Sweet Yeollipop

By CursedYuki

2.1K 57 100

A bitter girl and a sweet guy. Their paths crossed. What do you think will happen? This is one bitter-sweet s... More

Sweet Prologue
Sweet Thing #1 - Lollipop
Sweet Thing #2 - Cupcakes
Sweet Thing #3 - Candy
Sweet Thing #4 - Nicknames
Author's Note
Sweet Thing #5 - Lunch
Sweet Thing #6 - Duet
Sweet Thing #7 - Love Songs
Sweet Thing #8 - Hot Chocolate
Sweet Thing #9 - Light Conversation
Sweet Thing #10 - Phone Call
Sweet Thing #11 - Protection
Sweet Thing #12 - Wish
Sweet Thing #13 - A Dozen Flowers
Sweet Thing #14 - Change
Sweet Thing #15 - I Love You
Sweet Thing #16 - Holding Hands While Walking Home
Sweet Thing #17 - Cake
Sweet Thing #18 - Stuffed Toys
Sweet Thing #19 - Happy Endings
Sweet Thing #20 - Babies
Sweet Thing #21 - Road Trip
Sweet Thing #22 - Dream Catcher
Sweet Thing #23 - Fountain
Sweet Thing #24 - Decision
Sweet Thing #25 - Happy Birthday!
Sweet Thing #26 - Missing You
Sweet Thing #27 - Moonlight
Sweet Thing #28 - Thinking of You
Sweet Thing #30 - Yes
Sweet Epilogue - Paper Cranes
Author's Last Note

Sweet Thing #29 - Believe & Hope

24 1 6
By CursedYuki

SWEET THING #29 – BELIEVE & HOPE

Freya's P.O.V.

February. To most of the people, this time is the sweetest but for Charles and I, this is one bitter month.

Kaming dalawa na lang ang natitira ngayon sa harap ng puntod ni Tita Charlene. Inilagay ni Charles ang hawak niyang puting cyclamen sa ibabaw ng puntod ng kanyang ina. I placed my left hand on his shoulder and caressed it comfortingly.

Humarap siya sakin at nakita ko ang mukha niyang luhaan, ang mukha niyang nangungulila at nasasaktan. Niyakap niya ko at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Sa ngayon, ito lang ang kaya kong gawin para kay Charles, ang manatili sa tabi niya para damayan siya.

Binigyan ko siya ng isang malungkot na ngiti. "Tara na?"

Charles' P.O.V.

Bumalik kami ni Freya sa bahay ko at nakakagulat na dama ko pa rin ang presensya nina mama at papa sa pamamahay na ito. It still feels like home.

"Dito ka pa rin ba titira?" tanong ni Freya. "I mean, malungkot mag-isa."

Tinabihan ko si Freya sa sofa. "Hindi naman ako mag-isa dito eh," nakangiti kong sagot at napakunot ang noo niya dahil dun. Bahagya akong natawa sa reaksyon niya. "Kasama ko sina mama at papa dito."

Nagpanggap naman siyang natatakot at bahagya akong pinalo sa balikat. "Wag mo nga akong takutin."

Natawa ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya na siyang naging dahilan para tingnan niya ko ng masama. "Aish!" reklamo niya habang hinahawakan ang pisngi niyang kinurot ko.

"Wag mo rin kasi akong alalahanin," sabi ko sa kanya na siyang nagpalambot sa ekspresyong suot niya. "Pano ko naman magagawa yun?" tanong niya.

"Bumalik ka na," saad ko at napakunot siya ng noo. Napabuntong hininga ako at saka nagpatuloy, "I don't think I have the reason to tell you this, but I think I have now."

FLASHBACK

Eksaktong 6:00am ako nakabalik sa bahay. Sa ospital kasi ako natulog; dumaan ako dito para makapaghanda sa pagpasok. Pero nagulat ako nang makita kong may kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin at hindi lang basta sa harap; hinaharangan nito ang daan papasok sa bahay namin.

Kinatok ko ang bintanang malapit sa driver's seat. Nakita ko ang anino nito na medyo nag-uunat. Ano 'to? Kagigising lang niya? Ibinaba nito ang bintana at nagulat ako nang makita ko kung sino ang nasa loob. Si Chanyeol 'to diba?

