Love, The Second Time Around

נכתב על ידי HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... עוד

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Epilogue

Chapter 50: Smile

11.5K 244 10
נכתב על ידי HippityHoppityAzure

Chapter 50: Smile


SECOND CHANCES.

Some deserve it. Some... simply don't.

Pero paano mo ba malalaman kung deserve ng isang tao ang pangalawang pagkakataon?

"Woah."

Natulala na lang sa sariling repleksyon si Monic nang dumilat siya.

Ang ayos ng kanyang buhok... Ang make-up niya... Hindi siya makapaniwala na sa pagkakataong iyon ay gaganda siya nang ganon.

"Yvette..."

Nilipat niya ang kanyang paningin sa repleksyon ng kanyang matalik na kaibigan na nakatayo sa kanyang tabi. Nakangiti ito at gaya niya ay maganda rin ang ayos. Naka-beige dress ito, at turban na bumagay sa suot nito.

"Bakit... Bakit ang galing-galing mo?"

Ngumiti ito. "Nakahiligan ko lang gawin kaya gumaling ako."

"Alam mo, hindi dapat HRM kinuha mo no'n eh. Dapat cosmetology, o kahit na ano na may kinalaman sa pagpapaganda!"

With that, natawa naman ito. "Kung alam ko lang noon na sa ganitong field ako mag-e-excel ngayon, nako. Cosmetology na nga malamang ang kinuha kong kurso noon." At niligpit na nito ang mga gamit na pang-make-up sa kalapit nilang mesa.

Pinanood naman ni Monic ang mahinhin na pagkilos ng kanyang matalik na kaibigan. Nakakaramdam pa rin ito ng panghihina eh, after going through six cycles already of chemotherapy. Pero ang lahat ng paghihirap na pinagdadaanan nito upang gumaling ay nagbubunga na. Just a week ago, Yvette's doctors said that she was already in remission. Ibig sabihin, wala nang leukemia cells na nakikita sa katawan nito. Kaya sa susunod ay ibang klaseng chemotherapy na ang isasagawa rito upang masiguro ang patuloy na paggaling nito.

Napangiti si Monic. Napakasaya niya na sa araw na iyon--sa araw mismo ng kanyang kasal, ay maganda na ang kondisyon ni Yvette. And she was feeling very thankful, too, na kahit hindi pa lubusang maayos ang pakiramdam nito ay naging hands-on best friend pa rin ito sa paghahanda ng kanyang kasal. Ito ang tumulong sa kanya mula sa pagpili ng wedding gown na kanyang susuotin, hanggang sa pag-aayos ng kanyang sarili. 'Coz fashion and hair and make-up, forte iyon ni Yvette kaya dito niya ipinagkatiwala ang mga iyon.

"U-uy!" Napatayo bigla si Monic nang makitang napaluhod si Yvette habang nagliligpit. "Yvette!"

"Ayos lang ako." Sagot nito sabay tawa nang mahina.

"A-anong ayos lang?! Bigla-bigla kang napaluhod eh!" Sobra-sobrang kinakabahan si Monic. Parang gusto niya tuloy sugurin ang mga doktor nito para makasiguro na gumagaling nga talaga ang kanyang kaibigan.

"Nix? Huwag ka ngang magkunot-noo! Pinaghirapan kitang ayusan tapos gaganyanin mo lang mukha mo?!"

"Huwag mo ibahin ang usapan! N-natatakot ako, Yvette. Huwag ka namang ganyan oh, please?"

Ngumiti ito at tinitigan siya. "Nix naman. Huwag kang matakot. Sabi ko naman sa'yo, ayos lang ako. Napagod lang ako nang unti. Hindi naman kasi porket maganda na ang kondisyon ng katawan ko, magaling na magaling na ako. 'Di ba?"

Oo nga naman...

Kahit papaano, nakahinga na nang maluwag si Monic. At kasabay no'n ay ang pagyakap niya kay Yvette sa paraan na gusto niyang iparamdam dito na ayaw niya itong mawala.

"Don't worry, Nix." Niyakap din siya nito at marahang tinapik sa balikat. "Alam kong napakahalaga ng araw na 'to para sa'yo kaya napakahalaga na rin nito para sa akin. Kaya hindi ko hahayaang masira ang araw na 'to nang dahil lang sa kalagayan ng katawan ko. Kaya... hayaan mo na lang akong ipahinga ito nang kaunti, ha? Para naman mamaya, magampanan ko nang maayos ang papel ko bilang maid of honor mo."

