Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 44: Back

8.1K 234 14
By HippityHoppityAzure

Chapter 44: Back


"SIGE PO, AKO na pong bahala sa kanya. Thank you po." Sabi ni Monic sa kanilang guard na tumulong para iakyat sa kanyang kuwarto si Marky at pahigain ito sa kanyang kama.

"Wooh!" Nag-inat naman 'yung guard. "Okay lang po, Ma'am Monic. Maraming salamat din po!" At nakangiti itong umalis ng kuwarto. Malamang masaya na ito dahil natapos din sa wakas ang napakahirap niyang utos na paalisin si Marky.

Nang maiwan na sila ng guard, madaling ginawa mag-isa ni Monic ang lahat ng alam niyang dapat gawin kay Marky. Pinunasan niya ito gamit ang isa sa mga bath towel niya, hinubaran ito--not minding if she would get to see what she had already seen days ago, at muli itong pinunasan bago pinasuot ng mga tuyo at bagong damit na sa cabinet pa ng kanyang ama niya hinagilap.

Matapos ang lahat ng iyon ay inayos niya ng higa ang binata sa gitna ng kanyang kama kung saan walang basa, at hinayaan itong matulog habang balot na balot ng kumot.

Sobra ang kirot na nararamdaman ni Monic sa kanyang puso dahil sa nakikitang kasalukuyang estado ni Marky. May lagnat at nilalamig. Naisipan niya na painumin ito ng gamot, kaya lang ay alam niyang hindi pa ito kumakain. Kaya bumaba siyang muli sa kusina para ipagluto ito.

"May instant soup po ba tayong puwede maluto?" Tanong niya sa dalawang kasambahay na naabutan niyang abala sa kung ano doon sa kusina.

"Para po ba kay Sir Marky, ma'am? Ito po kasi, nagluto na kami!" Masayang sagot nung maliit na kasambahay.

"Talaga?" Halos magningning naman ang mga mata ni Monic at sinilip ang niluluto nito sa kalan.

"Puwede na po ito." Pinatay na nito ang kalan kasabay ng pagkilos nung matabang kasambahay para kumuha ng bowl. Pero pinigilan ito ni Monic at inako nang gawin iyon pati na ang pagsalin ng soup at pag-akyat no'n sa kanyang kuwarto gamit ang isang tray.

"Marky?" Mahina niyang tawag sa binata pagkaupo niya sa tabi nito sa kanyang higaan. Nang hawakan niya ito sa pisngi, napakagat-labi siya dahil sa init nito. Ang taas lang ng lagnat nito. "Marky, kain ka na muna oh para makainom ka ng gamot..."

Dumilat na si Marky, dahan-dahan. Mukhang kinilala pa nito ang kinaroroonam bago siya tiningala at tinitigan.

"Marky, tara, kain ka na..." Inalalayan niya itong umupo at pinasandal sa headboard ng kama. Tinulungan naman ni Marky ang sarili, obviously para hindi siya masyadong mahirapan.

Kinuha na ni Monic 'yung bowl mula sa tray at sinimulang subuan ang binata. Sa unang subo, nag-alangan pa ito at mukhang nahiya. But she insisted, so hindi na ito nakatanggi.

Halos ubos na ang laman nung bowl nang umayaw nang kumain si Marky. Hindi na ito pinilit ni Monic na ubusin iyon at pinainom na lang ng tubig sa baso.

"Ay wait, naiwan ko pala 'yung gamot sa baba." Mabilis niyang niligpit ang pinagkainan ni Marky, leaving the glass of water to him, at bumaba para kunin 'yung tablet na gamot sa kusina.

Nang balikan niya si Marky sa kanyang kuwarto, ganon pa rin ang puwesto nito sa kama. Nakaupo sa may ulunan at nakasandal sa headboard, habang nakatulala at hawak-hawak ang baso na may kalahati pang tubig.

"Ito na oh." Bumalik ng upo si Monic sa tabi ni Marky at inabot dito ang gamot. Ininom naman iyon ng binata na sinundan ng pagsimot ng tubig sa hawak na baso. "Sige na, tulog ka na."

Binawi na ni Monic ang baso mula kay Marky, pero hindi nito iyon binibitawan.

"Mar..." Sisitahin niya sana ito, pero nang makita niya ang malungkot na pagtitig nito kanya... bigla siyang natauhan.

Hindi ba galit ako sa kanya? Hindi ba gusto ko na siyang umalis? Eh ano 'to? Nagkasakit lang siya, bigla na lang akong nag-alala nang ganito--bigla na lang akong naaligaga na alagaan siya.

