Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 31: Well Enough

8K 209 13
By HippityHoppityAzure

Chapter 31: Well Enough


PEACEFUL NAMAN ANG pagkain ng tanghalian ni Monic kasama ang kanyang nobyo, ang anak nito, at ang kanyang mga magulang. Walang tensyon na namamagitan sa kanila, all thanks to Alannah na mas pinagtutuunang pansin ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang ina.

Asikasong-asikaso lang ng mommy niya si Alannah, while his dad only kept on watching the two. Nakasimangot pa rin ang daddy niya, pero napapangiti rin minsan tuwing sumasagot ang bata sa mga kalokohang tanong ng kanyang ina. Napaka-charming na bata naman kasi talaga ni Alannah. Pusong bato lang ang hindi matutuwa rito.

Pusong bato—alam niya na ganon ang kanyang ama. Pero bakit mukhang natutuwa ito kay Alannah? Bakit ito naaapektuhan ng charm ng bata? Hindi maintindihan ni Monic... Hindi naman kasi ganon ang pagkakakilala niya rito.

"May ginawa nga pala akong cake kagabi!" Masayang exclaim ng mommy niya after they were done with the main course. "Baby," binalingan agad nito ng tingin ang katabing si Alannah na nakaupo't umiinom ng tubig. "Gusto mo kumain ng cake?"

Isa pa si Mommy... Isip ni Monic habang nakatitig sa masayang pakikipag-usap ng kanyang ina sa bata.

Madaling sinimot ni Alannah ang tubig sa iniinumang baso at saka excited na tumango.

"Gusto ko po!" Sagot nito.

"Tara, tayo ang kumuha sa kitchen." Tumayo ang mommy niya at inalalayan ang bata na bumaba ng upuan. "Ah, Monic." Tinignan siya nito bigla. "Samahan at tulungan mo naman kami oh?"

"Eh? Pero..." Napatingin siya kay Marky na nakaupo sa kanyang tabi. I can't leave him alone with Dad.

Pinakita ni Monic kay Marky ang pag-aalala niya, pero nginitian siya nito at sinabihan pa ng, "Samahan mo na sila, Nix."

What? Gusto niyang kumontra. Pero kung paano niya pinakita sa kanyang nobyo ang pag-aalala na nararamdaman niya ay ganon din nito pinakita sa kanya na wala siyang dapat ipag-alala.

Okay, fine.

Nakasimangot siyang tumayo at sinamahan ang kanyang ina at si Alannah sa pagpunta sa kusina.

"Don't worry about them, Monic." Kampanteng sabi sa kanya ng mommy niya habang naglalakad sila. "Your dad and I already talked about Marky at na-convince ko na siyang tanggapin ang relasyon niyo. He wouldn't do anything na magpapalala sa relasyon niyong mag-ama kaya huwag ka nang mag-alala. Your dad promised me that."

Kahit papaano ay nawala ang simangot ni Monic doon.

Then I'd just hope that Dad would keep his promise to Mom...

Sa kusina, nilabas ng kanyang ina ang isang round cake mula sa ref nila. The cake was covered with egg white icing and topped with strawberry and kiwi slices.

"Ang ganda..." Manghang-mangha si Alannah sa itsura ng cake na ikinatawa nilang mag-ina. At totoo naman eh. Maganda 'yung cake. Simple na maganda sa paningin.

"Slice tayo for each one of us, tapos kina Daddy at Lolo ha?" Binuhat at pinaupo ng mommy niya ang bata sa kitchen table, almost right next to the cake.

Alannah nodded, at kumuha na ng mga platito at cake cutter ang kanyang ina. At bago naman ito mag-slice ng cake ay sinubuan nito ang bata ng maliit na hiwa ng strawberry mula sa ibabaw ng cake.

"Sarap?" Magiliw na tanong ng mommy niya kay Alannah.

"Mm! Sarap po! Sweet po siya!"

At saka lang nag-slice ng cake ang kanyang ina, habang natulala naman si Monic sa mga ito. Naalala niya lang nung bata pa siya na puro kasambahay ang nakasama niya sa paglaki at ang nag-alaga sa kanya. Nakaramdam tuloy ng lungkot sa puso niya.

