SUPERHUNTERS:The BEGINNING (b...

By Henry_1998

258K 11.2K 566

Masaya na ang buhay ko sa aking mundo ngunit nagbago ito sa hindi inaasahang pangyayari. Nasira ang mahalagan... More

◇Prologue◆
-The Other World-
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4 ◆
◇CHAPTER 5◆
~*Dawn's Part*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Strong*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 5◆
~*Bully*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Revenge*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
Promotion!
Announcement
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Truth and Acceptance*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Uncontrolled*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Eyes*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
~*Shifter*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
~*Livewire*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*The Fire Bender*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
Important Announcement!
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
◇CHAPTER 5.3◆
◇CHAPTER FINALE pt.1: The End of Beginning◆
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 2 Extended: Inside the Characters Mind◆
◇CHAPTER 2 Extended pt 2: Inside the Characters Mind◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER FINALE pt.2: The Night Before Dawn◆
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5.1◆
◇CHAPTER 5.2◆
-Epilogue
SUPERHUNTERS: SEASON 2 SPOILER ALERT!

◇CHAPTER 4◆

3.7K 172 5
By Henry_1998


-Dawn

Cafeteria

"So paano kayo nagkakilala ni Shawn?"tanong nito, napatigil ako sa pagkain ko sa tanong niya.

"Mahabang kwento"sagot ko na lang dito.

"Pwede mong paikliin"-James

"Dahil sa Kuya ko, maikli na yan ha"sabi ko dito at ngumiti.

"Nag-aaral ka ba dito?" tanong nito

"Hindi ako nag-aaral dito,pumunta lang ako dito para mamasyal"sagot ko.

"well hindi ka nagkakamaling pinuntahang school bukod sa magandang paligid dito meron ka pa ngayong kasamang gwapong lalaki"-James

"Oo nga"-Ako

"Ano don? ang magandang paligid o ang gwapong lalaki?"-James

"Ang magandang paligid"-Ako

"Maganda ang sagot mo pero mas maganda ang kausap ko"-James

Parang alam ko na ang ginagawa niya...

"Maganda pala ang Cafeteria noh"pagiiba ko nang usapan

"Yes it is,pero wala nang gaganda sa kausap ko"-James

"Masarap din yung pagkain dito"sabi ko dito, kaya mo yan Dawn...

"Oo masarap tikman ang.....Pagkain ko"sabi nito habang nakatitig sa akin hindi sa pagkain.

"Masarap ba talaga, hindi mo pa nga nababawasan ang pagkain mo eh"sabi ko naman dito.

"Kong gusto mo Tutulungan mo ko,tara lapit ka dito."sabi nito.

Nakaharap kasi kaming dalawa at yung lamesa pangdalawang tao lang.

"Huwag na, may kinakain na ako"sabi ko dito at yumuko.

"Bakit hindi ka makatingin sakin? tanong pa nito.

Ewan ko ba parang may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko, parang nanginginig ako na gusto kung ngumiti...ewan..

"Kumakain kasi ako"sabi ko.

Parang sumabay pa ang tadhana naubos ko na ang kinakain kong

"Spaghetti"raw sabi niya.

"Mukhang ubos na, so pwede mo na akong tignan"-James

Tinignan ko siya, kumunot ang noo ko sa ginawa niya Kinindatan ako nito at ngumiti.

"Salamat pala sa pagkain, nabusog ako"sabi ko dito at ngumiti rin sa kanya.

"Dawn right? Ako kasi kapag gusto ko ang nililibre ko may kapalit eh para naman may advantage rin ako sa kanya..pero don't get me wrong hindi ako ganun tao na gagawa ng mabuti tapos dapat may kapalit..sa mga taong gusto ko lang yun ginagawa" sabi nito habang sumandal sa upuan niya at binuka yung hita niya.

Ako ba ang tinutukoy niya.