Wow, Monic. Just, wow.

Kahit halatang mabigat ang nararamdaman ay pilit bumangon si Marky at nilapag sa bedside table 'yung baso. Nung bumalik ito sa pagkakaupo ay inabot nito ang isa niyang kamay at mahigpit siyang hinawakan.

Mainit. Ramdam ni Monic ang init mula sa kamay nito.

"Monic..." Halata rin sa boses ni Marky ang panghihina nito. "Hindi mo na ba talaga ako pinagkakatiwalaan?"

Hindi siya makasagot. Yumuko lang siya para iwasan ang pagtitig ng binata at para pakiramdaman ang sarili.

Hindi na nga ba niya pinagkakatiwalaan si Marky? Sa pagkakatanda niya ay binigay niyang muli ang kanyang tiwala rito mula nang magkaayos at magkabalikan silang dalawa. Pero sa mga nangyari kanina... sa mga salitang binitiwan sa kanya ni Yvette...

"Kung anu-ano na siguro iniisip mo sa amin ni Marky... Iniisip na... totoo."

"To show how I pity you, being cheated on again by the same guy."

"Hin... Hindi ko alam, Marky..." Sagot na niya rito kasabay ng muling paninikip ng kanyang dibdib. "Matulog ka na..."

Gusto niyang takasan ang pag-uusap nilang iyon, ngunit ayaw naman pakawalan ni Marky ang kanya kamay kahit anong hatak ang gawin niya.

God. How could Marky still be that physically strong sa kabila ng sakit nito?

"Hindi mo alam kung hindi mo na ako pinagkakatiwalaan... Pero kung sa akin lang, mas pinagkakatiwalaan mo pa ang mga lumalabas sa bibig ni Yvette?"

That made her let out an exasperated sigh. "But at least, tumutugma ang mga sinasabi ni Yvette sa sitwasyon--"

"Tumutugma agad? Hindi ba puwedeng ginamit niya lang 'yung sitwasyong kinalalagyan niya para magsinungaling at gumawa ng ibang kuwento? Para masira ang relasyon nating dalawa? Alam mo naman na hindi siya pabor sa relasyon natin, 'di ba?"

Natamaan naman si Monic sa mga sinabi nito. Hindi iyon sumagi sa isip niya. Pero paano rin naman kasi iyon sasagi sa isip niya? Nadala na siya sa mga nangyari noon.

"Look at me, Monic..."

Hindi siya sumunod sa sinabi ni Marky. Nanatili lang siyang nakayuko at nakatitig sa kamay niyang hawak-hawak nito.

"Monic," dumiin ang tono ng binata kasabay ng paghawak ng isa nitong kamay sa kanyang baba niya upang magkatinginan sila nang harapan.

Marky's eyes... they looked weak, but very determined.

"Monic, hindi totoo ang kung anumang sinabi sa'yo ni Yvette. Walang nangyari sa amin--walang nangyari na katulad ng nangyari noon, ng iniisip mo. Please, believe me."

Suddenly, Monic's throat felt dry, kaya lumunok siya bago sumagot.

"Kung wala... Bakit hindi mo sinabi sa akin agad na magkasama kayo?" Naiiyak si Monic at hindi siya makapaniwala na nangyayari na naman iyon, ang magkausap sila ni Marky sa ganon kasakit at kahirap na paraan. "Bakit kailangang kay Yvette ko pa 'yon malaman--nang gamit pa ang cellphone mo?"

Binitawan na siya nito sa kanyang baba. "Okay... Aaaminin ko nang isang malaking pagkakamali iyon--na naglihim ako sa'yo."

Nanggigil ang mga kamay ni Monic.

See? Talagang naglihim siya. Sinadya niyang hindi 'yon ipaalam sa akin.

"Kaya kanina, gusto ko sanang iumpog ang ulo ko sa kalsada eh, dahil sa pagkakamali kong iyon." Marky started to sound frustrated. "Dapat pala talaga kasi, sinabi ko na agad sa'yo ang ginagawa kong pakikipag-ayos kay Yvette. Hindi ko na dapat inisip na surpresahin ka kung sakaling magkaayos na kami. Dahil si Yvette nga pala 'yon--ang nakasira sa relasyon natin noon, na maaring makasira muli ng relasyon natin ngayon. Hindi ako nag-ingat. Hindi na ako nadala."

Umurong ang dila ni Monic sa paliwanag ni Marky. Pumupunto na ito. But still, gusto pa rin niyang timbangin ang bawat salitang sinasabi nito.

