Her Unwanted Love (Salvador S...

Por teensupreme

3.7M 53.6K 1.6K

Gremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants s... Más

Her Unwanted Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 16

65.9K 906 28
Por teensupreme

Chapter 16

"Stab the body and it heals, but injure the heart and the wound lasts a lifetime."

― Mineko Iwasaki

***

"NGAYON AKO mamimili ng ingredients para sa lulutuin ko kay Keaton. Sabi ni Myreisl, hindi daw uuwi ang kuya niya sa birthday nito. Wala daw itong sinabi kung paano magsi-celebrate ng birthday."

Dismissal na ng Friday ng balak kong mamili. Nag-research na rin ako sa mga rekado sa mga nais kong lutuin para bukas. Adobong manok, seafood pasta at ang paborito naming dalawa na Japanese maki ang susubukan kong lutuin. Sana nga ay matagumpay kong maluto ang mga iyon kahit wala akong experience. O baka ayain ko rin syang tulungan nalang kami para may bonding naman kami sa kusina. Nais ko rin sanang ako mismo ang mag-bake ng birthday cake pero baka dadagdag lang iyon sa mga palpak kong gagawin. Napa-iling ako at nag-isip na bumili ng cake sa paborito naming bakeshop.

"Oh? Baka naman paparty sa bar."

"Ang nega mo naman. Samahan mo nalang kaya ako, Iane."

"Naku! Hindi ako pwede ngayon eh. Pinapa-part time ako ni mommy sa bangko namin. Alam mo na, experience. Andyan na nga sundo ko oh, mauna na ako."

"Huh? Hindi mo ako isasabay?" nguso ko nang narating na namin ang waiting area sa tabi ng gate.

"Hindi na kita maisasabay kasi sasakyan 'to ng bangko. Taxi ka nalang, kaya mo na 'yan."

"Huh?" nakanguso akong tumingin sa kanya. "Sige na nga. Bye!" tumawa muna sya sa akin mula sa bintana ng kotse ng kanilang bangko bago umibis ang sasakyan paalis sa aking harapan.

Nang nawala na ang kotse sa aking paningin ay nagsimula na rin akong maglakad papunta sa jeepney stop sa kalsada nang matanaw ko ang papalapit na sasakyan ni Vander.

Tumigil iyon sa tabi ko at agad na lumabas si Vander mula sa kotse.

"Vander? Naku! Umalis na tuloy si Arriane, magpapart-time daw sya sa bangko nila."

"Ikaw talaga ang sadya ko, Grem," nakapamulsa nyang tugon sa akin.

"Huh? Ako? Pero bakit naman?" nalilito kong tanong. "May kailangan ka ba?"

"Libre ka ba n-ngayon? P-Pwede ba tayong lumabas, may s-sasabihin sana ako."

"May lakad kasi ako ngayon, V-Vander. Medyo busy kasi ako, may gagawin ako para sa birthday ni Keaton bukas."

"Ahh, saan ba? Baka pwedeng s-samahan nalang kita?" Mariin ko syang tinignan at nag-isip. Close naman kami ni Vander, in fact, sya nga ang bestfriend kong lalaki. Ayos lang naman kung magkasama kami, maasahan si Vander at tunay syang kaibigan, elementary pa lang kami.

"S-Sige, grocery lang naman ako."





"KUMUSTA NGA PALA ang trato ni Keaton sa'yo? Huli kong narinig ay iyong hindi ka pa rin niya napapatawad pero nagkabalikan pa rin kayo. Hindi ka naman nya siguro sinasaktan, ano?"

Napalingon ako sa kanya mula sa pagkukumpara ng dalawang malaking bell pepper. "H-Hindi. Maayos syang makitungo sa akin, Van. Unti-unti naman kaming bumabalik sa dati. Masaya ako na ganoon, Vander."

"M-Mabuti kung g-ganon," nagdampot siya ng isang mas malaki at mas malinis na bell pepper at binigay sa akin. "Ito oh."

"Salamat, Van," nilagay ko iyon sa cart na tulak-tulak niya. Marami na iyong laman na mga ingredients kulang nalang ay iyong mga karne at iilang gulay na gagamitin ko. "Ano nga pala iyong itatanong mo sa akin kanina?"

"Huh?"

"Iyong sasabihin mo sana sa akin? Ano 'yon? Tungkol saan?" tanong ko at pumunta na doon sa mga nakahilerang carrots.

"Hmm, meron ba? Parang wala naman."

Mahina ko syang sinapak sa balikat. "Meron kaya noh. Teka nga, ikaw na nga mamili kung alin ang presko dito." Tumawa sya at nagdampot ng isang pirasong napaka-orange na carrot.

