Her Unwanted Love (Salvador S...

By teensupreme

3.7M 53.6K 1.6K

Gremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants s... More

Her Unwanted Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 18

65.3K 1K 56
By teensupreme

Chapter 18

"When one door closes another door opens; but we so often look so long and so regretfully upon the closed door, that we do not see the ones which open for us."

– Alexander Graham Bell

***

Alas diyes.

Kinusot ko ang aking mata habang nakatitig sa aking cellphone. Naririnig ko ang aking pusong unti-unting kinakain ng panlulumo at awa para sa sarili. Bakit ko nga ba ito ginagawa? Please do remind me again. Tama, para mapatawad ni Keaton.

Determinado akong maghintay pa at pinagpatuloy ko ang paglumbaba sa coffee table ng sala ni Keaton. Nagpe-play sa tv ang isang movie sa HBO na hindi ko na nasundan ang storya dahil sa panaka-naka kong paglabas para silipin ang pagdating ni Keaton. Bakit hindi pa sya umuuwi hanggang ngayon?

Nagsign-off nalang iyong karamihan sa channel sa tv ay wala pa ring Keaton na dumating. Asan na ba sya? Tinitigan ko muli ang aking cellphone pero walang text roon ni Keaton. Nagtext si Arriane kanina kung kumusta raw iyong pagluluto ko pero iyon lang at hindi na sya muling nagtext pa. Inabot ko yung isang picture sa dulo ng balloon at nilagyan ito ng sulat sa likod.

I love you, Keaton.

Hanggang sa mga sumunod pa na mga litrato.

I love you so much, Keaton.

I will love you endlessly. Not even death can make me unlove you.

I'll never get tired of loving you.

You' re my world, my life, the air I breathe.





Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at naulinigan ang isang malamyos na musika. Dumating na ba si Keaton? Nakita niya ba iyong sorpresa ko? Nagkusot ako ng mata at nag-inat ng braso. Pinatay ko ang tv na nag-iingay at agad na tumayo para pumunta sa kwarto.

Malinis iyon at halatang walang nagalaw kahit isang bagay man lang. Binalikan ko ang sorpresa ko at tinitigan iyon. Nasayang lang. Panis na siguro ang iilang ulam. Pinasadahan ko ng aking hintuturo ang icing sa ginawang cake at tinikman iyon. Hindi na kasing sarap kahapon dahil tunaw na.

Tumutulo ang aking luha habang hinahawakan ang mga litrato sa dulo ng balloons. I did my best. I did everything, right? May kulang pa ba sa mga ginawa ko? Siguro mayroon. Pinigilan kong humikbi pero ayaw paawat ng bibig ko at umalpas na iyon. Mabilis ang hakbang kong pumasok sa kwarto ni Keaton at dinampot ang aking bag. Halos takbuhin ko ang daan palabas sa kanyang condo unit. Agad akong sumakay sa kararating na elevator kahit na nag-uuulap ang aking paningin dahil sa luha.

Ganoon ba kahirap mapatawad ang ginawa kong kasalanan? But it wasn't entirely my fault. I was framed up. Keaton and I were deceived. Pilit sinisira ang relasyon namin at iyon nga, halos magtagumpay rin si Britanny sa pinlano nya. Dahil kahit kami sa mata ng mga tao, walang kami sa aming dalawa. Hindi ko na alam kung ano pang silbi ko sa buhay ni Keaton. Kung may saysay pa bang ipaglaban ang lahat ng ito. Dahil sa totoo lang, gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng pahintuin ang sarili kong umasa. Ayoko nang umasa. Naaawa na ako sa sarili ko. I shouldn't be treated like this. I deserved care and love.



Pinagbuksan ako ni mommy ng pinto at pinasadahan pa ng tingin ang suot ko. Siguro'y namataan nya ang namumugto kong mata ay agad nya akong niyakap.

"Hey, what happened, dear?" Umiling ako at nilagpasan sya when she spoke. "You know you can't always hide that, Grem. Sasabog at sasabog iyan at tandaan mo, narito lang kami ni Daddy mo." Mahina akong tumango bago pumanhik sa aking kwarto. Ilang oras akong nagmukmok sa CR bago nagbihis at nahiga sa kama.

Hindi naman ako natutulog at nagliliwaliw lamang ang aking isipan sa kung saan. Siguro'y sa bar nag-celebrate si Keaton ng birthday. Hindi ko naman kasi sya sinabihan na sa condo na umuwi. O baka doon sya sa bahay nila nag-celebrate? Pero sasabihin naman sa akin iyon ni mommy o ng mommy ni Keaton.

