Housemate

By Sichiako

3.6K 71 1

I'm Alice at ito ang Horror story na ibabahagi ko sa inyo. Bata pa ako ay kakamabal ko na talaga na malakas a... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50 ( FINALE )

Kabanata 46

45 1 0
By Sichiako

" Tay Tasyo ano pong ginagawa mo dyan sa labas ng bahay? Takang tanong ni Almira ang anak na babae ni Mang Tasyo.

" Tinutulungan ko ang mga gagapi sa Itim na anino Anak! Sagot ni Tasyo habang nakaluhod ito sa labas ng bahay at nakatinggin sa kalangitan.

" Tay Naman ! Hanggang ngayon po ba ay naniniwala padin kayo na ang itim na anino na yun ang dahilan sa pagkawala ni Nanay? Naiiling na tanong ni Almira.

" Pumasok kana sa loob at hayaan mo lang ako dito sa aking ginagawa! Taboy ni Tasyo sa anak. Pumasok naman ang Dalagang anak nito na si Almira na kakamot kamot sa ulo nito.

Habang sa bahay naman nila Alice ay patuloy parin ang pakikipaglaban ng mga ito sa itim na aninong si Rigor.

" AT IKAW NAMAN , ALAM MO BA NA ANG AMA MO ANG MAY KASALANAN KONG BAKIT NAMATAY ANG IYONG ASAWA? HUH? HAHAHAHHAAHA , KUNG HINDI LANG SANA PANGAHAS ANG IYONG AMA AY HINDI AKO GAGANTI SA INYONG PAMILYA AT ANG KAMALAS MALASAN MO LANG AY SA IYONG ASAWA TUMALAB ANG AKING SUMPA! HAHAHAHAHAHA! Sigaw ni Rigor sa katauhan ni Alice habang patuloy sa pag usal si Kanor ng kanyang Orasyon , hindi pwedeng mawala ang kanilang konsentrasyon kahit sino sa kanila dahil pag nagkataon ay hindi na nila mahuhuli ang itim na anino ni Rigor.

Hindi lingid sa kaalaman ni Kanor na totoo ang kanyang hula nuon na kagagawan ni Rigor ang pagkakasakit ng kanyang Asawa kaya naman  hinayaan nya nuon si Simon ang kanyang Ama na lisanin ang kanilang tahanan para ilayo sila sa kapahamakan pero huli na ng gawin iyon ng kanyang Ama.

Pinilig ni Kanor ang kanyang Ulo para hindi mawala sa konsentrasyon ito , Madami pang pagkakataon para ipaliwanag iyon ng kanyang Ama at hindi mgayon , napatawad narin nya ito ng buong puso dahil alam nito na tama lang ang ginawa ng Amang simon para puksain si Rigor.

" MGA INUTIL PINAGLALARUAN LANG KAYO NG MATANDANG SI SIMON! IKAW MARYO , HINDI BA'T SUNOD SUNURAN KA LANG NUON SA MATANDANG SI SIMON , HINDI MO NA BA NAALALA NG MINSANG IPAGKANULO KA NYA SA MGA ENGKANTO SA KAGUBATAN PARA ILIGTAS ANG KANYANG ASAWA? Tanong ni Rigor kay Maryo.

Bumalik iyon sa Alaala ni Maryo nunong binata pa sya at nagsasanay sa ilalim ng Pagtuturo ni Ka Simon nuon sa kanila , Naputol ang kanyang daliri sa kaliwang kamay nuon dahil sa Pagliligtas nito sa sarili sa mga engkanto nuon ng iwan sya ni Ka Simon sa Gubat habang inililigtas ang Asawa nitong Si Maria. Pero tapos na iyon nalaman din ni Maryo na isa lang itong Pagsubok sa knya bilang mangagamot kaya kinalimutan na ni Maryo ang lahat ng iyon.

" WALA BANG GUSTONG MAGSALITA SA INYONG LAHAT HUH? galit na galit na tanong ni Rigor sa mga ito.

Biglang humangin ng napakalakas na animoy may ipo ipo sa loob ng bahay , Nalagot din ang pagkakatali ni Alice kaya naman Lumutang ito sa Kawalan.

Samantalang...

" Tiyo Marsing , ano po ang ginagawa nyo dyaan? Tanong ni Benito sa Tiyuhin nito.

" Umupo ka lamg dyan at mag usal ng isang panalangin!

" Para saan po?

