Revenge of a Rejected

By FinnLoveVenn

63.8K 3.3K 388

EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang... More

♛NOTE♛
CHAPTER: 01
CHAPTER: 02
CHAPTER: 03
CHAPTER: 04
CHAPTER: 05
CHAPTER: 06
CHAPTER: 07
CHAPTER: 08
CHAPTER: 09
CHAPTER: 10
CHAPTER: 11
CHAPTER: 12
CHAPTER: 13
CHAPTER: 14
CHAPTER: 15
CHAPTER: 16
CHAPTER: 17
CHAPTER: 18
CHAPTER: 19
CHAPTER: 20
CHAPTER: 21
CHAPTER: 22
CHAPTER: 23
CHAPTER: 24
CHAPTER: 25 [R18]
CHAPTER: 26
CHAPTER: 27
CHAPTER: 28
CHAPTER: 29
CHAPTER: 30
CHAPTER: 31
CHAPTER: 32
CHAPTER: 33
CHAPTER: 34
CHAPTER: 35 [R18]
CHAPTER: 36
CHAPTER: 37
CHAPTER: 38
CHAPTER: 39
CHAPTER: 40
CHAPTER: 41
CHAPTER: 42
CHAPTER: 43
CHAPTER: 44
CHAPTER: 45
CHAPTER: 46
CHAPTER: 47 [R18]
CHAPTER: 48 [R18]
CHAPTER: 49
CHAPTER: 50
CHAPTER: 51
CHAPTER: 52
CHAPTER: 53
CHAPTER: 54
CHAPTER: 55 [R18]
CHAPTER: 56
CHAPTER: 57
CHAPTER: 58
CHAPTER: 59
CHAPTER: 60
CHAPTER: 61
CHAPTER: 62
CHAPTER: 63
CHAPTER: 64
CHAPTER: 65
CHAPTER: 66
CHAPTER: 67
CHAPTER: 68
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER: 70
CHAPTER: 71
CHAPTER: 72
CHAPTER: 73
CHAPTER: 74
CHAPTER: 75
CHAPTER: 76
CHAPTER: 77 [R18]
CHAPTER: 78
CHAPTER: 79
CHAPTER: 80
CHAPTER: 81
CHAPTER: 82
CHAPTER: 83
CHAPTER: 84
CHAPTER: 85
CHAPTER: 86
CHAPTER: 87
CHAPTER: 88
CHAPTER: 89 [R18]
CHAPTER: 90
CHAPTER: 91
CHAPTER: 92
CHAPTER: 93
CHAPTER: 94
CHAPTER: 95 [R18]
CHAPTER: 96
CHAPTER: 97
CHAPTER: 98
CHAPTER: 99 [R18]
CHAPTER: 100
CHAPTER: 101
CHAPTER: 102
CHAPTER: 103
CHAPTER: 104
CHAPTER: 105
CHAPTER: 106
CHAPTER: 107
CHAPTER: 108

CHAPTER: 69

479 35 5
By FinnLoveVenn

"Algern, buti naman at bumalik ka na? Akala ko ay hindi ka na magpapakita pa sa pack hahaha," biro ni Alpha Diego nang dumating ang matalik niyang kaibigan sa kaniyang opisina. Ngumiti naman si Algern at inalis ang kaniyang sumblero sabay salampak sa upuan, medyo marumi ang damit ninto, binabalot din ng makapal na bigote ang kaniyang bibig at halatang hindi naaalagaan ang kaniyang sarili habang wala sa pack house.

"Pwede ba 'yun? Ito lang ang pack na tumanggap sa akin, medyo busy lang ako sa mga pinapahanap mo sa akin noon at nag enjoy na rin mabuhay s acentral kaya pasensya ka na kung wala akong gaanong ambag sa pack, babawi ako ngayon," tugon ni Algern habang hinahalungkat ang kaniyang bulsa.

