Let Me

Da ObserBEAR

46.7K 997 247

jholet in a parallel universe Altro

Let Me
Prologue
1- Flashback
2- Encounter
3- Confuse
4- Doctors
5- Getting to know
6- Friends
7- Continue
9- Bucket List
10- Talk
11- Bake
12 - Flowers and Gifts
13- Movies
14- Feelings
15- New
16- Parents
17- finally
18- Excited
19- Enjoy
20- Overnight
21- Batangas
22- Day with You
23- Smile
24- You and I
25- Girlfriend?
26- Deal
27- Mornings
28- First Date
29- Bonus Chap.
30- Sweet
31- First
32- Worries
33- The Day before Christmas
34- Exchange
35- Bike
36- Not Funny
37- Caught
38- Pain
39- Find
40 - Take a Risk
Author's Note

8- Play

929 24 2
Da ObserBEAR

JHAI'S POV

Natuwa ako dahil ngayon nalang ulit ako nakakita ng bata. Mababait ang mga pamangkin ni Doc. Ck

Madali lang silang kausap. Basta naiupo sila ng maayos okay na sila. Si Karl nanatili sa kandungan ko habang nilalaro ang Mickey mouse toy nya.

Hindi rin siya malikot. Malapit din ako sa bata. Pero hindi ko nga lang talaga magawang makipaglaro sa kanila dahil nga sa kalagayan ko.

"Tita Cath can I have my Tablet po. I have a game po doon na pwede kay tita Jhai. Para po makapaglaro po kami. Promise po hindi po yun nakakapagod"

Napatingin naman sa akin si Doc. Ck, wari ay tinatanong kung okay lang ba sa akin. Tumango naman ako at nag thumbs up pa.

Nakipaglaro lang ako sa mga bata buong umaga. Nag enjoy ako na nandito sila.

"Ang ganda mo pala kapag naka ngiti ka" biglang sabi ng nasa tabi ko

Hindi ko alam pero parang iba yung dating nya ng sabihin nya ang bagay na yon.

"I mean ngayon lang kita nakitang ganyan ngumiti"

"Nalibang ako sa mga pamangkin mo Doc. Salamat"

"Sabi naman sayo ehh. Marami kang pwedeng gawin kahit nandito ka sa loob. Mag request ka lang. Gagawan natin ng paraan."

"Tita Jhai. Kaya po ba wala ng dala si Dedey this last Two months dahil nandito ka po sa hospital?" Tanong ni Andrea

"Opo ehh hindi na po ako nakakalabas dito kaya hindi ako nakakabili"

"Bakit hindi ka po nakakalabas?"

"Bawal pa daw sabi nu Dedey ehh tyaka si tita Cath" turan ko pa.

"Tita, kailangan po sya pwedeng lumabas?" Baling naman ng Andrei sa tita nya

"Not sure pa baby ehh. Marami pang kailangan gawin para ma sure ni tita na pwede na syang lumabas"

"Tita, can I stay here at Tita Jhai" biglang sabi naman ni Karl na nakikinig din pala. Akala namin hindi sya nakikinig sa amin

"Hahanapin ka ni mommy mo sa akin" sagot ni Doc.

"But I want to be with her po"

"Balik nalang tayo some other time okay? kailangan pang magpahinga ni Tita Jhai ehh"

"We will come back?"

"Of course if you want. And if want din ni tita Jhai"

Tumingala naman sa akin ang bata. Ang cute nya. Nahahawig sya kay Doc. Ck kapag ganoon ang ekspresyon ng mukha nya.

"Of course pwede kayong bumalik dito anytime you want"

"Yeheyy makikita ko ulit si tita ganda"

"How are Miss Robles?" Pag iiba ni Doc. Sa usapan kaya napatingin ako sa kanya

"Fine doc."

"Your heart?"

"Hindi naman sya sumumpong ngayon."

"Good lang talaga na may nakaka usap kang ibang tao. Bumubuti ang lagay mo. Kailangan mo lang talagang malibang"

"Baka nga po. Kaso wala naman pong ibang pumupunta dito kundi ang mga kaibigan ko lang tyaka ikaw."