"Ch-Chanyeol?" alanganin kong tawag habang pinaniningkitan siya ng mata. Sinisigurado ko kung siya nga kasi baka mamaya, mapahiya pa ko.

"Ah... Haha! Ako nga. Good morning!" bati niya at saka siya lumabas ng kotse.

Nakakainis naman! Ang tangkad talaga ng isang 'to! Hindi naman sa malaki ang agwat niya sakin. In fact mga 6cm lang siguro ang tangkad niya sakin. Mas gusto ba ni Freya yung mga lalaking kasing tangkad niya? Tss. Inalis ko na ang thought na yun sa isip ko. "Bakit ka nandito? Pano mo nalamang dito ako nakatira?"

Nagpamulsa siya at sumandal sa kotse niya. Tss. Pa-cool pa ang gago. Alam kong mahalaga siya kay Freya pero sapat na dahilan na yun para mainis ako sa kanya diba? Kung hindi lang talaga 'to mahal ng dyosa, kanina ko pa inupakan. Hindi niyo ko masisisi. Tao lang din ako; marunong magselos. "Kinuha ko ang address mo sa adviser niyo ni Freya."

"Bakit mo naman yun gagawin?" curious na tanong ko. Nagtataka lang ako kasi kung meron man siyang sasadyain dito, si Freya yun at hindi ako.

Binuka niya ang bibig niya para sana magpaliwanag at itinaas ang hintuturo pero ibinaba niya rin ito at bumuntong hininga. Naghalukipkip siya at iniwas ang tingin sakin. "Kinuha ko yun kung sakali mang mangyari nga ang nangyari samin ni Rey kagabi."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Nagkita sila ni Freya kagabi? Kaya ba hindi siya dumalaw kay mama kagabi? Pero teka... Ibig sabihin ba nun... "Kagabi ka pa dito?"

Nagulat ako nang tumango siya bilang sagot. "Wala ka kaya napagdesisyunan kong hintayin ka na lang."

"Anong kailangan mo sakin?" tanong ko.

Bigla niya kong tiningnan at hindi ko alam kung bakit nakadama ako ng guilt nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Nandito lang ako para sabihing ingatan mo si Rey. Wag mo siyang pababayaan at lalong lalong wag mo siyang paiiyakin tulad ng ginawa ko. Yun lang. Madali naman diba?" Sinubukan pa niyang tumawa. Eh baliw rin pala ang isang 'to eh, may pagka-martyr din. Bagay na bagay nga sila ng best friend ko.

"Kung madali pala, bakit hindi na lang ikaw ang gumawa?" nakangisi kong sagot na siyang ikinabigla niya. Halatang halata ko sa mga mata niya ang gulat nang tingnan niya ko.

"Pano ko naman yun magagawa kung ipinagtatabuyan na niya ko?" Rinig na rinig ko sa boses niya ang sakit. Gusto kong ipagdiinan sa mukha niya na ganyan ang sakit na naramdaman ko nang malaman kong may isa nang tulad niya sa tabi ni Freya; na hindi na niya ako kailangan pa. Pero hindi ko yun magawa. Dahil alam ko... Alam kong siya pa rin ang mahal ni Freya.

Tumungo ako saglit at bumuntong hininga. Muli ko siyang hinarap para sagutin, "Sige, gagawin ko. Makakaasa ka." Ipinatong ko sa balikat niya ang kanang kamay ko para iparamdam sa kanya na totoo ang mga sinabi ko. Sinundan niya lang ito ng tingin at dahan-dahan akong nginitian ng malungkot. "Salamat," maikli niyang sambit at pumasok na uli ng kotse para umalis.

Pinanood ko lang ang kotse niyang tumatakbo palayo. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang siya pa rin ang mahal ni Freya di tulad ng alam niya. Ngunit umandar ang pagiging makasarili ko. Pasensya na, Chanyeol pero hayaan mo muna akong hiramin si Freya sayo.

END OF FLASHBACK

Nasaksihan ko ang unti-unting pagpatak ng mga luha ni Freya. Mabilis niyang pinunasan ang mga 'yon. "Hindi mo na..." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita para huminga nang malalim. "...sana sinabi pa."

Hinaplos ko siya sa likod para patahanin. "Tapos na ang pagpapanggap natin, Freya. Maraming salamat!"