"ang naiintindihan ko lang may kapalit ang pangilibre mo"sabi ko dito ng deretsahan.

"You Got me there Baby"sabi nito, ngumiti ito sa akin at inilapit pa ang upuan, pinatong niya yung siko niya sa lamesa at medyo lumapit ang mukha niya sa akin "One question only kapalit ng nilibre ko"titig na titig talaga ito sa akin

"Can I taste your lips?"sabi nito.

Napatulala ako sa sinabi niya kahit ngayong ko lang narinig yung mga salita naiintindihan ko na talaga, noong kami'y nagsasama ni Gaston o ni Lucas kahit mahal nila ako hindi nila tinatanong ang ganoong bagay medyo nabigla ako,parang wala akong masabi..

"U-uhhmm"sabi ko na lang, medyo pinagpapawisan ako..

"Hmmmm"sabi nito na parang hinihintay ang sagot ko.

KRRRRIIIINNNGGGGG!!!

Nakikita kong nagsitayuan ang karamihang mag-aaral dito sa Cafeteria nang may tumunog na napaka tagsing hudyat siguro na mag-aaral na sila.

"Mukhang Oras na para sa pag-aaral"sabi ko dito.

Nagtitigan kami parang may binabasa siya sa mga mata ko. Bigla itong ngumisi at inayos ang sarili nito.

"yeah, I should be get going thank you for joining me here, it was nice talking with you"sabi nito at akmang tatalikod na pero may sinabi pa ito.

"By the way, Ignore that question siguro ako na lang ang magpapatunay pero huwag kang mag-aalala hindi ko bibiglain, although anytime I can do that even if you don't want to" sabi nito at lumabas na sa Cafeteria.

Huminga ako ng malalim siguro sa susunod huwag nakong sumama sa kanya baka ano pa ang magawa niya..

Kinuha ko ang passport sa bulsa ko.

"Hindi pa kita isusuli kasi pakiramdam ko yung nagmamay-ari sayo may tinatagong mali,hindi niya lang masabi dahil may masasaktan"tumayo na ako, Lumabas sa Cafeteria at nagsimula na namang tignan ang magandang paligid ng Paaralan.

-James-

Grabe wala talaga.. hindi siya bumigay sa simpleng Flirt lang napatunayan kong iba siya sa mga nakakasama kong mga babae pero hindi siya babae bakla siya hindi man lang natinag sa mga linya ko..

Wala akong makitang reaksiyon sa kanya na bumigay siya,

Parang ako pa nga ang tinamaan sa mga pasimpleng ngiti nito,

Haist...hindi ako pumapatol sa bakla dahil alam kong katawan ko lang ang habol nila lalo na dito sa school pero siya.. nagpapakita na nga ako ng motibo iniiba niya naman ang usapan.

"Shawn!!"tawag ko sa betsfriend ko na nakalukot ang mukha, Badtrip nga..

"Oh bakit ganyan mukha mo, kanina parang tumatawa ka pa, inatake kana naman ng Moodswing mo noh?"tanong ko dito pero alam ko na ang nangyari hehe gusto ko lang sabihin niya sa akin kong ano talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Apple, kapag hindi siya nagsabi ng totoo uupakan ko siya!!

"Wala!!! Si Apple!! Tang*na!!"sabi nito at hinampas ang gilid ng kamao nito sa nadaanang locker!!

"Ayyyy!!!"nagpigil ako ng tawa ng marinig kong sumigaw ang mga bakla at babae dahil sa ginawa ni Shawn, Tarantado talaga...

Binilisan nito ang lakad halatang galit talaga siya kaya hinay hinay muna sa pangbibiro sa kanya.

"Ayusin niyo na yan baka ano pa ang mangyari sa inyo"paalala ko dito.

"Hindi ko siya maintindihan!! Halatang may problema!!ayaw pa sabihin"sabi nito, matalim ang titig nito sa dinadaanan niya..Bestfriend ko talaga siya..