"Nahanap ko na ang gamot na sinasabi mo, ano ba kasi ang pinasok ng anak mo at nilason siya ng sarili niyang mate," natatawang tanong ni Algern kay Diego at napabuntong hininga na lamang si Diego dahil hindi niya rin lubos maisip na nangyayari ang lahat ng ito dahil kay Elara.

"Mahabang kwento, oh ito ang bayad," sagot ni Alpha Diego at binato ang isang sobre na puno ng pera at ganoon din si Algern at binato kay Diego ang isang lalagyan na may laman ng medikasyon para sa pagiging paralisado ni Elijah.

"May gagawin ka ba ngayon? Nais kong ikaw na muna ang magbantay sa fated mate ng anak ko, pinagbubuntis niya ang apo ko kaya hindi ko siya maparusahan sa ginawa niya kay Elijah, gusto ko na ikaw ang magbantay sa kaniya dahil medyo tuso ang isang iyon," tugon ni Diego at hindi alam ang sinasabi niya.

Sisindihan sana ni Algern ang hawak niyang sigarilyo nang mapatagil sandali nang marinig niya ang balita na dala ni Diego, hindi niya inaakala na mabubuntis si Fiona, pero alam niya naman kung nasaan si Fernanda.

"Teka, nasaan si Calisto?" Tanong ni Algern sabay hithit sa sigarilyo niya, kailangan niya maghanap ng mga impormasyon bago gumawa ng hakbang dahil ang totoo niyan ay bumalik siya sa pack na ito dahil kailangan niyang kunin ang mag ina niya.

"Nasa misyon pero baka umuwi na iyon sa susunod na linggo o mga araw, paniguradong magugulat siya dahil nasa dungeon ngayon ang chosen mate niya, at sa ginawa ng ampon niya si Fiona," sagot ni Diego, hindi niya maiwasan mapailing dahil alam niyang masasaktan si Calisto kapag nalaman niya ang mga nangyayari sa pamilya niya.

"Paniguradong magugulat talaga siya," mahinang tugon ni Algern habang nakatingin sa phone niya at hinahanda ang mga plano niya.

Si Algern ang fated mate ni Fernanda, isang Delta sa Forestheart noong kabataan niya, kasabay niyang umanib sa pack na ito si Calisto at naging malalapit na magkakaibigan silang tatlo nila Diego, siya ang laging inaatasan na magbantay sa mga border at magturo sa mga warrior ng pack, sa pamamalagi niya sa labas ay mas ginusto niya pang tumira sa city kaysa sa loob ng pack house nila at doon niya nakilala si Fernanda na kaniyang fated mate, nabuntis niya ito at agad sila nagkaroon ng anak na si Fiona, pero dahil hindi niya maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya niya ay iniwan siya ni Fernanda dala-dala ang anak nila.

Matagal siyang naging lone wolf, hindi niya naisipan na bumalik sa pack niya dahil patuloy niya pa rin naman ginagawa ang trabaho niya bilang bantay sa border pero dahil sa lungkot ay nalulong siya sa droga at iba pang masasamang bisyo at trabaho para makakuha ng easy money na magagamit niya sa mga bisyo niya.

Nang napagpasyahan niya dumalaw sa pack ay doon niya nakita na ang kaniyang fated mate na si Fernanda ay naging chosen mate ng matalik niyang kaibigan na si Calisto. Nakita niya kung gano kaganda ang buhay ni Fernanda at ng anak niya kaya naman hinayaan niya na lang ang mga ito at hindi na nagpakita pa sa kanila.

Pero si Fernanda mismo ang lumalapit sa kaniya, dahil hindi pa tinatanggap ni Algern ang rejection ni Fernanda ay buo pa rin ang bond nila. Kapag nagkukulang ang chosen mate ni Fernanda ay si Algern ang nagpupunan ng pagkukulang na ito, kinukuha nilang opportunity na laging nasa trabaho at mission si Calisto para magkita sila at magamit nila pareho ang pera na pinaghihirapan ni Calisto.

