Sweet Yeollipop

By CursedYuki

2.1K 57 100

A bitter girl and a sweet guy. Their paths crossed. What do you think will happen? This is one bitter-sweet s... More

Sweet Prologue
Sweet Thing #1 - Lollipop
Sweet Thing #2 - Cupcakes
Sweet Thing #3 - Candy
Sweet Thing #4 - Nicknames
Author's Note
Sweet Thing #5 - Lunch
Sweet Thing #6 - Duet
Sweet Thing #7 - Love Songs
Sweet Thing #8 - Hot Chocolate
Sweet Thing #9 - Light Conversation
Sweet Thing #10 - Phone Call
Sweet Thing #11 - Protection
Sweet Thing #12 - Wish
Sweet Thing #13 - A Dozen Flowers
Sweet Thing #14 - Change
Sweet Thing #15 - I Love You
Sweet Thing #16 - Holding Hands While Walking Home
Sweet Thing #17 - Cake
Sweet Thing #18 - Stuffed Toys
Sweet Thing #19 - Happy Endings
Sweet Thing #20 - Babies
Sweet Thing #21 - Road Trip
Sweet Thing #22 - Dream Catcher
Sweet Thing #23 - Fountain
Sweet Thing #24 - Decision
Sweet Thing #25 - Happy Birthday!
Sweet Thing #26 - Missing You
Sweet Thing #27 - Moonlight
Sweet Thing #28 - Thinking of You
Sweet Thing #29 - Believe & Hope
Sweet Epilogue - Paper Cranes
Author's Last Note

Sweet Thing #30 - Yes

29 1 21
By CursedYuki

SWEET THING #30 – YES

Freya's P.O.V.

Lillian: Hoy, Freya! Asan ka na? Malapit nang matapos ang graduation.

Me: Papunta na. Saglit lang. Magpapaalam lang ako sa bride.

Lillian: Sige na, bilisan mo. Bye!

Dali-dali kong hinanap ang bride sa reception. 'To naman kasing pinsan ko, magse-set lang ng date ng kasal, kasabay pa ng graduation ng dati kong school.

Laking ginhawa ko nang makita ko si Ate Loraine na kausap ang ilang bisita kasama ang freshly announced husband niya. Malapit na pinsan ko si Ate Loraine kaya kinuha niya kong isa sa bride's maids. I'd love to finish the whole celebration, but I need to meet someone important, someone I've been longing for months.

Sakto lang ang dating ko sa tabi ni Ate Loraine kasi katatapos lang niyang makipag-usap sa mga bisita niya. "Ate Loraine," tawag ko pagkaharap na pagkaharap niya sakin kaya bahagya siyang nagulat.

"Freya, ginulat mo ko dun," saad niya na nakahawak pa sa dibdib.

"Sorry, ate pero uuna na ko ha," pagpapaalam ko.

"Bakit? May pupuntahan ka?" tanong niya at tumango ako bilang sagot. "Oh sige. Salamat sa pagpunta! Mag-iingat ka," nakangiti niyang sabi.

"Salamat din, ate at congratulations!" Binaling ko naman ang tingin ko sa asawa niya. "Congratulations po!" Pareho naman silang tumango sakin at ganun din ang ginawa ko saka tuluyang umalis.

Paglabas ko ng reception, nadatnan ko si Charles na nakasandal sa kotse niya at hinihintay ko. Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse nang makita niya ko. "Bilisan mo, Freya!"

Nakangiti akong tumango at dali-daling pumasok sa kotse niya. Mabilis din siyang pumasok at saka nagsimulang mag-drive.

Malapit na kami sa school at natatanaw ko na si Lillian na nag-aabang sa gate. Nakikita ko ring nagsisiuwian na ang mga estudyante kasama ang mga pamilya nila.

Pagkababang pagkababa ko ng kotse ay agad akong sinalubong ni Lillian. "Fre..." Nahinto siya sa pagtawag ng pangalan ko para tingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Tititigan mo lang ba ako, Lillian? Asan sina Yeol?" mabilis kong tanong.

"Ano kasi..." Sinundan ko ang tingin niya at sa suot ko pala siya nakatingin. Napansin ko ring pinagtitinginan na pala ako ng mga tao. Bigla naman akong nahiya. Dahil nga sa nagmamadali ako para abutan sina Yeol, hindi na ako nakapagpalit ng damit kaya eto, naka-gown pa rin ako at ayos na ayos pa rin ang buhok at mukha ko.