"Bigyan mo lang siya ng Oras para makapag-isip, alam mo naman yun hindi karin naman non matiis kakausapin ka rin niya,anong pakinabang ng 8 months na pagsasama niyo diba?"sabi ko dito pero parang wala itong narinig matalim parin ang titig.

Halos ang mga nakakasalubong namin umiiwas ng tingin dahil sa mga titig nito, parang mananapak eh.

"Anong tinitingin tingin mo diyan!!! Gusto mo bang gumising sa Clinic!!! Bakla ka!!!"sigaw nito,

Napatawa na talaga ako dahil sa pamumutla ng bakla ibang klase talaga magalit si Shawn walang pakialam sa paligid..

"Tol Relax ka lang baka mamayang practice pati bola madamay pa sa galit mo, tara na may next class pa tayo"sabi ko dito at inilayo siya don sa Bakla.

---------------------------------------------------------------------

-Dawn-

Nandito ako ngayon sa "Marshaw High Garden"Nalaman ko yun dahil nakapaskil ang pangalan ng Hardin sa Malaking puno bago ka makapasok.

Nakaupo ako dito sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa paligid at mga estudyanteng nag-uusap.

Ang gandang pagmasdan ang napakalinis na paligid at mga makukulay na bulaklak na parang sumasayaw kapag medyo lumalakas ang hangin.

Hapon na pala kaya marami na akong nakikitang mag-aaral na nagsilabasan sa Gate.

Napagod rin ako sa pamamasyal dito, medyo hindi ko maramdaman na maaring pumunta dito ang mga piraso ng Kristal.

Wala naman akong Makikitang parang kahinahinala sa mga tao dito maliban lang sa babaeng kasintahan ni Shawn..

Parang naisip ko na kung bakit niya toh ginagawa kay Shawn pero may kulang pa, meron pa akong hindi nalalaman at ang passport lang ang tanging makakasagot, nagpasya akong tutulungan ko si Shawn para naman medyo mabawasan ang maling pakikitungo nito sa akin.

Umalis na ako sa Hardin kailangan ko na kasing makita si Shawn para makasabay na ako sa pag-uwi sa kanya.

Nagtanong ako kung saan ang Men's Locker Room sa isang mag-aaral na nakakasalubong ko, tinuro niya naman ito at agad ko namang sinunod ang sinabi niya kung saan dadaan.

Binuksan ko na ang pinto ng Locker at nagulat ako sa nakita ko.

Maraming mga lalaking walang pang itaas at iba nakatapis lang nang tuwalya, pakiramdam ko namula ako dahil sa nakita ko.

Bukod kay Lucas at Shawn ay wala na akong nakitang magandang katawan pero ngayon marami na at hindi ko man lang sila kilala kaya wala akong karapatan makita ang magaganda nilang katawan.

Mas lalo akong nahiya nang makita kong nakatingin ang iba sa akin.

Lalabas na sana ako nang...

"Hoy!! Ikaw lumapit ka dito!!"narinig kong sigaw ni Shawn. Lumapit ako sa kanya na medyo nakayuko nakakailang pala kung papasok ka sa kwartong ito.

Nakikita ko ngayon ang napakakisg na katawan ni Shawn. Nakasuot ito ng pangibaba at nakasampay sa balikat nito ang tuwalya.

"Alam ko maganda ang katawan ko kaya Huwag muna yan ang tignan mo, Oh ito pakidala nito"sabi niya at hinagis sa akin yung bag niya.

Nakikita ko sa mukha niya na parang galit siya ngayon.

"Ah pwede na ba akong umalis? Doon na lang ako maghihintay sa labas"tanong ko dito, tinignan lang ako nito habang may hinahalungat sa Locker niya.

"Sinabi ko bang umalis ka?"tanong nito...galit nga siya.

Wala na akong magawa kundi tumahimik na lang kung hindi ko lang kailangan ang tulong niya papaliparin ko talaga siya ng patiwarik..