"Grem, busy ka ba?" ang katok ni mommy sa aking pinto ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Marahan akong bumangon at umupo sa kama.

"Uhm, hindi po, my. Pasok po." Pumasok si mommy at umupo sa dulo ng aking kama at tinitigan ako.

"You look stressed. May problema ba, anak? What is it?" concerned ang tono ni mommy at nais kong maiyak dahil iyon ang kailangan ko sa ngayon, iyong concern ng tao para sa nararamdaman ko. Pero ayokong damayin ang pamilya ko sa pansarili kong problema. Marami rin silang hinaharap na problema sa negosyo, hindi ko maatim na dumagdag pa.

Ngumiti ako sa kanya. "Wala lang 'to, my. Kakayanin!" enthusiastic kong sagot at sinilip ang kanyang hawak na papel. "Ano po iyan?" pag-iiba ko ng pinag-uusapan.

"Ah! Yeah, right." She handed me the papers. "Ito na iyong papers and flight tickets mo papuntang Germany." Nabigla ako. Aalis ako patungong Germany? Pero bakit?

"Germany? But ... I didn't ..." tinignan ko sya. "Mom?"

"Actually, tayong tatlo ng daddy mo ang pupunta doon."

"Pero, bakit po? May problema ba doon si kuya?"

"Dahil sa sobrang busy mo, hindi mo na nakakausap si kuya Gavin mo. Nagtatampo sa'yo iyon. Ikakasal na si Gavin, Gremaica."

"What? Si kuya? Oh please, tell me it's with ate Shanra."

"It is with Shanra," napahiyaw ako sa tuwa para sa kuya ko. I can't believe he actually thought of settling down. Bulakbol at kilalang playboy rin iyon nung high school pa sya. And ate Shanra was well, she must be really extraordinary to cage my brother's heart. Napangisi nalang ako sa tuwa. "Kaya nga, we will support your brother with this life decision he made. Dapat naroon tayong lahat, hindi ba?"

Tumango ako at sinilip ang flight details. It says three weeks from now. Malapit na iyon.

"Kailan po ang kasal nila, my?"

"Sabi ng kuya mo, Shanra wants an Autumn wedding so most probably that's 3 months from now or so."

"Pero bakit ang aga natin 'ron?" nalilitong tanong ko. "We could fly there just a month from the wedding, right?"

"May malaki kasing problema ang kumpanya natin doon, Gremaica. Na-biktima kasi ng scam ang kuya mo. Kaya naman, your dad and I decided na doon na pansamantalang manirahan until your kuya's wedding. But ..." hinawakan ni mommy ang aking kamay at pinisil iyon. "I will completely understand if gusto mo munang maiwan para maka-take ka ng board exam."

"Ayos lang ba iyon, my?"

"Napag-usapan na namin iyon ng daddy mo. And he suggested to have you an open ticket. But promise us one thing, you'll stay safe here and susunod ka kaagad after your board exam." Tumango ako at niyakap si mommy.





"AND I REALIZED that there's a big difference between deciding to leave and knowing where to go." Napaisip ako sa linyang iyon mula sa binabasa kong nobela. Kung susuko na ako ngayon, saan ako dadalhin ng pagsuko ko? Kakayanin ko ba? Kakayanin ko ba ang malayo kay Keaton? Kakayanin ko bang kalimutan sya? Hindi, masakit kahit iniisip ko pa lamang. Hindi ko kakayanin.

"Grem, hindi ka pa nagpasa nung assignment mo nung nakaraang linggo ah? Super late na nun. Aba! Hindi ka naman dating ganyan ah?" iyon agad ang ibinungad ni Arriane sa akin pagkarating nya sa gazebo kung saan ako nakatambay. "At saka isa pang napapansin ko sa'yo ay hindi na reviewer ang binabasa mo kundi mga novels na naman."

"Wala akong ganang mag-review," kiyemeng sagot ko at uminom mula sa strawberry milkshake na bili ko kanina. Napangiwi ako sa pangit ng lasa nun. "Ang sama ng lasa nito."

"What? But that's your favorite flavor, missy," nakakunot ang noo ni Arriane sa akin sa sinabi ko.

"Parang iba ito ngayon eh," reklamo ko. "Oh, sayo na 'yan."

