Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 39: Rejection

8.1K 185 22
By HippityHoppityAzure

Chapter 39: Rejection


UMAGANG-UMAGA, NAALIMPUNGATAN si Marky nang hindi niya makapa ang anak na katabi niyang natulog sa kanyang higaan.

"Alannah?" Tawag niya rito habang bumabangon at nagkukusot ng mga mata. Kaso walang sumagot.

Nasipatan niya ang oras sa kanyang digiclock. It was just ten minutes to seven in the morning. Masyado pang maaga sa normal na gising niya tuwing Lunes. Tapos napuyat pa siya kagabi kakaganti ng harot sa kanyang anak. Kaya naman medyo mabigat ang pakiramdam ng katawan niya nang siya ay tumayo para hanapin ang bata.

"Opo!"

Masayang boses ni Alannah ang sumalubong sa kanya pagkalabas niya sa kainan. Nakapuwesto ito sa maliit at kuwadrado nilang hapag-kainan, kasama si Alastor na nasa tabi nito.

"Oh, dude. Good morning!" Ang kaibigan niya ang unang nakapansin sa kanya.

Ang anak naman niya na kakasubo lang ng fried rice na nakahain sa harapan nito ay nginitian lang siya.

"Kakauwi mo lang, Las?"

"Hindi naman. Kanina pa akong alas-dos nakauwi. Na-miss mo ba ako?"

Binigyan niya ang kaibigan ng walang ganang tingin. "Siraulo."

"Ouch!" Napahawak naman sa dibdib si Alastor, umaarteng nasaktan.

Umupo na si Marky sa kabilang side ng kanyang anak at ginulo ang buhok nito.

"Ikaw, prinsesa ko, tinakot mo ako ha. Bigla-bigla ka na lang nawawala sa tabi ko."

Pero hindi naman pinansin ni Alannah ang sinabi niya dahil naka-focus ito sa pagkain. That made him feel thankful though, na kahit siraulo ang kaibigan niya ay marunong naman kahit papaano na mag-alaga at mag-asikaso ng bata.

"Eh sa ang tagal mo daw gumising eh." Si Alastor ang sumagot sa sinabi niya sa kanyang anak. "Pero buti na lang hindi malikot 'tong anak mo 'no? Naabutan ko siya kanina na nakaupo lang dito eh at nagmumuni-muni. Halos atakihin nga lang ako sa puso nang makita ko siya. Tang'na, akala ko kung sinong kaluluwa ng bata na nagpaparamdam eh."

"Siraulo ka talaga," matawa-tawang sagot ni Marky. "At huwag ka ngang magmura sa harapan ng anak ko." Sabay seryoso ng tono.

"Ay, sorry!" Si Alastor naman ang gumulo ng buhok ni Alannah. "Pero dude, ang sarap pala magkaroon ng ganitong anak 'no? Parang gusto ko na tuloy magkaanak."

"Eh 'di mambuntis ka na."

"Ayoko nga! Puwede bang ito na lang si Alannah ang maging anak ko? Ibigay mo na lang siya sa akin!"

Napakunot noo si Marky. "Aba, anong tingin mo sa anak ko? Alagaing hayop na hinihingi lang?"

"Grabe ka naman. Porket hinihingi, parang alagaing hayop na agad? Uso naman child adoption sa panahon ngayon ha!"

"Wala akong plano na ipaampon ang sarili kong anak kaya magtigil ka na."

"Damot..." Ngumuso si Alastor. "Samantalang magkakaroon ka naman na ng bagong anak in nine months..."

Nanlaki ang mga mata ni Marky sa narinig. "P-pinagsasabi mo diyan?" At bumalik sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Monic dalawang araw na ang nakararaan.

Ngumiti nang nakakaloko ang kaibigan niya. Nagpapasalanat naman siya na abala pa rin sa pagkain ang anak niya para pansinin ang pinag-uusapan nila.

"Patay malisya ka pa ha, dude. Nakikita ko sa mga mata mo, naka-score ka na kay Nix. 'Di ba? 'Di ba?"

