When GANGSTERS meet the SADIST

By arkiSTEPH

10.7M 182K 17.4K

[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko... More

prologue
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
Chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50
chapter 51
chapter 52
chapter 53
chapter 54
chapter 55
chapter 56
chapter 57
chapter 58
chapter 59
chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
chapter 65
chapter 66
chapter 67
chapter 68
chapter 69
chapter 70
chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
chapter 76
chapter 77
chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
EPILOGUE
Special Chapter

chapter 9

128K 2.1K 71
By arkiSTEPH


CHAPTER 9

" What's the value of x to get the correct answer?" tanong ng aming teacher sa math.

Teka alam ko 'to, nag-isip akong mabuti. Kailangan kong makasagot dahil sayang ang recitation.

Nakita ko na nagsosolve na ang mga kaklase ko so I started to solve it on my mind.

" x= 17 ma'am." agad kong sagot.

" Correct Ms. Posadas, you got one point in recitation, okay, let's go to next equation."

Alam mo 'yong feeling na ikaw lang nakasagot ng tama sa math? Heaven. Iba talaga ang sayang naibibigay sakin ng Math, ito ang pinaka favorite kong subject sa lahat.

Nagpatuloy lang kami sa oral recitation, para kaming nasa game show nito. Kung sino kasi makakuha ng limang tamang sagot is exempted sa two quizzes namin.

" y= 156." medyo mayabang na pagkakasabi ni Alexis sabay tingin sakin. Magaling din pala siya sa Math. Babawi nalang ako next question.

" Ma'am ma'am! The answer is 45." sagot ng isa kong kaklase. Pero mali 'yong sagot n'ya. Sayang pero buti nalang alam ko ang sagot kaya nasagutan ko kaagad.

Yes! 2 points.

Alexis =1

Agatha=2

Nicolo=1

Nasabi ko na ba sa inyo? Medyo grade conscious din 'yang si Nicolo.

" Psh, siya na naman ang sumagot. "

" Wow galing ni Agatha."

Andyan na naman ang mga bitter and sweet kong classmates. Bakit 'di nalang kaya din sila sumagot. As of now tie na kami ni Alexis.

Alexis=3

Agatha=3

Jonas= 2

Nicolo=1

" The answer is -33.68." sagot ni Jonas, magaling din siya sa Math. 'Di na nakapagtataka kasi at his age ang dami na n'yang business. Magaling sa kwentahan.

" Wrong, no more other answer?"

Agad akong nag solve ng bago.Nalilito ako. Pahirap ng pahirap 'yong tanong.

" 34.65, I guess." Sagot ni Alexis kaso mali din, nagtry ako ng ibang method para gamitin sa problem. Napangiti ako agad ng makuha ko agad ang tamang sagot.

Magsasalita sana ako nang...

" 0. 213m." sumagot siya.

Nanahimik ang lahat , akala mo may anghel na nagsalita. Pero sa kabaligtaran.

Naunahan ako ni Uriahnggutan. Tumingin ako sa kanya kaso tinignan n'ya lang ako na parang nang aasar. Hindi ko naman siya pwede asarin dahil baka malaman na close kami, ay mali ata 'yong term ko. Simula noong pasukan ngayon ko palang siya narinig na sumagot sa isang tanong ng aming teacher.

" Wow, sumagot siya."

" Oo nga, siguro nachachallenge siya kaya ganoon."

" Bumalik na ang math wizard, girls."

Manghang manghang sabi ng mga kaklase ko. Math wizard pala ang unggoy na 'to. Bakit 'di halata sa mukha n'ya? Wizard? Mas mukha siyang lizard na unggoy. Wala sa mukha niya ang interes sa pag-aaral.

" Himala Mr. Emperial! It's good to know na nakikisali ka na ulit sa discussion."

Really? Active pala siya sa discussion dati. Napaka misteryoso talaga ng dating ng lalaking 'to sa akin. Nahihiya naman kasi akong kausapin siya at magtanong ng kung anu-ano. Baka kung ano pa ang sabihin niya. Ayoko din naman na magtanong sa iba tungkol sa kanya dahil baka isipin na interesado ako sa unggoy na 'yon.

" That question was easy," sabat n'ya na akala mo ay tamad na tamad sa buhay. Napangiti pa ang iba at kinilig. Kumunot ang noo ko, ang yabang niya talaga.

