✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSO...

By YuChenXi

197K 9.4K 1.2K

STATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga kata... More

SYNOPSIS
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #1:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #2:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #3:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #4:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #5:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #6:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #7:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #8:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #9:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #10:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON: #11
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #12
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #13
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON: #14
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #15
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #16
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #17
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #18
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #19
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #21:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #22
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #23
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #24
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #25
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #26
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #27
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #28
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #29
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #30
SPECIAL CHAPTER

OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #20

3.9K 230 28
By YuChenXi

Typos and grammatical errors ahead!




"Really?" Hindi din makapaniwala si Mandy sa naikwento ko sa kanya na dumalaw ang kanyang ama kanina.

"Yeah! At binili niya lahat ng mga iyan para sa baby natin. Haha, like father like son, huh." Natataw talaga akong halos pareho lang ang ginawa nila.

Bumili nga ng maraming kagamitan ng baby ang ama niya pero tulad ng mga nabili niya ay ganun din ang nabili nito na hindi naman agad magagamit ng baby kahit naisilang na ang mga ito.

"Of course not." Pagtanggi niya na ayaw aminin  na may similarities sila ng kanyang ama. Pero sa pagtanggi niyang iyon ay nakitaan ko nga siya ng katuwaang malaman ang magandang balita na sa pagbisita ng kanyang ama at nagpapahiwatig na kaunti na lang ay tuluyan na itong matatanggap ang mga desisyon niya.

Kagagaling lang nito sa site kung saan ipapatayo ang bahay ng kanyang kleyente. Ang babaeng Model na kausap niya noong huling buwan lamang.

Ewan ko na lang kung patuloy parin ito sa pang aakit sa kanya kahit na alam na nito kung ano siya at may karelasyon na.

Well, may tiwala naman ako sa kanya na hindi magagawang tumingin sa iba pero sa mga taong nakapaligid sa kanya na nagpapakita ng motibo ay doon wala akong tiwala.

Sabi nga sa kasabihan na kung may gusto, may paraan kaya kahit na alam kong matino siya pagdating sa relasyong mayroon kami ay hindi ko pagkakatiwalaan ang mga taong may gusto sa kanya na gagawa ng paraan para lamang siya masalisihan.

"Isa ito sa mga balitang narinig ko ngayong araw na ito. At masaya ako dahil hindi na tayo mahihirapang kumbinsihin si papa."

"Oo." Tipid kong sagot habang namasid sa kanya na inuusisa na nga ang mga laman ng paper bag na hindi ko pa halos natignan lahat dahil balak ko talagang sabay namin iyong titignan.

Nailing siya na may ngiti naman sa labi ng mailabas ang isang pares ng sapatos na kasya pa sa dalawang taong gulang.

"Seriously?" Hindi siya makapaniwala sa mga binili ng kanyang ama. "Parang hindi nagkaroon ng anak ang ama ko. Hindi ba niya alam ang tamang sukat para sa bagong panganak?" Tanong pa niya na akala mo naman ay tama din ang nabili niya noong una.

"Malamang hindi niya napagtuunan noon ang pag aalaga sa mga anak niya noon ng baby pa lang."

"Yeah! Maybe. Saka hindi ko siya namulatan noong bata ako. Saka ko na lang siya nakilala noong mga panahong kakikilala pa lang kita."

"Naalala mo pa talaga iyon?"

"Oo naman. Lagi nga ako noong nag aabang sa kanto kung saan kayo noon nakatira. At lagi akong naghihintay sa harapan ng school niyo kahit na lagi akong sinisita ng guard dahil kabata-bata ko pa lang noon ay kung ano na daw ang nasa isip ko."

"Huh."

"Yeah! Kung hindi ako nagkakamali ay lagi akong itinataboy noon ng guard sa school niyo. Pero ipinagpipilitan ko paring maghintay. Sabi ko sa guard. Hinihintay kita dahil magpapakasal pa tayo." Naaliw ako sa pagkukwento niya kaya tahimik lang akong nakinig sa kanya.

Ngayon ko lang nalaman ang bagay na iyon. Naalala ko din minsan na sinabi sa akin ng guard na laging may batang lalaking naghihintay sa akin pero sa tuwing labasan na ay hindi naman kami nagkakatagpo dahil hatid sundo naman kami ng school bus o di kaya naman ay ipapasundo kami ng lolo noon.

Sa kalye ko nga lang ito nakikita sa kanto ng bahay na laging nakabuntot na sa akin sa tuwing lalabas ako na kasama si Frances.

