Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 3 - Her

9K 372 216
By wistfulpromise

Celestine.

Nagsisitakbuhan ang mga bata sa paligid habang abala akong hinahanap ang daan na tatahakin ko gamit ang bisekletang dala.

Ang taas-taas ng tirik ng araw. Nakapanglalagkit ang init sa balat. Mabuti na lang at sinunod ko ang bilin ni itay na magdala ng sumbrero dahil kung hindi, sigurado kanina pa tostado ang ulo ko pati na rin ang balat ko.

"Manong Pepe! Ito na po pala yung in-order nyong panggatong!" dali-dali kong ibinaba ang dalawang bungkos ng tig-isang dosena ng kahoy sa may lupa. Mabigat ito pero sa halos ilang taon ko na rin itong ginagawa, nasanay na yata ang katawan ko.

"Salamat hija. Pakisabi sa nanay at tatay mo na kakailangan ko pa ulit ng panibagong bungkos sa susunod na linggo. Makakapagpadala ba kayo ulit?"

"Opo. Sasabihin ko." Kinuha ko na ang bayad sa kanya at nagpaalam.

"Celestine, hija?"

"Po?" Pahinto kong minanibela paharap ng konti sa kanya ang sakay kong bisekleta. Ngumiti sya sa akin. "Kay ganda ng sikat ng araw. Minsan, subukan mo ring ngumiti. Hindi lang nakakagaan ng nararamdaman. Nakakaganda rin."

Pidal ako ng pidal sa sinasakyan kong bisekleta. Para sa akin ay magandang ehersisyo na ito para sa umaga. Pagkatapos ng sinabi sa akin ni manong Pepe ay dumaan ako sa may batis kanina. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa tubig at isang pamilyar na babae ang bumungad sa akin. Maikli ang buhok, hindi bababa sa may balikat. Mayroong nangungusap na mga mata at sa may kanang pisngi nito mula sa kilay pababa sa pisngi ay isang peklat. Wala sa sarili akong napahawak dito.

Paano ako ngingiti kung sa araw-araw ng buhay ko ay itong mukhang ito ang nakikita ko? Isang masakit na ala-ala sa mga napagdaanan ko nitong mga nagdaang taon.

Dahan-dahan kong iginuhit ang mga daliri ko sa peklat na ito. Ikinuyom ko ang kamay ko at inilayo ang tingin mula sa repleksyon ko sa may tubig. Ibinaba ko lalo ang suot na sumbrero sa mukha ko.

"Kanina pa kita hinahanap. Sabi ko na nga ba eh, dito kita makikita."

Unang sulyap ko pa lang sa napakalaki nyang ngiti ay naiirita na ako. Dinaanan ko sya upang dumiretso sa biseklata na inawan ko sa gilid.

"Anong kailangan mo? Naihatid ko na lahat ng bungkos ng kahoy na kailangan kong ihatid. Iwan mo na ako. Gusto kong mapag-isa."

Nakalayo na ako sa kanya noong napansin ko na humahabol sya sa akin. Dala-dala nya rin ang bisekleta nya sa tabi. Kanina ko pa gustong patakbuhin ang akin ang kaso narito kami sa parte kung saan baku-bako ang lupa tapos maputik pa ang daan. Ayokong masira ang bike ko. Kapapaayos ko lang kahapon dahil sumpemplang ako ng hindi ko inaasahan. Naaalala ko pa. Maliwanag na maliwanag pa sa isipan ko kung paano nya ako pinagtawanan. Ni hindi man lang nya ako tinulungan.

"Sasabay na ako sa'yo pauwi. Pinapasundo ka na rin sa akin nina itay."

"Sabihin mo mamaya na ako uuwi."

"Hindi naman pwede. Ako ang mapapagalitan eh."

"Ikaw na ang gumawa ng dahilan. Basta, kahit ano. Lubayan mo lang ako."

Hinarangan nya ang dinaraanan ko gamit ang bisekletang dala.

"Celestine." sambit nya sa pangalan ko na tila ba nauubusan na sya ng pasensya sa akin.