Pasimple ko siyang nilingon, nilngon niya din ako at tumungo siya like saying 'Anong tinitingin tingin mo dyan'. Tinaasan ko lang siya ng kilay at humarap na ulit sa whiteboard.

" Hey." malumanay at mahina niyang sabi.

Muntikan na ako mapatalon sa kinauupuan ko. Nagulat ako sa biglaang paglapit at pagsalita niya sa likuran ko. Ang hilig talaga mang gulat nito, pero hindi ko padin siya nilingon.

" I won't let you win sadist." bulong niya at tonong nang-aasar.

Kaya pala siya sumagot para hindi ko makuha 'yong point sa recitation. Ang husay nitong lalaking 'to sa pang aasar. Hinawakan ko ang kunot kong noo at binabanat iyon. Mabilis akong tatanda ng dahil sa lalaking 'to.

Kailangan kong sumagot ng mabilis. Hinahamon ako ng Uriahnggutan na 'to! Kumuha ako ng panibagong papel, mukhang kailangan ko lalong magseryoso. Hindi hindi ako magpapatalo sa kanya.

" Okay next equation, using substitution get the value of a and b."

Mabilis akong nagsulat at halos sumakit ang daliri ko. Mabilis ko din tinype sa calculator ang given. I can solve this less than one min. Unti nalang ... okay done!

" x=3124 y=2537."

Napapikit ako sa inis. Naunahan na naman ako ni Uriah. Sa kanya lang talaga ako naiinis kapag sumasagot.

Agatha=3

Alexis= 3

Uriah=3

Jonas=2

Nicolo=1

Tuwang tuwa ang mga tropa ni Uriah, suportado nila ang boss nila. Close fight kami nila Alexis, kinakabahan na ko at the same time naeexcite lalo.

" teta is equal to 36. 21 degree" sabay naming sagot ni Uriah. Medyo pasigaw naming nasabi 'yong sagot. Dala na rin siguro ng pagmamadali. Pinagpapawisan tuloy ako nang 'di oras.

" Go bekla, Galing galing mo."

" Nice Bes, kaya mo 'yan tutal kayo nalang din naman naglalaban. Suportanta ka namin, haha!"

Napangiti nalang ako kay Faye and Nicolo. Nakalimutan ata nilang kasali din sila dito. Parang gusto ko lagyan ng busal 'yong bibig ni Uriah.

Dahil parehas kami ng sagot binigyan kami ng bagong problem. Kaso magaling talaga siya. Naunahan na naman ako. Last nalang he'll get 5 points.

" Given the equation, find the value of 'a' and compute for its total area.I'll give you 2 minutes. Go!"

This problem gives me headache. This is so complex but I'll try to work this out.

1 min... I'm still solving. Buti wala pang sumasagot. 30 secs left, hindi padin ako tapos. Natetense na ako at halos mapunit ko na ang papel ko sa sobrang pagmamadaling magsolve.

" ma'am, a=12. 23 and total area= 233." sagot ko mismo matapos kong magcompute. Napangiti ako dahil alam kong tama ako. That's correct and I'm sure with that. Pasimple ulit akong tumingin kay Uriah.

'Ano ka ngayon mayabang?'

" I'm sorry but I need the exact answer." Aniya ni ma'am.

Talagang nagulat ako at napanganga sa sinabi ni ma'am, I'm pretty sure that's correct. Haharap sana ko kay ma'am para magtanong pero huli na.

" a=12. 23 meters." Kaswal na sabi ni Uriah. Lahat ng atensyon namin ay nasa kanya.

" and total area is 223 SQ. METERS." dagdag niya.

Habang sinasabi n'ya 'yon nakatingin lang siya sakin instead kay ma'am. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay inialis na niya nag tingin sakin at ngumisi nang kaunti. Napanganga ako ng bahagya at natulala ng ilang segundo. Mabilis kong iniiwas ang tingin sa kanya nang bumalik ako sa katinuan.

Ang yabang talaga, pero when he smirked...naiinis ako. Naiinis ako kasi... sobrang pogi niya nung oras na 'yon. Ang dimple niya, kapansin-pansin.

Natahimik lang ako at 'di iniintindi ang nasa paligid. I think I'm blushing. No, this is wrong. Bakit ako mag bblush. What he did was not sweet right? Kahit papaano siguro ay naappreciate ko lang ang kagwapuhan niya. Tama, 'yon lang kasi ang pwede kong ma appreciate sa kanya.