"Ganun-ganun na lang ba, Charles?" Hindi na niya napigilan ang pagtataas ng boses. "Ipamimigay mo na lang ako dahil tapos na ang palabas?" Unti-unting humihina ang boses niya sa bawat salita. Sige lang, Freya. Magalit ka sakin. Unlike what you thought, I'm not really selfless.

"Hindi kita pinamimigay, Freya. Binabalik lang kita sa pinaghiraman ko."

"Ha! Ano ako? Manikang pinaghihiraman? Charles, pinili na nga kita. Bakit hindi na lang natin ipagpatuloy 'to?" Lalo ko lang pinagsisihan ang desisyon ko nung umagang yun nang marinig ko ang mga salitang 'yon sa kanya. Sana pala pinayuhan ko na lang si Chanyeol na wag sumuko. Sana hindi ko na lang sinabing aalagaan ko siya para sa kanya. Ni hindi ko nga matupad ang ipinangako ko sa kanya. Malinaw na umiiyak ngayon ang dyosa sa harap ko.

"Mahal mo ba ko?" biglang tanong ko. Alam kong masasaktan lang ako sa ginagawa ko ngayon pero kailangan kong gawin 'to para malinawan siya.

"Ano bang klaseng tanong yan, Charles? Syempre mahal kita!"

"Bilang ano?" Binalot kami ng katahimikan. Naipikit ko na lang ang mga mata ko nang mariin sa sakit nang hindi niya ko masagot. "Charles," mahinang tawag niya sakin habang inaabot ang kamay ko.

"Alam ko, Freya. Alam ko," bulong ko sa kanya. "Hindi mo kailangang magpaliwanag o kung ano pa man. Sundin mo lang ang gusto ng puso mo."

Umiling naman siya sakin. "Sa tingin mo ba, matatanggap pa rin niya ko? Sa tingin mo ba, mahal pa rin niya ko?"

"Sa kinwento ko sayo, nagdududa ka pa?" Iniwas niya ang tingin niya sakin. "Maniwala ka, Freya. Magtiwala ka sa kanya."

Chanyeol's P.O.V.

Find me just once
You know how much I want you
More than your faint image
More than the thick night
I'm afraid of being alone
It hurts

At mga kaibigan, diyan po nagtatapos ang nakakaiyak na performance ng nag-iisang gwapo sa mundo na si Chanyeol at ng inosente naming hyung na si Lay. Palakpakan naman diyan!

Pareho kaming nagulat ni Lay hyung nang marahas na bumukas ang pinto at pumasok sa office si Baek nang nagrereklamo. "Valentines bukas, ang bitter ng tinutugtog niyo." Tss. Pinaalala pang Valentines bukas. Marami na naman akong matatanggap na chocolates pero hindi galing sa gusto ko. Wala rin akong mapagbibigyan ng chocolate, flowers, balloons, o stuffed toys. Ang lungkot naman pala ng Valentines ko.

"Ha? Pano mo nalaman eh tapos na kami tumugtog?" tanong ni Lay hyung. Oo nga naman, Baek. Pano mo nalaman?

"Pustahan tayo, Hurt na naman tinugtog niyo," sagot ni Baek na talaga namang ikinagulat ni Lay hyung. "Woah! Pano mo nalaman yun?" pagre-react ni Lay hyung. Pero ako, hindi ako nagulat dun. Alam ko naman kasing alam yun ni Baek dahil kilalang kilala niya ako.

Todo ngiting naupo si Baek sa sofa dito sa office. Tss. Ineenjoy ng gago ang pagkabilib sa kanya ni Lay hyung. Eh sa sobrang inosente ni hyung, kahit sa 5 years old, bibilib yan. Pero natauhan ako sa mga sunod na salitang binitawan ni Baek, "Kaya ayoko pag nagsasama kayong dalawa eh."

Napakurap ako ng mata at napatingin kay Baek. Nagkibit balikat lang siya sakin. Hindi na ba ako karapat-dapat sa titulong happy virus? Binalik ko naman ang tingin ko kay Lay hyung na tumutugtog na naman ng malungkot. Hindi ko na ba kayang hilahin uli ang musika ni hyung sa isang mas masayang piyesa?

"Lay hyung, yung mga sweet nating kanta naman ang praktisin mo," mungkahi ni Baek kay hyung. "Valentines bukas; magpe-perform ang Hearts Club. Lucky na lang tugtugin mo, hyung o kaya Don't Go."

