✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSO...

By YuChenXi

187K 9.1K 1.2K

STATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga kata... More

SYNOPSIS
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #1:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #2:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #3:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #4:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #5:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #6:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #7:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #8:
OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #9:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #10:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON: #11
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #12
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #13
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON: #14
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #16
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #17
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #18
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #19
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #20
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #21:
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #22
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #23
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #24
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #25
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #26
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #27
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #28
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #29
OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #30
SPECIAL CHAPTER

OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #15

4K 239 35
By YuChenXi

Typos and grammatical errors ahead!



"Hijo." Yumakap pasalubong sa akin si daddy. "I miss you."

"I miss you too, dad." Pagtugon ko dito na tumugon ng yakap nito. Matagal na din kasi simula ng umuwi ako ng A. Place at bihira ko na talaga sila makita. Kaya hindi ko masisisi na ganito ang maging salubong sa akin ni daddy.

"Kung hindi pa itinawag sa akin ng papa mo ay wala pa akong kaalam alam. Huhuhu. Hindi na talaga bata ang mga panganay ko."

"Dad." Nahawakan ko ito sa braso at bahagyang inilayo sa akin. "Can you stop acting like that."

"Hmmm." Pero hindi naman nito iyon pinansin. "And you." Bumaling ang daddy kay Mandy na tahimik lamang na nakamasid sa amin pero hindi ko naman nakitaan ng pagkailang ngayong kaharap ang daddy.

"I will marry him, I promise." Pagsagot nito dahilan para matigilan kami ni daddy. Kahit ang papa na paakyat na sana sa taas ay tumigil at napatingin sa amin.

Siniko ko siya. Ibang iba ang ipinakita nito kay papa ngayong kaharap si daddy.

"Are you nervous?" Tanong pa ng daddy sa kanya.

"Hindi po. Gusto ko lang pong sabihin na pananagutan ko si Xaviel." Taas nuong sagot nito.

"Haha. I know that. Hindi ka naman sasama sa anak ko kung hindi ka seryuso sa kanya. So relax, hijo. And welcome to our family." Nakangiting sabi naman ng papa.

Natampal ko parin ang nuo ko kasabay ng pag iling na may kasamang malalim na paghinga. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagngisi ng daddy sabay lingon kay papa na nakangiti din.

Muli ko siyang siniko pero hindi naman niya iyon pinansin. Nakipagsukatan pa ng tingin kay daddy.

"Thank you po, tito."

"Are we la..." napatingin sa akin si Frances na kadarating lang kasama ang mag ama niya na hindi na naituloy ang pabungad na sasabihin sana. Ilang araw pa lang nung lumipat sila sa bago nilang tahanan kahit na hindi pa nila naayos ang kung anong gusot nilang magkaibigan. "Xaviel. How are you bro." Humakbang na itong palapit sa akin.

Pareho kaming nagtapikan ng balikat bilang pagbati.

"And, Engr. Mandy Selvester. You are here too, how are you? May okasyon ba?"

"Fine, mr. Frances Anderson." Pormal na nagkamayan sila ng kambal ko bago binalingan naman si daddy na sinalubong agad ang apo nila.

"Nasaan ang dalawang Quinn, dad? Darating din ba sila?" Tanong pa ni Frances kay daddy.

"Hindi siguro, hijo. Alam mo naman ang mga iyon, may kanya-kanya na ding pinagkakaabalahan." Karga na ni daddy ang anak nila. "Maupo muna kayo. And also you hijo." Pagbaling nito kay Mandy na agad namang tumalima.

Hawak ang kamay ko at hinila paupo sa sofa.

Muli akong nailing. Dahil sa masunuring pagkilos niya sa harapan nina daddy na kapag ako ang nagsasabing tigilan ako at maupo lang sa tabi ay mas lalo siyang mangungulit sa akin.

"Kung naiilang ka ay pwede tayong umakyat muna sa silid ko." Kuway sabi ko sa kanya na tuwid na tuwid ang pag upo.