"Ang gulo nyang utak mo," aniya at inabot ang drink ko. "Kayo pa rin ba ni Keaton?" tiningala ko sya sa kanyang tanong. Isang linggo na rin pala ang nakalipas mula nung nag-birthday sya. Umiwas ako ng tingin kay Arriane at nagsimulang buklatin ang reviewer ko. "Dapat yata ay maghiwalay na kayo ni Keaton. Napaka-unhealthy na ng relasyon ninyo."

"P-Pa'no mo naman nasabi 'yan?" tanong ko nang hindi sya tinitingnan.

"You're not the Gremaica I know anymore. You're always out of your mind. You flunk our tests, Gremaica. Do you even study anymore? Grabe! You are killing yourself," at ngayon ay pinapagalitan na nya ako.

"You know nothing about what I've been through, Arriane."

"What? Did you really just say it to my face? Really, Gremaica? Really?"

"Arriane, please ... 'wag ngayon."

"Huh! I can't believe you. Dyan ka na nga. Kausapin mo nalang ako kung okay na iyang tren ng pag-iisip mo."

Napapikit ako habang mabilis na nagliligpit si Arriane sa gamit niya at agad ring umalis sa'king harapan. Napasabunot ako sa'king buhok sa sobrang frustration. Hindi ko na alam ang gagawin ko.



Nang pumasok ako sa sunod na subject ng review namin ay nakaupo na roon si Arriane sa usual naming upuan. Busy sya sa pag-aaral nang umupo ako sa tabi nya.

"Sorry," bulong ko. Nilingon nya ako saka umiling. "I'm sorry, Arriane. It's just that ... grabe lang talaga ang depression ko ngayon sa nangyayari sa relasyon namin ni Keaton. I hope you understand."

"I do understand you, Gremaica. It's also just that ... bilang kaibigan mo, nababahala na rin ako sa mga pagbabago mo. You are throwing everything away para lang sa pagsalba mo sa relasyon niyo ni Keaton. And that is just so wrong for me, Gremaica. Hindi mo dapat binababa ang sarili mo para lang sa lalaki. But who am I to judge? I'm just your friend. Narito lang ako para makinig, bigyan ka ng payo at paalalahanan ka pero hindi ko hawak ang pag-iisip mo. I understand you, I really do."

"Thank you sa lahat, Arriane," bulong ko at niyakap sya. "For everything."

"What could I do? Mahal kita, Gremaica."





"MAY NAPAGTANUNGAN NGA pala ako tungkol kay Britanny," ani Arriane habang kumakain kami sa isang restaurant.

"Ano daw?"

"Narito sya sa Pilipinas," tiningala ko si Arriane mula sa paglalaro ng aking pasta.

"Ba-Bakit?" kinabahan ako. Isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Keaton. Hindi kaya'y ... hindi maaari.

"May conference sya dito sa Pilipinas. Siya na pala ang namamahala sa negosyo nila roon sa Singapore. Like her dream ..." saad ni Arriane at inikot sa tinidor ang noodle na kinakain.

"Arriane baka ..."

"'Wag mo na ituloy iyang iniisip mo. Mas lalo mong pinapahirapan ang sarili mo, Gremaica."

"There's a possibility, Arriane. At ayokong palampasin iyon. Napagtagumpayan ni Britanny ang paninira nya sa relasyon namin ni Keaton and I'm so afraid na mas lumala pa ang nangyayari sa relasyon namin," alma ko.

"Bakit ba hindi mo pa rin nasasabi kay Keaton ang lahat?"

"He will not listen."

"Did you even try?"

"I did, many times. Pero ayaw niya akong pakinggan. Dahil ayaw nyang marinig ang mga rason ko na binaliktad ko lang daw. Keaton's mind is close at the moment. And all this time, I've been trying hard to open it and bigyan niya ako ng chance na mag-explain."

"Well ... are you trying hard enough?" tinaasan ako ng kilay ni Arriane at may nginuso sa labas ng restaurant.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang nginuso at napatigagal ako sa nakita. I never imagined this scenario before my very eyes. Another woman in the arms of Keaton.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 120 31
"A Love Story Sealed With A Curse" Kerarah Louise Fajardo and Cadu Thiago Cavalcante's story💞💕
59.5K 2K 31
Gustavo Pocholo Salguero is the eldest grand son of Don Sergio Salguero, the chairman of the multi billion dollar company Salguero Tropic. He is marr...
92.1K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
2.1M 43.2K 46
BILLIONAIRES' LOVE SERIES II Maxwell Zamora Levine Max wanted only revenge when he found out his ex-girlfriend, Louise Rhean, who ditched him six yea...