"Aish! Can we forget about how I look and just bring me to Yeol?" yamot at medyo pagod kong saad. Hindi biro ang tumakbo nang naka-heels pero para kay Yeol, ginawa ko. "Hindi pa naman sila nakakaalis kasama nina umma diba?" nag-aalala kong tanong. Balita ko kasi, right after graduation, babalik na sina Yeol sa Korea.

Bigla akong nag-alala nang kagatin ni Lillian ang labi niya. "Ang ganda mo kasi, Freyaaaa!" bigla niyang sigaw kaya naman binatukan ko siya. "Aray ko!" angal niya. "Na-starstruck lang naman ako sayo kasi ngayon lang uli tayo nagkita tapos ayos na ayos ka pa." At nag-pout pa ang loka.

"Lillian!" naaasar kong sigaw.

"Oo na!" Hinila niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Nagpaiwan naman si Charles sa labas. "Dadalhin na kita sa kapre mo." Hindi ko napigilang ngumiti dun. Miss ko na rin ang pagtawag sa kanya ng kapreng may elf ears.

Nang makarating kami ni Lillian sa dulo ng gymnasium, nakita namin ang EXO malapit sa stage na nagkakatuwaan at kumukuha ng group picture. Gusto ko nang maiyak sa tuwa. Ang saya nilang tingnan; ang ganda nilang tingnan.

Sa dulo ng mata ko, nakita ko si Lillian na tinitingnan ako nang nakangiti kaya nilingon ko siya. "Ganda mo, girl. Tears of joy lang ang peg?" Doon ko lang napansin na nagtutubig na nga ang mga mata ko. Mabilis ko yung pinahid. Sayang ang make up, guys. Baka kumalat pa ang eyeliner ko. Dapat maganda ako sa muling pagkikita namin ni Yeol. Haha!

Ini-tilt ni Lillian ang ulo niya sa direksyon ng EXO nang nakangiti na para bang sinasabing "Tara na!" Tumango naman ako bilang sagot kaya dahan-dahan kaming naglakad papunta sa kanila.

Habang naglalakad kami, bahagya akong natawa sa sarili namin. Sa gitna kasi kami dumaan; nasa magkabilang tabi namin ang mga upuan at sinabi ko na ba sa inyo na bitbit ko pa rin yung bouquet na ginamit sa kasal kanina? Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na napansin. Mukha tuloy akong bride tapos si Lillian ang maid of honor at hinihintay na ko ng groom ko sa unahan. Sana nga, hinihintay pa rin niya ako.

Chanyeol's P.O.V.

"Woah! Woah! Woah!" Bigla akong napalingon kay Baek sa reaksyon niyang yun. Nilingon din ako ni Baek nang ngiting ngiti kaya napakunot ako ng noo. Ano bang meron? Tumuro siya sa unahan sabay sabing, "May paparating na dyosa."

Nang sundan ko ang turo ni Baek, nakita kong meron nga. Hindi ko alam ang dapat gawin, ang dapat na i-react. Panaginip lang ba ang lahat ng 'to? Bukas pa ba ang graduation at sobrang excited lang ako kaya napapanaginipan ko 'to ngayon? Sobrang miss ko lang ba si Rey kaya napapanaginipan kong nandito siya ngayon?

"Aw! Aw! Aw! Aray! Masakit, Baek!" reklamo ko nang pisilin niya ang pisngi ko. "Para lang malaman mong hindi panaginip 'to," saad niya na ikinangiti ko. Hindi nga ito panaginip lang. Totoo ang lahat. Totoong andito si Rey.

Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Rey. Hindi talaga ako makapaniwalang nandito siya. Hindi ako makapaniwala sa presensya niya.

Her being a goddess became more realistic with her off white gown. Her skirt is flowing lightly and gracefully as if the wind is doing that on purpose to raise her beauty among everything else. The flowers on her hair were beautiful, but she's the most beautiful flower I've ever seen. The jewelry she wears shine brightly, but it can never beat the glow in her eyes. And what's more unbelievable is the fact that she's emanating sweetness now.

Sa kabila ng nag-uumapaw na tuwang nararamdaman ko ngayon ay nagawa ko pa ring malungkot. Ano bang malay ko kung si Charles pala ang dahilan why she's blooming like this right now?

Pero hindi naman masama ang mangarap diba? Gaya nga ng sabi ng marami, libre lang yun. Kaya lulubus-lubosin ko na ang libre at papangaraping ako pa rin ang pipiliin ni Rey. Sa mga oras na 'to, ako ang groom na naghihintay sa kanyang bride.

