Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 38: Make It All Okay

7.4K 212 12
By HippityHoppityAzure

Chapter 38: Make It All Okay

WHAT... JUST HAPPENED?

Tulala si Monic matapos umakyat nang umiiyak si Alannah. Maging ang mag-inang kasama niya ay natulala rin sa mga nangyari.

"Ma," si Marky ang unang nagsalita, ang boses ay may bahid pa rin ng galit. "Anong nangyari kay Alannah? Bakit... Bakit nagsalita siya nang ganon?"

"Hi... Hindi ko alam." Sagot ni Malou na mukhang napaisip at pilit na may inaalala.

Tumayo na si Marky at hinarap si Monic. Sa pagtama ng paningin nila ay may tumulong luha mula sa mga mata niya na agad-agad niyang pinunasan gamit ang sariling mga kamay. Ang sakit kaya para sa kanya ng mga salitang narinig mula sa anak nito. Alam naman niyang hindi iyon sinasadya ng bata at paniguradong nasulsulan lamang ng ina but heck, it really hurt her. Never niya 'yong inasahan eh dahil ang alam niya ay okay na okay ang relasyon nila. Tapos, ganon?

"Nix," kumalma na ang boses ni Marky. Kasabay no'n ay ang paglapit nito sa kanya at ang pag-ako sa pagpupunas ng mga luha niya. "Sorry sa inasta ng anak ko. Hindi bale, kakausapin ko siya at pagsasabihan."

Biglang nagkaroon ng panggigil sa boses ng binata na ikinabahala ni Monic. Bumitaw na ito sa kanya at humakbang para sundan ang anak.

"No," hinawakan ni Monic ang mga kamay nito para pigilan ito. "Puwede bang... Puwedeng ako na lang ang kumausap sa kanya?"

"Pero baka sigawan ka lang niya ulit." Mukhang isipin pa lang ni Marky ang bagay na iyon ay nagagalit na agad ito. He was too much frustrated of the situation that he couldn't control his anger. Kaya ayaw na muna ni Monic na kausapin nito si Alannah eh. Baka sigawan lang din nito ulit ang anak na maaaring magpalala sa maling pagkakaintindi ng bata sa mga nangyayari.

"Hindi na 'yon... I can handle her, so please let me." Right, she could do it so. Sa pagkakakilala niya kay Alannah noong nag-aaral pa ito sa nursery school nila ay alam na niya ang kanyang kailangang gawin sa sitwasyon nilang iyon.

Saglit siyang tinitigan ni Marky, as if tinitignan pa nito kung okay na siya at kaya na nga niyang kausapin si Alannah.

"Please?" Pakiusap niya ulit dito.

"Okay..." Finally, Marky gave in. "Sige, ikaw na ang kumausap sa kanya..."

Nakangiting tumayo si Monic, squeezing his hands.

"Thank you, Marky. Don't worry. It's gonna be fine."

Nginitian na rin siya nito, still with worry though. Kaya pinisil muli ni Monic ang mga kamay nito, bago bumitaw at sinundan si Alannah.

***

SINUNDAN NG TINGIN ni Marky ang pag-akyat ng kanyang nobya sa ikalawang palapag ng pamamahay nila ng kanyang ina. Natatakot siya sa maaring maging asal muli ng kanyang anak dito. Nasaktan na ito kanina, at ayaw niyang maulit iyon. Wala naman itong ginagawang mali eh, at wala namang katotohanan ang mga sinabi ng anak niya. Monic didn't deserve such treatment from the kid.

Pero... pinagkakatiwalaan niya si Monic sa plano nitong makipag-usap kay Alannah. Kung sa pag-handle lang ng mga bata, may mas karanasan ito. She really could do it. Naniniwala siya roon--at nananalig.

"I-I hate you, Daddy!"