Ipinagtataka ko nga noon kung paano niya kami naipaghahalintulad ni Frances gayong maraming nagkakamali kung sino ako o sino si Frances sa aming dalawa. Hindi ko matandaan na nagkamali ito sa pagkakakilala sa akin kahit na pareho halos kami ng suot, ayos o kahit na anong pagkakatulad.

"Pero dumating ang ama noon at kinuha ako kay mama. Ayaw ko man sumama noon sa kanya ay wala akong magagawa dahil maliit pa lang ako. Pero nung magkaroon na ako ng sapat na lakas at kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa ay tumakas ako at bumalik dito."

"Dito ko na ipinagpatuloy ang huling taon ko sa college kasama ang mama. Sa paglipas ng mga taong iyon ay palagi kitang naalala pero hindi ko na alam kung saan ka hahanapin dahil noong bumalik ako sa dati niyong tirahan ay matagal na din daw kayong lumipat."

"Pero paano mo ako nakilala ng muli mo akong makita?"

Itinigil niya ang pagkalikot sa mga binili ng kanyang ama at naupo na sa tabi ko.

"Sa bar. Well, hindi ko mapangalanan ang naramdaman ko noon kaya nakasunod na lang ang tingin ko sayo. Iyong pakiramdam na tila bumalik ako nung maliit pa lang ako dahil parehong pareho ang naramdaman ko noon sa naramdaman ko nang muli kitang makita. Sabi ko sa sarili ko. Ito na ba ang panahon para ibaling ko sa iba ang nararamdaman ko sa batang matagal na nanahan sa puso ko? Pero nasagot din agad ang katanungan ko."

"Anong sagot?"

"Ng samahan kita palabas ng bar na iyon at naghintay sa kapatid mo, doon ko napagtanto na ang nakita ko sa bar at ang batang lalaking inalok ko ng kasal noong bata ako ay iisa. Kaya nasabi ko na hindi pala talaga biro ang naramdaman ko sayo noon dahil nga pareho ang paghanga ko noong bata ako at sa paghanga ko ngayon sayo."

Taas ang isa kong kilay pero hindi naman ako nagsalita. Kay sarap lang ba sa pakiramdam na marinig ang kwentong pag ibig niya na hindi nagbago sa haba ng taong lumipas na hindi ako nakita.

"Kaya nangako ako sa sarili ko na kahit na anong mangyari, hindi man ako ang nakatadhana sayo ay gagawa ako ng paraan para sa akin ka maitadhana at walang makakapigil sa akin hanggang sa maging akin ka." Hinawakan niya ang isa kong kamay at dinala iyon sa tapat ng labi niya't dinampian ng halik. "At ngayon, nagtatagumpay na ako at handa akong maghintay hanggang sa tuluyan mong tugunan ang nararamdaman ko."

"Well." Tumikhim ako.

Gusto ko sanang maging espesyal ang pagsasabi ko sa kanya na mahal ko na din siya ay hindi na siguro iyon kailangan. Gusto ko na ding sabihin sa kanya na tuluyan na siyang nakapasok sa puso ko at siya na ang itinitibok nito.

"Mandy." Lumipat ang palad ko sa pisngi niya. Masuyong humaplos doon.

"Hmmm." Ipinikit pa nito ang na inihilig ang mukha sa palad.

Ngumiti ako. "I.."

Kring...Kring....

Hindi ko naituloy ang pagtatapat ko dito ng tumunog ang red line kaya nawala ng tuluyan ang pagnanais kong sabihin iyon sa kanya dahil linya iyon kung saan ang lolo lamang ang tumatawag.

"Wait a minute." Ani ko na binawi ang kamay ko sa kanya.

"Go on." Sabay tango na may ngiti parin sa labi.

Agad kong tinungo kung saan ang red line na hindi tumigil sa pagtunog.

"Yes, lolo? Napatawag kayo?" Tanong ko agad ng maiangat ko ang linya.

"Acer is safe now." Sagot ng lolo sa kabilang linya.

Doon ko naalala na nakikipaglaban pala sa sakit ngayon ang pinsan naming si Acer. Ang nag iisang anak ni tito Ace at Tito Elijah.

"Good to hear that, lolo." Totoong sagot ko dahil masyado ng maraming pinag aalala ang pinsan kong iyon. Pero  maraming humahanga sa tapang nitong makipaglaban sa sakit sa pangalawang pagkakataon.