Bumitaw na si Monic at nakangiting tinanguan ang matalik na kaibigan.

"Mm, tara." Inalalayan niya itong tumayo at maglakad hanggang sa makahiga ito sa higaan nitong naroon.

Nanatili siyang nakaupo sa tabi ni Yvette habang umiidlip ito. Ayos lang naman iyon dahil may mahigit isang oras pa bago ang simula ng kasal nila ni Marky. At doon lang naman iyon gaganapin sa ibaba ng ospital eh. Doon sa may chapel. Napagdesisyunan nila ni Marky na doon lang iyon gawin para kay Yvette, at para makadalo rin ang limang batang cancer patient na kinuntyamba noon ng binata para sa wedding proposal nito.

Bigla namang napangiti nang malapad si Monic nang maalala niya ang ginawang wedding proposal ni Marky sa kanya two months ago. Lagi namang ganon eh kapag inaalala niya iyon--lagi siyang kinikilig at sobra-sobrang natutuwa. Bakit naman hindi, 'di ba? Sa effort na binuhos nito para roon, naramdaman niya lalo kung gaano siya nito kamahal.

But at that very moment, she was missing him so badly. Kahapon pa niya ito hindi nakikita o natatawagan man lang eh. Bawal daw kasi. Kaya ngayon tuloy, hindi na siya makapaghintay na makita ito--at siyempre, na maka-isang dibdib ito sa harapan ng Diyos.

Just one more hour, Monic. One, more, hour. Unting hintay na lang, makikita mo na rin ulit siya.

At huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili.

***

PANGALAWANG PAGKAKATAON.

Not all deserve it.

Pero kung hindi lahat, sino lang?

May paraan ba para maging deserving ang isang tao sa isa pang pagkakataon--gaya ko?

"Dude!"

"Aray!"

Sinamaan ng tingin ni Marky si Alastor na hinampas siya nang napakalakas sa likod. Ang sakit kaya ng ginawa nito! At talaga nga naman.  Napakalakas nitong mang-asar. Matapos ng ginawa ay nagpamewang ito at nginitian siya nang nakakaloko.

"Kaluluwa mo kasi, dude. Nawawala sa katawan mo. Binalik ko lang."

Sisimangot sana si Marky kaso naisip niya kung anong araw iyon. Hindi tamang sumimangot siya. Kaya pumikit na lang siya at huminga nang malalim habang inaayos ang kuwelyo ng suot niyang puti na long-sleeved polo.

"Presence of mind, dude. Presence of mind!" Pagdiin ni Alastor sa sinasabi.  "Nakakahiya naman kung mamaya eh mawala ka na naman sa sarili mo. Araw na araw ng kasal mo eh nagkakaganyan ka."

"Normal lang 'to. Kinakabahan kasi ako." Dahilan niya.

"Ano bang nakakakaba sa pagpapakasal sa babaeng pinakamamahal mo, huh? Mabuti sana kung may ginawa kang hindi maganda sa stag party natin kagabi. Eh pucha, ang wagas ng loyalty mo sa fiancee mo! Nakakainis. Sarap mo lang itakwil bilang kaibigan. Sarap mag-back out bilang best man mo!"

Natawa si Marky at umiiling-iling na humarap sa salamin para ayusin naman ang suot niyang bow tie.

"Hindi naman ako kinakabahan dahil may ginawa akong pagkakamali 'no. Dahil sa excitement 'to. Hindi na ako makapaghintay na makita si Monic..."

"Anong hindi makapaghintay? Eh ilang saglit na lang naman magkikita na kayo!"

"Hay nako, Las. Hindi mo ako maiintindihan. Hindi mo pa kasi nakikita 'yung babaeng gugustuhin mong makasama habang buhay."

Saglit na natahimik si Alastor bago sumagot. "Pero... nakita ko na siya..."

Gulat na tumingin si Marky sa kanyang kaibigan. Sa malayo na ito nakatingin at mukhang malungkot.

"Oh? Sino ang babaeng 'yon huh?" Tanong niya.