"I'm okay." Sagot niya na nakatingin sa anak ng kambal ko na kalong na ng daddy. "I never thought we'd have babies and you're carrying them now. I can't wait to see them."

"Yeah!" Tipid kong sagot na nagpasyang tumayo sa pagkakaupo ko sa tabi niya. "We can't just stay here. Hindi ka na mahaharap pa ng daddy ngayon."

"Where are we going?"

"In my room. I just want to lie fown first bago mananghalian. Let's go." Aya ko sa kanya. "Dad, akyat lamang kami." Kuway baling ko kay daddy na abala na nga sa pagkarga sa anak nila Frances.

"Go on, hijo. Tatawagan ko na lamang kayo kapag kainan na." Sagot ng daddy na hindi na din lumingon pa.

"Okay lang ba na iwan natin sila dito?" Tanong pa niya ng hilain ko siya patayo.

"Why not? They are busy with the baby. And daddy already welcome you, anyway."

Binitawan ko na siya. Hindi ko siya pipiliting sumama sa akin paakyat kung ayaw niya.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo na din siya ng nasa hagdanan na ako. Hindi ko na siya inimik at hinayaan ko ngang sumunod sa akin sa pag akyat.

"Hey."

Nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod ng nasa loob na kami ng akimg silid.

Ibinaon ang mukha sa kaliwang balikat ko at ang kanyang mga palaf ay dumada sa nipis kong tiyan.

"Are we really having babies." Mahinang tanong nito na patuloy sa marahang paghugod sa tiyan ko.

"Uhm." Tipid kong sagot. Halos isang minuto ko din siyang hinayaan sa pagyakap niya at pagdama bago ko kumalas sa kanya.

"Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.

"Yeah! Kahit sino naman. Kakaiba man ang kalagayan ko ay iyon ang katotohanan. Hindi na iyon mababago." Nagtama pa ang mga mata namin ng lingunin ko siya.

"Sit down." Alok ko sa sabay turo sa kanya ng sofa sa gitna ng silid ko malapit sa paanan ng kama.

Masunurin naman siyang sumunod at naupo pero ang tingin niya ay nakasunod sa akin. Nakasunod sa bawat galaw ko na nababakas sa kanyang mukha ang hindi parin makapaniwala.

"Are you done staring?" Tanong ko ng maupo ako sa sofa sa harapan niya.

Napansin ko ang kanyang paglunok. Kumurap pa sabay tayo na lumipat ng upo sa tabi ko.

"I love you. I really do. And I love you more now than before."

"I know."

Napailing na naman ako ng yumakap na naman siya sa akin.

"Marry me, Xaviel. Please." Kuway pag aalok na naman nito.

"Sinabi ko sayo na hindi basta basta ang kasal, Mandy. Oo nga at pinigilan kita sa pag uwi mo ng Brunei para hindi mo ituloy ang pagpapakasal mo sa taong hindi mo naman mahal. Sinabi ko din sayo na hindi ko pa masasagot iyan ngayon."

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga na kinalas ang pagkakayakap sa akin. May ngiti parin sa kanyang mga labi pero hindi iyon abot sa kislap ng kanyang mata.

"Nilinaw ko sayo ang bagay na iyon, Mandy."

"Alam ko. At maghihintay ako hanggang sa handa mo ng sagutin at tugunan ang pagmamahal ko sayo. At hindi ako susuko. Lalo na ngayon, magkakababy na nga tayo."

"Good." Itinaas ko ang kamay ko to pat and stroke his hair like a kid. "Be good, always. Saka na natin iyan pag usapan matapos nating kausapin ang ama mo na ayaw mong magpakasal."

"Okay." Tipid niyang sagot na sinundan ng damping halik sa labi ko sabay ng paghilig ng ulo sa balikat ko na muling dumama ang palad sa tiyan ko.

Wala na kaming naging usapan pa. Nanatili kami sa ganung ayos ng ilang minuto bago siya muling humarap sa akin.