Ilang hakbang na lang ang layo niya samin nang tumigil siya at ngitian kami. Si Lillian naman ay pumunta sa tabi ni Baek habang ako na mismo ang lumapit kay Rey.

"Hey," maikli niyang bati nang nakangiti.

I chuckled a bit before answering, "Is that how you greet people now?"

"Ah... Good evening?" unsure na bati niya kaya hindi ko napigilang matawa uli habang tumutungo.

Bahagya niya kong pinalo sa dibdib ng hawak niyang bouquet. Mapanakit pa rin talaga siya. Haha! "Ngayon lang uli tayo nagkita tapos pagtatawanan mo lang ako?"

Tiningnan ko siya diretso sa mata at umiling nang nakangiti bilang sagot. "I'm not laughing at you. I'm admiring you."

She did not reply. Instead, she stared directly to my eyes. She seems taken aback by my words and I smiled at that fact.

We took our time to study each other's faces. She has gotten even more beautiful. She is Rey, the girl I loved before, the princess I love now, and the goddess I will love for the days to come.

Suddenly, a smirk slowly formed on her lips. "Gandang ganda ka naman ata sakin." We both laughed at her statement. For her, maybe it's humiliation for lifting her own chair, but for me, it's because what she said was true. "Dahil maganda ako, pwede ba akong magtanong?"

Our faces slowly turned serious and we shared meaningful gazes. "Yung panliligaw mo," simula niya. "Applicable pa rin ba yun hanggang ngayon?" unsure na tanong niya kasama ang isang alanganing ngiti.

Pakiramdam ko ay kumikinang na ang mga mata ko ngayon sa tuwa at kulang na lang ay magliwanag ang buong mukha ko. Tama lang na umasa ako, naniwala, at naghintay. Totoo ngang ako pa rin sa huli. Gusto ko nang tumalon at yakapin siya ngayon dahil sa naging desisyon niyang sundin ang puso niya pero mukhang gusto ko rin atang subukang magpakipot. Haha! Akala niyo ba mga babae lang ang pwedeng gumawa nun? Pwede rin namin yung gawin!

"Bakit ka muna may dalang bouquet? At grabe, ayos na ayos ka ngayon ah. Diretso kasal na ba 'to?" pang-aasar ko habang tinataas baba pa ang mga kilay ko. Haha!

"Ah... Ito ba?" Bahagya niyang tinaas ang hawak niyang bouquet habang tinitingnan ito. "Ang totoo kasi niyan, galing akong..." Tinigil niya sandali ang pagpapaliwanag at saka umiling. "Scratch that. Let's just say na..." Nginitian niya ako at sinasabi ko sa inyo, nakamamatay ang mga ngiti niya ngayon. Dulot ba ito ng sobrang pagka-miss ko sa kanya? "Ibibigay ko 'to sayo kung sakaling hindi na applicable yung panliligaw mo sakin ngayon." Nabigla ako sa sinabi niyang yun.

"At ito namang ayos ko ngayon?" She gestured her gown. "Nagpapapogi ang mga lalaki pag nanliligaw diba? Hindi ba dapat magpaganda rin ako kung liligawan kita?" She even winked at me. Unbelievable!

I can't help but smile at her acting so cute now. San niya napulot yan? I must say, very effective. Mas magaling pa ata siyang manligaw sakin. Nakaka-offend naman. Haha!

Kanya-kanya namang react ang audience sa likod ko. Sino pa ba? Ang mga ulol kong barkada kasama si Lillian. Karamihan sa kanila ay nag-"Yieeeeeeh!" habang sina Baek at Lillian ay sumisigaw ng "ChanYa forever!" Oh diba? Buhay na buhay pa rin ang shippers namin kahit ilang buwan naging hiatus ang OTP namin. Haha!

Nagkibit balikat naman sakin si Rey. "So?" maikli niyang tanong.

Sinundan lang ni Rey ng tingin ang bawat galaw ko nang kunin ko mula sa kanya ang bouquet. "Akin na nga 'to."

Pinapahiwatig lang ng bawat pagkurap ng magaganda niyang mata ang curiosity niya sa susunod kong gagawin. At kitang kita ko rin ang pagka-excite niya nang sabihin kong "Oo naman. Nililigawan pa rin kita hanggang ngayon."

Unti-unti siyang nangiti kasabay ng pagtutubig ng kanyang mga mata. Mabilis kong pinahid ang mga 'yon bago pa man tumulo. Hindi pa kami, ganito na siya kasaya. Wag ka namang masyadong excited, Rey. Hindi pa naitatanong sayo yung kailangang itanong para maging tayo na officially.