"Well, you have this three now haha. Good luck lang dahil madaldal yang mga yan. Hindi sila malikot pero marami silang mga tanong"

"Common naman sa mga bata yung ganoon ehh. Curious pa sila sa mga bagay bagay"

Hanggang sa dumating si mommy ay patuloy lang kami sa kwentuhan ni Doc. Habang ang mga bata ay naglalaro.

May dala si mommy na mga sweets at tinawag ang tatlo. Tuwang tuwa naman sila ng makakita sila ng donut

"Andrei?" Tawag ni Doc sapinaka matanda

"Yes po tita?"

"Take cake to Andrea and Karl ahh. Don't make a mess po. Makikita nina mommy na kumain kayo ng sweets"

"Opo tita. Lola gave us a plate naman po"

"Good"

"Ang matured ni Andrei no?" Komento ko.

"Disiplinado ng magulang ehh. Lalo na dentista ang mag asawa kaya bantay silang dalawa sa teeth ng mga bata."

"Kaya pala ang gaganda ng ngipin nila. Nakaka bright kapag ngumiti sila."

"Parang ako? Dentista ko rin si ate Kenny"

"Haha. Matanda ka na dok. Iba pag bata"

Napa pout naman sya dahil sa tinuran ko.

"So hindi cute ang smile ko?" Aniya sabay ngiti ng malapad na ikinahagikgik ko

"Doc. Kain ka po muna" aya naman ni mommy sa naturang doktor "ikaw din hija. Anong gusto mong kainin sa mga to?"

"Pizza nalang po mommy"

Inabot ni mommy ang paper plate na may dalawang slice ng pizza sa akin. Habang kay doc naman ay binigyan nya ito ng pasta

"Ayy may pa pasta. Alam nyo po ba na favorite ko to." Wika ng doktor

"Ayy ganoon ba? Sige sa susunod ako mismo ang magluluto para sayo doc."

"Ayy kahit hindi na po. Okay na po sa akin to. Magpapagod pa po kayo ehh"

"Maliit na bagay lang naman yan. Kumpara sa tulong nyong mag ama sa anak ko. Madali lang naman lutuin ang carbonara."

"Thank you po Mrs Robles "

"Can you call me tita nalang? Tutal mukhang magkaibigan na din kayo ni Jhai"

"Pwede naman po, kung tatawagin nyo na rin po ako sa pangalan ko lang"

"Ayy parang hindi naman tamang pakinggan yon hija lalo na nasa hospital tayo. Baka masita kami sa labas"

"Ako naman po ang nagsabi ehh. Para maging light din ang bonding po natin dito sa loob"

"Sigurado ka ba Doc?"

"Oo naman po. Wala naman pong mawawala sa atin kung tatawagin nyo ko sa pangalan ko. Doktor pa rin naman po ako at pasyente ko pa rin naman po si Jhai. If may ibang tao po siguro okay lang po na tawaging nyo kong Doc. Pero kapag ganitong tayo tayo lang naman din po. Pangalan ko nalang po ang itawag nyo sa akin. Turing nyo po akong kaibigan na bumibisita kay Jhai"

"Salamat Doc." Wika ko

Mabilis na bumaling sya sa akin at pinaningkitan ako

"Kasasabi ko lang eh?"

"Sorry sorry"

"Haha joke lang. Continue your food na."

Talagang mababait nga ang pamilya Vergara. Hindi ko lubos maisip na nakapa down to earth nyang tao. Kung ibang doktor lang to paniguradong ipinagmamayabang na nila na doktor sila. Na nakatapos sila bilang isang doktor. Pero siya grabe. Maganda ang pagpapalaki nila Doc. Vergara sa mga anak nila. Hanggang sa mga apo nila. Makikita mo ang pagka disiplina at pag aalaga ni Andrei sa mga kapatid nya.

Sana ako rin naranasan ko ang magkaroon ng malaking pamilya.

Hindi ko maiwasang hindi mainggit dahil sa samahan na meron ang pamilya Vergara.