Bakit ba ganito...

"Ayan, may five slices na tayo." Nakapag-slice na ang mommy niya at nailagay na ang mga iyon sa platito. Nang umikot ito para kumuha ng tray ay natigilan ito't bahagyang nagulat sa kanya. "Monic, what's with that sad face?"

Napatingin si Monic sa ibang direksyon.

"Wala po..."

"Hey," hinawakan siya nito sa braso. "I told you, wala kang dapat ipag-alala sa tatay mo at kay Marky do'n sa kainan."

"It's not about them..." Naibulalas niya. Ugh.

"Then what is it about?" Tunog nag-aalala ang mommy niya. Nang balikan niya ito ng tingin, nag-aalala rin ang itsura nito.

Napabuntung hininga si Monic bago umamin.

"It's about you and Dad, being so nice to... Alannah." Sinulyapan niya ang bata na nakatuon pa rin ang atensyon sa cake.

"Ay, nag-seselos ka ba?" Her mom sounded amused.

"Mom? Hindi po ako nagseselos." Kontra niya in a way na parang napaka-ridiculous magselos sa isang bata, considering her age now. "Nalulungkot lang ako isipin na ang saya at tuwang-tuwa kayo ngayon sa isang bata, while I never saw the same happiness and concern from the two of you before when I was on that age—until now, actually."

Nalungkot ang itsura ng mommy niya at napabitaw sa kanya. Pero hinawakan din ulit siya nito, this time sa kanyang mukha.

"Sorry for making you feel that way, Monic... Alam ko 'yan—alam namin 'yan ng dad mo, and we regret it. Hindi man halata sa part ng daddy mo, pero nagsisisi rin siya. When you courageously left and thought of never going back home to us, at saka lang namin na-realize ang pagkakamali namin noon."

Her mom paused for a sigh, looking so much regretful.

"Masyado kasi kaming nag-focus noon ng daddy mo sa pagpapatatag sa negosyo namin na kakasimula pa lang that time—kasi iniisip namin ang future mo. Kaya hindi ka na namin halos napaglaanan ng oras—hanggang sa hindi na namin namalayan na puro sa future mo na lang pala naka-set ang focus namin, totally forgetting how you were growing up. Kaya ngayong malaki ka na, halos hindi ka tuloy namin maintindihan kung bakit hindi ka sumusunod sa gusto namin which is for your own good—still for your own future."

Bitter itong natawa, at bumitaw sa kanyang pisngi.

"Puro na lang kami future mo. Nakakatawa lang. How could we worry about your future and not mind about your present? About what you think and feel about us being your parents? Are we being parents to you in the first place?"

Pasimpleng napahugot ng malalim na hininga si Monic sa mga narinig. Hinawakan naman ulit siya ng mommy niya sa kanyang kamay.

"Monic, anak, we're happy to have you as our child. Please don't think that we are not and that we don't love you—even if your dad had said harsh things on you. Sumama lang ang loob no'n nang malaman na kaya mong balewalain ang negosyo na pinaghirapan namin para sa'yo. Naisip niya tuloy na kung naging lalaki ka lang, hindi ka magkakaganyan. But never take that seriously. Siraulo lang talaga minsan ang tatay mong 'yon, overthinking about possibilities. Hindi niya lang din alam na namana mo lang sa kanya ang pagkakaroon ng matigas na ulo at palaban na pagkatao. Ugh, kaya nahirapan akong i-handle kayo nung nagtalo kayo eh. Iyak na lang tuloy ako no'n."

Natawa naman do'n si Monic. Gumaan ang pakiramdam niya sa mga sinabi ng kanyang ina, lalo na tungkol sa mga namana niya sa daddy niya.

"Just, don't think that we don't love you, okay Monic?" Hopeful na ngumiti ang kanyang ina. "Dahil mahal na mahal ka talaga namin ng daddy mo.

Tumango siya at niyakap ito, as if she was trying to go back into being a child.