Bahagyang humupa ang galit na kanyang nararamdaman at unti-unting nangibabaw ang sakit mula sa sinigaw sa kanya ng kanyang anak. Sa mga ginagawa niya para rito bilang isang ama, makakatanggap siya bigla ng ganung mga salita mula rito? Pero naiintindihan naman niya. Bata pa si Alannah at madaling maniwala sa mga bagay na sinasabi ng kahit na sino, lalo na ng mga taong malapit dito--gaya na lang ng ina nito.

Yvette...

Bumalik ang galit na nararamdaman ni Marky nang isipin ang posibleng sinabi ni Yvette sa kanilang anak. No, hindi pala posible, kundi mismong sinabi nito sa bata. Sigurado siya na dito nanggaling ang bawat salitang binitiwan ni Alannah kanina.

Dinukot ni Marky ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon at hinanap ang numero ni Yvette. Pagka-tawag sa numero nito ay naglakad siya papuntang sala.

"Anak, teka. Sino 'yang tinatawagan mo?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina na sinundan siya.

"Si Yvette." Sagot niya kasabay ng pag-ring ng linya.

"Huwag muna," inagaw bigla ng kanyang ina ang cellphone na nakatapat na sa kanyang tenga. In-end pa nito agad-agad ang tawag.

"Ma?" Halos pagtaasan niya ng boses ang matanda.

"Huwag mo muna siya kausapin hangga't ganyan kainit ang ulo mo." Pangangaral nito.

"Sino ba namang tatay ang hindi iinit nang ganito ang ulo sa nangyari? Kung anu-anong hindi magagandang salita ang lumabas sa bibig ng anak ko na paniguradong sa nanay niya nanggaling!"

"Okay, naiintindihan ko ang punto mo, Marky, pero ano naman kayang maidudulot ng gagawin mong pagkumpronta ngayon kay Yvette nang ganyan ka? Naisip mo ba 'yon? Naisip mo ba na maaaring mag-away kayo at lalong madamay ang anak niyo sa alitan niyong dalawa? Kasi ngayon palang, dinadamay na siya ni Yvette. Paano pa kaya kung lalo pa kayong magkagulo? Hindi ba dapat mas iniiwas mo si Alannah sa gulo niyong dalawa?"

Biglang nanghina si Marky. Nakakaramdam siya bigla ng awa sa kanyang anak na nadadamay sa hindi nila pagkakasundo ng ina nito.

"Hangga't maaari, ayusin niyo 'yan sa maayos na paraan, Marky. Huwag 'yung paiiralin niyo ang init ng ulo niyo hanggang sa umabot kayo sa punto na pag-aagawan niyo ang anak niyo o papipiliin siya kung kanino niya gusto sumama. Kawawa naman ang bata, Marky, kapag mangyari 'yon."

Nanlalatang umupo sa sofa si Marky at napaisip. In-imagine niya ang mga sinabi ng kanyang ina at hindi niya yata kayang malagay sa ganong sitwasyon ang kanyang anak. Masyado 'yung magiging mahirap at masakit sa napakamurang edad nito.

Nilapitan siya ni Malou at tinapik-tapik sa balikat.

"Marky, si Alannah na muna ang kausapin mo. Puwede ba?"

Napabuntung hininga siya.

"Hindi sinasadya ni Alannah 'yung nangyari. Wala pa talaga siyang naiintindihan, pero grabe mo siyang nasigawan kanina. Aluin mo siya, ha? Nako, buti pa si Monic eh, alam ang gagawin."

Napangiti si Marky at nakaramdam ng pagkahiya. Siya ang magulang sa kanilang dalawa ni Monic pero mas kaya pa yata nitong gampanan ang papel na iyon. But her girlfriend already having that parental skill... he felt so lucky to be in love and to be in a relationship with her.

"Opo..." Tumayo na siya. "Makikipag-ayos na po ako sa prinsesa ko."

Napangiti ang kanyang ina. "Good." At tinulak siya nito, dahilan para matawa silang dalawa.

***

PAGKAAKYAT NI MONIC sa ikalawang palapag ay dumiretso siya sa kuwartong alam niya na tinutulugan ni Alannah kasama ang lola nito. Nakauwang ang pinto ng kuwartong iyon kaya hindi na siya kumatok at sumilip na lang sa loob. Doon nakita niya si Alannah na nakahiga patagilid sa kama at umiiyak habang may unan na yakap-yakap at takip-takip sa mukha.

