Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 37: Yell

8K 189 17
By HippityHoppityAzure

Chapter 37: Yell

MONIC WAS IN a deep sleep, nang maramdaman ng katawan niya na kailangan na niyang gumising. Inaantok pa siya, pero wala siyang laban sa body clock niya. Kahit gusto pa niyang ituloy lang ang pagtulog, her eyes betrayed her so. Dahan-dahan siyang dumilat at bahagyang ikinilos ang katawan.

Inaantok siyang nagkusot ng mga mata, nang matauhan siya sa kasalukuyan niyang estado--walang saplot sa ilalim ng kumot, ang ulo ay nakapahinga sa ibabaw ng hubad na dibdib ng isang binata, ang isa niyang braso ay nakayakap sa tiyan nito.

"Magandang umaga, mahal kong reyna..."

Bumilis naman ang pagtibok ng kanyang puso nang marinig ang boses na iyon ng kanyang nobyo--ng lalaking pinagbigyan niya ng kanyang lahat-lahat kagabi.

Marky...

Tiningala niya ito at nasilayan ang matamis na may pagkapilyo nitong ngiti sa kanya.

Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ni Monic kasabay ng pagpasok sa isip niya ng bawat detalye ng mga nangyari sa kanila kagabi. Them making out, then she asking him to bring her there on his bed to do it.

Wow. Ako pa talaga ang nagyaya!

Bukod pa do'n, siya ang naghubad ng damit nito. At ang kamay niya, nagawa niyang ihawak sa kung saan-saang bahagi ng katawan nito.

Grabe. Paano ko nagawa ang mga 'yon?!

Nakaramdam ng hiya si Monic, dahilan para lumayo siya sa kanyang nobyo at ikubli ang sarili sa ilalim ng kumot.

"Uy, Nix?" Gulat at nagtatakang tawag ni Marky. "Bakit ka nagtatalukbong?" Sinubukan nitong alisin ang kumot sa bandang ulo niya pero hindi niya ito hinayaan. "Uy..."

May pag-alala na sa tono ni Marky. Doon naman nakaramdam si Monic ng pagka-guilty kaya ibinaba na niya ang kumot hanggang sa may ibaba lang ng kanyang mga mata--sapat lang para makita ang binata na nasa itsura rin ang pag-aalala at pagtataka.

"N-nahihiya lang ako..." Dahilan niya rito.

Tinitigan lang siya ni Marky, bago bahagyang ngumiti at magsalita.

"Nahihiya? O may gusto ka lang makita ulit diyan sa ilalim ng kumot?"

Na-gets naman ni Monic ang pinapahiwatig nito kaya nakaramdam siya ng pag-init sa kanyang mga pisngi.

"Hindi 'no!" Kontra niya agad.

Natawa si Marky at hinatak siya para mayakap. Again, ipinahinga nito ang kanyang ulo sa dibdib nito at ipinapulupot ang isa niyang braso sa katawan nito.

To feel his warm embrace--it was perfect. Idagdag pa roon ang paghalik nito sa kanyang buhok, sa kanyang sintido, sa kanyang ilong, at sa kanyang mga labi--pati na ang pagtititigan nila nang malapitan pagkatapos. Parang sasabog lang ang puso ni Monic sa pagmamahal na nararamdaman niya mula at para sa lalaking ito. Kaya kung naibigay na niya ang lahat-lahat niya rito, wala siyang pinagsisisihan. Walang-wala.

Sa pagtititigan nilang dalawa, bigla-bigla na lang silang napangiti at halos matawa.

"Bakit ka natatawa, huh?" Sita ni Monic kay Marky kahit ba siya mismo eh natatawa rin.

"Ewan ko ba... Ikaw, bakit ka ba natatawa?"

"Ewan ko nga ba rin... Teka, hanggang kailan ba natin balak magtitigan at magyakapan nang ganito dito?"

"Ikaw ba, hanggang kailan mo balak? Kasi ako... wala na akong balak na pakawalan ka pa. Hindi na ulit--habangbuhay."

Lumapad ang ngiti ni Monic sa mga sinabi ng kanyang nobyo.

Talaga nga naman. Ang aga-aga, bumabanat agad.