Masuyong humaplos ang palad niya sa pisngi ko hanggang sa tawirin niya ang pagitan ng mga labi namin at hinalikan ako.

Agad ko iyong tinugon. Siguro nga ay hindi ko matatanggihan ang mga halik niya dahil nasa sistema ko na sila. At kung ang ibig sabihin nun ay tuluyan na ngang nabibihag ang puso ko sa kanya ay handa ko iyong sabihin kung kailang kaya ko na ngang bigkasin iyon para sa kanya.

Ang halik na aming pinagsaluhan ay nauwi muli sa isang mainit na pagiisa ng katawan namin.





"Do you need help?" Ang papa matapos nilang marinig ang aming naikwento tungkol kinakaharap niya ngayon sa pamilya.

"Hindi na kailangan papa. Kaya na naming harapin iyon ng magkasama."

"Okay then, hijo. But if you need help. Nandito lamang kami ng daddy mo. And you, be a man." Baling ng papa kay Mandy na matamang nakikinig. "Don't let your father manipulate you."

"I will po, tito. Ipaglalaban ko po si Xaviel."

Nasa mga labi na naman nina daddy at papa ang ngisi dahil sa sinabi nito. Kahit na hindi man sa labi tignan ay nasa kislap parin ng mga mata ang panunukso.

Tulad na lang kaninang bumaba kami ng tawagin na kami para mananghalian. Hindi nila itinago na alam nila kung ano ang naganap sa loob ng silid ko sa loob ng mahabang oras.

"Umaasa kami sayo, hijo. Basta habaan mo na lang ang pasensya para sa anak namin dahil mas maraming nagsasabi na mas matigas pa sa bato ang puso niya dahil walang nakakapukaw ng interest niya."

"Papa, enough." Pumagitna ako dahil sa mga nasasabi na ni papa.

"Totoo naman." Sigunda naman ng daddy.

"Alam ko po, tito. At iyon na ang ginagawa ko." Sagot naman niya na hindi pinansin ang pagpapagitna ko sa usapan nila.

"Hindi na kami magtatagal, dad. Pa." Iyon na lang ang naisip kong paraan para maputol na ang usapan nila. Ayaw ko kasi ng ako ang nagiging sentro ng usapan kaya mas mabuting magpaalam na sa mga ito.

"Hindi pa nga tayo nakakapag usap ng matagal, magyayaya ka ng umuwi." Si daddy. "Bihira ka na nga naming makasama tapos magmamadali ka pa. Lalo na ngayon sa kalagayan mo..."

"I said enough, dad. At saka itigil niyo na iyan dahil hindi na bago ang pagdradrama niyo." Sabi ko kay daddy dahil iyon lagi ang ang ginagawa nito. Dradramahan kami para lamang umuwi ng bahay sa A. Place at madadala naman kami kaya kami mapapadalaw sa kanila.

"Halata na ba, love?" kuway tanong naman nito kay papa.

"Oo, love. Hindi na kasi bata ang mga anak natin." Sagot naman ni papa na umakbay

Nailing na lang ako pero magaan sa pakiramdam ko nasuportado ang mga magulang ko sa kahit na anong disesyon namin sa buhay.

Walang nagmamanipula sa bawat kilos namin o sa sino dapat ang gusto nilang makapareha namin. Wala silang pakialam sa kung sino ang pipiliin namin basta kayang panindigan iyon.

"Dad, we are old enough for that."

"Kaya nga, hijo..hala sige. Hindi na nga kami mangingialam sa inyo. Basta ang bilin namin. If you need anything, nandito lamang kami ng papa mo."

'Thank you dad."

"Nakapag paalam ka na ba sa kambal mo?"

"Tapos na dad. Sige, at mauuna na kami. Ingat kayo lagi ni papa."

Maayos na kaming nakapagpaalam kina papa at daddy at nauna na nga kaming umalis.