"Ano pang aasahan sa iyo, Gremaica? Kahit mamili lang ng gulay ... tsk tsk! Pa'no ka magkaka-asawa nyan?" tumawa pa sya bago nilagay sa pushcart ang napiling carrots.

"Grabe ka naman, Van! Ito na nga oh, sinisimulan ko na kaya. I'm willing to learn naman. Dahil gusto kong maging masaya si Keaton at worthy akong babae para sa kanya. Na hindi lang ako basta-basta lang."

Mahina siyang tumango sa akin. Nagpatuloy ako sa paggo-grocery habang nakasunod lamang si Van sa akin, paminsan-minsan nya akong tinutukso kagaya nung high school lamang. Minsan rin kaming nag-usap tungkol sa iilan naming classmates at kakilala hanggang sa magbayad na kami at maglibot sa mall habang maaga pa. Nais ko na sanang pumunta na sa condo ni Keaton para iuwi ang mga na-grocery ko at doon na matulog para hindi na ako mahirapan bukas. Magpapaalam na lang ako sa mga magulang ko. Nais kong makasama si Keaton sa mahalagang araw na iyon, para man lang makabawi.

"Dinner muna tayo?" aya ni Vander nang madaan kami sa isang restaurant.

"Hmm Vander kasi ..."

"It will be really fast, Grem. Kakain lang and then ihahatid na kita." Ayaw ko na sana dahil malapit nang mag-alas siyete baka maunahan ako ni Keaton sa condo nya pero ayaw ko namang hindian ang bestfriend ko na matagal ko ng hindi naka-bonding at tinulungan ako.

"Sige na nga. Basta libre mo!"

Nag-order kami at mabilis rin namang dumating ang mga pagkain namin. Nag-uusap kami tungkol sa naging trabaho nya sa kalagitnaan ng pagkain kaya natuwa na rin ako sa naging bonding namin ni Vander. Hindi ko na rin kasi siya masyadong nakakausap mula nang mag-highschool kami pero kahit ganun ay makikita pa rin ang pagkaka-click ng friendship namin. Walang kupas, ika nga.

Tumawa ako sa naging pasaring niya sa isang katrabaho nang bigla siyang tumigil sa pagtawa at matamang lumagpas ang tingin sa akin. Lumingon ako at natagpuan ang aking repleksyon sa malamig na tsokolateng mata ni Keaton. Nakatayo siya sa aking harapan, nakakunot ang noo at matigas ang pagkakasara ng kanyang mga labi.

Ramdam ko ang galit sa kanyang titig at hindi ko malaman kung matatakot ba ako. Pero mukhang hindi niya na naman naiintindihan ang sitwasyon.

"Keaton ..." sinubukan kong magsalita at tumayo. "Let me –"

"Let's go, Gremaica." Damn that, Gremaica. Tumalikod sya sa akin.

"Keaton, bro, sinamahan ko lang sy -"

"I am not asking for your explanation, Vander. Gremaica, let's go," he used his warning tone at mahigpit na humawak sa braso ko. Nahila niya ako ng isang hakbang at napatingin ang iilang kumakain sa aming dalawa. Ayokong mag-eskandalo pero I want Keaton to understand me. Kung ano man iyong iniisip niya ay kailangan kong magpaliwanag.

"Keaton, mali ang inii –"

"Get your ass walking, Gremaica kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng restaurant na'to," matigas ang kanyang boses at mas sumakit ang pagkakahawak niya sa akin.Mabilis akong tumango at humakbang.

"Wag mo namang ganyanin si Gremaica, bro," nagsalita si Vander sa malumanay pero batid ang katigasan na boses.

"No, ayos lang, Van. Salamat."

"Shut the fvck up. I don't need your words. She's mine." Hinila na muli ako ni Keaton paalis sa mesa pero nang naalala ko ang mga pinamiling grocery ay hinila ko pabalik sa inupuan ko kanina ang kamay ni Keaton. Nilingon niya ako at umigting ang kanyang panga.

"Really, Gremaica?"

"S-Sorry, i-iyong pinamili k-ko kasi." Pinulot ko lahat ng plastic sa isang kamay lang "Sorry, Van. Pero salamat rin," at agad na bumaling na kay Keaton. Kahit mabigat ang lahat ng plastic bags ay mabilis ang lakad ko na nakasunod kay Keaton papunta sa basement parking lot.

Pinatunog niya ang car alarm malayo pa lang kami at agad nang dumiretso sa driver's seat. Hindi man lang niya ako tinulungan sa lahat ng bitbit ko at hindi man lang niya ako nagawang pagbuksan ng pinto. I was so disappointed to him but more to myself, dahil kasalanan ko na naman.