Siya rin ang takbuhan ni Fernanda tuwing may nais itong gawin, katulad na lamang ng panlalason sa anak ni Calisto at sa pag-aangkat niya ng droga sa Forestheart pack. Naging magkatuwang sila sa mga plano na iyon at alam niyang hindi siya iiwan ni Fernanda kahit na nakatira ito sa ibang bahay.

"Sigurado ka ba na wala kang gagawin? Ilang araw kang mananatili sa pack house?" Tanong ni Diego, pansin niyang kalmado pa rin si Algern katulad ng dati, wala pinagbago kaya malakas ang loob niya na pagkatiwalaan ito.

Pero may parte sa kaniya na medyo nag dadalawang isip, may takot kasi siya sa mga taong masyadong tahimik at kalmado dahil ang mga ito ang pinaka mahirap basahin.

"Wala naman akong gagawin depende kung may pag-uutos ka sakin sa labas ng pack, gusto ko rin muna mag lie low, tumatanda na ako hahah," biro ni Algern sabay tayo sa kaniyang kinauupuan.

"Painumin mo kaagad 'yan sa anak mo, kailangan niya mabigyan ng mabilis na lunas bago mahuli ang lahat," tugon ni Algern at naglakad na palabas ng opisina ni Diego.

Sa totoo lang ay ayaw niyang lokohin ang kaibigan niyang si Diego at Calisto, ngunit mas nangingibabaw sa kaniya ang pagmamahal na mayroon siya kay Fernanda at hindi niya hahayaan na mamatay ang fated mate niya.

Paglabas ng pinto ni Algern ay agad na nagbago ang timpla ng kaniyang mukha, kailangan niya mapuntahan si Fernanda at maialis kaagad ito sa Foresheart dahil alam niyang hindi na magdadalawang isip si Diego na ikulong habang buhay ang kaniyang mate.

Sa paglalakad niya ay nakita niya ang silid ni Fiona na binabantayan ng dalawang gamma, alam niya na ito ang kwarto ni Fiona dahil sa ito lang ang natatangging kwarto na may bantay. Agad niya itong nilapitan, "inutusan ako ni alpha Diego na maging bantay sa kriminal na 'to," sagot ni Algern kaya nagkatinginan ang dalawang gamma, kilala nila si Algern pero ngayon lang ulit nila ito nakita.

"Ah, sinabi na po ni Alpha Diego ang tungkol sa inyo, pero pinag-uutos po ni Alpha Diego na magbihis at maligo muna kayo, magpahina na rin at bumalik na lamang mamayang hapon," sagot ng isang gamma kahit na nahihiya siyang sabihin ang bagay na iyon.

Napatingin naman si Algern sa kaniyang braso at nakita kung gano kadumi ang manggas ng kaniyang suot na damit, "mukha ba akong madungis?" Tanong niya at nagkatinginan lang ang dalawang Gamma, nahihiya aminin ang bagay na iyon sa kanilang Delta.

"Hahaha, sige, mabuti pa nga na maligo muna ako at baka pandirihin ako ng anak ko, medyo maarte pa naman 'yun," natatawang sagot ni Algern at naglakad na papunta sa kwarto niya.

Muling nagpalitan ng tingin ang dalawangg Gamma, nagtataka sa sinabi ni Algern. "May anak pala si Delta Algern?" Tanong ng isa at nagbikit-balikat na lamang ang isa bilang sagot.

Nagtungo si Algern sa kanyiang silid at naligo, inahit niya na ang makapal niyang bigote at balbas, nagpalit siya ng kaniyang yuniporme at agad din lumabas ng kaniyang silid. Sobrang laki ng ibinata ng kaniyang itsura nang maglinis siya kaya halos karamihan ng pack member na nakakaalala sa kaniya ay agad siyang nakilala, malayo sa pagpasok niya kanina sa pack house na wala man lang bumati sa kaniya.