"Cello." pambawi ko naman sa parehas na tinig.

Nagkatitigan kami roon ng hindi ko alam kung gaano katagal. Sa pagtitig na iyon ay hindi ko maiwasang mapansin kung paano kumunot ang noo nya-- ang palagi nyang ginagawa kapag alam kong naiinis na sya. Minsan hindi ko maintindihan kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanyang babae sa lugar namin. Hindi naman maganda ang ugali. Hindi naman kagwapuhan. Oo matangkad sya, maganda ang katawan, makinis ang balat, magaling kumanta at higit sa lahat, sya ang pinakamagaling na Kalista sa lugar namin.

Pero hindi nila kilala si Cello katulad ng pagkakakilala ko sa kanya. Madami syang sikreto. Hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay totoo. Minsan may mga tao lang talagang sadyang mapagbalat-kayo. At isa sya roon.

"Alam mo bang may laban si Tatang ngayon? Hinamon sya ni Mang Isko kahapon sa isang dwelo. Magsisimula na nga yata eh."

Umaliwas ng konti ang mukha ko dahil sa narinig. Kung ano man ang inis na naramdaman ko kanina ay biglang naglaho. Alam nya talaga kung paano pagaanin ang nararamdaman ko.

"Hinamon sya ni Mang Isko? Ang lakas naman ng loob ng taong yun. Si Tatang matatalo nya? Nangangarap sya ng gising."

"Iyon nga ang sabi ko eh. Sabi ko umatras na sya habang may pagkakataon pa. Pero masyadong mataas ang bilib sa sarili. Akala nya siguro matatalo nya ng ganun-ganun lang ang isang Grandmaster ng arnis."

"Ako nga na naging estudyante nya ng halos limang taon, hirap na hirap. Sya pa kaya?"

"Bakit kaya hindi natin panoorin para makita na natin kung paano sya papakainin ni Tatang ng alikabok?"

Ngumisi ako sa kanya.

"Paunahan." sabi ko.

"Ako'ng hinamon mo?"

"Takot ka?"

"Sa panaginip mo." Bahagya nya akong tinulak pero nakailag ako. Isang maliit na ngiti ang hindi ko napigilang umalpas sa aking mga labi. Una kong ngiti sa araw na ito.

Nagpaunahan kaming tumakbo sa sementadong daan at noong pumwesto na ay nagmadali na kaming pumidal sa mga bisekleta namin. Nagpaunahan kami na pumunta roon. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya.

Pagdating namin sa may bukid ay halos kumpulan na ang mga tao. Kinailangan pa naming sumiksik ni Cello upang makakuha ng magandang pwesto. Dito sa bukirin, sa gitna ng napakaraming tao ay ang malaking espasyo na nasa gitna. Doon nakatayo sina Tatang at Mang Isko na kasalukuyan nang pumipirma ng waiver para sa dwelong ito. Isang waiver na nagbibigay ng permiso na syang nagpapatunay na walang responsibilidad ang kahit na sinong nanalo sa kung ano man ang mangyayari sa matatalo sa labanang ito.

May narinig kaming pumito at kahit papaano ay humupa ang ingay na pumapalibot sa paligid. Pinaghiwalay na ang dalawang magdwedwelo para sa araw na ito. Si itay ang tumatayong referee sa gitna.

"Saan si inay?" tanong ko kay Cello. Inilibot ko ang mga mata sa buong paligid upang hanapin ang pamilyar nitong mukha. Ngunit wala akong nakita.

"Nandyan lang siguro yun. Alam mo namang hindi nya palalagpasin ang ganitong laban di ba?"

"Siguro nga."

"Alam nyo naman na kung anong batas nito hindi ba?" sabi ni itay sa kanila Tatang habang pinapaliwanag ang batas ng laban. Wala pang ilang sandali ay nakita ko nang nagkamayan sina Tatang at Mang Isko.

"Magsisimula na ba?"

"Sshh! Wag kang maingay. Manood ka na lang kasi."

Binigyan ko ng tingin si Cello. Bumabawi ba sa akin ito? Ibinalik ko na lamang ang tingin sa harap.