"Mahal ko rin po kayo ni Daddy..."

"Oh, Monic." Matawa-tawa siya nitong ginantihan ng napakahigpit na yakap. "Ah, we're already taking so long here! Balik na tayo do'n at baka hindi na mapigilan ng daddy mo i-torture ang boyfriend mo."

"Torture?!" Napabitaw si Monic sa mommy niya who only continued to laugh kasabay ng pagharap muli sa kitchen table kung nasaan ang mga na-slice na nitong cake—as well as Alannah na nakaupo pa rin at winawagwag ang mga paa habang nilalantak na pala ang mga topping ng isang cake slice.

Naisubo na ni Alannah ang maliit na slice ng kiwi nang bigla-bigla itong napatigil, marahil dahil nakaramdam na may nakatingin. Dahan-dahan ay nilingunan nito ang mag-ina, at nang makita sila ay napatakip ito ng bibig at napabungisngis.

"Ang sharap po..." Nahihiyang natatawa nitong bati, making the two only laugh and pinch her on the opposite cheeks.

***

AWKWARD SILENCE. AYUN ang bumalot sa kainan nang maiwan doon si Marky kasama ang ama ni Monic.

Nakatitig si Marky sa lamesa, pero sa gilid ng kanyang paningin ay inoobserbahan niya ang ama ng kanyang nobya. Hindi siya nito tinitignan, at maya-maya lang umiinom ng tubig.

"Tsk. Ang tagal-tagal naman ng mga 'yon. Sinolo na yata nila 'yung cake sa kusina eh." Inis na reklamo ng matanda matapos ang ilang saglit.

Tinignan na ito ni Marky at sa unang pagkakataon mula nang makarating sila nina Monic doon, nagkatinginan sila nito nang mata sa mata.

"Ikaw," seryoso nitong salita. Medyo kinabahan naman na roon si Marky.

Ito na, oras na para konprontahin niya ako.

"Kailan niyo ba kami mabibigyan ng apo na lalaki, huh?"

Saglit na hindi naproseso ng utak ni Marky ang tinanong nito.

Ano raw?

Ah, apo, na lalaki...

Teka, bakit ayun?

Natawa siya at napahawak sa batok bago sumagot.

"Apo po agad? Hindi po ba puwedeng pakasalan ko po muna ang anak niyo?"

Hindi na ito umimik, pero mukhang ngayon lang na-realize kung anong klase bang tanong ang naitanong nito sa kanya.

"Well," salitang muli nito matapos ang ilang saglit. "I'm glad na naisip mo muna ang pagpapakasal bago mo anakan ang anak ko. But... just so you know. I still don't like you for her."

Na-imagine naman ni Marky na hinaharangan na siya nito kay Monic. Fatherly move.

"Don't get me wrong, though. Hindi 'yon dahil sa may anak ka na. Rather, the issue lay on how you had that child."

Naiintindihan ni Marky ang pinapahiwatag nito, pero wala siyang balak magpaliwanag tungkol do'n. Para sa kanya, sapat nang alam ni Monic ang totoong mga nangyari noon—kung paano talaga siya nagkaanak kay Yvette.

"You've already hurt our daughter once. With that, you think I'd be very glad for you to have her again?"

Napayuko siya. Sumasang-ayon siya rito, pero hindi niya magawang tumango.

"Ah, hey, listen to me." Medyo hininaan nito ang pagsasalita. Nagtataka tuloy itong binalikan ng tingin ni Marky. "Just, forget we had this talk. Don't tell anyone. My wife's gonna kill me."

Gusto niyang matawa sa mga sinabi nito. Pero siyempre, mas pinili niyang ngitian ito.

"Okay po, sir." Sagot niya.

Nag-relax naman na ito sa upuan at nagbuntung hininga, in relief.

"But, one thing, sir." Biglang habol ni Marky.

Tinignan siya ulit ng ama ng kanyang nobya, nang may tingin na parang inis na nagtatanong ng, "What now?"

Nanatiling kalmado si Marky. Inalis na niya ang kanyang ngiti at ginantihan ng seryosong tingin ang matanda.

