Perfect Match; FBIIJOG: Book 2

By hamzyshing

1.6K 58 6

| On Going | Is it real or is it just a dream? Did Ayumi chose Enzo among the four? or is it just her dream... More

Author's Note
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Author's Note
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 43

8 0 0
By hamzyshing

Ayumi's POV

"What?!" asik ko. "Why him Mom?!"

"Ayu, you have to be professional when it comes to this. Enzo is one of the great engineers here in the Philippines."

"Araw-araw naman siyang pupunta sa kompanya ko!"

"What is the problem with that? I don't see any. In that case maybe mas mapapaayos ang renovation kasi andiyan ka, you can tell him what you want hindi ba?" napahilamos ako sa mukha ko.

"But M-"

"No more buts, Ayu. We've already decided and he already sign the contract" aniya habang nakalagay pa ang daliri sa bibig ko.

Inalis ko iyon "Of course he would! Gustong-gusto niyang binubwisit ako!" naiinis na sambit ko bago ako lumabas sa kwarto nila ni Daddy.

I can't understand why did they choose him! Ang dami daming mas magaling na engineer why him?!

Arrghhh nakakainis talaga! I call my friends "Tara!" iyon pa lang ang sinasabi ko ay nag si ayunan na agad sila.

Bumyahe pa kami from Manila to Dasma para lang puntahan ang Moon Club. Sabi kasi nila na maganda raw dito. Though we can go to BGC naman kaso ay sawa na kami roon.

Nang makarating ay nag enter na agad kami. We ordered a cocktail drink gusto pa nga nila ay mga Mojitos. Hinayaan ko na lang sila sa gusto nila at nag-inom na lang kami.

"Hindi pa rin ba kayo okay ni Enzo?" medyo pasigaw na tanong ni Sophie dahil sa tugtog. "

"Huwag na nga nating pag-usapan ang someone who's not even here" mataray sambit ko. Natatawang umiling naman ang mga ito.

We are just partying hanggang sa magkaayaan na kaming umuwi. Siguro ay 3AM na ako nakauwi ng bahay.

"Aaahhhhh!" sigaw ko habang hawak ang ulo ko gamit ang dalawang kamay ko. "Oh, water" inabutan naman ako ng tubig ni Kurt.

I'm here now at my office dahil naalala kong may mga trabaho pa pala akong dapat na tapusin.

"Sino ba kasing may sabing mag-inom ka ayan tuloy"

"I don't have time for your sermons, Kurt... so please"

"Okay okay, just drink this. I'll buy you something to eat. What do you want?" tanong nito.

"I w-" naputol ang sasabihin ko nang biglang may padabog na pumasok sa opisina ko.

"Sir! Sir! Bawal po talaga!" sigaw ng secretary ko. Napahilot ako sa sintido ko nang makita ko si Enzo. He looks mad!

"Ma'am sorry po.." sambit ng secretary. Sinenyasan ko na lang siya na hayaan na. Ano pa bang magagawa ko at niya kung narito na tong mokong na to sa loob ng office ko diba?

"Ahm.. I should go" si Kurt. "Yeah, you should. Cause Ayumi and I will talk." mariin na sabi ni Enzo.

Hinawakan ko ang kamay ni Kurt at palihim na umiiling, giving him a sign na huwag umalis, pero ang loko ay tinabig ang kamay ko at nagmamadaling umalis.

Napasinghap ako ng malalim "What do you want?!" inis na baling ko sa kaniya.

"Sino may sabi sayong mag bar ka?" aniya.

"Ako, bakit? May angal ka?!" asik ko naman. Napalunok ito bago umiling ng saglit. Tumikhim muna ito. "W-wala" aniya.

"Oh eh wala naman pala! Umalis ka na rito! Mas lalo mong pinapasakit ang ulo ko!" sigaw ko sa kaniya.

"Bakit ba ang init init ng ulo mo sa akin?!" asik naman nito.

"Pwede ba? Masakit ang ulo ko kaya huwag kang sumabay" giit ko. Napahawak muli ako sa ulo ko.

"Tsk. Sino ba kasing may sabi sayong mag bar ka?" aniya. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin.

He grabbed my wrist and pulled me up. "Hey! What the hell are you doing?!" inis na sigaw ko.

"Let's go." asik nito.

"No!" sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa kaniya pero hindi ako nagtagumpay. Masiyado siyang malakas, hindi ko kaya.

"You can't just take me somewhere! I have work to do!" sigaw ko pero parang wala siyang naririnig.

Nakarating kami sa parking lot nang nagpupumiglas ako sa kaniya, nakita na kami ng mga empleyado pero parang wala lang sa kanila ang nakikita nila.

What the hell!

"Where are you taking me ba?!" inis na inis kong sabi, nakasakay na kami ngayon sa kotse niya. He puts the seatbelt on me.

"Just sleep for a while, para mawala yang sakit ng ulo mo" aniya. I crossed my arm at masamang tumingin sa daan. He even locked the door kaya sa parking pa lang ay hindi na ako nakatakas.

Maya maya pa ay nakaramdam ako ng antok kaya naman ay ipinikit ko ang mga mata ko.

Nagising na lang ako nang dahan dahan akong tapikin ni Enzo. Napamulat ako at nahikab. Inikot ko ang paningin at napakunot ang mata ko.

"Where are we?" I asked. Hindi niya ako sinagot dahil lumabas siya ng kotse. Inalis ko ang seatbelt nang buksan niya ang car door para sa akin.

"Let's have lunch here." itinuro niya ang isang sikat na bulaluhan dito sa may Tagaytay. Ang walang hiya dinala pa ako rito.

Napakalayo! Kahit kailan ay bwisit siya!

"What the hell?! Lunch?! Really?! Here?!" naiirita talaga ako. Galing pa kaming Manila for pete's sake!

