saan? Nagtaka ako kaya napataas ang kilay ko. "Ha?" 

"Sa plano mo. Sa pag amin mo ng feelings kay...uh never mind. Hindi mo pa siguro nagagawa no? Takot ka pa eh." Piningot niya ako bigla. Sa pagpingot niya sa akin, naaalala ko na. Alam ko na kung sino ang sinasabi niya. 

Ganito kase yan... noong una kaming magkita, plano ko kay Zelle, wala lang. I chicks lang siya. Katuwaan lang. Pero, hindi ko akalain na magiging close kami ng ganito. Actually, sa kanya ko nga lang nasabi yung bagay na halos sampung taon ko ng tinatago. Kaya nga madalas ko siyang tawagan at itext at kausapin eh. Akala nga ng lahat meron ng 'something' samin eh. Pero wala. Binasted ako neto dahil may boyfriend na daw siya.  

Anyway, yung bagay na sampung taon ko ng tinatago sa sarili ko ay yung... feelings ko para kay.... Napansin niya kasi eh. Sa mga tingin ko daw. Kahit na daw madalas kaming magsakitan at mag asaran, napansin niya na meron daw talagang iba sa'ming dalawa. Na meron daw talaga akong gusto kay Krungy.  

Leche, para na akong bakla neto.  

"Uh... hindi pa nga." Nginitian ko siya.  

"Why not? I mean, ok ka lang naman ah minus yung hilig mo sa mga babae," sabi niya. Napasigh ako at napaisip. Tama nga siya. Sobrang hilig ko sa babae kaya hindi iisipin ni Krungy na seryoso ako sa kanya. 

"Luke, alam mo, pwede naman kayo ah. Ang cute niyo ngang tignan eh. Bakit.. bakit hindi mo itry na magpakaseryoso?" 

"Kahit naman iwanan ko yung pagkachickboy ko, eh wala din namang mangyayari. Para saan pa yung 'bro code?'" napatingin siya sakin. 

"Anong bro code?" tanong niya.  

"Ganito kasi kaming mga lalaki. Hindi pwedeng manligaw ng kapatid ng ka-Paps mo. Ganun yon," explain ko sa kanya. Napailing siya at  parang sinasabi niya sa mga mata niya na stupid yung sinabi ko. Tumayo na lang ako kaya napatayo na din siya. "Tara na nga!" sigaw ko.  

"Oo nga pala. Aalis ulit ako bukas. Ikaw na muna bahalang maghandle sa best friend ko ah?" Noong sinabi niyang 'best friend' ibig sabihin non, si Krungy. Sa lahat kase, si Zelle ang naging pinakaclose niya. Pangalawa na lang si Nicolle. Eh kasi naman si Papa Blake gusto laging siya ang nakakasama ni Nicolle eh.

Tumango ako at umalis na kami. Hinatid ko siya pauwi at umuwi na din sa amin. 

Bahala ng mapagalitan yung guard dahil pagkauwi ko wala siya. Evil grin here.

Kinabukasan, nakareceive ako ng text kay Papa Blake.

Paps, bantayan mo si Amgirl. Aalis kami ni Krungy ngayon. Si Andrew, may tournament tapos si Zelle aalis din daw ngayon. 1 week na naman siyang wala dahil sa emergency.  Ikaw na muna bahala.

Nagreply na lang ako ng K saka bumangon na. Ewan ko lang ah, pero tingin ko kelangan kong pumasok ngayon. O dahil takot na akong mabuhusan ng nagyeyelong tubig tuwing umaga mula noong dumating sina Kirsty at Papa dito? 

Si Kirsty ang naghatid sakin sa school. Kasama ko pa din yung guard pero ibang sasakyan na yon. Hindi lang ako sure kung nagmamagandang loob tong si Kirsty o pinagyayabang niya lang yung McLaren niya. Tch. Magkakaroon din ako neto. Pagkapull over ni Kirsty, bumaba siya at lahat tumingin. I rolled my eyes. Dati ring sikat dito to eh. Actually, hanggang ngayon pa rin.  