"Hindi 'no." Tanggi niya sabay tayo at alis papuntang CR.

"Wehhh? Woooh!" Sigaw pa nito. "Kahit hindi ka umaamin, I'm still so proud of you, dude! Hindi mo sinayang ang sakripisyo ko no'n na lumayas nang alanganin sa oras!"

Hindi napigilan ni Marky ang sarili na matawa bago nagkulong sa CR. Doon, tinukod niya ang parehong kamay sa lababo at tinitigan ang sariling repleksyon sa katapat na salamin.

'Yung tukso sa kanya ni Alastor, naisip na niya iyon at handa siyang panagutan ang kanyang nobya. Magbunga man o hindi ang nangyari, pananagutan niya ito. Napagdesisyunan na niya 'yon. Yayayain na niyang magpakasal si Monic. Kaya nung Sabado palang ay nagsimula na siyang magplano tungkol doon. Kaya lang, nahihirapan siya dahil kay Yvette, ang ina ng kanyang anak.

Marky knew, that if he would marry Monic, he had to settle his issues with Yvette first. But how would he settle those issues with her nang hindi maaapektuhan ang anak nila? Si Yvette pa, matigas ang ulo nito. At siya, pilit na lamang niyang pinapahaba ang kanyang pasensya. So paano na kung hindi na niya kayanin pa ang katigasan ng ulo nito? Paano kung mag-away lang sila lalo? Paano na si Alannah?

Napasuklay ng buhok si Marky gamit ang isang kamay at humugot ng napakalalim na hininga. Hindi na niya alam... Pero wala siyang balak na sumuko. Hindi.

***

BUONG UMAGA, HALOS si Yvette ang maya't mayang iniisip ni Marky. Bukod sa pinipilit niya ang sarili na makaisip ng paraan para makipag-ayos dito ay pinagtataka niya rin ang hindi pagtawag nito sa kanya magmula nang kunin niya si Alannah.

"Nagulat lang siya at nagtanong kung bakit." That was what his mom told him over the phone nang magtanong siya tungkol sa naging reaksyon ni Yvette nung gabing kinuha niya ang bata. "Ang sabi ko na lang, gusto mo lang makasama anak mo nang isang linggo bago man lang sila magpasukan. Mukhang wala namang problema 'yon sa kanya. Pagod na rin kasi siguro siya para problemahin pa 'yon. At saka... mukha rin kasi siyang may malalim na iniisip. Ewan ko lang kung tungkol ba sa trabaho niya o ano. Wala siyang binabanggit sa akin eh kahit magtanong ako."

Napabuntung hininga si Marky at pinigilan na ang sarili sa pag-iisip tungkol kay Yvette dahil kailangan na niyang mag-focus sa unang klase na iha-handle niya sa araw na iyon sa culinary school nila ni Alastor, which was also the first one na masasaksihan ng kanyang anak.

"Ano, pogi ba si Daddy?" Tanong ni Marky kay Alannah pagkasuot niya ng dark blue na chef uniform.

"Pogi!" Sagot naman nito nang nakataas pa ang dalawang kamay habang nakaupo sa desk niya sa faculty room.

Napangiti nang malapad si Marky bago ito binuhat. "Ready ka na makitang mag-work si Daddy?"

"Mm!" Tumango ito kasabay ng pagyakap sa leeg niya.

Pagkarating nila sa lecture room ng unang klase niya sa araw na iyon, pare-parehong namangha ang nga estudyante niya kay Alannah--at halos sabay-sabay pa na nagtanong kung kaano-ano niya ito. Well, eleven of his fifteen students were female, and ten out of that eleven female students were single at lantarang nagpahayag ng paghanga sa kanya, so heartbroken lang ang naging drama ng mga ito nang mapatunayan niya ang kanyang sinabi noon na may anak na siya. Pero sa kabila no'n, lahat ng mga ito ay natuwa sa kanyang anak, na kahit sa likurang bahagi ng kuwarto niya pinapuwesto ay maya't maya pa ring nililingunan ng mga ito.