"Alam ko pong hindi niyo ako pinagkakatiwalaan para sa anak niyo. But give me a chance. Let me try to earn that trust from you as I rebuild my relationship with her. Let me prove how much I love her—let me because I really do."

Mapaghamon silang nagtitigan.

"Wala naman akong ibang choice kundi hayaan ka sa anak ko eh." Sagot nito. "But after what you just said... I'm very willing now to give you a chance."

Napangiti si Marky. "Thank you, sir."

At narinig nilang pabalik na ang mga hinihintay nila, dahilan para manahimik na sila.

***

PAGKATAPOS KUMAIN NG cake, nagpaalam si Monic na aakyat muna sa kuwarto niya kasama sina Marky at Alannah. Her parents didn't mind but her mom asked if Alannah could stay with them sa living area. Hindi naman sila tumanggi ni Marky at silang dalawa na lang ang umakyat sa kuwarto niya.

"Ikaw, ha!" Mahinang sita ni Monic sa nobyo na sinamahan pa niya ng hampas sa braso nung makaakyat na sila sa ikalawang palapag.

"Oh? Anong ginawa ko?" Pagtataka naman ni Marky. Itsura nito, parang kinakawawa lang.

"Hmpf. Kaya pala sinama mo si Alannah. Alam mong magugustuhan siya nina Mommy. Ginamit mo siya para mas madali mong makuha ulit ang loob nila."

Natawa na lang si Marky, hanggang sa marating na nila ang pinto ng kanyang kuwarto. Binuksan iyon ni Monic at magkasunod silang pumasok.

Monic's bedroom was triple the size of the rooms sa bahay nina Marky. Pero hindi na iyon ikinamangha ng binata dahil halos ganon din kalaki ang kuwarto niya sa dati nilang bahay na madalas nitong mapuntahan noon.

"Oo nga pala," salita ulit ni Monic habang papalapit sila sa kama. Umupo siya sa gitna no'n kung nasaan ang kanyang bag pack para ayusin ang mga gamit niya. "May sinabi ba sa'yo si Daddy nung nasa kusina kami?"

"Wala naman..." Mahinang sagot ng binata habang nakapamulsang tinitignan ang mga libro sa may bookshelf.

Monic pouted. "Yung totoo?"

Kamuntikang natawa si Marky at napakamot ng ulo. "Meron pala..."

Kinabahan siya at napatigil sa paglalabas ng mga gamit mula sa bag.

"O-oh? Anong sabi niya?"

"Hmm... Naiinis siya kanina eh... Kayo kasi, sobrang tagal niyo raw. Mukhang sinolo niyo na raw 'yung cake sa kusina."

Napangiwi si Monic.

Sinolo talaga? Kung makapag-isip nga talaga minsan si Daddy.

Sa bigla niyang pananahimik ay nilingunan siya ni Marky.

"Bakit nga ba natagalan kayo kanina?" Tanong nito.

"Ah..." Bumalik siya sa paglalabas ng mga gamit. "May pinag-usapan lang kami ni Mommy..."

"Tungkol saan?"

"Teka nga," napatigil na naman siya sa ginagawa para panliitan ng mga mata ang kanyang nobyo. "Bakit sa akin napunta ang usapan? Ikaw ang tinatanong ko kanina kung anong napag-usapan niyo ni Daddy ah!"

Natawa si Marky. "Huwag mo na alamin... Guys talk lang 'yon..."

"Guys talk," she mocked. "Tss. Wala namang masama kung aaminin mo sa akin na may sinabi siyang hindi maganda sa'yo, ah."

Natawa na naman ulit ang binata.

"Tawa ka nang tawa diyan, Marky?" Sita niya rito.

"Ang sama naman kasi ng iniisip mo tungkol sa tatay mo." Lumapit ito sa kanya at umupo sa may ulunan ng kama.

"Eh ganon naman kasi talaga ang tatay ko. Mom might have assured me that he wouldn't try to do anything against the two of us, pero si Dad 'yon eh. Kung may ayaw siya, ayaw niya. And he doesn't like you for me. So for sure, may sinabi siya sa'yo kanina na hindi maganda just to say that he doesn't like you."