"Hi Dawn, bakit nandito ka? gusto mo sigurong samahan kita sa pag-uwi noh?"nandito rin pala si James, nakasando ito pero nakatapis lang ng tuwalya, mukhang bagong ligo siya dahil medyo basa pa buhok niya.

"May kasama ako si Shawn"sabi ko dito na nakangiti.

"Ouch, sakit naman non naunahan ako ni Shawn, napasakit Ahh"sabi ni James at hinahaplos nito ang dibdib niya.

Ngumiti ako tapos siya naman tumawa sa ginawa niya.

Napapitlag ako ng isara ng malakas ni Shawn ang Locker at nauna nang lumabas.

"Pasensiya ka na kay Shawn ganyan lang talaga yan"sabi nito habang nakatingin sa pinto.

"Masasanay rin naman ako sa kanya"sabi ko at humarap sa kanya, ang taas niya naman.

"Sige aalis na ako salamat nga pala kanina, Bye" hindi pa ako nakakalabas ng may itanong ito.

"pwede pa ba tayong magkita?"tanong nito, nilingon ko siya hindi ngayon si James ang nakikita ko kundi si Lucas, pinikit ko ng mariin ang mata ko at nakikita ko na ngayon si James na hinihintay ang sagot ko.

"Oo naman"sabi ko dito at tumakbo na papunta sa labas.

Narinig ko pa ang hiyawan ng mga lalaki sa sagot ko para bang nanunukso sila.

Hinabol ko si Shawn, ganun parin kanina hindi ako kinakausap habang papunta kami sa Bahay nila.

---------------------------------------------------------------------

-Apple-

Gabi

"Ahhhrrr"ito na naman ang sakit parang gusto kong manakit ngayon, hindi ko alam kong ano ba tong nangyayari sa akin, nakakaramdam ako ngayon ng malakas na pwersa sa katawan ko dinagdagan pa nang pag-iisip ko kay Shawn dahil sa nagawa ko kanina sa kanya sa school.

Pumunta ako sa CR at humilamos ng Mukha.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin umiitim ang bawat gilid ng mata ko para bang naglagay ako ng sobrang kapal na eyeliner.

Kinusot ko ang mata ko gamit ang kamay ko na may tubig upang mabura ang itim sa mata ko pero walang nangyari parang nakadikit na ito .

"NO!!!"sigaw ko, mabuti na lang may rubber sa ilalim ng pinto kaya hindi maririnig nina Mommy at Daddy ang sigaw ko.

Sa sobrang galit na nararamdaman Sinuntok ko ang Salamin at itoy nabasag.

Ilang sandali lang ay nahirapan akong huminga bigla akong nanghina at nawalan ng malay.

Narration:

Nagising na lang si Apple sa gulat nang makita ang sarili niya na nakahiga sa sahig ng banyo at dumudugo ang dalawang kamay nito.

"Apple, halika na, mag almusal kana gumising kana diyan umaga na, may pasok ka pa"rinig niyang sabi ng kanyang ina sa labas ng Kwarto niya.

Hindi niya ito sinagot dahil nakakaramdam ito ng galit sa kanyang ina, galit na galit siya sa magulang niya ngayon dahil sa plano nito na maaaring makasira ng relasyon nila ni Shawn.

Hinugasan niya ang kamay at inayos ang sarili.

Sumuot siya ng Shades para hindi makita ang makapal na itim sa gilid ng mata nito.

Umalis na siya sa Bahay nila na hindi man lang kinakausap ang Mom at Dad niya..

Wala na siyang nararamdamang pagmamahal sa mga magulang niya kundi Galit...

-------------------------------------------------------------

-Dawn-

"Sige po Tita, aalis na po kami ni Shawn "paalam ko kay tita dahil sasama na naman ako kay Shawn papuntang school.

"Oh sige mag-iingat Kayo ha"sabi nito.