Nakapwesto na sina Tatang sa kanya-kanya nilang signature move bago sila nagsimulang kalkulahin ang galaw ng bawat isa. Sa kanan nilang kamay ay may hawak silang tig-isang arnis. Iyon ang magiging sandata nila sa dwelong ito.

Dahan-dahan humahakbang paikot sa isang linya na hindi nakikita si Mang Isko. Si Tatang sa ikalawang banda ay nakatayo lang doon habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod. Sa pwesto nyang iyon ay para lang talaga syang matanda na naghihintay sa paglapit ng apo nya. Napakakalmado ng mukha nya. Taliwas sa mukha ni Mang Isko na masyadong mapagmatyag ang mga mata.

"Lalaban ba si Tatang o ano?"

"Huwag nga kayong mainip! Maghintay kayo punyemas!"

"Makamura naman ito."

"Eh istorbo ka kasi sa konsentrasyon eh. Nanonood ako. Wag mo akong kausapin!"

Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga katabi namin na hindi maitago ang kaba at pagkasabik sa kung ano ang maaring mangyari. Napakaingay nila. Noong binigyan ko sila ng tingin ay agad nilang itinikom ang mga bibig nila.

"Pustahan tayo. Tatlong minuto lang ang itatagal ng laban na ito." sambit ni Cello kapagkuwan.

"Tatlo? Gawin mong isa."

"Isa? Imposible naman iyon."

"Kapag kay Tatang tandaan mo, walang imposible."

Sumugod si Mang Isko na may malakas na hiyaw, noong itatama na sana nya ang hawak na arnis kay Tatang na nakatayo pa rin doon ay hindi na nya nagawa. Dahil ang mga kamay ni Tatang ay kay bilis na gumalaw. Isang ilag, mabilis na pag-ikot nya ng arnis na akala mo karugtong na iyon ng mga kamay nya at sangga ng braso ni Mang Isko-- lahat iyon ay nagawa nya ng hindi bababa sa tatlumpong segundo. Napakabilis ng mga kamay nya. Parang isang dahon na itinatangay ng hangin. Sunod na lang namin na nakita ay namimilipit na sa sakit si Mang Isko sa may lupa dahil inipit ni Tatang ang braso nya. Wala na ang hawak nyang arnis. Nakuha na ito ni Tatang na syang panghahataw na sana nya sa likod ni Mang Isko. Pero hindi nya ginawa.

Tumayo sya roon na akala mo walang nangyari. Na akala mo hindi nya lang pinigilan ang sarili para sa isang nakamamatay na paghataw.

Yumuko sya kay Mang Isko tapos sa amin na lahat na nanonood. Sa kamay nya ay ang dalawa na ngayong arnis.

Noong una ay ag katahimikan ngunit hindi nagtagal ay ang sigawan at hiyawan ng pagpupugay. Napapalakpak na lamang ako kasama ng mga taong nakapaligid. Wala akong masabi.

Itinaas ni itay ang kamay ni Tatang sa hangin, simbolo ng pagkapanalo nya sa dwelong ito. Mas lalong lumakas ang palakpakan at sigawan sa paligid.

Sa edad ni Tatang na halos pitumpo't-lima, huwag kang papalinlang sa matanda nyang anyo. Alam kong maputi na ang halos lahat ng buhok nya at balingkinitan lamang ang katawan. Pero sa lahat ng Arnis master na kakilala ko pati na rin sa lahat ng mga naghamon sa kanya, wala pa ni isa ang nakapagpabagsak at nakatalo sa bilis ng kamay ni Tatang. Kaya nga sa lugar namin ang tawag sa kanya ay 'Kidlat'. Ganun sya kabilis. Ganun sya kalakas. Minsan lang tumira pero ang iiwan nyang pinsala ay hindi basta-basta.

"Celestine!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. Si inay, na ngayon ay ikinulong na ako sa isang napakahigpit na yakap. Napakasaya ng mukha nya. Sigurado akong napanood nya ang nangyari kani-kanina lang.

