✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSO...

Par YuChenXi

186K 9.1K 1.2K

STATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga kata... Plus

SYNOPSIS
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #1:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #2:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #3:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #4:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #5:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #6:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #7:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #8:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #9:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #10:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON: #11
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #12
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #13
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON: #14
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #15
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #16
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #17
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #18
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #19
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #20
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #21:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #23
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #24
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #25
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #26
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #27
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #28
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #29
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #30
SPECIAL CHAPTER

OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #22

4K 250 40
Par YuChenXi

Typos and grammatical error ahead!




XAVIEL Pov:

"Hey."

Nakita ko ang paglunok niya ng tawagin ko ang pansin niya.

Hindi maitatanggi na kinakabahan siya dahil kita pa lang sa kamay niyang nanginginig habang hawak niya ang isa kong kamay na paulit ulit niyang dinadampian ng halik.

"Hindi ba masakit? Hindi ka ba masasaktan? Wala na bang ibang paraan para mailabas sila at hindi hihiwain ang tiyan mo?" Magkakasunod na tanong niya na talagang nanginginig siya. Mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin.

"Iyon lang ang tanging paraan hijo." Si daddy ang sumagot na kakapasok lang at narinig ang mga tanong niya. "Hindi naman niya mararamdaman ang sakit habang inooperahan siya. Kaya huwag kang masyadong mag alala." Paliwanag pa ng daddy. "So relax." Tinapik pa siya ni daddy sa balikat ng tuluyang makalapit sa amin.

"Pwede ba akong sumama sa kanya sa loob, tito?"

"Mandy." Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil sa sinabi niya. "No. Hindi ka pwedeng sumama."

"Pero...."

"Huwag mo ng ipilit hijo. Mabilis lang naman ang operasyon. Wala pang isang oras ay matatapos na at makikita na nating lahat ang mga baby niyo."

Muli siyang napalunok. Mariing lumapat ang labi niya sa likod ng palad ko na may pagpisil habang hawak niya.

Ilang sandali pa ay dumating na si Papa at sinabing oras na ng operasyon ko para tuluyan ko ng maipanganak ang kambal.

"I love you." Bulong pa niya na mariing hinalikan ako sa labi bago ako pinakawalan at hinayaang dalhin na sa Operating room.

Kinakabahan din naman ako pero mas kailangan kong magpakatatag. Hindi naman ako papabayaan ni papa dahil siya mismo ang magsasagawa ng operasyon.

"Relax, hijo."

"Yes, papa." Pagtugon ko bago ko tuluyang maramdaman ang pamamanhid ng katawan ko dahil sa itinurok nitong anistisya.

Gising na gising man ako habang isinasagawa ang paghiwa ng tiyan ko ay wala akong ibang maramdaman. Nakikinig na lang ako sa bawat sabihin ng papa sa mga kasama niya.

Hindi ko alam kung ilan ng minuto ang lumipas ng tuluyan kong marinig ang unang iyak ng baby ko. Doon nalaglag ang aking luha dahil sa kagalakan. Hindi ko pinagsisisihan ang pagdadala ko sa kanila kahit na minsan kong isinumpa ang kalagayan kong pwede akong magbuntis.

Pero ngayon.. tuluyan ng naglaho iyon dahil kakaibang galak ang naramdaman ko sa puso ko.

"My baby." Bulong ko na halos hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa pamamanhid. Ilang minuto pa ulit ang lumipas ay muli kong narinig ang iyak ng pangalawang baby ko.

"Ang lulusog nila." Ang papa ng dumungaw sa akin. "You can sleep now, hijo. Para paggising mo mamaya ay masisilayan mo na sila." Ani ng papa na kahit hindi na niya sabihin ay hinihila na nga antok ang kamalayan ko. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na nga akong nakatulog.









MANDY Pov:

Lakad dito. Lakad doon. Hindi ako mapakali dahil talagang binalot ako ng kaba habang naghihintay sa paglabas nila sa operating room.

Pinaghandaan ko na ang araw na ito pero iba din pala talaga ang kaba ko ngayon dumating ang araw na panganganak niya.

Nanginginig ang buong katawan ko sa pag aalala ko sa kanya. Sa kanila ng kambal. Para na rin akong masusuka.

"Relax hijo." Ang daddy niya na kampanteng nakaupo lamang. Pero kahit na anong pagpapakalma nito sa akin at hindi ko talaga kayang pigilan.

"I want too, tito. Pero mas kinakabahan ako kapag nakaupo lamang ako." Halos pumiyok pa ang boses ko sa pagsagot ko sa daddy niya.