Sinundan ko si Shawn pumunta ito sa gilid ng bahay, nakita ko siyang may pinapataas na metal na harang, tumambad sa akin ang isang malaking bagay, mayroon itong Salamin sa Gitna, gilid at likod, kulay itim naman lahat ang nakapalibot dito.

May apat na malalaking bilog sa ilalim na parang sumusupurta ito sa malaking bagay na hindi ko alam kung ano ang tawag.

"Anong tawag sa malaking bagay natoh?tanong ko kay Shawn. Sana naman pansinin ako nito kagabi pa yang walang kibo.

"Sasakyang ang tawag diyan, sa English Car"sabi nito habang titignan niya yung "Car" raw.

"Ah Ganun ba para pa lang katulad nong sinakyan natin kahapon papuntang school"sabi ko dito na nakangiti sa kanya.

Umiwas siya ng Tingin nang makita kong nakatingin siya sa akin.

"Wala ka bang common sense? Iba iba ang disenyo at uri niyan pero iisa ang tawag, iyong kahapon Taxi iyon pero tawag don sasakyan parin"sabi nito na nayayamot na. nagtatanong lang naman.

"Oo na. nagtatanong lang naman, tandaan mo may kasunduan tayo" sabi ko dito.

"Oo nga may kasunduan tayo kaya..."sabi nito at hinagis na naman ang bag niya sa akin"ikaw ang humawak ng bag ko, my Slave"sabi nito. At pumasok na sa loob ng "Car" niya.

Hanggang sa byahe wala talagang pag-uusap na nagaganap hanggang sa nakapunta na kami sa school parang wala akong kasama.

"Bahala ka na diyan kong saan ka pupunta tandaan mo sa Mens locker Room lang ako pag-uwian na"sabi nito habang naglalakad papalayo sa akin.

"Sandali lang, bakit doon?pwede bang dito na lang sa sinasabi mong parking area?"sabi ko sa kanya, napatigil ito sa paglalakad.

"gaya ng sinabi mo may kasunduan tayong dalawa"sabi nito, nagpatuloy na ito sa paglalakad.

Wala na akong magagawa parang siya ang lamang dito sa kasunduan namin.

Nagumpisa na akong maglakad nang makita ko Si Apple na nagmamaneho ng sasakyan niya.

Agad akong nagtago sa gilid ng sasakyan ni Shawn.

Tinignan ko siya parang wala namang kakaiba sa kanya pero napansin may suot siyang kulay itim na tumatakip sa mata niya.

Umalis na ito at sinundan ko lang siya, parang normal lang siya buong araw pero bakit hindi sila nagkikita ni Shawn dahil ba ito sa nangyari sa kanila noong nakaraang araw?

Alam ko si Shawn parang walang ganang makipag-usap samin ni Tita at Tito dahil siguro sa nangyari pero si Apple parang ang saya pa nga niya nakikipag-usap ito sa mga kaibigan niya na parang walang nangyari.

Hindi niya lang siguro pinapakita sa iba ang totoo niyang nararamdaman hindi tulad ni Shawn na parang nakalukot ang mukha.

Maghahapon na nang magpasya akong pumunta na sa Men's Locker Room

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Apple na parang nagmamadali sa paglalakad sinundan ko ito.

Pumunta siya sa CR napatigil naman ako sa pagsunod, akala ko na kung ano yun Magbabawas lang pala siya.

Tumalikod na ako para magpatuloy sa paglalakad ng makita kong may paparating na apat na babae mga magaganda sila pero yung mga mukha nila halatang galit.

Agad akong nagkunwaring tumingin sa mga papel na nakapaskil sa pader mabuti na lang meron dito.

"Girls tandaan niyo ako ang bahala kay Apple backup lang kayo"rinig kong sabi ng babae na nauunang lumakad sa ibang kasama nito nang malagpasan nila ako.