Hindi lang yung pagyayakapan namin ang pinagtinginan kundi pati na din yung sasakyan ni Kirsty. Umalis ako agad at buti naman sinabihan ni Kirsty yung guard na hintayin na lang ako sa gate at wag na akong sundan sa loob. Good thing. 

Dumiretso ako sa cafeteria dahil hindi ako masyadong nakapag almusal considering hindi matapos tapos yung mga corny knock knock jokes ni Luke Sy Sr. Nag order ako ng hamburger at noong palabas na ako ng cafeteria, nakita ko ang mga babae na pinagtitinginan ako. Pero hindi yon ang nagpatigil sakin kundi si Nicolle, si Megan at si Tracy.  

Lumapit ako ng konti sa kanila pero hindi naman nila ako makikita. Para lang marinig ko kung anong pinag uusapan nila. I was hoping hindi siya inaaway ni Tracy. Medyo may pagkawarfreak kasi tong babaeng to eh. Noon ngang hindi pa alam ng mga tao na pinsan ni Blake si Krungy inaway din siya ni Tracy buti na lang hindi umaatras sa mga paaway away si Krungy. Hindi yon pumapayag na magpa-api na lang ng ganun ganun no.

Kaya ko nga siya nagustuhan eh.

Shit.

Kalmado lang si Nicolle pero si Tracy, halos sumabog na sa galit. Ano bang problema neto? Siya ang nakipag break kay Papa Blake tapos siya ngayon ang nakikipag away sa weird na girlfriend ng Papa ko? Weird, yeah, mula last week pa yan eh. Ayaw niya ngang sumasakay ng elevator, nagagalit siya. Saka, hindi rin sila masyadong nag uusap ni Andrew. Ewan ko lang kung hindi o hindi ko lang napapansin. Whatever.  

"You stay away from Blake, Nicolle." 

Eto na yung time para umeksena ako. Hindi naman pwede yung ganun ganun lang. Lumapit ako at tumayo sa side ni Nicolle. Napatingin si Tracy at Megan sa akin. Medyo gulat din si Nicolle pero pinapakita niya na relax lang siya. Hindi ba siya ninerbyos na baka lamunin siya ng buhay ni Tracy? 

"No, you stay away from Nicolle."

Napalingon lahat ng tao kay Andrew. Syempre, ako dapat ang magsabi non. Moment ko yon eh. Hindi namin inexpect na hindi pa siya umaalis. Natahimik lang si Tracy at napatingin sakin.

"Luke, you promised me na pagtatanggol mo ako. Sinabi mo sakin yon... na pagka may nang aaway sakin, you'll kick their pretty asses. What now? Hahayaan mo lang si Andrew na sigawan niya ako ng ganyan? Hahayaan mo lang si Andrew na tratuhin niya ako kagaya ng pagtrato ni Samantha sakin?" sabi ni Tracy.

Tinignan ko ang expresaion ng lahat. Si Megan, nakatingin lang kay Tracy. Si Tracy, nagmamakaawa sakin. Si Nicolle, nakayuko at si Papa Andrew, nanggigigil. Bago pa man makapagsalita ang kahit sino man samin, biglang may tumawag sa pangalan ni Andrew.

"Andrew, tara na. Hindi ka pwedeng malate sa tournament mo."

Nagsigh si Andrew at nagnod sakin. Nagsmirk lang ako. Ibig sabihin ako na ang bahalang maghandle sa sitwasyon. Hindi ko nga lang alam kung paano kase pagka may nag aaway na babae sa tapat ko, iiwanan ko na lang sila eh. Wala naman akong pakialam sa kanila eh. 

Napatingin siya saglit kay Nicolle bago umalis.