"That's correct! Congrats Mr. Emperial. Exempted ka na sa 2 quizzes. Wala ka pa rin kupas kahit graduating ka na, I hope na magtuloy tuloy ulit ang pag participate mo sa klase. See you tomorrow class."

Umayos na ulit ako ng upo. Nagpalakpakan naman 'yong mga classmates ko. Pumalakpak din ako kahit papaano. Ayoko naman masabihan ng bitter.

"Ang galing!"

" Yeah, nakita mo 'yon? He smiled. Bihira lang 'yon ah."

Oh come on! He did not smiled, he just smirked.

" Feeling naman 'tong si Agatha akala n'ya mananalo siya kay Uriah." pagbibiro ng isa kong kaklase. Ngumiti siya sa akin pero binigyan ko siya ng iritableng ngiti.Kulang lang ako ng unit kaya ako natalo!

" Don't bother them Bes, sobrang galing mo kaya."

" Oo nga teh, galing mo d'yan ah! And wait ... bakit parang may something sa inyo ni Uriah, ikaw huh." sabay sundot n'ya sa bewang ko.

Ayan na nga ba sinasabi ko. Ayoko ng issue.

" Ano 'yon Nicolo? Ikaw issue ka. Nakita mo ba kaming nag uusap? 'di nga kami close ng mayabang na 'yan."

" Weh! Maang-maangan ka, e bakit nakatingin siya sayo habang nagrerecite tapos nag smirk pa, 'di ba Faye? Swerte mo bekla! Magrerecite na nga din ako sa susunod."

" ha ano? Baka wala lang naman 'yon Nicolo. Syempre sila nalang ang naglalaban kanina kaya ganoon..." sagot ni Faye.

Break time na, sa may canteen lang kami kumain. At 'yong mga gangster na 'yon? 'Yon! May area talaga para sa kanila.

"May I join you?" tanong niya habang nakangiti. I miss that smile. Nakakahawa talaga.

" Sure papa D, dito ka sa tabi ko." offer ni Nicolo, ang gentleman nitong si taong 'to sa kapwa lalaki basta gwapo. Pero pagdating samin halos ang gusto niya e tratuhin siyang prinsesa.

"Dito nalang ako! Thank you." Sagot ni Dominic. Tapos kumuha siya ng vacant chair at tumabi sakin.

Kalma lang Agatha! 'wag mo naman masyado ipahalata na kinikilig ka. Pigil na pigil ang ngiti ko.

"Kamusta na? Minsan lang kita makita ah." tanong ni Faye habang kumakain ng chicken pasta. Favorite niya 'yan. Kahit dalawang platong pasta kaya niyang ubusin.

" Oo nga e, hindi na ako nakakasama kina Uriah this past few days, may tinatapos kasi kaming photoshoot."

Hindi ako makakain ng maayos, nahihiya ako ngumanganga.Bahala na nga.

" Ikaw Agatha, musta naman?"

Agad kong nilunok ang pagkain sa bibig ko. Kinakamusta n'ya ba ako o 'yong tungkol samin ni Uriah? Hindi ko siya matitigan sa mata.

" Okay naman, 'yon nga lang nakaka bwiset 'yong alaga kong unggoy."

Napatingin sakin si Faye at Nicolo. Habang si Dominic natawa lang. Nagets n'ya 'yong sinabi ko. Ang cute n'ya. 'Di ako sure kung nakakakita pa ba siya kapag tumatawa. Lalong sumisingkit ang mga mata niya.

" May alaga kayong unggoy Bes? Bakit wala naman ako nakita sa bahay niyo. Aso 'di ba meron kayo?"

" Ah, oo Bes! 'yong unggoy kasi na inaalagaan ko nasa ibang lugar. Bale pumupunta nalang ako sa kanila. Hehehe. Pero saglit ko lang naman 'yon aalagan."

Buti nalang magaling ako magpalusot ang swerte nga ng unggoy na 'yon, sa penthouse nakatira. 'Yon ang may pinakamahal na unit sa condo. Saglit lang ba ang anim na buwan?

" Bakit nga pala andito ka? Ayaw mo makijoin sa table nila Uriah?"

" Galing na ko doon, tapos na rin ako kumain."