Same reaction ang nakuha nilang mag-ama sa pangalawa at huling klase ni Marky sa araw na iyon. Nangyari lang na nakatulog si Alannah sa upuan nito. Palibhasa kasi, hapon na ang klase na iyon.

"Tapos na po work mo, Daddy?" Antok na tanong ni Alannah nang buhatin ito ni Marky.

"Yes, mahal kong prinsesa. Saglit na lang si Daddy sa Faculty tapos uuwi na tayo."

Humikab ito at hinigpitan ang yakap sa leeg niya. Napangiti naman si Marky. Ang sarap lang ng yakap ng anak niya. Unti-unti nitong pinapawi ang pagkapagod niya sa trabaho.

Saglit nga lang silang nanatili sa Faculty room. May kinausap siya roon na ilan nilang kasamahan, including Alastor, at pagkatapos ay hinubad ang chef uniform na nakapatong lang sa suot niyang black shirt.

"Gabi na ako makakauwi ha!" Alastor told him bago pa sila makalabas ng kuwarto ni Alannah.

"Kahit huwag ka na umuwi!" Sagot niya rito na tinawanan ng mga kasama nila.

"Buh-byeee!" Paalam naman ni Alannah sa mga tao roon na sinagot naman ng mga ito. Gaya ng mga estudyante niya ay tuwang-tuwa rin ang mga ka-trabaho niya sa kanyang anak eh.

Magkahawak-kamay silang naglakad ni Alannah palabas ng school building.

"Anong gustong dinner ng prinsesa ko?" Paglalambing niya dito.

"Hmmm..." Nag-isip naman ang bata.

Alas singko palang ng hapon, at naisip ni Marky na mag-grocery muna kasama ang anak. It excited him, but quickly lost that excitement nang makita ang isang babaeng nakatambay sa may entrance ng building. Nakangiti ito at halatang hinihintay silang makalabas.

"Mommy!" Tili ni Alannah sabay bitaw sa kanya at takbo palapit sa ina. Sinalubong naman ito ng nanggigigil na yakap ni Yvette.

"Anak ko, I missed you!"

Alannah giggled, hugging her back. While Marky was... lost for words. Sobra niyang ikinagulat ang biglang pagsulpot ng dalaga roon. At hindi niya alam kung ano bang dapat niyang sabihin ngayon dito.

Confront her. Suhestiyon ng isang bahagi ng kanyang utak. Ayun naman talaga ang nais niyang gawin eh, but he knew better. Alam niyang hindi iyon makakabuti sa kanila, lalo na sa anak nila.

"Uhh, bakit ka nandito, Yvette?" Tanong na lang niya.

"Siyempre, para makita itong anak natin. Dalawang araw ko na kaya 'tong hindi nakikita. Na-miss ko 'to nang sooobra-sobra!"

Bumungisngis muli si Alannah sa muli ring panggigigil sa kanya ng kanyang ina.

"Mommy! Ang galing po magturo ni Daddy kanina doon sa mga chef na student niya!" Pagmamalaki ng anak nila.

"Oh? Sayang, hindi ko nakita. Siguro, mag-e-enroll at mag-aaral na lang ako dito para makita ko kung paano ba magturo si Daddy."

"Para po siyang si Tita Nix magturo! Magaling na magaling!"

Saglit na natameme roon si Yvette bago ngumiti at binaling ang tingin kay Marky.

"Oo nga pala, Marky. Pauwi na ba kayo?"

"Oo eh..." Nagpamewang siya.

"Puwede bang kumain na muna tayo? Diyan lang oh." Ngumuso ito para ituro ang fast food restaurant sa tabi nung school building. "Kaninang tanghali pa ako hindi kumakain eh. Oh and don't worry. Treat ko."

