Listen To My Lullaby

由 wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... 更多

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 4 - The Secret

7.5K 354 110
由 wistfulpromise

Maaga pa lang ay pumapasok na ako sa opisina. Hawak ang isang kape na dinaanan ko kanina bago pumunta rito, dumiretso ako papasok sa loob habang dinaraanan ang lahat ng mga empleyado kong bumabati sa akin.

Huminto ako sa harap ng elevator. Isang hakbang paabante ay bigla akong huminto.

Hindi ko pa rin pala kaya. Ayokong makulong.

"Papasok kayo sir?" magalang na tanong sa akin ng isa kong empleyadong lalaki. Matyaga syang naghintay sa isasagot ko.

"Sir?"

"Umakyat ka na." Walang emosyon kong sagot. Tumalikod ako palayo diretso sa hagdan. Naiwan sya roon na napakamot.

Maglilimang taon na ang nakalipas noong nawala si The Highest ngunit masakit isipin na kahit na ba inaagnas na sya sa ilalim ng lupa, ang mga bangungot ng nakaraan na idinulot nya ay nananatili pa ring nakatatak sa buong pagkatao ko.

Sya ang may dahilan kung bakit namatay ang mama ko, kung bakit nawala ang papa ko, kung bakit nawala ang buong pamilya ko at kung bakit nawala ang taong mahal ko.

Nanlalamig ang mga pawis sa noo ko noong sa wakas ay nakaabot na ako sa ika-apat na palapag kung nasaan ang bago kong opisina.

"Jace may bisita ka sa loob." pagbibigay impormasyon sa akin ni Aiden noong makita ang pagdating ko.

"Sino?"

Binuksan ko ang pintuan. Sa loob ay nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa swivel chair ko. Pina-ikot nya ang swivel chair paharap sa akin noong marinig ang pagpasok ko.

"Hi Jace." May pinalipad pa syang papel na eroplano sa akin. Pinakielaman na naman nya ang ilan sa mga papeles na nasa mesa ko. Hindi na natuto.

Sino pa nga ba? Sya lang naman ang may lakas ng loob na gawin iyan.

"Nathan."  

"Isasara ko muna ang pinto." paalam sa akin ni Aiden. Sa likod ko ay ang tahimik na pagsara ng pinto tulad na rin ng sinabi nya.

Ibinaba ko ang dala kong bag bago hinigop ang natitirang kape sa baso ko.

"Tumayo ka nga jan." iritado kong inihagis sa kanya ang baso na ngayon ay wala ng laman.

Natatawa lamang nya itong sinalo ng walang kahirap-hirap.

"Ang aga-aga high-blood ka na naman. May problema na naman ba sa kumpanya?"

"Marami." inayos ko ang necktie sa leeg ko. "Kaya siguro mas mabuti kung itigil mo na ang kaadikan mo sa pangangarera. Napapabayaan mo na ang trabaho mo rito."

"Oh come on, ikaw din naman naadik diba?" Itinaas nya pa ang mga paa sa mesa ko. Tinapik ko ito palayo at pinalayas sya sa upuan ko.

"Oo pero hindi kasing adik ng katulad sa'yo."

"Sinusubukan ko lang naman yung mga bago nating kotse. Ayaw mo yun, ako na ang free tester kung maganda ba yung prinoproduce natin o hindi."

Tester daw. Gusto nya lang namang sya ang unang makagamit bago mailabas sa merkado kaya nya ito pinapaandar. Napaikot na lamang ako ng mga mata saka napailing sa kalokohan na sinabi nya.

Binuksan ko ang computer ko. Sumandal sya sa mesa ko at nakangising pinakielaman ang mga gamit ko rito. Kinuha nya ang isang dilaw na squeezy ball na may smiling face. Hinagis-salo nya sa hangin ang bola.

Iniangat ko ang tingin ko sa kanya. Binigyan ko sya ng masamang tingin.

"Ingatan mo yan. Kapag ayan nawala, wala kang makukuhang allowance sa akin kahit umiyak ka pa ng dugo sa harap ko."

"Ang harsh naman. Para bola lang eh. Kailan ka pa naging sentimental?"

Inis kong inagaw sa kanya ang bola.

"W-wait!"

"Wala akong tiwala sayo."

He made a face in front of me. Hindi ko sya pinansin.

"Bakit ang sungit mo? Alam mo parehas na parehas kayo ni Leira eh. Hindi ko kayo maintindihan minsan."

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" sumbat ko sa kanya. "Wag mong sabihing hihingi ka sa akin ng per--"

Ngumisi sya ng pagkalaki-laki. 

"Yun nga sana. Hihingi sana ako sayo kahit konti lang-- Haha!"

Tatanggalin ko na sana ang sapatos ko para ihagis sa kanya pero tumakbo na sya palayo. Tawa sya ng tawa.