"Nakita mo ba iyon? Ang galing ni Tatang hindi ba? Dahil nanalo sya magluluto ako ng pansit bilang selebrasyon! Halika dali. Samahan mo akong mamalengke saglit."

Hinila nya ako bigla. 

"Pero nay, gusto ko pa sanang batiin si Tatang--"

"Hay, mamaya na 'yan anak. Batiin mo sya hanggang kailan mo gusto mamaya. Sa ngayon sasamahan mo muna akong mamalengke okay?" Tinaasan nya ako ng pamilyar nyang masungit na kilay. Wala na akong nagawa kundi huminga ng napakalalim. May magagawa pa ba ako?

Hindi ko alam kung ilang bawang at sibuyas na ang natadtad ko at kung ilang gulay na ang nahiwa ko, ang alam ko lang, kanina ko pa gustong umalis sa kusina upang malapitan si Tatang na ngayon ay nasa may sala na at masayang nakikipagkwentuhan kanina itay, Cello at sa iba pa nyang mga kaibigan na nakikidiwang sa pagkapanalo nya.

Tumingin sa akin saglit si Cello at ngumisi. Halatang nagpapa-inggit.

Ang hayop na iyon, sabi nya tutulungan nya ako pero iniwan din ako rito mag-isa kay inay. Mamaya talaga. Kapag ako natapos dito pupulbusin ko sya hanggang sa wala na syang maipakita sa ni isa sa mga perpekto nyang puting ngipin.

"Celestine yung sibuyas dali!"

Muling nagbalik ang isip ko sa niluluto namin. "O-opo. Ito na nay."

"Mamaya."

"Po?"

"Sabi ko, mamaya makakasama mo rin ang Tatang mo. Minsan na nga lang kitang makasama mula sa mga training nyo hindi mo pa ako mapagbigyan?" Nariyan na naman ang lungkot sa mukha nya na kahit sino sa amin dito sa bahay ay hindi matitiis.

"Nay, ito na nga eh di ba?"

"Hindi naman mawawala yang Tatang mo eh. Hindi yan aalis. Itali ko pa kung gusto mo."

Napasinghal ako ng konti dahil sa tawa na gusto kong pigilan.

"Palibhasa kasi tatay nyo kaya nasasabi nyo yan. Pero kung ibang tao lang siguro? Baka kayo pa ang maitali ni Tatang."

"Ewan ko. Sa kanya yata ako nagmana ng pagkabrutal. Mag-ama nga kami."

Napailing na lamang ako at inabot sa kanya ang lahat ng kailangan nya. Minsan talaga si inay hindi ko maseryoso. Meron yung oras na napakaseryoso nya pero meron naman yung oras na napakamapagbiro nya. Tulad ngayon. Parang hindi isang ina kung minsan. Akala mo barkada lang kami.

Noong natapos kaming magluto ay ganun na lang ang pagmumukmok ko noong malaman na inaya si Tatang ng mga kaibigan nya kung saan man. Ang nakakainis pa roon, kasama si Cello pero ako hindi. Tiyak mamaya, papainggitin lang ako ng lalaking iyon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos si inay sa pagluluto. Sabi nya pansit lang daw pero masyado yata syang nahumaling sa pagluluto dahil nadagdagan pa ng nadagdagan ang mga putahe sa mesa. Kaya ang almusal ay naging pangtanghalian na.

Naiinis ako kaya nagkulong na lamang ako sa kwarto ko. Pagkatanggal ko ng sumbrero ay humiga agad ako sa kama ko. Tumingin ako sa gilid at nahagip ng paningin ko ang dalawang pares ng kamagong na kahoy sa tabi ko. Bumangon ako sa kama upang kunin ito. Sandali ko itong pinagmasdan.

Ang mabigat at pamilyar nitong makinis na itim na kahoy... ito ang naging katuwang ko sa halos limang taon na pag-eensayo ko sa puder ni Tatang. Napakaraming ala-ala sa kahoy na ito. Lahat ng sakit, hirap pati na rin ng saya at lungkot ay nasaksihan ng pares na kahoy na ito.