"Uhm," gumulo sobra ang isip ni Marky. Gusto niyang tumanggi, pero masyadong natuwa at na-excite si Alannah sa pagyaya na ginawa sa kanila ng ina nito. Agad-agad ba naman itong nagsabi ng mga gustong kainin. Spaghetti, ice cream, fries, at spaghetti raw ulit.

"Okay, mamaya, anak. Bibilhin ko lahat mg gusto mo. Pero wait... hindi pa sumasagot si Daddy kung puwede ba kayo eh..."

Nilingunan siya ni Alannah with a worried look, pressuring him.

"Uhh puwede naman kami." Ugh! Kahinaan talaga niya ang kanyang anak. "Ano... Tara na." Wala na eh. Hindi na siya maaaring tumanggi.

"Yey!" Sabay namang cheer ng mag-ina.

Naglakad sila papunta roon sa kainan with Yvette carrying Alannah. Hanggang sa pagpila at pag-order, magkasama silang tatlo.

"Ah, Daddy, pakikuha na lang wallet ko dito."

Nagulat naman si Marky sa tinawag ni Yvette sa kanya. Daddy talaga?

Tinuturo rin nito ang sakbit na shoulder bag kung nasaan ang wallet nitong hindi makuha dahil sa pagkakabuhat sa kanilang anak.

"H-hindi na," medyo na-late reaction si Marky. "Ako nang magbabayad."

"Eh, sabi ko treat ko eh." Pinilit na lang ng dalaga na dukutin ang wallet.

"Huwag na, Yvette." Nahawakan niya ang kamay nito para pigilan ito.

Natigilan naman si Yvette at mukhang nabigla sa pagkakahawak niya sa kamay nito. Kahit si Marky ay nagulat sa kanyang nagawa--at nailang, kaya agad niyang inalis ang pagkakahawak sa kamay nito at nilipat sa balikat nito.

"Sige na, umupo na lang na kayo do'n." At may tinuro siya na kalapit na table. "Dali. Bago pa makuha ng iba 'yung puwesto."

Yvette flashed him an unusual smile. May pagka-maldita lagi ang ngiti nito eh pero ngayon, simple ngunit may saya ang ngiting ginawa nito.

Nang tumalikod na si Yvette kasama ang anak, napakamot ng batok si Marky kasabay ng muling pagharap sa counter. Hindi niya nagugustuhan ang nangyayari. Naiilang siya. Pero... hindi na nga niya iyon maaaring takasan eh.

Go with the flow na lang.

Siya na nga ang nagbayad, pati na ang nagdala ng mga in-order nila sa puwesto nila.

Sa pagkain, si Yvette ang umaasikaso kay Alannah, who looked so much happy sa atensyong nakukuha mula sa ina. Habang si Marky, tahimik lang na pinapanood ang mga ito--at maya't mayang iniisip si Monic.

He wondered what his girlfriend would feel when she'd find it out, him spending such time with Yvette and their daughter. Alam niyang maiintindihan naman ni Monic na nagkataon lang iyon, ngunit sigurado rin siya na malulungkot din ito--na ayaw niyang mangyari. Pero, ayaw niya ring maglihim dito. So paano na?

Nang maubos ni Alannah ang spaghetti na kinakain ay nagpaalam ito na maglalaro doon sa palaruan. Sinamahan naman ito ni Yvette, dahilan para magkaroon siya ng pagkakataon na tawagan sa cellphone ang nobya.

Tagal namang sumagot? Pagtataka niya dahil naka-ilang ring na at hindi pa rin sinasagot ni Monic ang tawag.

Habang naghihintay, nakatuon ang paningin ni Marky sa mag-ina na naroon sa palaruan. Inaalisan ni Yvette ng mga sapatos ang anak nila. Pero nakikita niya na may sinasabi rin ito sa bata na masaya namang tumatango.

"Marky!" Sagot na ni Monic sa tawag. Awtomatiko namang ngumiti nang malapad si Marky pagkarinig sa boses nito.

"Busy ka ba? Tagal mong sumagot eh."