Kaya pala pizza lang ang kinakain n'ya ngayon. 'Di naman halatang mahilig siya sa pizza. Nag-usap lang kami at sa buong oras ng recess, hindi nawala ang ngiti ko.

Tumunog na ang bell, ibig sabihin kailangan sa loob ng five minutes nasa kanya kanya na kaming room. Nagpaalam na kami kay Dominic, sec. 2 kasi siya kami naman sec. 1. Bakit ba kasi nahiwalay pa siya kina Uriah.

Nandito na kami sa room, kaso nasaan na kaya 'yong mga gangster na 'yon? Teka bakit ko ba sila hinahanap? Baka nag-cutting na naman. Halos lahat sila kahit papaano ay nakakasundo ko na, isa nalang talaga hindi e ... si Uriahggutan. Walang araw na 'di kami nag aaway ang saya 'di ba? Naalala ko tuloy 'yong nasa penthouse n'ya kami kahapon ... yong ano... nagkalapit 'yong ano namin... Hmmm. 'yong mukha namin dalawa. Ganito kasi ang nangyari,

"Ang panget mo!"

Sabi n'ya sabay bitaw sa kamay ko. Kaya naman dali dali kong inilayo ang mukha ko sa kanya. That was so close Tumayo ako at pumuntang kusina para uminom.

" Mas panget ka!" sigaw ko, nagresponse naman ako to show him na hindi ako naiilang. Baka kung ano isipin n'ya. He does not say anything. Sumilip ako sa may sala at andoon padin siya,nakaupo lang. Nailang din kaya siya? Imposible naman. Parang nag iba ang ambiance ng paligid. Awkward.

"Magpalit ka na tapos umalis ka na. 'Wag ka na muna pumunta dito bukas."

" But --"

" Don't worry bayad ang araw mo bukas." Agad siyang tumayo at humakbang, pero tumigil siya saglit. "Sayo na 'yang suot mo... kung ayaw mo itapon mo nalang." sabi n'ya sabay pasok ng kwarto.

Hindi naman tungkol doon 'yong itatanong ko e. Anong problema n'yon? Pero okay na rin siguro 'yon para makapagpahinga ako.Napayuko ako at tinignan ang suot ko at hinawakan iyon.

Akin na daw ito? Ang mahal nito, talaga bang akin nalang 'to? Napangiti ako bigla, pero agad din 'yon nawala. Ibinibigay niya 'to sakin dahil alangan naman gamitin niya 'to at lalong 'di naman niya 'to kailangan. Sayang mata-touch na sana ako. Itapon ko nalang kaya? Mamaya manumbat pa siya.

Actually nung gabi pag uwi ko, nasa isip ko pa rin 'yong eksenang 'yon. Syempre ikaw ba naman maka experience ng ganoon. Masyado ako napapaisip, ayoko ng ganito. Oo nga pala, 'yong binili niyang damit at sandals para sakin... tinago ko. Sayang kasi eh, ang ganda pa naman.

Natigil ang pag iisip ko nung may matanggap akong text.

From: Dominic Sy

'Free ka ba mamaya? Can we go out later? My treat :) I'll pick you up after class. Okay?'

Napatitig lang ako sa cellphone ko at paulit ulit na binasa ang text niya. Is he asking me for a date? Napapikit ako para pigilan ang sarili kong mag-isip ng ganoon. Bakit ba ang assuming ko. Siguro may gagawin lang siya tapos magpapasama sakin. Tama, baka ganoon nga. Okay lang naman kasi wala ako trabaho ngayon. Tsaka para makapagrelax na rin ako.

' Okay :) see you later.'

Ang bilis ko pumayag ano? Harmless naman kasi si Doms. Besides, tinulungan niya ako nung nakaraan. 'Di ko na mapigilan, ngayon palang kinikilig na ko paano pa pag magkasama na kami ni Dominic.


I think today is my Lucky day! No Uriah, no war.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 13.2K 5
198K 5.7K 60
Ano ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best...
2.8M 34.3K 51
[NO SOFT COPIES] A campus princess A girl that is idolized and envied A girl who you never thought living in a world we didn't know.... A Wo...
9.2M 267K 71
[COMPLETED] Highest Rank : #1 in Teen Fiction Ito ang kwento ni Acee Jade Furukawa, ang slight na malanding nerd. Kasama din ang heartthrob na si Jh...