Kanina ngang nakaupo ako ay nangangatog ang tuhod ko kaya mas minabuti kong tumayo. At ngayon, hindi ko na mabilang kung ilang beses na akomv nagpapabalik-balik ng lakad sa harapan ng OR.

"Bakit ang tagal naman yata ng operasyon." Hindi ko mapigilang tanong sa daddy niya. Paulit ulit din akong nakatingin sa malaking orasan sa taas ng pinto ng OR.

Labing limang minuto na lang at mag iisang oras na sila sa loob at wala paring lumalabas simula kaninang pumasok sila doon.

"Patapos na din iyon, hijo. Kaya huminahon ka lang. Walang masamang mangyayari sa mag aama mo."

"Pero..." hindi ko na naituloy ang gusto ko pang sabihin ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng OR. Lumabas doon si Dr. Anderson. Ang papa niya na nakangiting lumabas. "Kumusta si Xaviel, tito. Nasaan siya? Ang mga baby namin?" Magkakasunod na tanong ko na halos hindi pa tuluyan itong nakakalabas.

"Relax, young man. Maayos ang kalagayan nila. Inilipat na ang kambal sa nursery para mapainitan ng kaunti. Tama paggising ni Xav ay maari na niyong mahawakan ang baby niyo." Sagot nito. Nakalapit na din si Tito Reallan sa asawa. "Ililipat na din siya sa kanyang silid.

"Pwede na ko na po ba siyang makita?"

"Yeah! Pero di mo na kailangang pumasok. Ilalabas na din siya dyan. See."

Agad akong lumapit sa trolley kung saan siya nakahiga.

"Bakit wala siyang malay? Natutulog lang ba siya? Sigurado ba kayong hindi siya..."

"Hey!" Putol nito sa mga tanong ko.

"Pasensya na po, tito. Nag aalala lang talaga ako sa kanya." Ani ko saka hinayaan na muling itulak ang kanyang hinihigaan. Hindi naman ako lumayo. Umagapay pa ako hanggang sa marating namin ang private room na naipahanda na ni tito Reallan.

Hindi ko na siya iniwan pa. Ilang oras din an g lumipas ng tuluyang magising siya.

"My Xaviel. Are you okay? May masakit ba sayo? Gusto mo bang kumain? Anong gusto mo?" Magkakasunod na naman na tanong ko pero kahit papaano ay nabawasan na ang pag aalala ko dahil gising na siya.

"H-hindi ako makagalaw." Mahinang sagot niya.

"Huh. Bakit? S-sandali, tatawagin ko lang ang papa mo." Mabilis akong tumayo pero pinigilan lamang niya ako. "Why?"

"Okay lang ako. Mabigat lang ang katawan ko dahil sa may bisa parin ang anistisyang itinurok sa akin." Sabi niya.

"Sigurado ka?"

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga ng makita ko ang bahagya niyang pagtango kahit na nahihirapan ngang gumalaw.

"Gising ka na pala hijo." Napalingon ako sa papa niya na kapapasok lamang. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Hindi daw siya makagalaw, tito? Natural lang ba iyon? Hindi ba...."

"Hey, young man. Pwede ba, magrelax ka nga. Kanina ka pa nag aalala sa kanya."

Napayuko ako dahil sa muling pagsita nito sa akin. Kasalanan ba ang mag alala ako sa taong mahal ko? Hindi naman diba?

"Okay lang ako, Mandy." Aniya na pumisil pa siya sa kamay kong hinawakan niya.

"Natural lamang na namamanhid pa siya sa ngayon dahil sa anistisyang naiturok sa kanya. Kaya alisin mo na ang iyong pag aalala."

"Naku.." napalingon naman kami ng marinig namin ang daddy niya na kapapasok lang na may dalang pagkain. "Kala mo naman hindi ka naging overacting nung ako ang nanganak."

"My Love."

"Haha." Mahinang tawa niya kaya napatingin ako ulit sa kanya. Sa pagkarinig ko ng tawa niyang iyon ay tuluyan ng nawala ang sobrang pag aalala ko sa kanya. Ngumiti ako. Muling naupo sa gilid ng kama niya habang mahigpit na hawak ang isang kamay niya at paulit ulit iyon na dinampian ng halik. "Ang kambal?" Kuway tanong niya na napatingin sa kanyang papa.

"Nasa Nursery palang sila, hijo. Maya maya lang ay ipapalipat ko na sila dito."

"Salamat papa."

Pagtango ang itinugon ng papa niya.

"Pwede na ba siyang kumain, tito?" Kuway tanong ko pa ng maayos ng daddy niya ang mga pagkaing dala sa pabilog na lamesa.

"Sa ngayon ay hindi na muna siya pwedeng kumain hijo. Pero pwede siyang uminom paunti-unti kung nauuhaw siya."