"Hmmm, hindi naman--"

"Teacher Nix!" Boses iyon ni Teacher Riz. "Dali, turn mo na!"

"Ay wait lang!"

Huh? Sobra nang nagtataka si Marky

"Nako, Marky, sorry ah. Nasa karaoke house kasi kami. Nag-blow-out si Teacher Riz, birthday niya kasi."

"Oh? Hala, pakisabi na lang, happy birthday."

Natawa ito. "Makakarating. Uhm, balik na ako do'n sa kuwarto namin. Turn ko na kasing ano..."

"Ano?"

Natawa lang ito.

"Inom ba?" Tanong ni Marky sa nag-aalala lang na tono.

"Hindi, hindi. Ano, kakanta ako. Pinilit ako eh."

"Aba." Natawa na rin si Marky. Hindi naman kasi ito palakanta. Pag-hum nga lang ang ginagawa nito minsan. "Puwede parinig?"

"Ehhh... Ikaw ah, inaasar mo ako."

"Hindi ah. Parang gusto ko lang marinig pagkanta mo sa videoke eh."

"Pero natatawa ka? Ganon?"

"Teacher Niiix!" Boses na naman ni Teacher Riz.

"O-oo, andiyan na!" Sigaw ni Monic. "Bye na, Marky. T'saka na lang kita kakantahan ha?"

"Sure. Aasahan ko 'yan, mahal kong reyna."

Natawa na naman ito. "Mm. Mamaya na lang ulit. I love you."

"Oh, I love you too."

Parehas silang natawa bago tinapos ang tawag. Nanghihinayang nga lang si Marky at hindi na niya naipaalam dito ang kasalukuyang nangyayari sa side niya.

Hay... Mamaya na nga lang...

Hindi nagtagal ay bumalik na si Yvette sa puwesto nila.

"Sobrang saya lang ng anak natin ngayon huh?" Tila pagmamalaki nito sa kanya, pero hindi niya ito sinagot. Tinuon na lang tuloy nito ang paningin sa anak nilang naglalaro. "Sana, ganito na lang tayo palagi..."

Nabahala naman si Marky sa binulong ni Yvette.

Kailangan mo na talaga siyang makausap, Marky. Ngayon na.

"Yvette..." Mahinahon niyang tawag dito. Nakapag-desisyon na siya. Kakausapin na niya ito. Sa tingin niya ay iyon na ang tamang pagkakataon. Tutal din naman ay walang ibang customer na nakapuwesto malapit sa kanila.

"Hm?" Nakangiti siyang nilingunan ni Yvette.

Huminga naman siya nang malalim bago muling nagsalita.

"Yvette, puwede bang... Puwede bang ayusin na natin 'to?"

"Ayusin? Ang alin?" May ideya na ito sa gusto niyang ipahiwatig, nakikita iyon ni Marky sa mga mata nito. Pero talagang mas pinili nitong mag-patay malisya?

Tumikhim siya.

"Si Monic... Yayayain ko na siyang magpakasal."

Sa sinabing iyon ni Marky ay naglaho ang ngiti sa mga labi ni Yvette at napalitan ng pag-ngisi.

"Wait... Nagmamadali ka naman yata sa bagay na 'yan, Marky? Nung isang buwan lang kayo nagkabalikan ah, tapos yayayain mo na agad siyang magpakasal?"

Napatitig sa dalaga si Marky. Kitang-kita lang niya inis na kinikimkim nito.

"'Di ba sabi mo noon, huwag na namin sayangin ang pangalawang pagkakataon na binigay sa aming dalawa?" Paalala niya rito. "Ayun lang ang ginagawa ko, Yvette."

"And you think I really mean that?" Pambabara nito sa kanya. Halos mawala na ang pagtitimpi sa boses nito. "You think that's what I really want you to do?"

Napatitig na naman dito si Marky. Alam na niyang kontra talaga si Yvette sa pagbabalikan nila ni Monic, pero ikinabigla pa rin niya ang pag-amin nito ngayon sa bagay na iyon.

