Tulad Mong Isang Prinsesa

JeralyneMartinez द्वारा

91.5K 4.4K 210

SOON TO BE PUBLISHED UNDER PROJECT DREAM INK Date Started: Sept. 1, 2016 Finished Date: Matatapos na. Wait ka... अधिक

"Synopsis"
"Prologue"
"Chapter 1: The Story Begins"
"Chapter 2: The Day We First Meet"
"Chapter 3: New Transferee Student"
"Chapter 4: It's You Again"
"Chapter 5: One Of The Famous Student"
"Chapter 6: Part-Time Job"
"Chapter 7: Mapagbirong Tadhana"
"Chapter 8: I Know Him, I Know Her"
"Chapter 9: Aikee's Have A Stalker"
"Chapter 10: Contention"
"Chapter 11: Amazona Girl"
"Chapter 12: Amazona One Punch!"
"Chapter 13: Kurt Sha And Jhe"
"Chapter 14: Friends Are Like Precious Diamonds"
"Chapter 15: Tears Of Joy"
"Chapter 16: Preparing For School Event"
"Chapter 17: Sadako And Mage Girl"
"Chapter 18: Prison In The House"
"Chapter 19: I'm Missing You"
"Chapter 20: First Hug"
"Chapter 21: I'll Be On Your Side"
"Chapter 22: Fallin"
"Chapter 23: I'm Just A Friend"
"Chapter 24: Stolen Shot"
"Chapter 25: Ako'y Baliw Sa Iyo"
"Chapter 26: Girl's Hangout"
"Chapter 27: Tulad Mong Isang Prinsesa"
"Chapter 28: First Kiss"
"Chapter 29: She's Not Here"
"Chapter 30: Mad"
"Chapter 31: Courting The Princess"
"Chapter 32: Rejected"
"Chapter 33: Free Hugs"
"Chapter 34: Shinsuke's Love At First Sight"
"Chapter 35: Chocolate For Boys"
"Chapter 36: Valentine Day"
"Chapter 37: Misunderstanding"
"Chapter 38: Sorry Na, Pwede Ba?"
"Chapter 39: Strangely Suspicion"
"Chapter 40: Career"
"Chapter 41: A Curious Thing!"
"Chapter 42: I Will Fight For You"
"Chapter 43: I Will Do Everything For You"
"Chapter 44: Selos Much"
"Chapter 45: Kami Na!"
"Chapter 46: You And I Tonight"
"Chapter 47: First Date"
"Chapter 48: A Two-Timer Girl"
"Chapter 49: Paalam Sayo"
"Chapter 50: He Kissed Me"
"Chapter 51: Panyo Ni Future Wife"
"Chapter 52: Don't Avoid Me"
"Chapter 53: Graduation Day"
"Chapter 54: Drunk Girl"
"Chapter 55: Masaya Ako Sayo"
"Chapter 56: Ako'y Sayo At Ika'y Akin Lamang"
"Chapter 57: Birthday Invitation"
"Chapter 58: Fiancee"
"Chapter 59: My Heart Is Bleeding"
"Chapter 60: Beautiful Liar"
"Chapter 61: It Was My Fault!"
"Chapter 62: Stupid Person"
"Chapter 63: Bracelet"
"Chapter 64: Duel"
"Chapter 65: The Broken Hearted"
"Chapter 66: Bitter Tears"
"Chapter 67: Mr.Banatero!"
"Chapter 68: Love Is Ouch!"
"Chapter 69: Possessive"
TO ALL MY SILENT READERS! PLEASE READ!
"Chapter 70: Arrange Marriage"
"Chapter 71: Ang Girlfriend Kong May Toyo"
"Chapter 72: Bonding With Friends"
"Chapter 73: Wedding Invitation Card"
"Chapter 74: Sa Piling Mo"
"Chapter 75: Paubaya"
"Chapter 76: Break Na Sila!"
"Chapter 77: Paglisan"
"Chapter 78: Alone And Lonely"
"Chapter 79: I'm Not Like Her"
"Chapter 80: When The Time Comes"
"Chapter 81: Siya Ang First Love Ko"
"Chapter 83: Mahal Kita"
"Chapter 84: Gusto Kita"
"Chapter 85: Kaya Ko Pa Ba?"
"Chapter 86: We Will Meet Again"
"Chapter 87: One Year Later"
"Chapter 88: Welcome Back To Japan!"
"Chapter 89: We Meet Again"
"Chapter 90: Sana Pwede Ba"
"Chapter 91: I Still Love You"
"Chapter 92: Nagseselos Ako"
"Chapter 93: School Festival"
"Chapter 94: Anime Cafe"
"Chapter 95: Theater Play"
"Chapter 96: Theatrical Role"
"Chapter 97: Cinderella X Snow White"
"Chapter 98: White Dress"
"Chapter 99: Ballroom"
"Chapter 100: Glass Slipper"
"Chapter 101: Poison Apple"
"Chapter 102: Sleeping Beauty"