Pasimple akong lumingon sa kanila nakita kong pumasok rin sila sa CR..buti na lang iilan na lang ang tao dito.

Nakaramdam ako ng kakaibang pwersa malapit lang ito, lalo itong lumalakas..

Sigurado akong galing iyon sa piraso ng Kristal.

-Apple-

Nakaramdam ako ng hilo kaya nagmadali akong pumunta sa CR.

Kinuha ko ang Shades at agad kong binuksan ang gripo, naghilamos ako ng Mukha.

Medyo nawala ang hilo ko pero parang kumukulo yung Tiyan ko kaya nasuka ako.

Pakiramdam ko merong gumagapang sa ugat ko na pilit kinokontrol ang sistema ko.

Napalingon ako ng may pwersahang binuksan ang pintuan ng CR

Dali dali akong sinuot yung Shades ko para hindi nila makita ang nangingitim sa bawat gilid ng mata ko. Kung titignan ako para akong isang bampira.

"You b*tch!!"sabi ng babae at agad akong sinampal nang makalapit ito, natumba ako dahil sa malakas na sampal na yun. Natanggal narin ang shades ko.

"You D*mn!! Stupid!! Ganti lang namin yan dahil sinampal mo si Shawn namin, hindi ka na nahiya pinatulan ka na nga niya tapos sasampalin mo lang siya"sigaw nito sa akin.

Hindi ako kumibo parang nararamdaman ko sa sarili ko ang sobrang galit pinipigil ko lang sa paglukot ng kamao ko.

"Oh ano hindi ka makapagsalita dahil totoo, feeling mo talaga deserving ka talaga maging girlfriend niya!! pasampal sampal ka pa!!! "sigaw nito habang sinisipa niya pa ang tuhod ko!!

Isa na naman to siguro sa mga tagahanga ni Shawn na palagi akong inaaway dahil ako ang pinatulan ni Shawn hindi sila.

Hindi na ako nakatiis, tumayo ako at tinignan siya ng matalim, gusto kong gumanti sa kanya!!

"Paki ulit nga nang sinabi mo!!"sigaw ko sa kanya, ang sarap pala yung makaramdam ka ng sakit!! Dahil napipilitan kang gumanti.

"G-girls lets go na"sabi nito halatang natatakot na siya pati narin ang mga alipores niya, matakot ka dahil nasasarapan akong panoorin kung may natatakot!!!

Tumalikod ito, Hindi pa siya nakakalayo ng Hawakan ko ng Mahigpit ang batok nito at binitin siya!!

Agad nagsitakbohan ang mga kasama niya dahil siguro sa takot mas maganda toh!!kaming dalawa lang malaya ko siyang masasaktan!!bwesit!! siya !! anong papel niya sa buhay ni Shawn!!Wala!!!

"A-app-le n-nasa-saktan a-ako eekkk"pilit na sabi nito.

"mas maganda nga yun eh!!!Hinamon mo ko!!kaya masasaktan ka talaga sakin!!!"sigaw ko dito at pwersahan ko siya diniin ang mukha niya sa pader.

Sumigaw ito sa sobrang sakit!! Ganyan nga sumigaw ka sa sakit!!!

Nararamdaman ko na sobrang lakas ko, ang gaan niya parang nagbubuhat lang ako ng isang laruan!!!

"Humanda ka sakin ngayon ipaparamdam ko sayo kung ano ang mabalian ng buto!!"sabi ko dito.

--------------------------------------------------------------------

A/N : Vote and Comment naman po diyan!!!

Thank you po!!

-Henry_1998

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
30K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.8K 226 64
Book 3 of 3 Dalawang taon na matapos ang huling kaguluhan sa Titania. Dalawang taon na ring namuhay si Jai bilang Hari ng Kaharian ng Silangang Seren...
10.1K 297 49
Hello sa inyong lahat! first of all, this story is about bromance. Kung homophobe or allergic sa mga gantong story, feel free to remove this from you...