Napa-"Tss." na lang ako sa mga sina-suggest na kanta ni Baek. Lumayo ako sa kanila at pumunta sa isang sulok ng office saka nag-soundtrip mag-isa.

I was too dumb to notice
That there's something about you

Nung araw pa lang na pumunta tayo sa orphanage, alam ko nang may iba; alam ko nang may mali.

What am I supposed to do
I sure wish I knew

Kung ikaw, may Charles na. Ako, ikaw pa rin at ikaw lang. Anong gagawin ko, Rey? Gusto mong kalimutan kita pero hindi ko magawa.

All the butterflies I felt inside
Never really mattered
Wishful thoughts and sudden smiles
End up being shattered

Bakit kailangang mauwi tayo sa ganto?

What are we supposed to be
I'm hopelessly addicted to you
But you never felt the same

Overdose na overdose na ko sayo, Rey. Ang lakas na ng tama ko. Pano ba pabababain 'to?

Time may pass us by
But you'll stay stuck on my mind

Ilang buwan na ang nakalipas; February na pero hindi ka pa rin naaalis dito sa isip at puso ko

And that moment we stared that night
I thought it was right
But maybe I was wrong all along

Wala nga ba talagang namagitan sating dalawa, Rey? Wala ba talaga?

I held onto something that never really mattered
Stuck on that starting line
I'm still silently, quietly hoping you'll end up with me

Ang tanga mang pakinggan, naghihintay pa rin ako sayo at umaasang tayo pa rin sa huli. Anong magagawa ko kung ikaw lang ang gusto ng puso ko?

I was too dumb to notice
There was something about you

Akala ko, basta pakiramdam at kutob lang ang meron ako nang sabay nating panoorin ang paglubog ng araw sa Baguio. Hindi ko inakalang doon magtatapos ang kung ano man ang meron tayo.

How are you supposed to see things
If only you knew

Paano nga ba natin makikita? Paano natin malalaman? Kung kailan ang tamang oras, kung saan ang tamang lugar... Kung mismong kaharap na natin ang lahat ng babala ngunit binubulag tayo ng kinang ng isang matamis ngunit mapanlinlang na sitwasyon.

All the times we were together
I never really mattered
All you see is what you want
My heart is being shattered

Minsan, gusto kong magalit sayo, Rey. Dahil pakiramdam ko, ako ang nagsilbing trial and error mo, isang eksperimentong magsasabi sayo kung mahal mo pa talaga si Charles. At nang malaman mong oo, iniwan mo ko at binalikan siya. Ngunit hindi ko magawa. Because there's this something telling me you still love me, and I hope this something won't betray me.

What are we supposed to be
I'm helplessly addicted to you
But you never felt the same

Time may pass us by
But you'll stay stuck on my mind
And that moment we stared that night
I thought it was right
But maybe I was wrong all along

Lahat ng alaala natin ay malinaw pa rin sakin at walang bahid ng kupas kahit ilang buwan na rin tayong nagkikita, at ang katotohanang hindi tayo magkasama ngayon ang siyang naglalagay ng alinlangan sa isip ko.

I held onto something that never really mattered
Stuck on that starting line
I'm still silently, quietly, hoping you'll end up with me

Time may pass us by
But you'll stay stuck on my mind
And that moment we stared that night
I thought it was right

Time may pass us by
But you'll stay stuck on my mind
And that moment we stared that night
I thought it was right
But maybe I was wrong all along

I held onto something that never really mattered
Stuck on that starting line
I'm still silently, quietly hoping you'll end up with me

I was too dumb to notice
That there's something about you
What am I supposed to do if...
I'm still stuck on you...

Ano nga ba ang dapat kong gawin? Kahit ilang beses kong tanungin ang sarili ko, isa lang ang nakukuha kong sagot. Maniwala sayo at umasa.

Continue Reading

You'll Also Like

43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
4M 196K 101
✅ "We always long for the forbidden things." 𝐝𝐲𝐬𝐭𝐨𝐩𝐢𝐚𝐧 𝐧𝐨𝐯𝐞𝐥 ↯ ⚔︎ ʙᴏᴏᴋ ᴏɴᴇ ᴀɴᴅ ᴛᴡᴏ ᴄᴏᴍʙɪɴᴇᴅ ⚔︎ ...