Sa parehas na dulo ng kahoy ay nahagip ng paningin ko ang nakasulat na pangalan na syang tatak ng pinaghirapan ko.

Agripino Gonzalez, ang pangalan na malinis na nakaukit dito gamit ang letra ng baybayin.

Sa haba ng panahon ay iisa lang ang naging estudyante ni Tatang at si Cello lang iyon. Hindi sya basta-basta tumatanggap ng estudyante kaya nga ganun na lang ang gulat ko noong kinuha nya rin ako bilang estudyante matapos kong patunayan ang sarili sa kanya. Itong kamagong na ito, kay Tatang ito. Noong binigay nya sa akin ito dalawang taon na ang nakalilipas ay halos maiyak ako sa tuwa. Hindi ko akalain na ang armas na iniingat-ingatan nya ay ibibigay nya lang sa akin.

"Celestine!" Tawag ni inay sa akin sa gitna ng pagmumuni-muni ko.

"Opo nandyan na!" Iniwan ko na ang kahoy sa higaan ko saka nagmadaling bumaba.

Akala ko uutusan na naman nya ako pero laking gulat ko na lamang noong makita na naroon na si Tatang sa baba, nakabukas ang mga braso sa akin para sa isang yakap...para akong isang bata na tumakbo papunta roon para bigyan sya ng isa napakahigpit na yakap. Lahat ay tumawa sahil sa naging reaksyon ko. Mayamaya pa ay nagsikainan na rin kami sa wakas.

"Iba talaga ang pamilya Gonzalez. Walang makakatalo sa inyo pagdating sa arnis!" papuri ng mga kaibigan nina Tatang sa paligid. Nagkanya-kanya na kami ng sandok dahil lahat kami ay gutom na rin.

"Kailan nyo ba isasabak ang bunso nyo sa laban? Sa tingin ko naman kayang-kaya na iyon ni Celestine hindi ba? Si Cello nga ang dami na ring dwelo ang napanalunan. Siguradong kayang-kaya nya rin iyon!"

Naging alisto bigla ang mga tenga ko. Ito ang gusto kong marinig. Matagal na akong nagsasanay. Ilang beses ko na ring natalo si Cello aminin man nya o hindi. Nakikipaglaban na rin ako minsan sa ibang mga kaibigan ko pero hindi ko pa talaga naranasan ang isang legal na dwelo na katulad ng kay Tatang kanina. Hindi kasi ako pwedeng lumaban kung walang pahintulot nila inay at itay.

"Pare alam mo namang hindi pwede di ba?" sabat ni papa.

"Bakit pare? Dahil ba babae si Celestine? Aba, bago na ang panahon ngayon. Hindi na lang lalaki ang lumalaban ngayon, pati ang mga babae hindi na rin papahuli!"

"Wala syang tatak."

Natahimik silang lahat. Ang mga balikat ko ay bumagsak. Malungkot na lamang akong napayuko.

"Bakit hindi nyo sya patatakan? Anak nyo sya hindi ba? Ang tagal nyo syang hinanap. Papakawalan nyo pa ba?"

"Proteksyon nya na rin pare. Alam mo naman na kapag nalaman nilang isa syang Gonzalez, hindi na sya tatantanan ng ibang grupo para sa isang dwelo. Ayaw na namin sya ulit na mawala sa amin."

Tumango na lamang sila na puno ng pang-uunawa. Ako sa ikalawang banda ay biglang nawalan ng ganang kumain. Tumayo ako mula sa kinauupuan at magalang na nagpasantabi upang lumabas muna saglit. Sinundan ako ng tingin ni Cello pero hindi ko sya pinansin. Pinigilan ko ang sarili na huwag umiyak dahil sa narinig.

Sa likod ng bahay ako dumiretso. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. Paulit-ulit kong mantra sa isipan ko.

Bawat ba ayaw nila akong patatakan? Ayaw nila akong bigyan ng tattoo na katulad sa kanila? Tattoo ng baybayin na nakaukit sa katawan nila na syang nagsisimbolo ng isang tunay na Gonzalez.

Hinila ko paitaas ang suot na manipis na long-sleeves sa may bandang kanang kamay ko.