Sa kaniyang paglalakad ay nakasalubong niya si Elara, nagkatinginan silang dalawa. Nginitian ni Algern si Elara pero hindi binalik ni Elara ang ngiti na iyon.

'Saan ko ba siya nakita? Member ba siya ng pack? Pero bakit ngayon ko lang siya nakasalubong pero pamilyar ang mukha niya,' iniisip ni Elara habang nakatingin kay Algern.

"Magandang umaga Luna Elara," bati niya kay Elara.

"Magandang umaga," iyon na lang ang nasagot ni Elara at umalis na sa harap ni Algern, nais niya sana kausapin at tanungin ito ngunit marami pa siyang kailangan ipasa kay Damian ngayon umaga para makabalik na sila sa Nightraven at asikasuhin naman ang ilan pang kailangan trabaho roon.

Sinundan ng tingin ni Algern si Elara at sinuring maigi ito, sa titig niya ay nakaramdam siya nang matinding kilabot sa buo niyang katawan na tila ba nakita niya ang kamatayan.

Napalunok si Algern, hindi niya akalain na ang kinakalaban ng kaniyang asawa at anak ay isang halimaw.

'Kailangan ko kaagad na maialis dito si Fernanda at Fiona,' he thought at mabilis na nagtungo sa kwarto ni Fiona para kausapin ito sa plano na gagawin nila.

Nang makabalik ay saktong break time na ng mga Gamma na nagbabantay sa pintuan ng kwarto ni Fiona, nakasalubong nila si Algern at tumango rito.

"Sige na kumain na kayo, ako na ang magbabantay sa kaniya," sagot ninto at nagpasalamat lang ang mga ito at umalis na. Lumingon sa bawat gilid si Algern bago pumasok sa loob ng pinto ng kwarto ni Fiona, doon ay nakita niya ang isang omega na nagbabantay kay Fiona.

Naging alerto si Andie at ganoon din si Fiona, pero agad na ngumiti si Algern at nagpakilala. "Chill, ako ang bagong guard na in-assign ni Alpha Diego na magbantay kay Fiona, kilala mo ako Andie hindi ba?" Tanong ni Algern kaya tinitigan maigi ni Andie si Algern at doon niya lang namukhaan ito.

"Delta Algern!?"

"Ako nga, hahah kamusta na ang batang Andie namin, ang laki mo na hahah," tugon ni Algern at tumingin kay Fiona na takang-taka at masamang nakatingin kay Algern na ngayon niya lang nakilala.

Matanda ng sampung taon si Andie kay Elara at Fiona, hindi nila naabutan si Algern na nagpapabalik-balik sa pack hindi katulad ni Andie. Kaya hindi nila kilala o namumukhaan si Algern.

"Kailan pa kayo bumalik? Akala ko umalis na kayo sa pack?" Tanong ni Andie, pinatong ni Algern ang kaniyang kamay sa ulo ni Andie at ginulo ang buhok ninto.

"Ngayon lang at inutusan agad ako ni Alpha Diego, oh siya kumain ka muna at ako na ang bahala magbantay sa kriminal na ito," sagot ni Algern at nakangiti habang nakatingin kay Fiona.

Tumango naman si Andie at lumabas na ng pinto, hindi siya nakapaniwala na bumalik na si Algern— ang Delta na madalas magkwento sa kanila ng mga story sa labas ng pack.

"Tsk, isa na namang basura," bulong ni Fiona at bumalik na sa panonood niya, wala siyang magawa sa loob ng kwarto niya kundi manood at kumain. Naiirita na siya kay Andie at ngayon ay may bago pang magbabantay sa kaniya.

"Hahaha, grabe ka naman sa basura. Tutulungan pa naman kitang tumakas dito," sagot ni Algern kaya napalingon si Fiona sa kaniya at tinignan siya nang masama.