Bumigat ang pakiramdam ni Monic. Hindi talaga niya gustong makakita ng batang umiiyak. Seeing one always broke her heart. Lalo na sa pagkakataon na iyon na alam niyang isa siya sa dahilan kaya umiiyak nang ganon si Alannah.

Tahimik siyang pumasok ng kuwarto at umupo sa tabi nito.

"Alannah?" Malambing niyang tawag sa bata sabay haplos sa likod nito. Pero hindi ito kumibo at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

Haay...

Hinayaan niya itong umiyak lang nang ilang saglit bago siya muling nagsalita.

"Alannah," pilit niyang inalis ang unan na nakatakip sa mukha nito. Luhaan ito at pulang-pula ang ilong at mga mata nito. "Tahan ka na oh? Huwag mo na isipin 'yung nangyari kanina. Kasi... love ka naman talaga ng daddy mo." At kinuha niya ang kanyang panyo mula sa bulsa ng jeans niya at ipinunas iyon sa mukha ng bata.

"Hi... Hindi niya ako love." Sagot nito habang humihikbi. "Ayaw na niyang umuwi dito--at makasama ako. Kasi--kasi ikaw na lang ang love niya. Sabi pa ni--ni Mommy, kapag nagalit si Daddy sa akin, hin--hindi na niya talaga ako love. Kaya ayaw ko na po sa'yo--Tita Nix. Pati si Daddy, ayaw ko na. Hindi ko na--kayo love!"

Kung kanina, nasaktan si Monic sa parehong mga salita na binato nito sa kanya, ngayon, natawa na lang siya. She even found Alannah cute while saying those words. Very innocent, indeed. Kawawa lang dahil ginagamit ng sariling ina para sirain ang relasyon nila ng ama nito.

"Alannah, listen to me." Marahan niya itong hinatak para paupuin sa kandungan niya at sumunod naman ito. That proved Monic that the little girl didn't mean every word she said. Obviously, hindi pa nito malaman kung ano ang totoo sa hindi. At hindi pa ito sigurado kung talaga bang hindi na siya nito mahal at ang sariling ama. "Nagalit nga kanina sa'yo ang daddy mo, pero hindi dahil sa hindi ka na niya mahal. Nagalit siya dahil may mali kang nagawa. Sinigawan mo ako, ako na mas nakakatanda sa'yo. 'Di ba? Tama ba ang ginawa mong 'yon, Alannah?"

Umiling ito habang humikbi-hikbi. "Pero kasi, ikaw--ikaw na ang love ni Daddy."

Natawa na naman si Monic at bumalik sa pagpupunas ng mukha nito.

"Alannah, 'yung mga sinabi kasi ng mommy mo... Mali eh. Mali siya ng pagkakaintindi at mali rin ang mga nasabi niya sa'yo." Kahit naiinis si Monic sa dati niyang kaibigan ay hindi pa rin niya maatim na siraan din ito sa sarili nitong anak. "Ganito kasi talaga 'yon... Oo, love nga ako ng daddy mo, pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ka na niya love. Ang totoo nga niyan, mas love ka niya kung sa akin lang. Ikaw ang mas love niya kasi ikaw ang anak niya, ang baby niya, ang prinsesa niya. "

Monic paused, and thought about that one time na inisip niya ang bagay na iyon. Dati, nakaramdam siya ng selos nang isipin niya na malamang, mas mahal ni Marky si Alannah. Pero ngayon... wala na iyon sa kanya. Tanggap at mas gusto na niya na mas mahal ni Marky ang anak nito kaysa sa kanya dahil bilang isang ama, tama at dapat lang iyon.