"Huwag mo na alamin... Wala rin namang kuwenta dahil hindi mo naman siya kilala. At saka... Parte na lang siya ng nakaraan ko. Parte na ayaw ko nang balikan pa."

Hindi na nakapagsalita roon si Marky. Ayun ang unang pagkakataon na nagsalita nang ganon si Alastor tungkol sa buhay pag-ibig nito. Sa sobrang pagtataka ay gusto pa niya sanang magtanong dito, kaso ay hindi niya magawa.

Parte ng nakaraan na ayaw na niyang balikan... Pero mukhang ayaw niya ring pakawalan.

"Anyway," nagsuklay si Alastor ng buhok gamit ang isang kamay bago siya muling nilingunan. "This is your day, dude. So never mind my own love life. Mai-stress ka lang. Tapusin mo na lang 'yang pagbibihis mo at baka maunahan ka pa nung mag-lola. Kalalaki mong tao diyan eh, mauunahan ka pa ng mga babae magbihis. Tss." Sabay ikot nito ng mga mata.

Aba...

Natawa si Alastor--hindi lang alam ni Marky kung sa sarili ba ito natawa o sa naging reaksyon ng kanyang mukha sa pag-ikot nito ng mga mata.

"Makababa na nga. Dalian mo diyan ha!" At tumatawa itong umalis ng kuwarto--sa kuwartong iyon sa bahay nila ng kanyang ina na tinuluyan noon ni Monic.

Napangiti si Marky nang maalala ang kanyang nobya--na malapit na malapit na niyang maging asawa. Talaga nga lang na hindi na siya makapaghintay na makita itong muli. Sobrang tagal na para sa kanya ang isang araw na hindi ito nakikita o nakakausap man lang.

Tumingin siya sa kanyang relo at huminga nang malalim.

'Di bale, Marky. Isang oras na lang at makikita mo na rin ulit siya.

Tumango siya, at saka nakangiting bumalik sa pagbibihis.

***

SIMPLICITY.

Simula palang ng pagpaplano ng kasal nina Marky at Monic ay ayun na ang una nilang naisip at napagkasunduan--ang gawing simple ang kasalan nilang dalawa. Hindi nga lang sumang-ayon doon nung una ang mga magulang ni Monic dahil maraming prominenteng kaibigan ang pamilya nito. Simple na nga, sa isang hospital chapel pa nila iyon nais gawin at gusto pa nila mag-imbita ng mga batang cancer patient. Ano ba naman daw klaseng kasal 'yon?

"Engrandeng kasal po ba ang gusto niyong maganap? But we don't need that, Mom, Dad." Paglaban ni Monic noon sa mga magulang tungkol sa kanilang mga plano sa kasal. "What we need is to get married and celebrate it with those who became big parts of our lives--not to show off and socialize with people we don't even know. And shouldn't it go the way we wish it to be? Kasi kami naman po ang ikakasal? Hindi po kayo?"

Biglang natawa si Marky sa kanyang naalala. Kahit talaga kailan. Napakatapang ng nobya niya.

"Huy!"

Natigilan sa pagtawa si Marky dahil sa pagbulong na iyon ni Alastor sa tenga niya.

"Tumatawa ka mag-isa diyan, dude? Nababaliw ka na ba? Ngayon ka pa susuko at mababaliw kung kailan ilang minuto na lang at makikita mo na ang babaeng kanina mo pa hinahanap?"

Tumikhim si Marky at umayos ng tayo sa tabi ng altar. Katabi niya roon si Alastor, habang hinihintay ang pagsisimula ng pag-martsa ng bride.

Ilang minuto na lang...

Huminga siya nang malalim at inobserbahan na lang ang ayos ng buong chapel. Talagang nangingibabaw ang kasimplehan dahil wala na silang ibang pinalagay roon bukod sa simple rin na flower arrangement.

Maliit lang ang chapel na iyon, pero sapat lang ang laki para sa bilang ng mga nais nilang makasama na magdiwang sa araw na iyon. Sa mga upuan ay nakapuwesto na ang mga panauhin nila: sa isang banda ay naroon ang mga kasamahan niya sa culinary school, at si Teacher Riz kasama ang anak ng dating boss ni Monic na si Ritchie--sobrang lapit lang nung dalawa at hindi maiwasang isipin ni Marky kung may namamagitan na sa mga ito; nandon naman sa kabilang side ang ilang doktor sa ospital na iyon kasama ang ilang batang cancer patient na kinauutangan niya ng loob dahil sa wedding proposal na kanyang isinagawa; at siyempre, hindi mawawala ang ilan sa mga kamag-anak niya, at ilan sa mga kaibigan ng pamilya del Valle na kinuha nilang mga ninong at ninang.