" Tutulungan naten ang aking mga kaibigan na si Simon! Kailangan nya ng tulong naten at mga dasal kaya magdasal ka dyan Benito! Anas ni Ka Marsing ang kaibiganng Mangagamot ni Simon sa Lugar ng Bulacan.

Ganun din ang ginawa ng mga kaibigan ni Simon sa iba't ibang panig ng pilipinas , Nag usal ito ng mga orasyon para sa kaligtasan ng kaibigang si Simon at ang mga kasama nito.

Bago pa magumpisa ang Ritwal ng mga ito ay napaabot na ni Simon ang paghingi ng pabor sa mg kasamahang Mangagamot para tulungan sila sa gagawing orasyon para sa Paghuli sa aninong si Rigor.

Hindi naman Nabigo ang Matandang Simon sa paghingi nito ng tulong sa mga kaibigang mangagamot nito sa lahat ng Panig ng pilipinas.

Imperet illi Deus, supplices deprecamur: tuque, Princeps militiae caelestis, Satanam aliosque spiritus malignos, qui ad perditionem animarum pervagantur in mundo, divina virtute, in infernum detrude. Amen.

Sabay sabay na usal ng mga Manggagamot na kaibigan ni Simon.

" Dios de espirito santo Amen!.usal ni Simon at umihip sa kawalan gamit ang kanyang Kinumpas na kwintas na krus. Habang nagdarasala parin ang mga kasamahan nito ay hinarap nito ang Itim na aninong si Rigor.

" Hinding hindi ka magtatagumpay Rigor sa lahat ng kasamaan mo! Alam mong mas matimbang ang kabutihan kaysa sa kasamaan! Anas ni Simon dito.

Lumutang si Alice at Bumaling sa nagsalitang si Simon at hinarap ito at nanlilisik ang mga mata.

" LUMANG KASABIHAN NA YAN TANDA! Sigaw pa ni Rigor at Tumawa pa ito ng malakas.

" Hanggang ngayon ba ay bilib kapa rin sa kaoangyarihang itim mo Rigor? Natatandaan mo ba nung una kitang natalo at ikinulong sa Sagradong Garapon? Tanong ni Simon habang nagingisi ito.

Habang Nililinalang ni Tandang Simon si Rigor ay sya namang Pagusal ni Kanor At Maryo ng Orasyon na nagmula sa itim na Libro.

Domine, quaeso utere me hodie quoquo modo tibi videbitur. Sicut cogitationes et actiones meas dirigis, utere quaeso ut aliis benedicam, et ad proposita tua largius. Meam potius quam quaerens voluntatem, adiuva me ut pugnem cum Tuis. Gratias tibi, Deus, pro omnibus quae agis pro me.

Amen.

Isa itong orasyon para manghina ang Kaoangyarihan ni Rigor ng sa gayon ay makahanap ng tyempo ang binatang si Bernard para hulihin ito at mailagay sa Garapon.

Domine, quaeso utere me hodie quoquo modo tibi videbitur. Sicut cogitationes et actiones meas dirigis, utere quaeso ut aliis benedicam, et ad proposita tua largius. Meam potius quam quaerens voluntatem, adiuva me ut pugnem cum Tuis. Gratias tibi, Deus, pro omnibus quae agis pro me.

Amen.

" Ano't natahimik ka Rigor? Tanong ni Simon. Habang paikot ikot naman ang leeg ni Rigor sa katauhan ni Alice.

" TUMIGIL KA TANDA! pagalit na anas ni Rigor habang may kakaibang nararamdaman ito.

" Hindi ba't totoo ang sinasabi ko na Mahina naman talaga ang iyong kapangyarihang Itim , Pinapakita mo lang sa amin na malakas ka pero bakit sa katawan ng dalaga ka nagkukubli? Pangungutya ulit ni Simon.

" TUMIGIL KA TANDAAAAA! TUMIGIL KA!!!! sigaw ni Rigor.

Samantalang Bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ng mga kasama si Peter Hudyat na ng kanilang plano , Huminto sa pagdarasal si Peter at lumayo sa Mga kasamahan habang patuloy parin sa pag usal ng dasal ang mga ito.

" ANO RIGOR? NANGHIHINA KANA BA? natatawang si Simon habang namimilipit naman si Rigor sa katawan ni Alice.

Maya maya pa ay bumagsak sa sahig ang dalagang si Alice. Kitang kita ni Peter ang Itim na usok na lumabas sa katawan ni Alice at unti unting Lumapit saknya.