I stared at her beautiful face once again while cupping her cheeks. I will never get tired of staring at her and I still can't believe this goddess will be mine any minute now.

Natawa naman ako nang bigla niya kong paluin sa may bewang at sabihing "Ano na? Tutunawin mo na lang ba ako sa mga titig mo? Hindi mo pa ba ako tatanungin? Kasi kung hindi, ako na lang ang magtatanong." Haha! Excited.

"Naiinip na, 'tol!" rinig kong sigaw ni Baek. Tss. Dakilang extra! Haha!

"Bilisan mo na, hyung. Bahala ka pag nagbago isip niyan at ligawan ako," epal naman ni Kai na ikinatawa naming lahat.

"Ganda mo!" pangbibitin ko pa kay Rey kaya nag-pout siya sakin. Wow! First time. Dulot ba 'to ng sobrang pagka-miss niya sakin? Haha! Ang cute talaga ng future girlfriend ko.

"Akala ko, di mo na sasabihin yan at self proclaimed na maganda lang ako ngayong gabi." Tapos piningot niya ko sa tenga kaya napa-"Aray!" ako. Aish! Pinagdiskitahan pa yung tenga ko; mapanakit talaga 'to. Kailangan ko na atang paghandaan ang katotohanang yun.

"Tangkad mo, kapreng may elf ears!" Hindi ko mapigilang ngumiti dun. Namiss ko ang tawag niyang yun sakin. "Naka-heels na nga ako oh." Tinuro pa niya ang heels niya. "Ang laki pa rin ng agwat mo." Tapos sinukat niya yung tangkad ko sa kanya.

"Ang tangkad ko ba?" Tumango siya sa tanong ko at sinabing "Sobra!" habang binibigyan ako ng eyesmile.

"Kung ganun..." sabi ko at saka lumuhod para nga mas maliit na ko sa kanya at syempre para na rin sabihing "Will you be my one and only goddess?" habang inaabot sa kanya yung bouquet. Nakakatawa lang na siya naman talaga ang may dala ng bouquet na ito pero hayaan niyo na. Alam ko namang kinikilig din kayo. Haha!

Tuluyan na siyang naluha sa tuwa at kinuha yung bouquet para na rin itayo ako. "Yes! Ne! Oo! Of course I will be your one and only goddess." Kahit kanina pa maliwanag kung ano ang isasagot niya, iba pa rin ang pakiramdam pag narinig mo sa kanya yung salitang oo.

Niyakap ko siya at binuhat. Hinawakan naman niya ko sa magkabilang pisngi at idinikit ang noo niya sa noo ko. "At ikaw lang ang nag-iisang kapreng may elf ears ko." Nakakabakla mang aminin pero kinilig ako sa mga sinabi niya. "Ikaw lang," bulong pa niya.

Halos mapunit na ang mukha ko sa sobrang ngiti at inikot ko pa siya dahil napakasaya ko talaga ngayon. Nagdiwang din ang audience namin. Haha! Pagkatapos ay ibinaba ko na siya pero nanatiling nakayakap sa bewang niya ang mga kamay ko at hindi pa rin naaalis ang tingin namin sa isa't isa.

"Teka," sabi niya na para bang meron siyang naalala. Napakurap na lang ako ng mata dun. "Anong oras na? Baka ma-late ka sa flight mo, Yeol. Lilipad na kayong Korea ni umma right after graduation diba?"

Gusto ko sanang matawa dahil ano bang flight ang pinagsasasabi ni Rey? Pero nangibabaw sakin ang kilig nang marinig kong umma pa rin ang tawag niya kay umma. "Hindi naman ako aalis, Rey."

"Ha? Ano? Sabi sakin ni Lillian..." Natigil siya nang mapagtanto niyang niloloko lang pala siya ni Lillian. Hindi ko rin alam kung bakit nagsinungaling pa si Lillian. Para mas mapaaga ang pagbalik sakin ni Rey? Haha! Ganun na lang ba kasabik si Lillian sa ChanYa?

Susugurin na sana ni Rey si Lillian pero pinigilan ko siya. "Don't spoil the night," saad ko at nang lingunin ko si Lillian ay nakita kong naka-peace sign siya. "She's sorry, saka maganda naman yung resulta ng pagsisinungaling niya diba?"

Bigla siyang nangiti dun. "Maganda nga." Pagkatapos ay tiningala niya ko para tingnan sa mata. "Thank you for everything, Yeol, especially for waiting."

"I'd wait a thousand years if it was for you." And we shared our very first passionate kiss.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
226K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...