The Devil's Time

By El_Arcturus

25.3K 1K 178

Isang sumpa nang dahil sa kasalanang hindi naman ginawa. Makaligtas kaya sila sa pagkamatay kung ang kalaban... More

Prologue
[1] The Roots and The Reasons
[2] The Premonition and Conrad's Incident
[3] The Second Incident
[4] Their Instinct
[5] Mr. Grey Gibson
[6] The Third Incident
[7] The New Member
[8] The Fourth Incident
[9] The Doppelganger
[10] The Fifth Incident
[11] The Group Code and the Next Incident
[12] The Sixth Incident
[13] The Love Relinquishment
[14] The Seventh Incident
[15] The Unexpected Incident
[16] The Remaining Eight
[17] The Eighth Incident
[18] The Ninth Incident
[19] The Manipulator
[20] The Eleventh Incident
[21] The Twelfth Incident
[22] The Another Unexpected Incident
[22.5] The Another Unexpected Incident
[23] The Big Revelation
Epilogue

[24] The Finale

468 21 1
By El_Arcturus

I'm really sorry for the very, very late update. Don't worry. It's a long, long chapter so worth it ang paghihintay. And please read the note after the story. May announcement po ako.

==========

[ TIME 24 ]

GULAT na gulat ako sa nakikita ko. Parang hindi kapani-paniwala. Napakurap-kurap pa ako ng aking mata para paniwalain ang sarili ko sa kung ano itong nakikita ko.

Evil creatures are roaming around the room. May manananggal, pugot ulo, may mga sigben, taong lobo, at tiktik. They are all looking and ready to eat the five ladies who were also inside the room.

"Kayo na naman! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na akin ang batong 'to." Sambit pa ni Mr. Grey sa limang babae. "Sige! Mga likha ko. Tapusin ang limang yan,"

Dahan-dahan namang nagsilapitan ang mga nakakatakot na likha ni Mr. Grey sa limang dalaga. Napaatras naman ang mga ito at kita sa mukha ang takot.

"Waah! Gosh! Ano ang mga 'yan?." Hiyaw pa ng dalagang may kaiksian ang buhok at mukhang mayaman gawa ng maputi nitong balat.

Nasa mga nakakatakot na nilalang na ang atensyon ng limang dalaga. Kaya naman, agad na sinamantala ni Mr. Grey ang pagkakataon atsaka madaling tumakas. Tinignan ko naman munang uli ang limang dalaga at ang mga makakaharap ng mga ito. Wala ni isa sa mga ito ang nakatingin sa akin o nagbibigay ng atensyon sa akin. Hanggang sa maalala ko ang sinabi ng lalaki kanina. Kunin ko ang bato at ibigay sa limang dalaga. Kaya naman agad akong tumayo habang hawak ng kamay ko ang brasong dinaplisan ng bala.

Ah! Ang sakit!

Hindi na ako nagpatumpik pa at agad na hinabol si Mr. Grey. Dumaan ito sa likurang pintuan ng kaniyang bahay kung saan gubat ang sasalubong sa iyo.

"Mr. Grey!" tawag ko sa pangalan nito. Napalingon naman ito sa akin at tinapunan ako ng masamang tingin subalit muli lang itong nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa kaniyang kotse.

Mabilis naman akong nakasunod dito. At nang akmang bubuksan na niya ang pintuan ng kaniyang kotse, ay siyang sipa ko naman sa kamay niya dahilan para tumalsik ang hawak niyang susi.

"Puta!" Inis na palatak niya. Lumapit siya sa akin at walang anu-ano'y hinawakan ng isa niyang kamay ang panga ko atsaka itinulak pahiga sa harap ng kaniyang pagong na kotse.

"Akala mo kung sino ka kung manlaban? Eh wala ka namang taglay na kapangyarihan." Sabi pa nito sa akin. Iniangat nito ang hawak na itim na bato at mukhang balak pa akong biktimahin ngayon ng kaniyang salamangka.

Hindi naman ako nagpatinag. Binigyan ko ito ng isang malakas na pagtuhod sa baba niya, dahilan para mabitawan niya ako ganoon na din sa itim na bato atsaka sinapo ang kaniyang baba. Dali naman akong kumilos para kunin ang bato. Pero mukhang matibay ang ginoo at nagawa niya pang hawakan ang braso ko. Nagpumiglas ako ng nagpumiglas, habang siya naman ay hatak ng hatak sa akin. Hanggang sa kalaunan ay sabay kaming natumba sa sahig. Pansamantala niya akong nabitawan, kaya pagapang kong kinuha ang itim na kristal na nasa aking bandang ulunan. Tagumpay ko naman itong nakuha at akma na sana akong tatayo. Pero sadyang maagap si Mr. Grey kaya muli akong bumagsak sa lupa at pumangibabaw siya sa akin.