" Oras na! Bulong ni Peter.

Pumikit si Peter at Hinawakan ang Bigay na Pilak ni Ka Maryo at umusal ng Mataimtim na panalangin.

" AHHHHHHHHHHH!!!!! Sigaw ni Rigor habang paikot ikot ang Itim na usok sa loob ng bahay.

Akmang babalik sana si Rigor sa kinabagsakan ni Alice pero wala na ang dalaga sa sahig.

" AHHHHHHHH NASAAAN KANG BABAE KA! BUMALIK KA DITO HANGAL! Sigaw pa ulit ni Rigor.

" Oras na!.Anas ni Simon.

At Iminulat ni Paul ang kanyang mga mata at huminto sa pagdarasal , kitang kita nito ang paikot ikot ng itim na Usok sa loob ng bahay ng Akmang mabilis na papalapit na ito ay syang Pagkumpas ni Paul ng Pilak na kwintas na bigay din ni Maryo. Bigo na naman makapasok si Rigor sa katawan ni Paul.

Sigaw ng sigaw at galit na galit si Rigor dahil sa pakikipaglaro ng mga ito saknya.

" HAHAHAHAAHA!!! AT YAN PALA ANG NAIS NYO ANG MAKIPAGLARO! Sigaw at humahalakhak na si Rigor.

Habang sa Kabilang kwarto naman ay naroon si Ka Maryo at Kanor habang inoorasyunan ang dalagang si Alice para magising ito kailangan nilang maisakatuparan ang kanilang mga plano.

Habang abala si Rigor sa pag ikot ikot kung sino ang kanyang papasukan ay syang pagkakaroon ng pagkakataon ng dalawa na makuha si Alice at maipasok sa Silid kung nasaan isinasagawa ni Bermard ang Ritwal , habang nakadapa ito at nasa harap ang isang malaking garapon na may Takip na ginto.

" Alice kayanin mo para sa kaligtasan ng lahat! Anas ni Ka Maryo sa dalaga.

Hinang hina parin ang dalagang si Alice dahil sa pgsanib at paglabas ng kaluluwa ni Rigor sa katawan nito.

Tatayo na sana si Kanor ng biglang pumasok ang mga kaluluwang si Jenny , Si Mila at ang mga nakatira pa roon.

Nakatinggin ang lahat ng mga ito sa nanghihinang si Alice. Nakita ng mga ito na papalapit kay Alice ang lahat kaya naman lumayo si Ka Maryo at Kanor sa katawan ni Alice.

Lumapit ang mga ito at isa isang itinaas ang mga kamay at pinatong sa katawan mg dalagang si Alice. Lumiwanag ang kwarto kung saan sila naroon at may mga puting usok na nagmula sa mga palad ng mga ito patunggo sa katawan ng dalagang si Alice. Tunagal pa ng ilang minuto ang mga ito at agad agad na nawala ang mga liwanag na nagmula sa mga kaluluwa.

Isa isang nawala ang mga ito sa kwarto at ng tingnan nila si Alice ay unti unti na itong gumagalaw.

" Alice! Tawag ni Kanor.

" Mang Kanor! Ano pong nangyari? Tanong nito.

Napangiti naman si Kanor at Maryo sa isat isa. Hindi na nagaksaya pa ng pagkakataon si Alice , Maryo at Kanor para mahuli na ang kaluluwa ni Rigor.

Tumayo narin ang binatang si Bernard at ngumiti sa mga ito.

" Oras na! Anas ni Bernard.

Nagusal ng orasyon si Ka Maryo at Kanor sa dalagang si Alice habag napapalibutan ito ng Mga itim na kandila.

Dahan dahan namang Lumabas ng Silid si Bernard para isagawa na ang plano.

Nakita ni Bernard ang paikot ikot na itim na usok na kaluluwa ni Rigor.

Continue Reading

You'll Also Like

117K 17.2K 66
How Is it to have Found Love in Childhood Right ! A dream come true for many, Your soulmate is none other than your best friend from years Ever thoug...
2.9K 200 6
"My name is Harris Tuazon.Your future Husband."
10.6K 254 10
Read My Story Tagalog with english Vote Enjoy reading my story
42.6K 7.4K 125
Author(s) Mo Chen Huan 莫晨欢 Artist(s) N/A Year 2020 Status in COO 110 Chapters (Complete)