"Tracy, narinig ko naman lahat ng sinabi mo kay Nicolle eh. Bakit ka ba nagkakaganyan? Saka pwede ba wag mong isali si Krungy dito? Tigilan mo na lang si Nicolle kung gusto mo pa akong maging kaibigan."

Poker face lang ako.

Ayaw kong makita niyang halong inis at awa ang naradaman ko. Kahit papaano naging kaibigan ko naman siya kaya may concern pa naman ako sa nararamdaman niya. Di nga lang kami super close. 

"It's ok Luke, let's go."

Tumalikod si Nicolle pero bago pa siya nakapaglakad, hinawakan ni Tracy ang braso niya kaya wala akong choice kung hindi hawakan din ang braso ni Tracy para pigilan siya kung anuman ang plano niya. 

Hindi niya pwedeng saktan si Nicolle kung hindi ako ang masasaktan kay Papa Blake. Sabay kaming bumitaw ni Tracy at humarap ulit si Nicolle.

"We're not yet done" Nagsmirk si Tracy.

Nag eexpect ako ng isang angas na sagot mula kay Nicolle pero wala. Anong problema neto? Palaban naman siya ah bakit biglang nananahimik siya ngayon? Hinawakan ko ang wrist ni Nicolle at kaya napatingin lahat sa kamay ko. 

"Alam mo Tracy, tama si Krungy eh. Hindi ka talaga namin kilala. Hayaan mo na lang si Blake at Nicolle. Ok? Wag mo kong bigyan ng dahilan para mainis sayo." Tumingin ako kay Megan. "Please, tulungan mo si Tracy dito."

Saktong sakto, nagring yung bell kaya nagsialisan na yung mga nanonood samin. Hinila ko si Nicolle palayo sa kanila at para makausap ko siya ng maayos, dinala ko siya sa school garden. The whole time nanahimik lang siya. Pagdating namin sa garden, kaagad siyang napaupo sa damo at nagulat naman ako dahil syempre, nakaskirt lang siya. Lumingon ako. 

Si Nicolle to. Kelangan kong magpigil. 

"Pwede ba mag ayos ka ng upo Nicolle?! Lalaki pa din ako no!" sigaw ko habang nakatalikod sa kanya. Wala akong narinig mula sa kanya kaya tinanggal ko na lang ang polo ko at hinagis sa kanya. Nakaundershirt lang ako. Pero ok na to kesa sa... ano.

Humarap ako sa kanya. Nakapatong na sa kanya yung polo ko. Weird na nga these past few days, lalo pang magiging weirdo. Ayt! Ang malas ko naman oh. Nagsigh ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at napatingin sa kanya.

"Ok ka lang?" tanong ko.

Tumango lang siya. Wala ba talagang lalabas sa bibig niya?! Nakakairita na ang katahimikan niya eh. For all I thought, nakakainis yung kaingayan niya, mas nakakainis pala pagka wala siyang sinasabi. "Ganun lang talaga si Tracy. Alam naman nating lahat diba?"

"That she still loves him," sabi niya ng mahina. Ahh! Naiinis ako pagka cheesy ang mga tao eh. Masyado silang baduy, corny. Nakakadiri. Pero, malay ko ba. Baka ganun talaga. "And the same with Blake," dagdag niya.

Nagsigh siya at tumingin sakin. Ngumiti siya. Alam ko namang pilit lang yon. "What do you think will happen if he learned about this?"

"Syempre, kakausapin niya si Tracy. Ipagtatanggol ka niya."

"I don't think so." Tumingin siya sa baba. "Tracy said Blake would never forget her. I believed her. And I think Blake would be on her side. Right?"

Napatingin ako sa kanya. Ano bang iniisip ng babaeng to? Bakit parang napakaparanoid niya. Hindi naman siya ganito ah. Well, sa pagkakaalam ko, masayahin siya. Para siyang natthreaten o kaya natatakot kay Tracy.