"Hindi ka nga lang mas love ni Daddy eh," tuloy niya sa kanyang sinasabi kay Alannah. "Ikaw ang pinakamamahal niya sa buong mundo. Kaya lahat, gagawin niya para sa'yo. Kaya kahit sa malayo siya tumira, kahit gusto ka talaga niyang makasama, nagtitiis siya para makapagtrabaho at magkapera at maibigay ang mga pangangailangan mo. Ganon ka niya kamahal, Alannah."

Natulala na lang ang bata at tumigil na sa paghikbi. Mukhang napapaisio ito sa nga sinabi niya.

"Tapos, sinabihan mo si Daddy mo kanina na hate mo siya? Nako... Birthday pa naman niya ngayon... For sure, nasaktan at nalungkot 'yon kanina sa sinabi mo..." And I was, too. Gusto niya sanang ihabol. Pero hindi na mahalaga 'yon.

"Love ko si Daddy!" Naiiyak nitong paglilinaw.

Napangiti roon si Monic. Success.

"Alam ko, love mo talaga siya." Inayos niya ang buhok nito. "Kaya mag-sorry ka mamaya sa kanya, ha? At sabihin mo rin kung gaano mo talaga siya ka-love."

Determinado itong tumango, making Monic feel more successful.

"Very good." Sabi niya rito at muling bumalik sa pagpupunas ng mukha nito. Nang sa wakas ay wala na itong bahid ng luha ay niyakap naman siya nito.

Oh, Alannah...

Smiling, she hugged the little girl back

"Prinsesa ko?" Biglang tawag ni Marky sa natural na malambing nitong boses. Parehas silang napatingin ni Alannah sa may pintuan kung saan ito nakasilip.

"Uy, ayan na si Daddy oh..." Bulong niya sa bata.

Nang maglakad na palapit sa kanila si Marky ay nag-angat ng ulo si Alannah.

"Daddy, sorry po... Love po talaga kita..." Para namang iiyak ulit ito.

Kamuntikang matawa si Marky, pero obvious ding na-touch sa nga sinabi ng anak.

"Halika nga." Kinuha ni Marky si Alannah mula kay Monic at pinanggigilan itong buhatin. Alannah did the same thing, burying her face on her daddy's neck. "Wala na 'yon, prinsesa ko. Love din kita. Love na love na love na love na love."

Natawa si Monic sa kanyang napapanood. So cute.

"Kayo ni Tita Nix, okay na? Nag-sorry ka na rin ba sa kanya?"

Tinignan siya ni Alannah

"Tita Nix, sorry po... Love din po kita talaga..."

Nginitian niya ito nang malapad at tumayo rin para mahaplos ang ulo nito.

"Okay na tayo, Alannah... And love ka rin ni Tita Nix..."

"Eh ako?" Tanong bigla ni Marky.

Nginusuan at binelatan lang ni Monic ang kanyang nobyo. Natawa naman ito at hinatak siya para mayakap din gamit ang isang braso, habang ang isa ay karga pa rin ang anak.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa, tandaan niyo 'yan." He told them, making her and Alannah smile and hug him back.

***

MALOU WAS VERY much glad to see na mabilis nakuhang muli nina Marky at Monic ang loob ni Alannah. Halos magbunyi siya nang makita ang tatlo na sabay-sabay bumaba ng hagdanan. Marky was carrying Alannah, na todo namang nakayakap sa ama. While Monic was smiling beside them. All the three of them actually were smiling. Halata nga lang sa mukha ng kanyang apo ang todong pag-iyak na ginawa.

Matapos ang nangyari ay natuloy sila sa pag-celebrate ng birthday ni Marky. Ang alam ni Malou ay ipapasyal nung dalawa si Alannah pero nagbago yata bigla ang plano ng mga ito. Lumabas ang mag-ama kasama si Monic para lang bumili ng pang-handa, at pagkatapos ay nagtulung-tulong silang lahat sa pagluluto at pag-aayos doon sa bahay.