Hinawakan niya ito sa isang pisngi habang patuloy silang nagtititigan. And there it was again. 'Yung pagkalunod sa pagmamahal na pakiramdam.

"You, always make me fall--deeper and much deeper each and every time. Sa ngayon, sobrang lalim na ng pagkakahulog ko. So sa tingin mo ba, may kawala pa ako nito sa'yo?"

Sa mga sinabi ni Monic, si Marky naman ang napangiti nang malapad. Niyakap pa nito ang isang braso sa kanyang mga balikat bago sumagot.

"Wala na... Wala, wala, wala..."

"Baliw." Natatawa niya itong nahampas sa dibdib, at hinalikan naman siya nito sa noo bilang ganti.

Napapikit si Monic sa pagdiin ng mga labi ng binata sa kanyang noo. It felt so great that Monic wouldn't mind staying with him like that for a whole day. Kaya lang...

"Uy, tara bangon na tayo." Yaya na niya rito sabay silip sa digiclock sa may bedside drawer. Passed 9am na. "Si Alannah, ipapasyal pa natin 'di ba?"

Marky groaned, not in annoyance but in slothfulness. Parang gusto nga nitong sabihin na "Mamaya na 'yon." But it was Alannah they were talking about, his very pretty and charming little daughter na napakahirap tiisin at balewalain.

Umupo na si Monic, with the blanket covering her chest, at inikot ang paningin para hanapin ang mga damit niya--which fortunately ay nasa sahig sa side niya kasama ang mga damit ni Marky.

"Pahiram muna nitong kumot ah." Tumayo siya hatak-hatak 'yung kumot at binalot iyon sa kanyang katawan.

"Sabi na eh!" Marky exclaimed then, now fully naked on the bed na ikinangangang masilayan ni Monic. "Gusto mo talaga 'tong makita!" At tinuro pa nito ang kamay sa ibaba.

"H-hala! Hindi nga sabi!" Natawa si Monic pero naroon ang pagkahiya dahil sa view na kanyang nakikita. Kaya agad-agad siyang humatak ng isang unan na kanyang binato sa bahaging iyon ng katawan ng kanyang nobyo. "Ay nakooo." At dali-daling niyang kinuha ang kanyang mga damit bago lumabas ng kuwarto.

Loko talaga 'yon! Isip ni Monic habang kumukuha ng mga gamit panghilamos mula sa bag niyang naiwan sa sala. At saka lang siya pumuntang CR na nasa pagitan lang ng kuwarto ni Marky at ng isa pang kuwarto na sa tingin niya ay kay Alastor.

Sa gitna naman ng kanyang paghihilamos ay napatigil siya. May napansin kasi siya sa sarili niyang repleksyon sa salamin. On her bosom, there were three hickeys!

Halos flat na nga, nagawa pang panggigilan?!

Ayun na naman siya, natatawa habang nakakaramdam ng pagkahiya sa mga nangyari. Pero... ang saya. Sobra. It was the first time Monic felt that happy and complete.

Nginitian niya ang sarili sa salamin.

Sana, hindi na magbago 'to...

Matapos maghilamos, paghahanda naman ng almusal ang inasikaso ni Monic. Kahit hindi siya sigurado kung maaari ba niyang galawin ang mga grocery na naroon dahil baka kay Alastor ang mga iyon ay hindi siya nagpapigil. Heck, gutom na siya para isipin pa iyon. Plus, sobra siyang nag-e-enjoy sa kanyang ginagawa. Pakiramdam niya lang kasi ay mag-asawa't nagsasama na sila ni Marky, at obligasyon na niya ang pagsilbihan ito sa ganong paraan.

Napangiti nang malapad si Monic sa kanyang mga naisip habang abala sa pagpiprito ng ham.

"Kaya pala nawawala ang T-shirt ko."

Halos magulat si Monic sa bigla-biglang pagsasalita ni Marky. Nilingunan niya ito at nakitang nakasandal ang balikat nito sa frame ng pintuan pa-kainan. Naka-crossarms ito habang walang suot na pang-itaas. Paano ba naman, siya ang may suot ngayon ng T-shirt nito.

Ngingiti sana si Monic, ngunit pinigilan niya ang sarili at pairap na nagdahilan.