"Nicolle, concer—" 

"No, he's not! It's clear ok?! Every single thing is clear... that he's still into Tracy. We just keep denying it. He just keeps on denying it. No one can't blame him. Even I wouldn't forget a lifetime romance that easily. " 

"But your deal changed it all!" nasigaw ko.

Oops.

Hindi niya alam na alam ko. Actually, ako lang ata ang nakakaalam na deal lang lahat yon, syempre maliban sa kanilang dalawa. Nalaman ko lang nung lasing na lasing si Blake. 

Ilang araw yon pagkatapos ng birthday ni Kirsty. Pinatikim lang kami nung binili na wine ni Kirsty pero natuluyan kami. Siya lang, actually. Hinayaan na lang namin siya kase nakakatawa siya tuwing lasing.

Nung nagtatanong si Kirsty tungkol kung paano sila nagmeet ni Nicolle, hindi siya sumagot. Ilang minutes din ang lumipas. Nung binuksan na niya ang bibig niya para sumagot, umalis naman si Kirsty dahil may tumawag sa kanya. 

"Bakit mo natanong Paps? Interesado ka ba sa kanya?! Sayo na yan. Pagka binalikan na ako ni Tracy, sayong sayo na yan. Hindi ko naman talaga girlfriend yan eh," sabi niya. 

Nagulat ako. Hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko eh. Hindi ganun ang nakikita ko. Parang...parang totoo. Ewan ko ba ah. Pero parang mas gusto ko si Nicolle kesa kay Tracy eh. Mukha kasing totoo talaga sila. Kahit naman madalas ang mga pagtatalo nila, parang ang tagal na nilang nagsasama. 

"Deal lang yon, Paps. Tutulungan niya ako kay Tracy at itatago ko yung sikreto niya na gusto niya si Paps Andrew."

What the hell?! Seryoso?! May gusto siya kay Paps Andrew? Hindi halata eh. "Paps, lasing ka na," sabi ko kay Blake. Sakto dumating si Kirsty at biglang nasuka si Blake. Yuck. Eto yung ayaw ko sa kanya eh. Pagkatapos niyang magpakalasing, magsusuka na lang kung saan at kung kelan. 

Napasigaw si Kirsty sa sobrang pandidiri. Napasipol na lang ako nang marealize ko na nagsuka siya sa damit ng ate kong maingay. Pinipigilan ko ding tumawa. Nag peace sign na lang si Blake at natulog na sa mesa. 

"Shiiiiiiiiiit!" sigaw niya. 

"Yeah, shit," sabi ko at nagsimula na kaming magtakbuhan sa buong bahay habang nangangamoy suka siya ni Papa Blake.

Pero the whole time, ang iniisip ko na lang ay...

Deal lang pala yon. 

Nakatingin lang si Nicolle sakin, nagtataka. Napayuko naman ako. "Let''s go back to classes," sabi niya at tumayo. Hinagis niya ang polo ko sakin. Bago pa siya makapaglakad, hinarangan ko siya. Tinaas niya ang kilay niya.

"One question..."

"Oh yes I am, Luke! I'm in love with him, ok?!" sigaw niya. Napayuko siya.

Hindi naman tungkol doon yung itatanong ko eh. Nag overreact lang siya. Itatanong ko sana yung tungkol sa pagiging weird niya. Umupo siya ulit kaya kelangan ko ng ihagis ulit yung polo ko sa kanya. Umupo ako sa tabi niya.

"Alam ko yon. Pero yung itatanong ko sana...kung bakit ka nagiging weird. Is something bothering you?" tanong ko ng mahina. Tumingin ako sa kanya at hindi ko mabasa kung anong expression niya. Parang wala na parang malungkot. Tch. Hirap talaga basahin ng mga babae eh. 

"You really want to know what happened in the elevator?" sabi niya habang nakatingin sa may damo. Napataas ang kilay ko. Elevator? Kaya ba ayaw na ayaw niyang sumasakay ng elevator lately? Dahil may nangyaring hindi niya nagustuhan sa elevator. Natrauma siya? Ayt. Ang drama naman neto.