Sina Marky, Monic, at Alannah--para na silang isang masayang pamilya na ikinatutuwang makita ni Malou. Sa saya na nakikita niya sa mga ito eh may punto na parang gusto niyang magpaalam na lalabas muna para maibalato niya sa kanyang anak ang moment na iyon. Pero... nagagawa ng mga ito na iparamdam sa kanya na parte siya ng pamilyang iyon. Kaya naman nanatili siya kasama ang nga ito hanggang sa matapos ang salo-salo nila.

Nang muling umalis ang tatlo upang ihatid pauwi si Monic, lalong lumalim ang pag-iisip ni Malou tungkol sa mga ito. Masaya nga siya para sa nga ito, ngunit hindi niya rin maiwasang mabahala at mag-alala. Dahil alam niya, hindi mananatiling ganon kasaya ang mga ito. Hindi, hangga't hindi pa naaayos ang gusot sa pagitan ng mga ito at ni Yvette.

Kanina nga habang nagsasalo-salo sila ay hindi siya mapakali. Baka kasi biglang mapaaga ang uwi ni Yvette at maabutan sina Marky at Monic. Napansin naman niya na mukhang handa si Marky sa maaaring pagdating ng dalaga, pero malakas ang pakiramdam niya na hindi malayong magkagulo kung sakaling magtagpo ang landas ng mga ito ngayon. Mukha kasing ayaw palampasin ni Marky ang mga sinabi nito kay Alannah. At si Yvette, mukhang walang balak magpatalo sa issue na iyon.

Hindi malaman ni Malou ang kanyang nararamdaman sa ina ng kanyang apo. Nagagalit? Parang. Hindi siya sigurado. Maling-mali para sa kanya ang ginawa nitong pagsabi ng mga maling bagay kay Alannah. Pero nay malaking parte sa kalooban niya na nagnanais na maintindihan ang nararamdaman at tumatakbo sa isipan nito. Parang kaysa magalit ay naaawa siya sa dalaga. Wala na nga kasi itong nga magulang. Pakiramdam niya ay kailangan niyang punan ang papel na iyon sa buhay nito para gabayan ito. Kahit pa may katigasan ito ng ulo, gusto niya 'yung gawin. Dahil gusto niya na mapakiusapan ito at matapos sa maayos na paraan ang hindi pagkakaintindihan na meron ito sa kanyang anak, para naman hindi na masyadong naapektuhan ang kanyang apo na walang kamuwang-muwang sa sitwasyon ng mga ito.

"Nandito na kami!" Rinig niyang sigaw ni Marky mula sa sala.

"Lolaaa!" Napakalambing naman na sigaw ni Alannah.

Tumayo siya sa kinauupuan sa kainan at sinalubong ang mag-amang magkaakay.

"Umuwi na talaga si Nix?" Tanong niya sa mga ito.

"Opo." Sagot ni Marky. "May mga kailangan pa po siyang gawin eh. At oo nga po pala... Okay lang po ba, Ma, kung isama ko muna si Alannah sa Pasay?"

"H-huh?" Ikanabigla niya ang narinig.

"Lola, please!" Excited siyang nilapitan ni Alannah at hinawakan ang dulo ng kamison na suot. "Puwede po akong sumama kay Daddy, 'di ba?!"

"Mga hanggang Friday lang naman po, Ma. Papakita ko lang po sa kanya ang pinagkakaabalahan ko do'n." Paliwanag pa ni Marky.

"Uh eh, sa akin, okay lang. Ewan ko lang kay... alam mo na." Alanganin niyang sagot habang yakap-yakap ang ulo ng apo. "Mabibigla 'yon kapag umuwi nang wala si Alannah."

"Kapag ganon, pakisabi na lang po sa kanya na tawagan niya ako."

"Baka... Baka mag-away kayo..." Talagang nag-aalala siya sa sitwasyon nito at ni Yvette. Alam niya kasi na sobra 'yung makakaapekto kay Alannah.

"Huwag po kayo mag-alala, Ma. Ayaw ko na rin po na magkaaway kami. Kaya 'yung mga sinabi niya kay Alannah, wala na. Babalewalain ko na lang. Ang sa akin na lang ay gusto kong makasama ang anak ko doon sa tinutuluyan ko nang isang linggo. Wala naman pong masama doon 'di ba? Tatay naman ako ng anak niya. Karapatan ko 'yon."