Alam namin ang kwento nito simula bata kaya kahit na sumusobra na ito minsan sa pagka-brat at inaaway lahat kaming pinsan niya ay hindi namin siya pinapatulan dahil nga sa hirap sa sakit na pinagdaanan nito.

At nitong nakaraang buwan nga lang ay nabalitaan namin ang kalagayan niya na tila sumusuko na nga ang katawan nito pero magandang balita ang itinawag ng lolo.

Alam ko na sa pagtawag ng lolo sa akin at ipaalam ang kalagayan ni Acer ay masayang masaya ito. Dahil kahit na kami ang naunang apo ng lolo ay hindi maipagkakailang si Acer ang pinakapaborito niya sa aming magpipinsan.

Pero hindi naman namin iyon ikinakasama ng loob. Dahil sapat naman ang atensyon na ibinibigay niya sa amin kahit na hindi tulad ng  atensyon na ibibigay niya kay Acer.

"Makakadalaw ka ba?"

"Sure, lolo. Maglalaan ako ng oras para makadalaw." Sabi ko matapos nitong maikwento ang buong nangyari.

Paglalamayan daw ang donor sa puso ni Acer na ang lolo na mismo ang umako sa lahat lahat para maipakita ang pasasalamat sa pagbibigay ng pag asa pang mabuhay ang pinsan namin.

"Sige, apo. Saka gusto ko ding makita ka. Isama mo na din ang ama ng ipinagbubuntis mo." Ani pa nito sa kabilang linya na nakapagpatigil sa akin sabay tingin sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin. Sabay ngumiti. "Sure enough, lolo. Ipapakilala ko siya sa inyo." Mahinang sagot ko bago tuluyang nagpaalam dito.

"Si lolo." Pagbibigay alam ko ng makalapit ako sa kanya kahit alam ko naman na narinig niya kung sino ang tumawag.

"Anong sabi?"

"Remember Kenneth?" Hindi kasi nito kilala si Acer kaya mas magandang banggitin ang taong kilala niya na nauugnay sa pinsan ko.

"Kenneth Hidalgo?"

"Oo, kapatid ng pinsan naming si Acer."

"Then? So pinsan niyo din.."

"No."

"How?"

"Lumaki lang siya sa pamilya ng isa sa tito namin. Parang inampon pero hindi pinalitan ang apelyedo. So, hindi parin namin siya pinsan pero soon to be our cousin-in-law."

"So.."

Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol kay Acer at sa sakit nito. Tahimik na nakinig lamang siya sa akin.

"Kaya nais ng lolo na makadalaw man lang kahit minsan sa pakikilamay sa nagbigay puso sa pinsan ko. At mairating ang pasasalamat dito."

"Kailan? Sasama na din ako."

"Sige. Pero sa huling araw na lamang siguro. Saka marami kang ginagawa sa ngayon kaya pagtuunan mo muna ng pansin iyan."

Tumango siya bago kumilos pahiga at umunan sa hita ko.

Nasundan pa ang palitan namin ng kwento sa paglipas ng mga oras. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala boring ang makipag usap sa iisang tao lang ng buong araw kung ang kausap mismo ay ang taong mahal ko.

Hindi ko na din nasabi sa kanya ang pagtugon ko sa pagtangi niya. Saka na lang dahil itutuloy ko ang gusto kong magtapat dito sa mas romantikong paraan.







Mabilis naman na natapos ang libing. Nakapagpaalam na din ang lahat sa pamilya ng donor ni Acer.

Ang iba ay nagsiuwi na habang kami ay sumunod kay lolo na tumuloy ng hospital para sulyapan muna daw si Acer na hanggang ngayon ay coma parin ito.

"Kumusta si Acer, tito?" Tanong ko kay tito Elijah ng makalapit ako dito na nakaupo sa gilid ng kama ni Acer.

"Sabi ng doctor ay maayos na tinatanggap ng katawan niya ang kanyang bagong puso. Pero hindi parin namin alam kung kailan siya magigising dahil sa pagkawala niya ng ilang minuto bago siya maoperahan."

"Huwag na kayong mag alala ng sobra, tito. Gigising din siya."

"Nabawasan na ang pag aalala ko, hijo. At salamat sa pagbisita."

"Wala iyon, tito. Sino sino pa ba ang magdadamayan kung hindi tayo din."

Ngumiti ito. Hinawakan anh kamay ko.

"Nabalitaan ko sa daddy mo ang kalagayan mo." Pagbubukas nito ng ibang usapan pero di ko naman akalain na kumalat na pala ang kalagayan ko. "And congrats hijo."