***

"Thank you for the treat, Luke." Ngumiti siya sakin. Pagkatapos niyang knwento yung nangyari sa elevator, inaya ko siyang magditch na lang ng klase para umuwi na lang siya. Pumayag naman. Nag ice cream lang kami saglit tapos naglakad lakad ng tahimik. Walang nagsasalita samin kaya medyo na awkward-an  ako. 

Bago pa niya isarado yung pinto, bigla kong nasabing, "Sorry, Nicolle."

Hindi ko alam kung bakit ako nagpasorry pero tingin ko dapat kong sabihin yon eh. Ewan, I'm clueless! 

Nagnod ako at sinarado na niya ang pinto sa unit niya. Bumaba ako agad at dumiretso sa receptionist. Buti na lang nasuhulan ni Kirsty yung bodyguard ko kaya wala ng sumusunod sakin.

"Babalik na ako sa unit ko sa 9th floor. Akin na." sabi ko dun sa receptionist. 

Binigay niya agad yung susi sakin at yung card na kelangan mong iswipe para makapasok ka sa master's bedroom. Pagkabigay, nagpasalamat ako. Pero may isa pa akong request.

"Saka din yung record nung camera sa Elevator 5. 6-8 AM. Monday, last week."  

"Sir, hindi po pwede kung walang permission eh," sabi nung receptionist. I rolled my eyes. Ano pang permission ang kelangan nila?! 

"Dali na!" sigaw ko. Napatingin lahat pero hindi ko inintindi. Agad na may tinawag yung receptionist. Hindi naman siguro yun security. Ilang minutes ang lumipas at merong lalaking pumunta na may dala dalang tape. Eto na siguro yun. Kinuha nung receptionist at chineck muna ang mga detalye bago ibigay sakin. Kinuha ko agad at dumiretso sa 9th floor, sa unit ko. 

Pagpasok ko, nakita ko na ganun pa din. Yun nga lang, medyo malinis na to kesa nung iniwan ko na punung puno ng basura sa floor. Wala silang pinakialaman sa mga gamit ko dito. Yun kase ang pinakaayaw ko eh, ang pinapakelaman ang mga gamit ko.  

Agad kong sinaksak ang tape sa player. Finast forward ko na para mabilis. Nasa may sulok si Andrew tapos biglang pumasok si Nicolle. "Shit, that was freaking embarassing as hell," sabi ni Nicolle. 

"What?"

Biglang napatalon si Nicolle sa tanong ni Andrew. Hindi siguro siya napansin ni Nicolle. Nung okay na siya, "Tryin to kill morning boredom were you?" sabi niya ng nakataas ang kilay. Biglang pinindot ni Andrew ang 50. 50th floor. Shit, di kaya sila mahilo neto?!

Maraming angles pala ang camera. Nakahati sa apat eh. Meron na nakikita mo ang mga mukha nila. Meron na ang likod nila. Meron na ang mga buttons ang nakikita mo. Meron na top view.  

Silence. 

"Let's just ride 40 more floors, Nicolle..."

Biglang hinawakan ni Andrew ang kamay ni Nicolle. 

"It will take only a few mnutes. When we reach the rooftop, I swear, I'll let go...30 more floors, Nicolle...That night. The night of Kirsty's birthday party. I was about to say I like you. And not your dress. I know it was a short time to fall in love with someone. But....that's what you did to me...Everytime I see you. You make me forget everything. You're... you're killing me. I love you and it hurts. It hurts so much...It hurts so much when you're with Blake. It hurts so much that I'm not the one making you happy...Why didn't we try? Why didn't we try to be more than what we are?...It's wrong. I know. This is all wrong. I can't take you away from Blake. From my best friend...I can't take away my best friend's happiness...Or your happiness...Just 7 more and I will let go of you...Nicolle, I don't know how to say this...but I have to say this. This is wrong, but this feels right. I can't leave this. Not like this...I can't.... I can't take it anymore, Nicolle...Nicolle Lee, I love you."

