Love, The Second Time Around

بواسطة HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... المزيد

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 40: Sorry

6.7K 169 10
بواسطة HippityHoppityAzure

Chapter 40: Sorry


"ALANNAH, MATULOG KA na."

Ma-otoridad ang boses ni Marky, pero hindi nakinig sa sinabi niya ang kanyang anak. Nanatili itong nakaupo sa ulunan ng kanyang higaan, yakap ang mga tuhod at sa iba't ibang direksyon tumitingin--bukod na lang sa direksyon niya.

Napabuntung hininga si Marky sabay upo sa may study chair at nagpatuloy sa pagpupunas sa basa niyang buhok gamit ang isang tuwalya.

"Alannah, ano ba ha?"

Mas nilakasan niya ang boses niya para matinag ang kanyang anak at sumunod na sa sinabi niya. Pero tinignan lang siya nito nang may natatakot na ekspresyon ng mukha. Natauhan naman siya roon.

Bakit ko ba tinatakot ang anak ko? Bakit binubunton ko sa kanya ang init ng ulo ko sa problema ko?

Wala ka talagang kuwenta, Marky.

Sinampay niya sa sandalan ng silya ang tuwalyang kanyang ginamit at saka lumipat ng upo sa tabi ng kanyang anak.

"Prinsesa ko," nilambingan na niya ang kanyang boses kasabay ng paghawak sa baba nito. "Anong oras na kasi oh? 10 na. Dapat natutulog ka na."

"Pero... Gusto ko pong tawagan si Mommy muna..."

Natigilan doon si Marky. Wala pang alam si Alannah sa nangyari, ngunit nakakaramdam yata ito sa pinagdaraanan ng ina kaya maya't mayang hinahanap.

"Please, Daddy?" Pagmamakaawa pa ng kanyang anak na kumurot sa kanyang puso.

"Bukas, prinsesa ko. Bukas natin siya tatawagan. Kaya matulog ka na muna."

"Bukas? Promise po?"

Nag-alangan si Marky na mangako dahil wala 'yung kasiguraduhan.

"Mm. Basta bukas." Ayun na lang ang sinagot niya at ngumiti na ang kanyang anak. Nakumbinsi na rin niya itong humiga sa kanyang tabi. Niyakap naman siya ng maliit nitong braso at sinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. "Good night, mahal kong prinsesa."

"Good night, Daddyyy."

Napangiti siya. "I love you."

"I love you tooo."

Natawa siya at hinalikan ito sa ulo.

Nanatili silang magkayakap nang ganon hanggang sa maya-maya, nakatulog na si Alannah. Inayos niya ang higa nito, at tinitigan ang mukha pagkatapos.

Isang araw na ang nagdaan mula nang kausapin niya ang ina nito upang makipag-ayos. Pero anong nangyari? Lalo lang lumala ang problema nila.

Then there was Monic. Hindi pa niya magawang sabihin dito ang nangyari kahapon. Ayaw niya kasi ito balitaan ng hindi magandang bagay, lalo na ng tungkol sa dati nitong matalik na kaibigan. At hindi niya magustuhan ang pakiramdam na dulot no'n--pakiramdam na parang naglilihim siya rito. Iniisip naman na niya kung paano ipapaalam iyon dito. Kaso wala siyang maisip dala ng sobrang pag-aalala niya kay Yvette.

Sobra talaga siyang nag-aalala kay Yvette. Kanina kasi, napag-alaman niya sa kanyang ina na hindi pala ito umuwi. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin daw ito umuuwi. Tapos hindi pa ito nagre-reply sa mga text o sumasagot sa mga tawag nila.

Good thing though, na nahagilap kaninang hapon ng kanyang ina ang contact number ng agency na alam nitong may hawak kay Yvette. Doon lang nila nagawang malaman na ayos lang ang dalaga at naka-attend sa mga commitment nito sa araw na iyon. Ngunit kung saan ito kasalukuyang tumutuloy ay wala raw alam 'yung agency.