Itong tattoo ba na ito ang pumipigil sa kanila upang hindi ako bigyan ng tatak na katulad ng kanila? Tattoo ng isang musical note na hindi ko naman alam kung saan ko nakuha. Pati itong tattoo na nakaukit sa may bandang kanang tagiliran ko pataas hanggang sa gilid ng hinaharap ko. Katulad ng musical note sa pulsuhan ko ay hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang feather tattoo na ito. Bakit kasi hindi ko maalala ang nangyari sa akin limang taon na ang nakakalipas? Kung maaari lang iuntog ang ulo sa pader ng paulit-ulit upang magbalik sa akin ang lahat ay ginawa ko na. Pero imposible.

Kung ako ang tatanungin ay gusto ko na lamang itong mabura. Sa tuwing nakikita ko kasi ang mga tattoo na ito ay palagi nitong pinapaalala sa akin na hindi ako kabilang sa kanila. Na kahit ilang beses sabihin sa akin nina itay at inay na espesyal ako, pakiramdam ko nagsisinungaling lang sila upang pagaanin ang nararamdaman ko.

Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng isang simpleng tattoo ng baybayin na katulad ng sa kanila, na katulad ng lahat ng tao na nakatira sa maliit na isla na ito.

Ang gusto ko lang naman ay mapabilang sa kanila. Mahirap bang intindihin iyon?

"Galit ka, hindi ba?"

Mabilis kong pinunasan ang patulo pa lang sanang luha sa mga mata ko. Umupo sa tabi ko si Tatang. Presensya pa lang nya ay nagpapagaan na ng nararamdaman ko.

"Huwag ka nang malungkot. May rason ang lahat ng bagay kung bakit ito nangyayari. Espesyal ka apo, alam mo ba yun?"

"Kung espesyal po ako, bakit hindi nyo ako hayaang lumaban na katulad nyo? Na katulad ni Cello?"

"Gusto mo bang malaman ang isang sikreto?"

"Ano pong sikreto?"

Iginalaw nya ng konti ang kamay upang palapitin ako sa kanya.

"Hindi ka basta-basta apo. Iba ang lakas na meron ka." bulong nya sa akin.

Ngumiti sya sa akin. Napakapayapa ng mukha nya.

"Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin? Sa tingin mo bakit kita kinuha kung napakarami ang nakapila riyan na gustong maging estudyante ko?"

"Pero Tatang..."

Umiling sya sa akin. Dahan-dahan syang tumayo. Itinago nya ang mga kamay sa likod nya na palagi nyang ginagawa.

"May rason ang lahat ng bagay apo. Maghintay ka lang."

Pagkatapos sabihin iyon ay naglakad na sya palayo. Papito-pito pa sya at naglalakad na akala mo naglalakad sa buwan.

Huminga na lamang ako ng napakalalim sabay hilamos ng mukha ko gamit ang mga kamay ko. 

Sandali ko munang binura sa isipan ko ang lahat ng problema at hinayaan ang sarili na i-enjoy ang mga oras na ito-- oras ng katahimikan.

Sabi raw nila ang laki raw ng mundo. Lahat daw ng tao ay nasa ilalalim ng iisang langit, araw at buwan. Sino kaya ang tumititig sa mga ulap kasama ko ngayon?

Marami rin kaya silang problema katulad ko? Nararamdaman din kaya nila ang pakiramdam na akala mo hindi ka 'kabilang'?

Iginuhit ko ang mga daliri ko sa gclef note na nakaguhit sa kanang pulsuhan ko.

Bakit nga ba ito narito? Ano'ng ibig sabihin nito? Ako nga ba si Celestine o may iba pa sa pagkatao ko?


///


Now your question is answered. Where is the queen? Napulot lang naman sya ng nawawalang angkan ng E&Z Circle of Elite. Now, this where it gets interesting. ;) 

Have a great day Listeners! All of your other questions will soon be answered. Patience patience everyone. We're getting there. 

Keep inspiring! OLE! 


-wistfulpromise

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 49K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
1.2M 36.2K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
10.2M 131K 22
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.