Walang sinabi si Nicolle. Nabuksan ang elevator pero hindi pa rin bumibitaw si Andrew. Aba! Sabi niya pagka nasa 50th floor na sila, bibitaw na siya ah. Tahimik lang sila. Siguro punung puno ng awkwardness ang elevator. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ni Nicolle kay Andrew at Blake. Hinayaan ko muna ang lahat ng tanong. Nanood lang ako. Malinaw ang pagkakakuha at malakas ang audio. Para akong nanonood ng sine. Popcorn  na lang ang kulang.  

Nagsigh si Andrew. Nakita ko sa pagbaba ng balikat niya. Bumitaw siya kay Nicolle. Humarap siya. Hindi ko alam kung ngumiti siya dahil nasa taas ang cam. Biglang hinalikan ni Andrew si Nicolle. Hindi gumalaw si Nicolle. Hawak ni Andrew ang magkabilang pisngi ni NIcolle. 1 2 3 4 5. Binilang ko. 5 seconds. 5 seconds niyang hinalikan si Nicolle.

Shit.

Masama to. Walang sinasabi na ganito si Nicolle kay Blake dahil kung meron man, siguradong punung puno ng pasa si Andrew ngayon. Siguro yun ang dahilan kung bakit hindi niya sinasabi kay Papa Blake. At eto din ang dahilan kung bakit hindi na gaanong nag uusap si Nicolle at Andrew. 

Pagbitaw ni Andrew... "Thanks for letting me practice. Were my acting skills great?"

Tumawa siya at napatingin si Nicolle sa kanya. Pinause ko saglit ang video. 

Thanks for letting me practice. Were my acting skills great.

What the?! Ibig sabihin hindi totoo lahat yon?! Nag aacting actingan lang siya all the time?! Hindi ako makapaniwala. I  played the video again. Tumawa si Andrew at inakbayan si Nicolle. Wala lang imik si Nicolle hanggang sa makarating sila sa 3rd floor. Umalis agad si Nicolle. Ni-stop ko na ang video. 

Hindi ko naman matatagong inis na inis ako sa ginawa ni Andrew. Well, oo, mas malala pa ang ginagawa ko sa mga ibang babae. Pero hindi ibang babae yung pinaglaruan niya. Si Nicolle yon. Saka isa pa, girlfriend siya ni Blake. Bakit yon ginawa ni Andrew?! Kung practice lang yon, hindi na sana niya hinalikan si Nicolle saka pwede naman nilang gawin yon sa ibang pagkakataon eh. Naguguluhan ako.

Napakamot ako sa ulo ko ng biglang may tumawag. Suddenly, I forgot everything else. Nakita ko ang picture at pangalan sa screen, napangiti ako. Krungy. 

"Yo," bati ko. I tried to be irritating. Pinipilit ko na maging normal lang ang trato sa kanya. Katulad ng ginagawa ko through 10 years. Tibay ko no?! Pero ngayon, medyo nahihirapan na ako since andyan si Zelle na pumipilit sakin na umaksyon na. At lagi niya pang sinasabi na malaki ang chance ko kay Krungy. Ewan ko ba. Sabi niya malaki ang chance ko kay Krungy eh. I don't see why, but I believe her. One way or another.

"Hindi ka sumasagot sa call ni Blake. He wants to talk to you."

Napasimangot ako. Hindi ko napansin na tumatawag pala siya sa sobrang hook ko sa dramang pinanood ko kanina.

"About what?" tanong ko. Somehow, may nararamdaman akong mali. Ewan ko lang ah. "Krungy, sabihin mo mamaya na lang." 

"Tell you what, stay cool. He's mad. Don't know why.