"Ito pala kasi ang nabitbit ko kanina eh. Ikaw rin kasi... lakas makapang-distract. Nagkamali tuloy ako ng nakuhang damit."

Totoo naman iyon. Sa nasilayan niyang kahubdan nito kanina eh hindi na niya namalayan ang pinagkukuha ng mga kamay niya sa sahig.

Natawa si Marky bago lumapit at pumuwesto sa kanyang likuran, placing his left hand on her left waist. Akala naman niya ay yayakapin lang siya nito, but no. Not totally, dahil ang kanang kamay nito ay inabot ang teflon na kanyang nilulutuan at inalog-alog iyon hanggang sa mabaliktad ang ham na kamuntikan na palang masunog.

Err... Okay. Siya na talaga.

Napanguso siya roon, but at the same time, hinalikan siya ni Marky sa kanyang leeg na ikinagulat niya. Binigyan naman niya ito nang naninitang tingin, pero nginitian lang siya nito nang nakakaloko at saka iniyakap ang parehong braso sa kanyang katawan. Napangiti na lang siya at ginantihang yakapin ang mga braso nito.

Walang perpekto sa mundo. But his every kiss, his every hug, makes everything in my life perfect. Why is that? Monic wondered, kasabay ng kanyang pagpikit dahil sa paghalik na ginawa ni Marky sa likuran ng kanyang tenga.

"I love you, Nix..." Bulong pa nito na nagpabilis muli sa pagtibok ng kanyang puso.

Ah... Now I know why.

"I love you, too." Sagot niya sa kanyang nobyo na hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya.

Love. Love like this can make anything perfect. And we--we're just perfectly in love with each other. That's why.

***

ALMOST INSEPARABLE. GANON sina Monic at Marky buong umaga. Parang may kung anong puwersa lang sa pagitan nilang dalawa kaya maya't maya sila kung magdikit para magyakapan o hindi kaya ay magtuksuhan. Mula sa pagluluto. hanggang sa pagkain at hanggang sa paglilinis, ganon silang dalawa. Kulang na nga lang ay langgamin silang dalawa sa sobrang tamis ng pagmamahal na pinaparamdam nila sa isa't isa. At kulang na lang din ay dalhin nila iyon hanggang sa pagligo nila. It only happened that Marky knew when to slow things down, which Monic was very thankful for--'cause physically, she was not yet ready to get into another action with him.

After nilang magkahiwalay na maligo at magbihis, agad silang umalis para magbiyahe papunta sa pinakamamahal nilang prinsesa. But not without Marky freaking out a bit first nang malaman na nag-taxi lang pala si Monic kagabi.

"Ayaw ko lang na mahirapan ka pabalik dito kaya nag-taxi na lang ako..." Dahilan ni Monic sa paninita ni Marky sa ginawa niya. Kasasakay lang nila pareho sa harapan ng kotse nito, with her on the passenger seat. "At saka hindi naman lahat ng taxi driver, gaya ng iniisip mo 'no. Look at me, okay naman akong nakarating dito kagabi 'di ba?"

Marky eyed her. Hindi naman ito mukhang galit. Pinaglalaban lang nito na delikado mag-commute o mag-taxi nang ganong oras ng gabi.

"Monic... Basta... Huwag mo nang gagawin ulit iyon. Hindi nga lahat ng taxi driver, masama gaya ng iniisip ko. Pero paano na kapag magkataon na masama ang mapara mo? Paano na kung may mangyaring hindi maganda sa'yo? Paano na kung... God, let's not go there. Ayoko. Hindi ko kaya kahit isipin man lang. So please, don't put yourself in danger lalo na kung para lang sa akin. Not that I don't want you doing anything for me or for my sake. It's just that I want you more to be safe."

Pigil na napangiti si Monic. Kamuntikan na siyang mainis sa paninita ng kanyang nobyo, pero dahil sa mga sinabi nito... well, he just pulled her again for another deep fall.

"Opo... Sorry na po, mahal kong hari... Hindi ko na po uulitin..."

Ngumiti si Marky.

"Sorry rin sa bigla kong pag-freak out." At hinalikan siya nito sa ilong bago nagsimulang magmaneho.