"Chapter 82: I'm Hurt"

45 18 0
JeralyneMartinez द्वारा

"Kurt Sha's POV"

Pagdating ko sa tapat ng pinto ng bahay namin sinubukan kong buksan ang pinto at hindi ito naka-lock, saka ako pumasok sa loob. Nakita ko sila papa at mama na nakaupo sa sofa at pareho silang tumingin sakin.

Tumayo si mama.

"A-anak, nakauwi kana." ngumiti siya sakin na may bakas na pag-aalala sa mukha niya

Tinitigan ko lang si mama.

Lalakad na sana ako para pumunta sa taas ng kwarto ko pero natigil ako ng humakbang si mama ng dalawang beses at sunod-sunod niya akong tinanong.

"A-anak, kumain kana ba? N-nagugutom ka ba? Gusto mo ba ipaghanda kita ng makakain mo? S-sabihin mo lang ah?"

"Hindi po ako nagugutom."

"G-ganun ba? Okay ka lang ba? Mukhang masama ang pakiramdam mo."

"Pupunta na po ako sa kwarto ko."

Lumakad ako papunta sa hagdan at nang aakyat na sana ako bigla akong nahinto ng marinig ko ang boses ni papa.

"Nabalitaan na namin ng mama mo ang pag-alis ni Jhe dito sa japan. Alam na namin na bumalik na siya sa pilipinas."

Hindi ako nagsalita kay papa, basta umakyat na lang ako sa hagdan patungo sa kwarto ko.

Wala ako sa mood makipag-usap. Ang gusto ko lang mapag-isa.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ko ay napansin ko naman na bumukas ang pinto ng kwarto ng kapatid ko. Napalingon ako sa kabilang kwarto at nakita ko ang paglabas ni Ayesha, malungkot siyang nakatingin sa akin na para bang alam niya ang nangyari.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at nang tuluyan na siyang makalapit ay huminto siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko saka siya tumitig sa mga mata ko.

"Kuya, hindi na po ba babalik si ate Jhe?"

Niluhod ko ang isang tuhod ko para magkapantay ang mukha namin at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

Huminga ako ng malalim bago ko siya sagutin sa malungkot kong boses.

"Hindi ko alam."

Nakita ko na nanginginig ang labi niya at unti unting nangingilid ang mga luha niya at mabilis na pumatak ang luha sa mga mata niya.

"Sobrang mamimiss ko si ate Jhe."

Marahan ko siyang niyakap.

"Pero sigurado naman na babalik din siya. Kaya huwag kana umiyak."

Naramdaman kong tumango siya.

Nang kumalma na siya sa pag-iyak ay hinatid ko na siya sa loob ng kwarto niya. Pinahiga ko siya sa kama niya at binantayan ko muna siya habang nakaupo ako sa kama. Agad din naman siya na nakatulog dahil sa pagod niya sa pag-iyak kanina.

Pagkatapos, lumabas na ako sa kwarto niya saka dumiretso sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto nakita ko ang cellphone ko na nasa sahig at agad ko itong kinuha para buksan ang cellphone ko. In-open ko ang facebook messenger para i-check kung nabasa na ni Jhe ang mga chat ko sa kanya.

Bigla akong napaupo sa sahig at sinandal ang likod ko sa kama nang makitang naka-block na ako sa kanya.

Sobra akong napatitig ng matagal sa cellphone ko dahil hindi ako makapaniwala na hindi ko na talaga siya makakausap pa, kahit sa facebook naka-block na rin ako.

"Ayaw mo na ba talaga sa akin? Wala na ba talaga akong halaga para sayo?"

Pagkaclose ko sa facebook app, nakita ko ang masayang picture namin ni Jhe sa screen ng phone ko.

Binuksan ko ang gallery ng phone ko para makita ang mga pictures namin ni Jhe. Naalala ko ang lahat ng mga masasaya namin nung kapiling ko pa siya habang tinitignan ko ang mga pictures na masaya pa kaming magkasama na may halong kulitan at mga pictures na nagmamahalan pa kami.