Halos makita ko siya na umiirap sakin. He's mad. Ano na naman kayang kinakagalit neto? Tatlo lang yan. Una, nalaman niya yung tungkol sa elevator. Pangalawa, nalaman niya yung tungkol kay Nicolle at Tracy. Pangatlo, nalaman niya na tinapon ko yung favorite sneakers niya. 

Nagsigh ako. Bago pa man ako makapagsalita, narinig ko na si Blake. "Ginagago mo ba ako Luke?! Sabi ko bantayan mo si Nicolle!" 

"Ha?" tanong ko na lang. Hindi ko masyadong gets yung point niya. Binantayan ko naman si Nicolle eh. Well, medyo hinikayat ko lang ngang mag cut. Pero yun na yon. Nasa isang building lang naman kami eh. 

Naririnig ko ang sigaw ni Krungy sa background at alam kong pinag aagawan nila ang phone. Narinig ko ang 'stop squeezing my phone, you're breaking it'. Ok. Either nanggigigil siya sa phone ni Krungy or sakin. Finally, narinig ko ang boses ni Krungy. 

From hell to heaven. 

"Sorry about that, Luke. He's just in bad mood. Ok, I'm hanging up." 

"No. Wait, Saman...I  mean, Krungy. I... I was wondering if pwede tayong mag hang out. Just us. May..."

"Sure sure. But whatever your plan is, make sure it's hilarious."

Then she hung up.

Hilarious. Hilarious. Hilarious. 

Ang iniisip niya, magpplano kami ng prank para matawa kami at makita naming naiinis at umuusok sa galit kung sino mang pinaglalaruan namin. Madalas kaming lumalabas na kaming dalawa lang at sanay na kami don. Masaya. Lalo na ako.

Hindi alam ni Kirsty to dahil kung alam niya, wala na akong mukhang maihaharap sa mga Perez. Ginagawa ko na nga lang na cover up yung mga babaeng ginagago ko eh. Para lang walang makaalam.

Biglang nagring yung phone ko.

"Krungy?" 

"Si Andrew to," sabi nya. Tch. Akala ko pa naman si Krungy kaya kaagad kong sinagot.

"Bakit?" tanong ko habang naglalakad papuntang fridge para kumuha ng kung anuman ang nandun.

"Bar. 9."

Tumango ako. Pagka sinabing bar, ibig sabihin yung pinakamalapit na bar dito sa building. Marami kasing bar dito pero dun kami pinaka safe. Madalas kasi pagka sa ibang bar, siguradong may makakarambulan lang kami. Eh doon, mas kilala ako ng mga tao at lalo na ng security. Kaya malayong may makaaway kami don. Eh sa madalas kaming lapitan ng mga girlfriend nung mga mokong na yun eh. 

*** 

"Bakit Paps?" tanong ko habang umiinom ng tequila. Hindi ko to masyadong gusto pero pinilit ako ni Andrew eh. Kakarating ko lang 5 minutes ago pero nakakatatlong shot na ako. Wala eh. Ganon.

Nagsigh siya at merong pinakitang picture sakin sa phone niya. Singsing. Parang engagement ring. Familiar ako kasi parang kahawig nung kay Kirsty eh. "Ano yan?" tanong ko.

Tumingin siya sakin at tumawa. Hindi siya tumigil sa pagtawa hanggang sa nasuka siya. Eh sabi ng bartender, kanina pa inom ng inom to. Halos maubos na daw niya ang stock ng beer at tequila at kung anumang makita niyang iniinom ng makatabi niya dito sa bar.  

5 minutes. 5 minutes pa lang nung dumating ako dito tapos nagsusuka na tong kasama ko. Paano ko maeenjoy tong gabing to?! Maliban sa kailangan ko na talagang iuwi tong mokong na to, wala pang masyadong sexy na babae. Meron, mangilan ngilan. Pero hindi ko sila type. 