"Salamat din tito."

"Kailan ang kasal niyo?"

"Wala pang plano, tito. Saka mauuna pa si Frances bago ako."

"Ganun ba. Well, halata naman na hindi ka iiwan ng ama ng dinadala mo. The way he look at you. Parang ayaw niyang kumurap huwag ka lamang mawala sa paningin niya."

"You say so, tito. Well, ramdam ko din iyan." Pareho kaming nakangiti ng lumingon pa kay Mandy na tahimik lamang na nakaupo sa katabi na kausap si Kenneth at nagkukumustahan.

Nakipagkwentuhan muna ako kay Tito Elijah. At hinayaang makipag usap naman si Mandy kay Kenneth na halatang ang pinag uusapan ay tungkol sa trabaho na iyon ngayong pinagkakaabalan niya dahil kay Kenneth kumukuha ng supply sa mga gamit na kailangan sa ipinapatayong bahay ng kanyang kliyente.

Ilang oras din kaming nanatili sa hospital bago nagpaalam. Sumabay na din kasi kami kay Lolo pauwi ng A. Place dahil gusto nga daw niya makilala si Mandy na hindi ko naman mahindihan at wala na din namang akong balak itago pa.

"Kumusta ang pagbubuntis mo?" Tanong ng lolo sa akin ng nasa sala na kami at halos kadarating lang namin ay iyon na agad ang tinanong nito.

"Maayos lamang, lolo. Saka wala pa namang pagbabago sa katawan ko."

"Ganun ba? Hindi na ba mabigat para sayo ang kalagayan mo?"

Sumeryuso ako ng magtama ang mga mata namin ng lolo. Tahimik lang si Mandy sa tabi ko na hindi pa binigyang pansin ng lolo.

Hindi ko kasi itinago kay lolo na hindi ko talaga ginusto ang kalagayan ko pero ito mismo ang halos araw araw na nagbigay sa akin ng pangaral na tanggapin ang kakaiba kong kalagayan dahil isa itong biyaya. At ngayon, tanggap ko na dahil may isang taong tinanggap ako sa kung anong kakaibang kalagayan ko.

"Not anymore, lolo." Totoo sa loob kong sagot. "And by the way, he is Mandy." Pagpapakilala ko na sa kanya kay Lolo.

Tumayo siya saka sinabayan ng pagyuko. Inabot ang kamay ng lolo sakansiya nagmano dito.

"Kinagagalak ko po kayong makilala. Pakakasalan ko po ang apo niyo kaya sana po ibigay niyo sa akin ang inyong basbas."

Tutop ang nuo kong napayuko pero hindi ko mapigilan ang mapangiti. Parang naulit lang ng magpakilala siya kay daddy.

"Hahaha. I like you, young man." Tumawa ang lolo dahilan para mapatingin siya sa akin.

Nginitian ko siya na sinabayan ng pagtango para ipahiwatig sa kanyang wala siyang magiging problema kay lolo dahil kung gaano siya ka welcome kina daddy ay mas welcome siya kay lolo dahil wala naman itong balak na tumutol sa kung ano ang gusto ko o kahit na sino sa aming apo niya.

"Ibibigay ko sa inyo ang basbas pero hindi pa kayo pwedeng magpakasal sa ngayon dahil naunang nagplano ang kambal mo." Kuway sabi naman ng lolo na sa akin nakatingin.

"Alam ko, lolo. At wala akong balak sumukob sa taon ng kasal ni Frances."

"Good. Mabuti na iyong magkalinawan. Kaya ikaw, hijo." Baling ng lolo kay Mandy. "Huwag na huwag mong sasaktan ang apo ko."

"Wala po akong balak saktan siya at wala sa isip ko ang saktan siya."

Nailing ako na napangiti na naman. Na sa gilid ng mata ng lolo ay nakita ko ang pasulyap na pagtingin niya sa akin.

Hindi man sabihin ng lolo ay gusto niya si Mandy para sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

330K 16.9K 38
STATUS: COMPLETED The Billionaire Bachelor Series: WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Ang akala niya ay isang sakit ang kakaibang kalagaya...
151K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
356K 15.2K 36
STATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Story Nawili si Zee sa kinahiligan ng kanyang daddy na si Zoey noong kabataan nito. M...
10.1K 402 33
Jallai is a traveler vloger who loves eating and shows his lifestyle in his daily... Vque is a hacker. Love's hacking other's account and reading the...