Sobrang saya..

Pero naalala ko rin yung kahapon na iniwan niya ako kaya nasasaktan ako ngayon.

Tinignan ko ang solo na picture ni Jhe at kinausap ko ang picture niya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Masakit ang ginawa mong paglisan ng hindi ka nagpaalam sakin kaya ngayon luhaan ako. Pero hindi kita masisisi kung bakit umalis ka kasi may mga mali din akong nagawa. Hindi kita naprotektahan sa kanila, hindi ko naprotektahan ang pag-ibig mo sakin, nasaktan ka nila, sinaktan kita at iniwan mo ako ngayon. Dahil alam kong masakit, alam kong nahihirapan kana, alam kong hindi mo na kayang tiisin kaya mas pinili mo na lang lumayo kaysa manatili pa sa tabi ko. Bakit ko ba ito sayo nagawa? Bakit hinayaan ko lang na maramdaman mo ang sakit? Bakit hindi ko man lang naprotektahan ang puso mo? Kaya heto ako ngayon nag-iisa at hanap ka. Patawarin mo sana ako. Bumalik ka na sakin, prinsesa ko."

Pinatong ko ang magkabilang siko ko sa mga tuhod ko, sinabunutan ko ang sarili ko ng kaliwang kamay ko at hawak naman ng kanang kamay ko ang cellphone. Umiiyak ako habang nakatingin pa rin sa picture niya.

**

"Jhe's POV"

Pagkahatid sakin nila Jessica at Kristine sa harap ng bahay ko ay hindi na rin sila nagtagal pa. Nagpaalam na sila sakin para umuwi na rin sa mga bahay nila at para hindi mag-alala ang kanilang mga magulang.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, syempre alikabok na naman ang bumungad sa akin. Bigla pa akong nabahing nang maamoy ko ang baho ng bahay.

"Promise bukas na bukas rin maglilinis na talaga ako ng buong bahay."

Pero dahil ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko dumiretso na ako sa hagdan para umakyat sa taas ng kwarto ko.

Gusto ko ng magpahinga. Masakit ang ulo ko at medyo nahihilo pa ako dahil sa epekto ng alak kahit konti lang naman ang nainom ko.

Haaayyy.. hindi nga naman kasi ako sanay uminom, ekek.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko, binuksan ko ang ilaw at nilapag ang shoulder bag sa ibabaw ng study table ko saka kinuha ko ang cellphone mula sa loob ng shoulder bag ko bago ako umupo sa gitna ng kama.

Nang in-open ko ang cellphone ko, nakita ko ang picture namin ni Kurt Sha sa screen ng phone ko. Napatitig ako sa mukha niya. Kumirot ang puso ko nang maalala ko ulit ang lahat ng nangyari.

Nung una masaya naman talaga kami ni Kurt Sha. Puro lambingan at kulitan pa nga kami kapag magkasama. Pero lahat ng tamis na pagmamahalan namin ay natapos din. Hindi naging totoo na kami ang para sa isa't-isa. Akala ko forever na kami pero di pala.

Nagpakawala ako nang buntong hininga at marahan kong pinunasan ang aking pisngi nang maramdaman ko ang pag-agos ng mga luha ko.

Pinagdikit ko ang mga hita ko at niyakap ko ang mga tuhod ko at pinatong ang baba ko dito.

Sobrang sakit nang nararamdaman ko kaya tumutulo ang luha ko. Umiiyak ang puso ko dahil nasira ito at nadurog.

"Ayoko na magmahal pa ng katulad mo, Kurt Sha. Kasi.. yung mundo ko na puno ng kalungkutan."

Sinubsob ko ang mukha ko sa mga braso ko habang yakap ko parin ang mga tuhod ko.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako, hanggang sa di na ko makahinga, hanggang sa wala na kong luhang maiyak. At di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***~To Be Continued~***

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

1.5K 73 5
Si Myrtle Lopez ay isang butihing anak, siya ang tumatayong bread-winner sa kanyang pamilya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil maaga siyang...
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.4M 76.1K 75
"Roleplayer world: fake world, fake feelings."- Isabelle Disclaimer: Plagiarism is Crime. Highest Rank: #1 in Random. Credits to pinterest/to the rig...
44.8K 1.3K 15
Mahigit 7 billion ang bilang ng mga tao sa buong mundo, pero wala kahit isa sa kanila ang soul mate mo. Anong gagawin mo kung ang iyong "destiny" ay...