"Teka lang. Kalma lang! Binibiro lang kita eh."

"Puro ka biro! Umalis ka nga sa harap ko. Bwisit!"

"Ay, wag ka namang ganyan. Gusto lang kitang kamustahin eh. Masama na bang maglambing sa kapatid ko ngayon?"

"Kilabutin ka nga sa sinasabi mo." nandidiri ko syang tinapunan ng tingin pero tumawa lang sya ng tumawa. Wala na. Malala na ito.

"Ang epic talaga ng mukha mo 'tol! Ewan ko talaga kung bakit tayo naging magkadugo eh. Di hamak kasi na mas gwapo ako sayo."

Napailing na lamang ako. Halos magkaedad lang kami pero ang utak parang naiwan pa rin yata noong high school. Itinutok ko na lamang ang mga mata ko sa computer ko at ipinagpatuloy ang trabaho ko.

"Tell you what 'tol, mamamasyal kami nina Shane mamaya sa resort nila sa Aklan. Sumama ka sa amin para makapagpahinga ka naman minsan. Kung hindi ka kasi puro trabaho nasa BSG head quarters ka o kaya busy sa paghahanap sa kanya."

"Pass."

"Oh come on."

Itinuro ko ang pinto. "Bukas ang pinto. Baka gusto mo nang lumabas?"

Pero wala ang atensyon nya sa akin, nasa mga bookshelf ko na ngayon na syang pinapakielaman nya.

"Nathan." nauubusan nang pasensya kong sambit sa pangalan nya. Ang likod nya ay nasa akin. Kinuha nya ang isang libro na naroon at saka ito binuklat.

"Pero yung totoo Jace," isinara nya ang libro. "kailan ba natin aaminin sa lahat... na magkapatid tayo?"

Napahinto ako sa ginagawa ko. Hindi ko iniangat ang tingin sa kanya. Sa wakas ay seryoso na rin ang boses nya. Wala na itong ni halong biro di tulad kanina.

"Matagal nang wala si The Highest. Matagal na tayong malaya. Hindi ka pa ba napapagod na magtago?"

Nagtama ang mga tingin namin. Sa pamilyar nyang mga mata na tulad ng sa akin, hindi man kami magkamukha ay nakikita ko pa rin ang repleksyon ng sarili ko sa mga mata nya. Dahil hindi lang kami magkapatid. We are twin brothers. We are fraternals.

"Naiintindihan ko na gusto mo munang mahanap si Serene dahil gusto mong sya ang unang makaalaman nito bago ang nakararami. Pero Jace, gusto rin kitang tulungan dito sa kumpanya. Paano kita matutulungan kung hindi mo ako bibigyan ng titulo upang mapalakad ito? Alam mo naman na masyadong competitive ang mga board members. Kung alam nilang wala naman akong dugong Alvarez, madali lang nila akong mapapalayas dito. Sa mga nakaraang taon ikaw lahat ang gumawa at gumalaw. Hayaan mo naman akong tulungan kita. Ituro mo sa akin ang gusto mong ituro. Ako muna ang magpapatakbo nito habang hinahanap mo si Serene. At nang sa ganun, wala ka nang iisipin pa."

Nabigla ako sa sinabi nya. Hindi ko akalain na darating ang panahon at lalapit sya sa akin para sabihin sa akin ang lahat ng ito. Si Nathan kasi yung taong puro lang laro. Ayaw nya ng kahit anong responsibilidad. Ayaw nyang natatali sya sa isang bagay. Pero ngayon parang hindi ko na kilala kung sino ang nasa harapan ko. Hindi na sya yung Nathan na inakala kong puro ganun lang ang iniisip.

"You're destroying yourself did you know that? Hindi mo man sabihin sa akin pero nararamdaman ko na this company is holding you back. Kaya hanggang ngayon hindi mo maifocus ang paghahanap mo sa kanya. As a consequence, nilulunod mo ang sarili sa pambabae na alam naman nating hindi tama dahil alam mong hindi ka makakawala sa responsibilidad mo rito sa kumpanya. Gusto kitang pakawalan sa taling nagbabalik sa'yo rito kaya hindi ka makalayo. Teach me what you know and you can go. Go and find her kuya. Go and find your happiness again. You know you're not the old Jace that we know right?" ngumisi sya ngunit walang saya rito. 

Tiningnan nya ako diretso sa mata. 

"I want my old kuya back."

///

I know, i know, it's quite a revelation (For LTML reader only atleast) Sa mga TSR readers, HELLO!!! ~(^O^)/ Nyahahah!! *wink*wink* 

All will be explained later. 

Have a great morning Listeners! OLE!!

-wistfulpromise

繼續閱讀

You'll Also Like

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
1.7M 55.1K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
4M 112K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...