Siya na ang nagmaneho. Hindi na niya ako hinayaang magmaneho na dapag magrelax na lang daw ako para hindi ako mapagod.

"Are you treating me like a kid?"

"No. I just want to serve you like a king." Nakangiti nitong sagot. Mabilis na dinampian pa ako ng halik sa labi bago ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

"Whatever." Naiiling na naging tugon ko sa sinabi niya. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Papasaan ba ay masasanay ako sa mas domobleng atensyon na ibinibigay niya sa akin. Lalo na ngayon na may ibang pulso ng pumipitik sa loob ng katawan ko na nag uugnay sa aming dalawa.






"Para saan ang mga iyan?" Tinaasan ko siya ng kilay isang umaga ng pumasok siya sa opisina ko na may maraming paper bag na hawak sa magkabilang kamay na halos hindi na siya magkasya sa pinto.

Ngumiti siya at maingat na inilapag ang mga iyon sa gilid sa may sofa.

Lumapit siya sa akin na siniil na naman ng halik sa labi ng ilang sigundo bago tumigil. Hinawakan ako sa kamay at hinila patayo sa pagkakaupo ko sa swivel chair ko.

"Hey!"

"C'mon, my Xaviel. Look what I bought." Sabi nito na masayang masaya ang tinig na hindi itinigil ang paghila sa akin hanggang sa malapitan namin ang pinamili niya.

Pinaupo niya ako sa sofa bago isa isang inilapit ang mga paper bag na dala niya kanina. Kinuha ko ang isa s mga iyon at tignan ang kung ano ang mga laman nun pero ganun na lang ang panlalaki ko ng mga matang napatingin sa kanya ng makita kung ano nga ang mga pinamili niya.

"Are you serious? Ang aga pa para sa mga ito."

Nakangiti parin siya at hindi pinansin ang naging reaksyon ko.

"I'm so excited, my Xaviel. I want to buy more pero ayaw kong ako lang ang mamili kaya ito na lang muna ang pinamili ko. What do you think? Bumili din ako para sayo. Di mo naman sinasabi kung ano saan ka nagcraving sa mga pagkain. Nabasa ko sa internet na ang mga buntis ay madalas na may pinaglilihian sila. Here." Mahaba nitong lintaya sabay labas sa paper bag ang iba't iba ding prutas. May mga sweet, like slice of cake at marami pang iba na pwedeng kainin.

Natampal ko ang nuo dahil hindi makapaniwala sa mgg binila niya pero hindi ko maitago ang ngiti ko dahil din doon.

"Ugh! Whatever."

"Anong gusto mo sa mga ito?" Tanong niya na i isa isang nilapag ang mga pagkain, at prutas sa harapan ko.

"Prutas na lang." Sagot ko dahil wala naman akong hilig sa mga sweet. At hindi naman ako nakakaramdam ng paglilihi. Normal parin ang pakiramdam ko.

"Okay. Sandali lang, huhugasan ko lang ang mga ito para ipagbalat kita. Tapos saka natin titignan ang iba ko pang pinamili." Mabilis niyang kinuha ang mga prutas na binili. Dinala sa mini kitchen ko sa opisina.

Ilang minuto lang ay muli siyang bumalik. Nakalagay na sa tray ang mga iyon.

"Sabihan mo lang ako kapag may gusto ka pang kainin para mabili ko. Sabi kasi ni mama na kung ang buntis daw ay hindi napagbigyan sa kung anong pinaglilihi ay posebleng makasama sa dinadala kaya ayaw ko iyong mangyari. I wany you and our babies safe, my Xaviel." Masigla nitong saad.

Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha nito habang binabalatan na ang prutas na hawak.

"Oo, ganyan din ang daddy namin noon nung pinaglilihi ang mga bunsong kambal na kapatid namin. Pero maaga pa para sa akin ang bagay na iyan. Hindi pa nagbabago ang appitite ko o may mga gusto ba akong kainin." Totoong sagot ko dito. Kung magcraving man siguro ako sa isang bagay ay hindi ko naman iyon itatago sa kanya.