"Kung tingin mo kakagat ako sa mga pakulo niyo para lalo akong madiin sa krimen na 'to? Hindi ako ganoon kabobo," sagot ni Fiona kay Algern kaya napatawa ito dahil manang mana ni Fiona ang ugali ng kaniyang ina na si Fernanda.

"Manang-mana ka talaga sa ina mo," sagot ni Algern at hindi masisisi si Fiona kung hindi siya ninto kilala o matandaan. Tatlong taon lang si Fiona nang maghiwalay sila ni Fernanda at hindi na siya nakita pa ninto ulit, wala kaalam-alam si Fiona na siya ang tunay niyang ama.

"Tsk, wag mo kong kausapin," sagot ni Fiona, ayaw niyang maubos ang oras niya sa walang kwentang tao.

"Dalawang araw mula ngayon, itatakas ko kayo ni Fernanda sa pack na 'to, kailangan mong maghanda dahil isang beses ko lang magagawa ang bagay na iyon," tugon ni Algern at may inabot na susi kay Fiona.

"Susi ng kwarto mo, pumunta ka sa likod ng pack house ng alas tres ng gabi, dalawang araw mula ngayon ay wala aalis si Alpha Diego at Damian sa pack para puntahan ang Nightraven at kausapin ang ilang koneksyon nila sa pack, doon tayo kikilos," sagot ni Algern na kinagulat ni Fiona.

"At pano naman ako magtitiwala sa'yo? Pano kung set up 'to?" Tanong ni Fiona dahil ngayon ay napatunayan niya na kung gano katuso ang stepsister niya na si Elara.

"Kilala ko si Fernanda, may koneksyon kaming dalawa," sagot ni Algern at hindi mapaliwanag ni Fiona kung bakit tila lumakas ang tibok ng dibdib niya.

'Magtiwala ka sa kaniya Fiona, totoo ang sinasabi niya,' tugon ni Mira sa pamamagitan ng mind link. Ilang araw na siyang hindi kinakausap ng kaniyang wolf dahil sa ginawa niya kay Elijah, sa kanilang fated mate, ngunit ngayon ay kinausap siya ni Mira kaya alam niyang may ibig sabihin ito.

Napalunok si Fiona, alam niyang hindi siya ipapahamak ng kaniyang wolf na si Mira, alam niyang ito na ang pagkakataon niya para makatakas dito pero hindi niya nais iwan ang dapat ay sa kaniya.

"Akin ang pack na 'to, ako ang luna rito kaya bakit ako aalis dito?" Tanong ni Fiona kaya hindi maiwasan ni Algern na titigan nang seryoso si Fiona.

Hindi niya maiwasan husgahan ang sarili niyang anak sa pagiging tanga ninto, alam niyang mataas ang pangarap ni Fiona pero hindi niya alam kung saan nang gagaling ang pagnanais ninto sa kapangyarihan to the point na maging bulag na siya sa katotohanan.

"Mababawi mo ang sa'yo kapag naging maayos na ang lahat, balak nilang patayin si Fernanda at kapag nanganak ka ay ikaw na ang isusunod nila, magtiwala ka sa'kin, mababawi mo ang sa'yo at makakaganti kay Elara," seryosong sagot ni Algern kay Fiona na nagbigay sa kaniya ng lakas para magtiwala sa misteryosong lalaki na nasa harapan niya.


TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

27.4K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...
6.1K 1.7K 45
"Isa ka lamang perpektong kuwento na isinulat ko, hindi ko lubos aakalaing isasabuhay ka ng mga marka ng tinta ko." Paano nga ba kung ang mga imahina...
352K 14.1K 41
COMPLETED "The famous Ashley Renee Evergreen McKnight," mababaw na tumawa si Morgan, ang witch na may hawak kay Jupiter. "Nandito ka lang pala nagtat...
63.8K 3.3K 110
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...