"Sorry sa paglilihim na ginawa ko, Monic." Now, Marky sounded desperate. "Pero, ayun lang naman 'yon eh. Wala akong masamang intensyon. Wala akong ginawang masama. Gusto ko lang talaga na magkaayos na kami ni Yvette para matahimik na tayong dalawa, para hindi na niya idamay pa si Alannah sa panggugulo sa atin."

Sa kanyang naririnig, unti-unti nang nawawala ang paninikip ng dibdib ni Monic. Pero... kulang pa eh...

"Kaso, kagabi, hindi ko akalain na susugurin ako ni Yvette sa amin. Lasing siya no'n, Monic, at naglabas siya ng sama ng loob at galit sa akin. Umiyak siya at nagmakaawa, hanggang sa makatulugan na niya 'yon. Hindi ko naman siya puwedeng ipagtabuyan nang ganon siya, kaya doon ko na lang siya hinayaang matulog sa tabi ni Alannah."

Monic was picturing the scene in her mind, at lalong lumilinaw sa kanya ang lahat.

Kaya pala kanina...

"Kaya kaninang umaga, napakialaman niya ang cellphone. Dahil naliligo ako no'n at pinalaro ko 'yon kay Alannah. At nung makapag-usap naman na kami ulit, wala siyang sinabi tungkol sa pagtawag mo at nagpaalam na siya agad na kailangan na niyang umalis."

That bitch... Nanggigil na naman si Monic

"Sabi pa niya bago siya umalis, hindi na siya kokontra sa atin kasi pagod na raw siya. She sounded sincere kaya naniwala ako. Nagpasalamat pa ako sa kanya bago ko siya hinayaang umalis."

Monic imagined Yvette's poker face, and she wanted to rip it off and exchange it with a snake's.

"Pagkaalis niya, ikaw naman ang sinubukan kong kausapin, Monic. Pero hindi ka na nagre-reply o sumasagot sa mga tawag ko. Akala ko naman busy ka lang, pero naikuwento sa akin ni Las ang naging pag-uusap niyo. Doon na ako natauhan sa posibleng nangyari, at nagmadali na akong puntahan ka para personal na magpaliwanag. Pero..." Sinadya ni Marky na hindi tapusin ang sinasabi, dahilan para muling mapalunok si Monic.

Pero sinampal kita at nakipaghiwalay na naman ako sa'yo... Gusto niya sanang idugtong sa paliwanag ng binata. Pero nag-ipon na lang siya ng lakas ng loob para patuloy itong matitigan at mahingian ng tawad.

"S-sorry..." Sabi niya sabay yuko. At sa kanyang pagyuko ay hindi na niya nakontrol ang pagluha ng kanyang mga mata.

God.

Dali-dali niyang pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang sariling mga kamay.

Mahina namang natawa si Marky sabay tulong sa kanya sa pagpupunas ng luha. And his warm, manly hands touching her like that... Oh, she just couldn't stop herself from loving him.

"No need to say sorry, Nix... Ako pa rin ang may kasalanan ng nangyari eh... Ang gusto ko na lang sana ay magkaayos na tayong dalawa--at maipawalang-bisa mo 'yung sinabi mo kanina na wala na tayo..."

Maipawalang-bisa. Natawa naman doon si Monic.

"Ano yan... Tumatawa-tawa ka na lang diyan ha..." Patampong sita sa kanya ni Marky. "Nakalimutan mo na ba 'yung ginawa mo dito kanina?" Tinuro nito ang pisngi na kanyang sinampal kanina.

Pinigilan ni Monic ang muling matawa at inabot ang pisngi nitong iyon. "Gusto mong ulitin ko ang ginawa kong 'yon?"

"Grabe..." Ngumuso ito.

Ngumiti naman si Monic at hindi na niya nakontrol ang sarili. Niyakap niya ito sa katawan at tinulak pahiga sa kama. Marky was still hot due to fever at alam niyang maaari siyang mahawa rito, pero wala siyang pakialam.

"Matulog ka na nga, mahal kong hari..." She told him, intentionally emphasizing the last three words para ipaalam na okay na sila. "Nang gumaling ka na..." At siniksik niya ang sarili sa gilid nito.

Mahina ulit na natawa si Marky at ginantihan ang yakap niya. "Well, I think I can let myself take a rest now--now that we're already okay--now that my queen's already back to me..."


--TBC

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 18.5K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
2M 40.6K 33
(Finished) You're 19. He's 28. What's really the deal of having a relationship with an older guy? Unless it didn't start with a simple relationship...
160K 3K 52
All Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.
148K 3.3K 62
Love is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?