Nagbuntung-hiningang muli si Marky kasabay ng pagsuklay ng isang kamay sa kanyang buhok. The situation he was currently in was stressing him out so much. Nagsisisi na nga siya na in-open up pa niya ang tungkol sa balak niyang pagpapakasal sa kanyang nobya. Pero, kailangan niya 'yung gawin eh.

"Ang galing 'no?" May pait sa boses ni Yvette nang sirain nito ang bigla nilang pananahimik. "Ngayon, sinasabi mo sa akin ang plano mong pagpapakasal sa ibang babae. Samantalang noon... magpapakasal ka na dapat sa akin. Pero bigla ka na lang umatras. Bigla ka na lang lumayo. Bigla mo na lang akong iniwan."

"Alam mo naman kung bakit 'di ba?" Frustrated nang tugon ni Marky. Hindi niya gusto na binabalikan pa nito ang mga nangyari sa nakaraan.

"Oo, alam ko. At hindi ko 'yon matanggap." May galit at sakit sa tono ni Yvette. "Bakit ka ba kasi ganyan, Marky? Bakit ba hindi mo ako magawang mahalin? Nanay ako ng anak mo, at ginawa ko naman na noon ang lahat para sa'yo. Pero bakit si Monic pa rin? Bakit hindi na lang ako?"

Nakonsensya si Marky. Pero wala namang tao na nakakakontrol sa pagtibok ng sariling puso 'di ba? Kung nasasaktan niya ito, hindi niya sinasadya. Hindi niya iyon gusto.

"Ikaw, Yvette, bakit ba ako pa rin ang mahal mo? Bakit ba hindi mo magawang pigilan ang sarili mo na mahalin ako?" Kalmado niyang balik na tanong dito, pero hindi ito makasagot. "Parehas lang tayo, 'di ba? Sa loob ng limang taon, hindi ko nagawang pahintuin ang nararamdaman ko para kay Monic. Ginusto ko, pero hindi ko nagawa. Kahit sobrang sakit na, hindi pa rin ako makatigil sa pagmamahal sa kanya at hindi ko alam kung bakit. Kaya wala rin akong maibibigay na kasagutan sa mga tanong mo, Yvette. Kung bakit hindi kita magawang mahalin, hindi ko alam."

Hindi pa rin ito sumasagot, dahilan para lalo siyang makonsensya.

"Sorry, Yvette. Hindi kita gustong saktan o masaktan, pero anong magagawa ko?"

"Wala kang magawa... Kaya hahayaan mo na lang na pati ang anak natin, masaktan?"

Narindi naman si Marky sa kanyang narinig.

"Tanggap ni Alannah ang relasyon namin ni Monic. Ikaw lang, Yvette, ang gumagawa ng mga bagay na nakakasakit sa kanya."

Bahagyang napanganga at kumunot ang noo ni Yvette.

"Hindi..." Umiiling-iling pa ito para itanggi ang sinabi niya.

"Yvette--"

Bigla itong tumayo.

"T-tama na. Ayoko nang makipag-usap tungkol sa bagay na 'yan, Marky." Nanggigigil nitong sabi bago sinakbit ang shoulder bag at umalis--but not without him catching a glimpse of her teary eyes.

Wala naman nang nagawa si Marky bukod sa umungot at guluhin ang sariling buhok. Pagkatapos ay tinignan ang anak na naglalaro pa rin at walang kamalay-malay sa nangyari.

Kanina, masaya ang anak niya. Mamaya, sigurado siya, na malulungkot naman ito sa biglaang pag-alis ng ina nito.

"Sorry, Alannah..." Bulong niya, sabay sapo ng isang palad sa kanyang mga mata.


--TBC

Continue Reading

You'll Also Like

173K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...
160K 3K 52
All Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.
148K 3.3K 62
Love is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?
103K 2K 43
Lander and Danica started a story they didn't know it was coming. They ventured new things that were just capable of doing by the both of them. They...