Sa pinakaharapang upuan naman, nakapuwesto ang kanyang ina na hindi na nawala ang ngiti sa mukha magmula nang umalis sila sa kanilang tahanan. Sa tabi nito ay nakapuwesto si Alannah--ang prinsesa niya na nagmukhang batang bride dahil sa ganda ng ayos nito. At sa kabilang side naman ni Alannah ay nakapuwesto si Yvette.

Yvette was on her wheel chair. Nanghihina pa rin kasi ito pero nakikita niya na may sapat na lakas na ito upang gawin ang nais nitong gawin bilang maid of honor ng matalik na kaibigan. At kakaiba ang sayang naaaninag sa itsura nito, na lubos namang ikinakatuwa ni Marky. Nasunod kasi ang hiniling niyang mangyari. Ang magkaayos na silang lahat bago niya yayaing magpakasal si Monic.

Bahagya pang hindi makapaniwala si Marky sa nangyayari. Sobrang sakit ba naman kasi ng mga nangyari noon sa kanila ni Monic at inasahan niyang hanggang hiling na lang ang kagustuhan niya na magkaayos at magkabalikan sila. Hanggang hiling na lang, dahil naniwala siya na wala na siyang karapatan para sa pagmamahal ng dalaga, sinadya niya man o hindi ang pagkakamaling nangyari noon.

Pero ngayon, ayun na siya, nakakuha ng pangalawang pagkakataon sa puso ng babaeng kanyang pinakamamahal. Pagkakataon na hindi na niya hinayaang masayang.

"Oh." Napasinghap ang halos lahat ng taong naroon nang magsimula na ang pagtugtog sa instrumental ng wedding song nila--From This Moment On--na sinundan ng pagbukas ng pinto ng chapel.

Sa wakas.

Kusang napangiti ang mga labi ni Marky na sinabayan ng pagwawala ng kanyang puso nang sa wakas, nasilayan na niyang muli ang kanyang nobya--ang babaeng kanyang mapapangasawa. Napapagitnaan ang dalaga ng mga magulang nito upang samahan ito sa pagmartsa palapit sa kanya.

Hindi na makakurap si Marky dahil sa pagkabighani sa kagandahan ni Monic sa suot nitong pangkasal, sa napakatamis nitong ngiti, sa mga mata nitong sa kanya lang din nakatingin habang dahan-dahang naglalakad.

Sa bawat hakbang ni Monic, sa bawat nota ng kantang pinapatugtog sa pagmartsa nito, lalong nagwawala ang puso ni Marky. Hanggang sa makarating na ito sa kanya at harapang masilayan ang kagandahan nito, hanggang sa ibigay na sa kanya ng mga magulang ng dalaga ang kamay nito, hanggang sa mahigpit silang naghawak kamay kasabay ng pagharap nila sa altar--sa Diyos, at sa magbabasbas sa kanilang pag-iisang dibdib.

Now, I'm about to marry her.

Ano bang ginawa ko para mauwi kami sa ganito? Para mabigyan ako ng pangalawang pagkakataon pagkatapos ng mga nangyari noon?

I... I actually don't know. Natutunan ko na lang na kung may dumating na pagkakataon, sunggabin mo na dapat iyon at huwag na huwag na sasayangin. 'Coz chances can be cruel--it may not come to you again once you take them for granted. Kaya matuto ka nang magpahalaga sa unang pagkakataon pa lang, bago pa mawala sa'yo ang lahat.

***

"I NOW PRONOUNCE you husband and wife. Now, Mr. Añonuevo, you may now kiss your very own Mrs. Añonuevo."

Monic was feeling very much happy, and she still could not get why one might cry because of too much happiness--gaya na lang ng nangyayari sa kanya sa mga oras na iyon.

Finally, all after the pain they went through in the past, there they were. Already married, with friends and families happily cheering for them.