Binuksan ko ang likurang pinto at pinasok roon lahat ng pinamili ko at mabilis ring pumasok sa tabi niya. Hinampas niya ang manibela nang pumasok ako kaya't napatalon ako sa gulat. He's mad, so freaking mad.

"What were you two doing on that fvcking solemn restaurant?"

"K-Keaton, kumakain l-lang kami. S-Sinamahan nya lang ako," kanda-utal ako sa pagpapaliwanag sa isang maliit na bagay. Nilingon niya ako at hindi pa rin plantsado ang kunot sa kanyang noo. Ang lamig sa kanyang mga titig ay naroon pa rin. "S-Sorry," bulong ko.

"You're always saying that damn sorry. Pero wala ka namang ginagawa para mapatawad kita."

Mabilis ko siyang nilingon at kinunutan ng noo. "I am. I am doing everything I can. Sinusunod kita, Keaton. What you saw just now, maliit na bagay lamang iyon. Alam mong kaibigan ko si Vander, matagal ko na siyang kaibigan, alam mo 'yan."

"Matagal mo na 'ring kaibigan si Clark at pinatulan mo sya," he wasn't looking at me as he was saying this.

"Pinatulan? Hindi ko siya pinatulan, Keaton. For Pete's sake, I didn't flirt with Clark. Nil-"

"Stop!" umalingawngaw ang boses niya sa loob ng kanyang Strada. Natakot ako sa mataas niyang boses at nagbabadya ang luha sa aking mga mata dahil hanggang ngayon, issue pa rin sa aming relasyon ang nagawa ni Clark. Malaking gap pa rin iyon sa relasyon namin. Dahil doon, hindi namin mabalik-balik ang dating kami ni Keaton. Maliit na bagay lamang iyon pero habang tumatagal ay mas lalo yata iyong sumusugat sa relasyon namin at nag-iiwan ng peklat. "I don't want to hear your shitty excuses anymore!"

"So, this is all about my sin? May issue pa rin tayo doon?" banayad ang aking boses at humarap sa windshield ng sasakyan. Hindi pa rin kami umaalis sa parking lot ng mall.

"We will always have that issue in us."

"Then, why don't we sort this out? Fix this? Para mawala na ang issue na ito."

"I c-can't." Hindi siya lumilingon na sumagot sa akin at mabagal na pinaandar ang makina ng sasakyan.

"I am always ready to explain pero ayaw mong makinig."

"Dahil alam kong babaliktarin mo lang ang rason mo sa kung anong totoong nangyari." Pinaandar na niya ang kotse para makaalis roon.

"Ganoon ba ang pagkakakilala mo sa akin? Sa mahigit labing-pitong taon nating pagkakakilala, ganoon lang ang pagkatao ko para sa'yo?" Tumulo ang aking luha dahil sa sakit at kirot. Hindi ko akalaing sa lahat ng tao sa mundo, ang huling taong hindi ko inaasahang huhusga sa akin ay sya nga'ng humusga sa akin.

Hindi siya sumagot bagkus ay binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse sa kahabaan ng highway.

Masakit na. Malapit nang mapigtas ang tali kong umaasa na maaari pa kaming bumalik ni Keaton sa dati. Iyong walang ibang iniisip kundi ang mga araw na magkasama kami at magsasama pa. Hindi na kami ang mga taong iyon, binago kami ng sakit at pagsubok na kung tutuusin para sa ibang relasyon ay kaya naman nilang lagpasan pero bakit kami, hindi namin kaya?

"Sa condo mo ako uuwi, Keaton."

"What?" mabilis niya akong nilingon.

"Doon ako sa condo mo matutulog."

"Why?"

"Please."

"Iuuwi kita."

"No, please. Sa'yo ako uuwi."

Para masalba pa ang relasyon namin, siguro kailangang maramdaman ni Keaton na binibigay ko ang sarili ko sa kanya ng buong-buo. Iyong dapat wala syang pangambahan sa akin. Iyong maisip nyang sya lang. Kung kailangang walang ibang tao sa gitna ng relasyon namin, gagawin ko. Iiwas ako sa iba na makakapag-isip sa kanya ng hindi maganda. Umaasa pa rin ako sa kinabukasan ng relasyon namin ni Keaton.



***

Note: Sorry for the long wait. Midterms, right? Hell week.

Seguir leyendo

También te gustarán

13.7K 482 39
Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking t...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
3.2K 168 38
(Book #01 of Petal Doulogy) Wren Luinne Montaños had a crush since child to her childhood friend, Horace Kale Merande, a son of her nanny. But when h...
49.6K 1.2K 75
Venus loved them so, so much; but it wasn't enough to make them stay with her... for good. Hephaestus took all she loved the most away. He murdered h...