All smiles and all sweetness na naman sila sa kanilang biyahe. The stereo was on and Monic played various songs, mapa-romantic man o mapa-party. At dahil busy sa pagmamaneho ang birthday boy, siya ang pinakiusapan nitong mag-reply sa mga text messages na natatanggap nito. Monic giddily did it so, even used his phone to take selfies of them together. Hanggang sa wakas ay makarating na sila sa pamamahay ng ina nito.

Sayang...

Nakaramdam ng panghihinayang si Monic nang makitang wala roon ang sasakyan ni Yvette. 'Cause after making love with Marky last night, she looked forward to facing the bitch with her chin up. Kaso wala ito eh, na ayos na rin naman dahil walang magiging panira sa pagpasyal na balak nilang gawin kay Alannah. Mahirap na at baka sumabit pa ito sa kanila.

Masaya silang sinalubong at pinagbuksan ng gate ni Malou. Pero siyempre, may agad silang hinanap.

"Si Alannah po?" Tanong ni Marky.

"Nako, kumakain na ng pananghalian eh. At saka may topak." Halos pabulong na sinabi ng ina nito ang huli.

Nagkatinginan naman sina Monic at Marky. Parehas silang mukhang nag-aalala sa narinig.

"Bakit naman po siya tinotopak?' Tanong ulit ni Marky.

"Ewan ko ba... Siguro dahil kailangang umalis ng nanay niya."

Pumasok na sila ng bahay at dumiretso sa kainan kung saan nakapuwesto mag-isa si Alannah sa hapag-kainan. Pero hindi naman ito kumakain at mukhang hinihintay sila.

"Prinsesa ko!" Malambing na tawag ni Marky sa anak kasabay ng paglapit at pagluhod sa harapan nito, pero hindi ito kumibo at tinignan lang sila. Mukha itong malungkot na may ikinaiinis.

Tinotopak nga. Isip ni Monic.

"Uy... Hindi mo ba ako yayakapin?" Nagtatampo na kunwari si Marky.

"Apo," pumuwesto si Malou sa likuran ng upuan ng bata. "Dali, yakapin mo na Daddy mo. Birthday niyan ngayon oh."

Hindi pa rin kumibo si Alannah at hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha.

"Alannah," si Monic, nakangiting umupo sa upuan sa tapat ng bata at nilapag sa mesa ang hawak-hawak na isang box ng mga cupcake na pilit niyang pinatira kay Marky kanina para ipasalubong sa mag-lola. "Ito oh--"

"Ayaw ko kay Tita Nix!" Sigaw bigla ni Alannah na ikinatameme nilang lahat. Si Monic, hindi lang natameme. Nakaramdam din siya ng pagkirot sa kanyang puso.

"Ala--" Magsasalita dapat si Marky ngunit sumigaw ulit ang bata.

"Ayaw ko kay Tita Nix! Dahil sa'yo ayaw na dito umuwi ni Daddy! Hindi na niya ako love kasi ikaw na lang love niya! Inaagaw mo si Daddy sa akin! I hate you, Tita Nix!"

"Alannah!" Napakalakas at galit na sigaw ni Marky. Sa lakas ay nakaramdam ng takot si Monic. Kahit ang ina nito ay mukhang ganon din ang naramdaman. Pinaka-lalo na ang anak nito. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo ha?!"

Kahit mukhang natakot sa pagsigaw ng ama ay pilit bumaba ng upuan ang bata.

"I-I hate you, Daddy!" Sigaw nito bago umiiyak na tumakbo paakyat ng bahay, leaving them adults all shocked and speechless.

--TBC

Continue Reading

You'll Also Like

853K 20.2K 25
(Finished) Book 1. The famous lead singer of 7PM, Zachary Knight, made a very crazy mistake - accidentally crashing the wedding of the Philippine pre...
238K 4.8K 49
Sapphira is a sophisticated and carefree woman but, commitment is her greatest weakness. She rather choose to be single for the rest of her life than...
103K 2K 43
Lander and Danica started a story they didn't know it was coming. They ventured new things that were just capable of doing by the both of them. They...
2M 40.6K 33
(Finished) You're 19. He's 28. What's really the deal of having a relationship with an older guy? Unless it didn't start with a simple relationship...