Sapat na dapat kay Marky na malaman na nasa maayos na kalagayan si Yvette. Pero hindi pa rin siya mapakali at patuloy pa ring nag-aalala. Gusto niya ito muling makausap. Gusto na talaga niyang maresolba ang problema nila. Gusto niyang mapaintindi kay Yvette ang mga bagay na dapat nitong maintindihan. Dahil hindi magandang magtagal sila nang ganon dahil may anak silang naiipit sa pagitan ng mga kampo nila.

Papikit na si Marky at nahahatak na ng antok, nang may biglang nag-doorbell. Nung una, pinakiramdaman pa niya kung may nag-doorbell nga. At naulit naman iyon.

Ugh, Las.

Badtrip siyang tumayo. Malamang kasi na nagpakalasing na naman nang todo ang kaibigan niya kaya ayun, hindi na naman mabuksan ang pinto. Lagi na lang ganon iyon tuwing umuuwing lasing eh. Lagi siyang dinadamay. Damay hindi lang sa pagbukas ng pinto kundi pati na sa pagpupuyat dahil dinadaldalan siya nito nang walang humpay.

Binuksan na niya ang front door kasabay ng paghanda sa kanyang mga tenga para sa mga nakakarinding ipaglalaban ni Alastor sa gabing iyon. Pero...

"Ah yes!" Cheer ng babaeng hinding-hindi niya inaasahan na pupunta roon--at nang ganong oras pa.

"Yvette?"

"Sa wakas, tumama riiin." Sabay sinok at ngiti ng dalaga. Naamoy na rin ni Marky ang alak mula rito.

"Lasing ka ba?" Kunot-noo niyang tanong dito.

"Lasing? Hindi ah! Naiinis lang ako. Kasi--" Sininok na naman ito. "Naka-dalawang mali ako ng bahay na kinatok. Uhh, dalawa nga ba 'yon? Ah, hindi. Tatlo pala. Tatlo. At puro walang Marky daw sa kanila. Ayun pala, mali lang ang pagkakabasa ko sa unit number nila." Sabay tawa naman. "Grabe. Nakakahiyaaa."

Humugot nang malalim na hininga si Marky bago hinawakan sa magkabilang braso ang dalaga.

"Pumasok ka nga muna, Yvette."

"Teka nga, ayoko! Nagpunta lang ako dito para tanungin ka ehhh. Tanungin kung ano baaang problema mo. Huh?" Dinuro-duro siya nito sa dibdib. "'Di ba, si Monic ang mahal mo? Sooo, bakit mo pa ako hinahanap, huh? Bakit ka pa nagte-text at tumatawag? Ano pa bang pakialam mo sa akin? Eh hindi mo naman akooo mahal." At dinuro naman nito ang sarili. "A-ko. Gustung-gusto mo akong nasasaktan eh 'no?"

"Hindi. Ano ka ba, Yvette. Halika nga." Pinilit niya itong papasukin sa loob ng unit. Mahirap na at baka nakaka-istorbo na sila ng kapitbahay.

"Bitawan mo ako!"

Buti nasa loob na sila nang magpumilit itong bumitaw sa kanya.

"Ang sama-sama mo talaga 'no, Marky? Dalawang beses mo na 'tong ginagawa sa akin. Da-la-wa na. At a-yo-ko na."

Nakokonsensya na naman si Marky.

"Sige na, sige na. Si Moniiic na ang mahal mo. Sige, magpakasal na kayo. Magsama na kayo. Sige lang. Pero... ibigay mo sa akin ang anak ko."

"Yvette? Puwede ba? Lasing ka lang kaya nasasabi mo 'yan. Magpahinga ka na muna dito." Hinawakan niya ito muli sa magkabilang braso para paupuin sa sofa.

"Hindiii!" Nagpumilit din itong muli na bumitaw. "Akin na kasi si Alannah!"

"Shhh, tulog na si Alannah. Kaya matulog ka na muna. Please, Yvette."

"Hindi, ayoko na dito, Marky. Ayoko na." Binira-bira siya nito sa dibdib. "Aalis na ako kasama si Alannah. Kaya ibigay mo siya sa akin."

"Tsk. Yvette naman." Napipikon na si Marky pero nagtimpi siya. Lasing lang si Yvette at gawa iyon ng sakit na nararamdaman nito dahil sa kanya. Kaya dapat lang na magpasensya siya.