Anong akala niya 20 minutes away lang to mula sa company ko?! Arrghhh!! Kahit kailan nakakainis!

"Masarap ang pagkain dito, Ayu. Huwag ka na magreklamo, we're already here." aniya. Nakuyom ko ang kamao ko.

"Ano pa nga ba?" napairap na lang ako. Naglakad na kami papasok, iginaya kami sa isang table na pang apatang tao, ayaw niya raw kasi sa good for two persons lang.

He ordered a bulalo, sisig and a sipoegg. Limang rice naman ang inorder niya, samantalang dalawa lang naman kami.

"Gutom ako" iyon agad sinabi niya nang siguro'y mapansing nakataas kilay akong nakatingin sa kaniya.

"Of all places, why here? Maraming kainan sa Manila. Sa BGC! Bakit dito pa sa Tagaytay?" tanong ko.

"Of all places, why in Dasmariñas? May mga bar sa Manila. Sa BGC! Bakit sa Dasma ka pa nagpakalasing?" pang gagaya niya sa sinabi ko.

"Nang-aasar ka ba?" nakahalukipkip kong sambit.

"I just asked you."

"I asked you first, Mr. Martinez."

"Dito nga ang gusto ko." aniya naman habang sinasalinan ng pagkain ang plato ko.

"Gusto mo pala dito, bakit ako ang dinala mo rito?! Bakit hindi iy-" hindi ko natapos ang sinasabi nang subuan niya ako ng kanin na may sipoegg.

"Just eat, okay?" tila ba nag mamakaawang aniya.

Para namang hinaplos ang puso ko dahil sa tono ng pananalita niya. Iba pa rin talaga ang epekto ng lalaking ito sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa at kumain na lang. Siguro ay nagutom ako dahil naparami ang kain ko. Masarap ang bulalo nila, ang sisig naman ay masarap din pero hindi ko masiyadong nagustuhan dahil maanghang sobra.

Ang sipoegg naman nila ay sobrang sarap, sobrang creamy at tamang tama lang ang lasa. Siguro ay babalik-balikan ko ito.

Nang matapos kaming kumain ay nag drive pa si Enzo sa kung saan. Dinala niya ako sa kung saan kita ang magandang view, ang Taal.

Pagabi na kaya ramdam mo na ang lamig. He puts his coat on me, at dahil don ay medyo naibsan ang lamig na nararamdaman ko.

I'm just looking at the view, padilim na kaya hindi na masiyadong kita. Naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko.

"Do you want to know why I brought you here?" tahimik lang ako. Hindi ko siya sinagot o tinignan. Tanging pag-antay lang sa mga susunod niya pang sasabihin ang ginawa ko.

"It's because I badly want to talk to you. We can't talk in your office kasi alam kong papaalisin mo lang ako at sasabihin mong may kailangan ka pang gawin." napahinto siya saglit.

"Ayu..." he called my name. Bumilis ang tibok ng puso ko at kung may anong nag hahabulan sa kalooban ko.

Para akong nag p-palpitate. Pangalan ko pa lang ang sabihin niya ay grabe na ang epekto sa akin.

"I am really really really sorry... I know it's done, ilang taon na ang nakalipas. And I'm sorry dahil late na ang paghingi ko ng tawad sayo. Wala akong nagawa" this time ay nilingon ko siya.

Nangingilid ang luha niya. "The day I knew you flew to the States without telling me, and without even knowing that you're here.. I was so hurt..." his voice broke.

Stop please... I don't wanna see you cry.

"Hindi ko alam, gusto kong saktan yung ssrili ko that time. I went there to see you pero hinarang nila ako, ng kuya mo. They were so mad at me, niloko daw kita sa paraang hindi ko alam, not until I knew about what happened and your plan" naririnig ko ang pag singhot niya dahil sa pag-iyak.

Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita siyang umiiyak. This is not the Enzo i know. This is not him.

"Enzo..." I called. He covered his face. "Wala kang kasalanan.." hindi ko alam saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga salitang iyon.

Pakiramdam ko kasi anytime ay maiiyak na rin ako. "Stop, crying please.." he wiped his tears.

"Tara na. Iuuwi na kita." aniya. Tumango lang ako. Nauna siyang naglakad sa akin kaya naman ay sumunod na ako.

Tahimik lang ang buong byahe naming dalawa. Walang nagsasalita o kung ano man. Hinatid niya ako sa company ko dahil andoon ang bag ko at phone.

Mabuti ay andito pa ang secretary ko, nasa lobby na siya nag-aantay. "Thanks for waiting for me." I smiled.

Kinuha ko na ang gamit ko saka nagpuntang parking. Sa di kalayuan ay nakita ko si Kurt na may kausap, hindi ko lang alam kung sino.

Hindi ko na siya pinansin at sumakay na sa kotse ko at nag drive pauwi sa penthouse ko.

I just took a bath before I went to bed. Nang matuyo ang buhok ay nahiga na ako.

Nasa isipan ko pa rin ang nangyari kanina. Nasasaktan akong makita siyang umiiyak.

Hindi ko rin talaga maintindahan ang sarili ko minsan dahil sinasabi nitong layuan ko na siya pero iba ang iginagalaw ng katawan ko.

Do I still love him?

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...
170K 3.7K 47
Crest view academy. This was no ordinary high school; it was known for its academic excellence and fierce rivalries. Amongst the students, two indivi...
145K 2K 32
Nagkataon naman na ang dumating na jeep ay lima nalamang ang kasya, kaya nauna ng pumasok si mama sumunod naman sina kuya tanner, mac at kuya Cedric...
81K 12.1K 72
නුඹ නිසා දැවුණි.....💙 නුඹෙන් මා නිවෙමි......💙