"You okay with that?"

"Yeah." Maikli niyang tugon. Kahit na ayaw ko sanang kumain at sasabay na lang ako sa kanya hanggang sa pwede na siyang kumain ay pinilit ako ng mga magulang niya.

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang alok nila at pinagsaluhan ang pagkaing naihanda.








Nanginginig na naman ang kamay ko na humawak sa kambal. Hindi ko sila pinuntahan sa nursery kanina kahit na gustong gusto ko na silang makita pero mas gusto kong sabay namin silang masisilayan. At ngayon, inilipat na nga nila ang kambal sa silid niya.

"I want to carry them." Sabi niya.

Tinulungan ko siyang maupo kanina para hindi siya mapwersa sa paggalaw. Maayos na nilagyan ng unan ang likod niya para komportable siya.

"H-how?" Pumiyok pa ako. Nanginginig talaga ang kamay ko ng sumbukan kong buhatin ang isa pero hindi ko itinuloy dahil nag aalala ako na masaktan sila.

"Ganito ang tamang pagkarga." Ang daddy niya na lumapit na sa amin na nakamasid lang.

Hinawakan niya ang isang kamay ng kambal saka nito bahagya pinatagilid. Ipinailalim ang isang kamay sa may batok saka at ang isa naman ay sa may pwetan.

"See. Madali lang diba." Nakangiti nitong turan na ito na mismo ang nagbigay sa kanya ng isa sa kambal at kinarga.

Inulit ng daddy niya ang ginawa at kinarga pa ang isa saka nito maayos na ipinakarga sa akin.

Napalunok ako. Nanginginig man ang mga kamay ko. Hindi lang kamay kundi mas tamang sabihin na buong katawan ko pero pinatatag ko ang sarili ko at pilit na inalis ang pangingingig ko. Baka kung hindi ko kalmahin ang sarili ko ay mabitawan ko pa ang baby namin.

"So tiny." Mahinang usal ko na nakatitig na ako dito. Ang liit liit niya. Para ngang kaya ko itong itago lang sa mga palad ko.

"They are so cute." Si Xaviel kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. Lumapit na ako sa kanila. Naupo kami sa tabi niya.

Walang pagsidlan ang kagalakan ko dahil sa ayos namin ay masasabi ko ng isa na kaming buong pamilya.

"Maiwan ko na muna kayo para sabihan si Ate Arlyn na magluto ng pwede mong kainin." Ang daddy niya bago lumabas ng silid.

Naiwan nga kaming dalawa kasama ang bagong silang na kambal namin.

"I love you so much, my beloved." Aniko na sinundan ng damping halik sa nuo.

Isa na lang ang kulang. Kasal. Ngayong nakapanganak na siya ay pwede ko ng ituloy ang balak kong pagpropropose sa kanya.










Tatlong araw lang ang itingal namin sa hospital bago kami umuwi sa penthouse ko sa kung saan na naghihintay ang mama na siyang makakasama namin habang nagpapalakas siya.

"Oh my.. hindi parin ako makapaniwala." Si Mama na sumalubong sa amin ng makita na karga niya ang isang kambal habang inaalalayan ko siya at karga naman ng daddy niya ang isa na siyang sumama sa amin pauwi.

"Tuloy. Tuloy kayo. Bilisan mo, hijo para makaupo na siya at baka mabinat." Niluwangan ng mama ang pinto at pumagilid.

"Magandang umaga, balae." Pagbati naman ng daddy niya na ikinangiti ko dahil sa itinawag nito kay mama.

Oo nga naman, kasal na lang talaga ang kulang sa amin.

"Magandang umaga din. Nakakahiya naman, hindi pa naikakasal ang mga anak natin."

"Doon din naman ang bagsak nilang dalawa. Heto, gusto mo bang kargahin ang apo natin?"

"Aba'y oo naman balae."

Naging maganda ang palitan nila ng salita. Nasa kasarapan kami ng kwemtuhan ng dumating naman ang aking ama para bisitahin na nga ang mga apo niya.

"Good morning, sultan Malik." Paggalang na pagbati ng daddy niya.

"Good Morning Mr. Anderson. Are they mg Hrandchildren?" Ang ama na agad lumapit kay mama. "They are so beautiful. Oh my." Hindi maitago ang kagalakan sa mukha ng ama na makita ang mga apo niya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Napangiti dahil tuluyan ng nawala ang minsang pagkadisgusto sa mga naging desisyon ko at paglabag lahat ng gusto nito.

"I can't believe it. Oh. My precious grandchildren." Hindi magkamayaw na pagpuri ng ama sa kambal.