"Okay. Basta sabihan mo ako kapag may mga gusto ka. Here. Eat this." Inilagay niya sa isang maliit na pinggang ang mga binabalatan. Ipinagpatuloy lamang niya iyon na nakikisabay na din naman sa pagkain sa mga prutas dahil hindi ko naman iyon mauubos ng mag isa.

Matapos naming kinain ang mga prutas na binalatan niya ay muli naming hinarap ang  ibang mga pinamili niya.

Napapangiti na lang ako na may kasamang pag iling dahil sa mga iyon. Bumili na siya ng mga damit ng mga babies namin na kahit siguro naipanganak ko na sila ay hindi pa nila maisusuot ang mga binili niya dahil malalaki ang mga iyon.

"What are you laughing at?" Tanong niya na ng hindi ko mapigilan ang matawa dahil doon.

"Nothing, nothing. Natuwa lang ako dahil sa dami ng binili mo ay talagang hindi pa nila maisusuot ang mga iyan kapag naisilang na sila."

"Huh. Pero sabi ng pinagbilihan ko sa isang shop sa mall ay pwede na ang mga ito. Kaya binili ko na halos lahat ang paninda nila."

"Hahaha. At naniwala ka naman. Saang mall ka ba bumili?"

"Sa AA Mall Palace."

"Huh. Sa mall pa talaga na pagmamay ari nina tito Vienn. Ah. Never mind. Gusto mo bang ipamigay iyan sa ibang bata?"

"But this is for..."

"Isa o dalawang taon pa nila maisusuot ang mga iyan."

Napatingin siya sa mga pinamili niya. Napasimangot na tila ayaw ipamigay ang mga iyon.

"Sa susunod huwag kang bibili agad kung hindi mo sigurado."

"But..."

"I know. Sino ba ang hindi magiging excited. Kahit ako ay gusto ko ding bumili na ngayon pero maaga pa para sa mga iyan. Magdadalawang buwan pa lang sila."

"My Xaviel..."

"Silly." I patted his head and stroked his hair. "Ayaw mo bang sabay nating bibilhan ang mga babies natin? Ayaw mo ba akong kasamang bumili para sa kanila?"

"Gusto ko." Mabilis niyang sagot.

"Then, maghintay tayo na hanggang apat na buwan pataas bago natin sila bibilhan ng mga damit. Sabay tayong mamimili sa kung anong maganda para sa kanila."

Tumango siya sabay hawak pa ng kamay kong nanatiling himuhugod ang buhok niya. He is like a puppy. A big big puppy.

"Kanino natin ipapamigay ang mga ito?" Sabay baling na sa mga damit pangbatang binili niya.

"May mga charity home akong sinusuportahan. Baka doon na lang natin iyan ibibigay dahil maraming mga sanggol din doon ang iniiwan ng mga magulang na hindi kayang buhayin ang mga anak nila."

Tumango-tango pa siya.

"Don't be sad. Hindi man maisusuot ng magiging anak natin ang mga iyan ay malaking tulong iyan para sa ibang bata."

"I love you."

"Huh."

"You are so kind hearted. And I love you even more."

Ngumiti ako. Dinala niya ang hawak niyang kamay ko sa tapat ng kanyang labi at dinampian ng halik ang likod ng palad ko habang magkaugpong parin ang mga mata naming nakatitig sa isa't isa.

Malalim na paghinga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan siyang na nakatitig sa akin.

He is perfect to be a partner. And it's not bad that he will be my partner in life. At wala ng magiging problema sa pagitan namin kung magkakasundo kami sa lahat ng bagay. Ang problema na lamang ay kung paano namin haharapin ang ama niya na hanggang ngayon ay nagiisip pa kami kung paano ito kakausapin ng maayos.

Continue Reading

You'll Also Like

785K 24.5K 29
The Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the...
777K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...