Paano kaya kung wala akong sakit? Maiisipan kaya nila mommy na bigyan ako ng kapatid? Or paano kung may mga kapatid din ako katulad ni Doc. Ck? Ganito rin kaya sya ka caring?

Mga bagay na hindi ko maiwasang hindi maisip ang mga bagay na yon. Masaya siguro kapag magkaroon ako ng mga kapatid at wala akong dinaramdam na ganito.

Sana katulad din kami ng pamilya nila no? Na masaya, walang iniisip na problema buwan buwan, naka focus lang kami sa mga trabaho namin.

"Ano iniisip mo Jhai?" Ang tanong na iyon ni Doc. Ang nagpabalik sa akin sa ulirat

"Wala naman"

"Sure?"

Nag aalangan ako na magsabi sa kanya lalo na nandito rin mommy. Isa pa ayokong maging malungkot ulit.

"Yup"

"Sigurado ka huh?"

"Yes doc."

"Doc. Nanaman"

"Ehh? Hehe ang hirap kase"

"Gaano ba kahirap bigkasin ang C at K?"

"Sorry na"

"Say it? Ck"

"Ck"

"Yan. Dalawang letra lang yan ehh. Pina iksi ko na nga ehh"

"Haha, paano ang mga bata nyan?"

"Why?"

"Ihahatid mo ulit sila sa bahay nyo?"

"Hindi, stay lang sila sa office ko"

"Sinong kasama nila doon?"

"Ako. At yung mga kaibigan kong Doktor. Kung hindi ko lang sila naawat kanina lamog nanaman yang tatlong yan dahil sa kakagigil nila"

"Haha, pwede naman sila dito"

"Kailangan mo pang mag pahinga"

"Lagi nalang akong nagpapahinga. Ngayon nalang ulit sumigla ang kwarto ko ng dahil sa mga batang yan."

"Baka mapagod ka sa kakasagot ng mga tanong nila"

"Hindi yan, gawin mo na kung ano ang mga dapat mong gawin. Nandyan naman si mommy"

"Like I said. Pagod na si tita tapos papagurin pa ng mga batang yan"

Nalungkot naman ako sa isiping aalis na sila pamaya maya. Aaminin ko na gusto ko pang makipag kwentuhan sa kanila pero kung kailangan na talaga. Wala naman na kong magagawa.

"Alam ko na."

Tumayo ang doctor at walang paalam na lumabas ng kwarto ko. Iniwan nya ang mga bata dito sa loob na labis ding ikinagulat ng tatlo

"Saan po nagpunta si Tita Cath?" Tanong ni Andrea.

"Babalik po ba sya kaagad?" Segunda naman ni Karl

"Babalik si Tita. Hindi naman nya tayo iiwan dito" turan naman ng pinaka matanda na si Andrei

"Hindi ko rin alam kung saan nagpunta si tita ehh. Bigla nalang syang lumabas."

Tumango tango lang ang mga bata at ipinagpatuloy na ang kanilang pagkain. Kasama nila si mommy ay inaalalayan sila lalo na si Karl para hindi ito madumihan.

Maya maya ay bumalik na si Ck bitbit ang ilang forms.

"Ano yan?"

"Dito ko gagawin tong mga to."

"Ehh?"

"Gusto mo pang maka usap ang mga bata Diba? Hindi naman pwede na iwan ko nalang sila Basta basta dito dahil baka kung anong gawin pa nila kaya ako na ang nag adjust. Madali lang naman to."

Natulala ako dahil sa idea nya. Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa or dapat ba kong magulty dahil doktor pa talaga ang nag adjust para lang sa akin.

What a mess Jhairene.

___________________________________

One update lang for today dahil na busy sa church works huhu. Bawi ako sa mga susunod.

Happy readings po

Continua a leggere

Ti piacerà anche

20.3K 392 25
They only know me as a nerd in black.
12.6K 354 22
Alex never noticed Sebastian before, even though they were in the same classes and year. So when he's dared to ask him out by his friends he is hesit...
1.1M 61.8K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
224K 6.1K 54
What will happen if you're stuck with the person you hate the most? "Don't go near me, I hate you." "Just listen to my explanation. I won't bother y...