Napatango-tango na lang si Malou. Hindi naman nga siguro mamasamain ni Yvette iyon. Tutal naman kasi, araw-araw itong wala. Madalas pa, maaga umaalis at gabi na nakakauwi. Sobrang saglit na nga lang ang oras na nailalaan nito sa anak eh.

"Oh prinsesa ko, mag-ayos ka na ng mga damit mo." Utos ni Marky sa anak.

"Yey!" Napatalon si Alannah dahil sa sobrang galak. "Lola, help mo po ako!"

"Sige, sige." Nakangiti niya itong hinawakan sa kamay upang akayin.

"Ay, saglit, Ma."

Natigilan naman silang mag-lola at hinarap si Marky.

"Uhm, Alannah, una ka na sa taas." Utos ulit ni Marky sa anak. "Pili ka na ng mga damit at kung ano pang dadalhin mo."

"Mm!" Masayang tumango ang bata at nagmadaling pumanhik sa itaas.

"Marky, bakit?" Nag-aalalang tanong ni Malou sa anak. Mukha kasing maselan ang nais nitong sabihin sa kanya para paunahing paakyatin si Alannah.

"Ano po... Uhm..." Napahawak ito sa batok. "'Di ba, alam niyo po 'yung ano, 'yung gold na singsing na ibibigay ko dapat kay Nix noon? Nung... nagkataon na nagkahiwalay kami..."

"Ah, oo." Namilog ang mga mata ni Malou. "Yayain mo na dapat siyang magpakasal no'n 'di ba?"

Nahihiyang ngumiti si Marky. "Uhm, tinabi ko po 'yon sa isa sa mga kahon sa taas eh. Kapag may oras po kayo, puwedeng pakihanap at pakibigay sa akin?"

"Hindi... Nakita ko na 'yon eh... Teka."

Madali siyang umakyat sa kuwarto kung saan abala na ang bulinggit niyang apo sa paghahanap--o pagkakalat--ng damit sa sarili nitong cabinet. Natawa siya roon bago lumapit sa katabi nitong cabinet. Sa lagayan niya ng alahas, nakita niya ang maliit na box na naglalaman ng gold ring na tinutukoy ni Marky. Agad niya 'yung binaba at binigay sa anak.

"Woah." Lumiwanag ang mukha ni Marky nang mapasakamay ang kahon ng singsing na hinahanap. "Thank you po, Ma."

"Bakit bigla-bigla mo 'yang hinanap? Yayayain mo na bang magpakasal si Monic?" Tukso niya rito.

Natawa naman ito at umupo sa sofa habang nakatitig sa singsing sa loob nung kahon.

"Hindi pa naman po..." Sinara nito ang kahon at nakangiti siyang tinignan. "Pero nagbabalak at nagpaplano na po ako."

Ginantihan niya ang ngiti nito. Gusto nga rin sana niya sabihin na nakita at alam na ni Monic ang singsing na iyon gawa nang ito ang nakakita roon nang mahalo iyon sa basurahan nung minsang maglinis siya. Pero ayaw naman niyang i-spoil ang sayang nararamdaman ng kanyang anak ngayon.

"Oh well, Marky. Alam mo na ang say ko diyan." Sabi niya rito. "Nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong ha?"

Tumango ito at pigil na natawa. "Thank you po talaga, Ma. You're the best."

Nginitian nang malapad ni Malou ang anak bago tumalikod upang balikan naman ang apo, but not without a silent prayer.

Sana naman magawa na iyon ngayon ng anak ko. Sana maging maayos na ang lahat sa buhay niya. Please, God.

--TBC

Continue Reading

You'll Also Like

199K 3.7K 21
Dice and Madisson
148K 3.3K 62
Love is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?
7.6K 226 54
(Maybe Duology #1) |Completed| There are thousands of maybe, is there a chance that you will love me?
597K 21.6K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...