Tumawag ako ng staff para linisin yung suka ni Andrew. Yumuko siya sa may counter at nispread ang mga kamay niya don kaya nabasag ang dalawang bote. Anak ng tokwa naman oh. Hinayaan ko na muna siyang matulog siya don habang umiinom ako. Pakonti konti lang, may pasok bukas eh. Saka kelangan ko pang 'bantayan' si Nicolle.

Na imposibleng magawa ko kung may hangover ako. 

Ilang minutes ang lumipas at ilang babae na din ang nareject ko.

"Paps."

Napatingin ako kay Andrew na nakangiti sakin. Namumula ang mata niya. Either, beer or tear. For sure, it has something to do with Reika. 

"3 weeks na lang ikakasal na siya, bro. Ang bilis ni Reika no? Nakalimot na agad. Paps, bakit ang malas ko? Yung babaeng mahal ko, wala na. At yung babaeng mamahalin ko pa lang, wala na din. Wala na si Reika at wala na din si Ni—"

Hindi natapos ang sinasabi niya dahil nagsuka siya sa tshirt ko. 

Shit!

Sa shirt ko?!

Eto ba 'yung karma na sinasabi ni Kirsty?! Anak ng tokwa naman oh! Fuck. 

Natingin ako sa baba at nanlaki ang mata ko. Parang sinadya niya eh. Kadiri.  Bago ko pa man siya magsuka ulit, lumayo na ako.Dumiretso ako sa cr para linisin ang sarili ko. Pagpasok ko, andun si Marco. Nagsmirk siya sakin at hinagisan ako ng malinis na shirt. 

"Marco," sabi ko.

Si Marco yung taong halos mapatay ko na. Hindi ko naman kasalanan eh. Niloko niya si Krungy. Fair lang yon. He deserves it, anyway. Tinapon ko yung shirt na suot ko at sinuot yung bigay niya. Syempre, lininis ko muna ang katawan ko bago yon. 

Nagpasalamat ako sa kanya, although alam naming dalawa na sarcastic lang 'yon.

"Long time no see, Luke." Nakasmirk pa rin siya. Bago pa man ako magsalita, lumapit siya sakin. Magkasing tangkad lang kami. Lalo pa siyang nagsmirk. "Unahan tayo kay Samantha gusto mo?" 

Ang bilis niyang magpalit ng topic ah. Nung time na halos mamatay na siya sa bugbog ko, nasabi ko sa kanya 'yon. Akala ko makakalimutan na niya. Hindi pa pala. Nagpaulit ulit yung sinabi niya. Unahan tayo kay Samantha. Ano yon?! Tingin niya ba prize si Krungy sa isang racing competition?! Gago pala talaga to eh. Hindi ko nga alam kung bakit siya sinagot ni Krungy noon eh. Basta alam ko lang, gusto ko na talagang iuntog to sa pader.

Tinulak ko siya. Susuntukin ko na siya pero bigla akong nagpigil. Hindi ko alam kung anong pumigil sakin pero bigla na lang parang automatic na nagstop ang kamay ko mula sa pagsuntok sa jerk na to.

What the hell?!

"Wag na wag mong lalapitan si Krungy," I warned him.

Umalis na ako at bumalik kay Andrew. Malinis na ulit ang paligid niya pero siya mismo, madumi pa din.

"Andrew tara na," sabi ko.

Tulog siya ulit kaya binuhat ko na lang siya at inuwi sa unit ko. Doon naman ako sa unit ni Nicolle magsstay ngayong gabi eh. Sa couch ko siya hiniga. Eh sa ayaw kong mangamoy suka ang kwarto ko pagbalik ko dito no. Bago pa man ako pumasok sa banyo para maligo at pumunta sa unit ni Nicolle, narinig ko siyang magsabi ng dalawang pangalan. 

Reika. Nicolle.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

89.9M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
Ace Par Antonia

Roman d'amour

190M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
KALBE SAPLANAN OK Par Ebru

Roman pour Adolescents

16.7M 645K 63
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
28.8M 914K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...