Nginitian siya ni Marky. "Hindi mo lang ganon kakilala ang daddy mo kaya ganyan ang naiisip mo..."

"Hindi nga. But that's how I've known him. So far."

"Alam mo, nag-aalala lang talaga siya sa'yo."

Hindi na sumagot si Monic. Naalala niya ang sinabi ng mommy niya kanina na mahal siya nito at ng daddy niya. Hindi sa hindi niya iyon pinapaniwalaan, lalo na ang pagmamahal sa kanya ng kanyang ama. Gusto niya lang iyon maramdaman.

"Gaya mo, hindi ka rin ganon kilala ng tatay mo, Nix." Dagdag ni Marky. "At hindi niya rin alam kung paano ba tamang iparamdam sa'yo na nag-aalala siya, na mahal ka talaga niya. Nangangapa pa siya sa pagiging ama sa'yo."

Truthfully, Monic was hoping na ganon nga lang 'yon. Na nag-aalala lang talaga sa kanya ang ama niya, na mahal talaga siya nito at hindi intensyon na kontrolin ang buhay niya sa ngalan ng yaman at pangalan ng kanilang pamilya.

"Wow ha, Marky. Sinabi lahat 'yon ni Daddy sa'yo? Close na kayo agad?" Panunukso na lang ni Monic sa kanyang nobyo.

"Sa totoo lang... hindi." Pinipigilan nitong matawa. "Based on my observations lang ang mga sinabi ko."

"Ay—akala ko naman!"

"Sorry na." Tuluyan na itong natawa. "Pero magtiwala ka sa observations ko. I'm a dad, too. Not to mention, dati ring malayo ang loob ko sa anak ko. Kaya naiintindihan ko ang sitwasyon niya."

Nagpa-ikot ng mga mata si Monic at pinalobo ang mga pisngi niya.

"Aba. Anong ibig sabihin niyan, ha?" Tinusok-tusok ng isang hintuturo ni Marky ang pisngi niya, hanggang sa hilahin na lang siya nito sa braso at niyakap pahiga sa kama.

"Ano ba! Nag-aayos pa ako ng mga gamit ko eh!" Reklamo niya.

"Sus," ipinahinga nito ang kanyang ulo sa sariling dibdib at pinalupot ang isang braso sa kanyang mga balikat. "Mamaya mo na ayusin mga gamit mo. Aalis na kami maya-maya ni Alannah eh. Tapos matagal-tagal ka na naming makikita ulit. Lalo na tayong dalawa. Parehas na tayong magiging busy next week. Kaya kailangan kong sulitin 'tong oras na 'to na kasama pa kita."

Sulitin...

Hinigpitan pa ni Marky ang yakap sa kanya na ginantihan na lang niya. And how weird it was... Hindi pa umaalis si Marky pero nami-miss na niya ito agad.

Magkayakap lang silang dalawa nang bigla niyang maisip si Yvette. Gusto niya itong tawanan sa totoo lang. She knew, na gusto talaga nitong makasama si Marky without her around. Pero imposible 'yung mangyari since Marky would go back right away to Pasay and stay in with his friend, Alastor, pagkatapos maihatid pauwi si Alannah.

Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya ngayon, thinking na wala nang pag-asa si Yvette sa mga pinaplano nito and somehow, clear na ang problema nila ni Marky sa mga magulang niya.

Wala nang makakasira pa sa amin ni Marky... Wala na.


—TBC

Continue Reading

You'll Also Like

332K 3.8K 42
Former My Bestfriend, My Fiance Written Year: 2009 Published online started: March 2011 Published online ended: February 2014 ALL RIGHTS RESERVED Ā© O...
7.6K 226 54
(Maybe Duology #1) |Completed| There are thousands of maybe, is there a chance that you will love me?
523K 13.6K 27
VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya m...
103K 2K 43
Lander and Danica started a story they didn't know it was coming. They ventured new things that were just capable of doing by the both of them. They...