At habang abala na sila sa kanilang mga apo ay minabuti ko na munang dalhin siya sa silid para makapagpahinga.

"May gusto ka bang kainin? Ipaghahanda kita."

Umiling siya. Umalalay pa ako sa kanya ng mahiga siya. Nag aalala parin ako sa kanya kaya halos ayaw ko siyang iwan. Nag aalala ako na baka kapag gumalaw siyang mag isa mabinat siya o di kaya naman ay bumuka ang sugat niya.

"Ayos lang ako. Namamanhid parin hanggang ngayon ang sugat ko kaya hindi ko ramdam ang sakit." Sabi niya na mapansin niya ang pag aalala ko sa kanya.

Naupo ako sa gilid ng kama saka ko siya niyuko at dinampian ng halik sa nuo.

"I love you."

Tumango siya bilang tugon sa sinabi ko. Hindi ko pinansin ang naging tugon niya. Kahit na hanggang ngayon ay hindi parin niya tinutugon ang pagtangi ko sa kanya ay hindi na iyon mahalaga sa akin. Para sa akin ay sapat ng kasama ko siya.

Saka hihintayin ko na lang na bumalik ang lakas niya. Maghilom ang sugat niya. Saka ko itutuloy ang plano ko. At kapag tinanggap niya ang alok ko ay saka ko ipapakita ang isa ko pang surpresa sa kanya.






"Si Xaviel, mama?" Tanong ko kay mama ng makauwi ako galing sa site ng bago kong project. Idinuduyan ng mama ang kuna ng kambal. "Dumating na ba siya?"

May dala na din akong mga gamit para sa kambal. Dumaan na kasi ako sa supermarket kanina para hindi na maabala ang mama na siyang laging namamalengke para sa kambal.

"Hindi pa naman, hijo."

Ng makalapit ako ay nagmano ako. Gusto ko mang halikan sa pisngi ang kambal at agad na kargahin ay pinigilan ko lang ang sarili ko dahil ayaw kong maisalin ang mikrobyo at bakteryang dumikit sa katawan ko na galing sa labas.

Dalawang buwan na din ang matuling lumipas simula ng naipanganak sila at kanina nga lang ay pumasok na siya sa kompanya niya. Pero hindi ko namang akalain na sa unang araw niya ay mag o-overtime siya agad tulad ng ginagawa niya noon.

"Bababa lamang ako mama para sunduin siya."

"Sige hijo. Mahimbing pa naman ang tulog ng kambal."

"Salamat mama."

Muli akong lumabas. Bumaba sa palapag ng opinsina niya.

Limang palapag lamang naman ang ibababa ko. Nagtaka ako ng makarating ako ng ikalabing apat na palapag ay walang bakas na may tao pa dahil may kadiliman na ang paligid. Pero nag bakasakali parin akong tunguhin ang mismong opisina niya pero ng buksan ko iyon ay wala na ding ilaw.

Dahil sa wala naman akong ideya kung nasaan siya ngayon ay minabuti kong tawagan siya. Pero ng tawagan ko ang numero niya ay narinig ko iyon mismo sa loob ng opisina niya kaya napalingon ako mismo sa kung saan nanggaling ang tunog. Doon ko nakita ang pag ilaw nun kaya ko iyon nilapitan.

Kinuha ko iyon pero mas nagtaka ako dahil bakit niya naiwan ang cellphone niya sa kanyang opisina at nasaan siya.

Ng hindi ko na talaga siya mahanap sa palapag ng opisina niya ay bumaba pa ako ng isa pang palapag pero ganun din naman dahil wala paring tao.

Sa huling palapag na pinuntahan ko ay doon ko nakita ang guard na nagpapatrol sa gabi.

"Excuse me." Pagtawag pansin ko ng mamataan ako.

"Sir Mandy, bakit kayo nandito?"

"Hinahanap ko si Xaviel. Nakita mo ba siya?"

"Nakita ko kanina siya ikalawang palapag, sir Mandy. Hindi ko lang alam kung nandoon parin si Sir hanggang ngayon."

"Ah, okay. Salamat. Titignan ko na lamang."

Bumaba nga ako ng ikalawang palapag na nagbabakasakaling makita ko pa siya doon.

Pero sa pagbukas ng elevator ay ganun na lang ang gulat ko sa nakita. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil sa pagkabigla.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

7.5M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
109K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
491K 27.1K 48
STATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Kinuha siya mula sa ampunan ng mag asawang Elijah at Ace Anderson sa edad na labing i...
182K 7.1K 45
WARNING: Mature Content| SPG| R-18 (BoyxBoy) (Mpreg) Zech Justine Skyler, handsome, rich, famous with a seductive smile. He is also known as panty ri...