"My queen, my wife..." Nakangiting bulong ni Marky habang nakahawak sa magkabila niyang pisngi. "I love you."

"I love you, too." That was all she could say back, smiling with teary eyes.

"I love you." Ulit ni Marky.

"I love you, too." Ulit din niya.

"I love you." Ulit na naman ni Marky, ang ngiti nito ay nagiging mapanukso na.

Ganon ha!

Tumingkayad na siya at pinaglapat ang mga labi nila.

Marky held back a chuckle to kiss her back, one arm around her waist to support her.

"I love you, too." Sabi ni Monic nang maghiwalay na ang mga labi nila.

Nginitian naman siya ni Marky, at muling inangkin ang mga labi niya na siyempre, kanyang sinagot. As much as they wanted to kiss each other for so long, ay hindi naman maaari. Nagtitigan na lang sila pagkatapos, ang mga labi nila ay parehong may mapanuksong ngiti, ang mga mata nila ay iisa lang pinapahiwatig.

"Mamaya..."

Right after the wedding kiss, sunod-sunod na ang pagkuha ng litrato sa kanila, mula sa kanilang dalawa lang na bagong kasal, hanggang sa makasama na nila ang bawat grupo ng mga bisita nila--pamilya, kamag-anak, mga kaibigan at mga ka-trabaho.

Nung huling shot, napansin ni Monic si Yvette kasama si Alannah. Nakangiti ang mga ito sa kanila ni Marky habang kinukuhanan sila ng litrato kasama ang mga katrabaho nila. May picture naman na sila kasama ang mga ito at si Malou. Pero...

"Wait! Puwede po pa-take ng isa pang picture?" Tanong ni Monic sa inupahan nilang photographer.

"Opo naman po, ma'am!" At inayos naman nito ulit ang lente ng gamit na DSLR.

Tinignan muna ni Monic ang kanyang asawa. Mukha itong nagtataka, pero nginitian niya lang ito bago lumayo at nilapitan ang matalik na kaibigan.

"Nix? Bakit--"

"I want one more family picture--with you and Alannah." Masaya niyang sagot kay Yvette. "Prinsesa namin, lapit ka kay Daddy."

"Mm!" Masayang tumango ang bata bago tumakbo sa ama.

"Pero Nix..." Mukhang nahihiya si Yvette nang itulak na niya ang wheel chair nito palapit sa altar. Nilapitan naman sila agad ni Marky upang tumulong.

"Ito talagang reyna ko. Sana sinabi mo agad ang plano mo nang ako na ang nagtulak sa kanya."

Tumawa lang si Monic at hinayaan ang asawa. Nang maipuwesto na nito nang maayos ang wheel chair sa gitna, lumuhod siya sa harapan ni Yvette na mukha pa ring nahihiya.

"Yvette, mula ngayon, hindi ka na lang basta isang matalik na kaibigan para sa akin. You're already part of my family. So smile in our family picture, okay?"

Ngumiti na si Yvette at tumango. "Makakatanggi pa ba ako?"

"Siyempre hindi!" Tumawa ulit si Monic at saka inayos ang puwesto nilang apat.

Mahirap magtiwalang muli at magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong nakasakit sa'yo. Nakakatakot at nakakadala. Pero walang magandang maidudulot ang pagkapit sa takot na iyon o sa mga hindi magandang nangyari sa nakaraan. Dapat, alamin mo kung deserve ba silang mabigyan ng second chance.

How?

Free your heart and mind from the past and use them to think about the present and the future. Risky, for you might only get hurt again. But I believe it's worth it--kung ganitong happiness naman ang mararamdaman mo pagkatapos. Happiness na makasama ang mga taong nagmamahal sa'yo at minamahal mo nang lubos.

"Okay na po!" Sigaw ni Monic nung okay na ang puwesto nila: si Marky sa likuran ng wheel chair ni Yvette, siya sa kaliwa nito, at si Alannah sa kandungan nito.

Nag-thumbs up ang photographer bago nagsimulang magbilang.

"One, two, three, smile!"

And they all kept their smile, letting a flash of light capture that one unforgettable moment in their lives.


--TBC

A's NOTE: Epilogue is up next, to be posted next week. :)

המשך קריאה

You'll Also Like

2.5M 157K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
132K 594 3
Si Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang...
2.2M 61.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
124K 2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...