"Kung ayaw mo siya ibigay, papiliin mo siya. Papiliin mo si Alannah kung kanino siya sasama. Papiliin mo siya and for sure, ako ang pipiliin niya. Ako. Kasi mahal niya ako, hindi-tulad-mo." Nasira na ang boses ni Yvette kasabay ng muling pagduro sa dibdib niya. "'Di ba? Sa pagkakataon naman siguro na 'to, may pipili na sa akin? May magmamahal na sa akin? Kahit sarili ko man lang na anak?"

Hinawakan ni Marky ang kamay ni Yvette na dumuduro sa kanya at kinulong ang dalaga sa isang napakahigpit na yakap.

"Tama na 'yan, Yvette..."

"This... This is so unfair." Humagulhol na ito. "Bakit ba ayaw niyo sa akin? No matter what I do--good or bad, wala na akong napalang maganda. Hindi ko makuha-kuha ang gusto ko. Bakit ba kayo ganyan? Bakit... bakit ba ganito ang buhay ko?"

Hindi alam ni Marky kung ano na bang dapat niyang sabihin kay Yvette. Hindi naman kasi ito nakikinig. Pero sobra na siyang naaawa dito. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil alam niya ang mga pinagdaanan nito sa buhay--growing up as an orphan with an abusive aunt. Nung mag-aral, puro kaaway ang nahanap sa eskwelahan. Wala itong naging kaibigan until she found Monic, an equally feisty girl na hindi natakot na pumanig dito sa kabila ng pagkakaroon nito ng maraming kaaway.

Then, he came into their lives. And... things in Yvette's life started to get messed up again. Minahal siya nito, pero sinong minahal niya? Ang matalik nitong kaibigan--si Monic. Lumala pa ang sitwasyon nila dahil sa purong katangahan na kanyang nagawa kaya nagkaanak sila nang hindi inaasahan. Ngayon tuloy, ayun. Napaka-kumplikado na ng sitwasyon nilang lahat.

Nagpatuloy lang si Yvette sa pag-iyak habang nakayakap sa kanya. Her cry seemed like it would last for hours but he didn't mind. Gusto niyang maparamdam sa dalaga na mahal niya ito, hindi man sa paraang hinahangad nito. Mahalaga ito sa kanya, hindi lang dahil sa ito ang ina ng kanyang anak kundi dahil tinuturing pa rin niya itong kaibigan.

Wala pa naman tatlumpung minuto ay tumahan din si Yvette at nakatulog sa mga bisig niya. Binuhat na niya ito patagilid at dinala sa kanyang kuwarto.

"Marky..." Bulong nito habang nakapikit. Nang maihiga niya ito sa tabi ng kanilang anak ay kumapit pa ito sa kanyang T-shirt. "Mahal kita, Marky... Please... Mahal kita..."

Gaya kanina ay hinawakan niya ang kamay nito upang pabitawin sa kanya.

"Alam ko, Yvette..." Bulong niya rin dito. "But I'm sorry... I'm... I'm very sorry..."

Hindi na sumagot si Yvette at may tumulo na lang luha mula sa nakapikit nitong mga mata. Pinunasan naman iyon ni Marky at hinalikan ito sa noo, bago lumabas ng kuwarto nang sabu-sabunot ang sariling buhok.


--TBC

A's NOTE: Short update. :( Pasensya na. :( :)

Maraming salamat sa patuloy na nagbabasa nitong LTSTA ha. :) Sa mga nag-comment sa last chapter, esp to @PTRCMartinez and @jymiilovee, grabe. Thumbs up sa hugot.

Oh and malapit-lapit na 'tong matapos. So unting kapit na lang, readers. :)

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

671K 15.7K 27
(Finished) Samuel Ignacio Rivera IV always gets what he wants - including Ava Vanessa Vargas. Since he was young, he already planted it on his mind t...
332K 3.8K 42
Former My Bestfriend, My Fiance Written Year: 2009 Published online started: March 2011 Published online ended: February 2014 ALL RIGHTS RESERVED © O...
1.2M 18.5K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
238K 4.8K 49
Sapphira is a sophisticated and carefree woman but, commitment is her greatest weakness. She rather choose to be single for the rest of her life than...