"Huwag mo akong subukan, Jeanella!" Banta pa niya sa akin.

Pero iniuntog ko lang ang noo ko sa ilong niya dahilan para mapalayo siya sa akin. Pwersahan ko pa siyang itinulak palayo para sana makatayo, pero ang nangyari, ay napunta lamang ako sa ibabaw nito. Sinubukan ko uling itulak siya pero umikot lamang ang aming pwesto at bumalik siya sa ibabaw ko.

Paulit-ulit lamang kami sa pag-ikot. Iibabaw siya, iibabaw ako. Hanggang sa hindi na namin namalayan ang banging nakaabang sa amin. Pagulung-gulong kaming bumagsak sa may naturang bangin at hindi din nagtagal ay napasalampak na kami sa pinakadulo nito. Sa lakas ng aming pagkakabagsak, aksidente kong nabitawan ang itim na bato.

Parang nabugbog ang katawan ko sa paggulong naming iyon. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at parang nanginginig ang mga tuhod ko. Naramdaman ko na lang ang paggalaw ni Mr. Grey sa bandang paanan ko, at bakas din dito ang panghihina. Pero pilit pa din nitong ginagapang ang sarili para makuha ang bato. Sa kasamaang palad, hindi ko ito magawang mapigilan. Talagang nanghihina na ang katawan ko.

Ilang saglit lang ay nakita ko na itong nakatayo sa gilid ko. The devilish smile formed on his lips.

"Matigas kang babae ka? Ngayon, magiging isa ka na lang lupaypay na katawan." I slowly pushed myself to sit while watching him raising his hand and say a curse.

Ilang saglit pa ay umilaw na ang itim na bato ganoon din sa katawan niya na para bang hinihigop nito ang liwanag. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata, nang magbago ang kaniyang hitsura.

Umusbong ang katakot-takot na balahibo sa kamay at mukha niya. Dahan-dahang humahaba ang nguso niya at lumilitaw ang matutulis na pangil. Lumaki din ang katawan nito dahilan para mapunit ng kusa ang kaniyang suot na polo. At panghuli, ay ang paghaba ng nakakakilabot na matutulis na kuko niya sa mga daliri. I have a half human, half wolf in front of me.

Itinulak ko ang aking sarili gamit ang manginig-nginig kong mga paa. Palayo sa kaniya. Hindi ko na din naiwasan pa ang mapatili nang umungol ito. Patuloy lang ako sa pagtulak sa aking sarili ngunit sa kinamalas-malasan ay puno ang sumalubong sa akin.

Nagsimula na itong maglakad palapit sa akin kaya naman pabilis ng pabilis na din ang kabog ng aking dibdib. This might be the end of my life.

Pero nang tuluyan na itong makalapit sa akin ay hindi na ako umasa pang makakaligtas ako.

Paalam, Michael.

Ipinikit ko ang aking mata nang iangat na nito ang kamay niyang may matutulis na kuko na handang sumunggab sa akin. Pero hindi nakaligtas sa aking pandinig, ang sigaw ng isang babae.

"Gerry!"

Nanatili akong nakapikit at hinintay ang pagdaiti ng mga kuko nito sa akin. Ngunit halos magkakalahating minuto na ata ang nakakalipas ay wala akong naramdamang pagkalmot o pagsunggab sa mukha o sa katawan ko. Agad kong idinilat ang mga mata ko para alamin ang nangyayari. Nasa harapan ko pa din si Mr. Grey at nakaangat ang kaniyang mga kamay para sumunggab sa akin, pero nanatili lang ito sa ganitong pwesto. Tanging ang paghinga lang nito ang makikita mo sa paggalaw ng kaniyang katawan. Tinignan ko ang mukha nitong naging isang lobo, hindi ito nakatingin sa akin.

"Gerry..." anang boses ng babae na akin ding nadinig kanina. Hinanap ko kung saan nagmumula ang boses na iyon.

Sa di kalayuan, nakatayo ang isang babae na blonde ang kulot na kulot na buhok, nakasisilaw ang kaputian ng balat, may katamtamang pangangatawan para sa isang may edad na babae, pero hindi maitatanggi ang gandang mukha nito na para bang may lahi ng ibang bansa.

Ibinalik ko ang tingin kay Mr. Grey. Unti-unting naglalaho ang mahahabang buhok nito sa katawan. Maging ang mahahabang kuko niyo ay umiimpis na din. Bumalik na din sa dating ayos ang mukha niya. Bumalik na ang tunay na Mr. Grey, at ibang-iba ang mukhang ipinapakita nito. Puno ng pamamanglaw.

"Gerry, i-ikaw ba yan?" Muling pagsasalita ng ginang na halos mabasag na gawa ata ng pag-iyak.

Nilingon siya ni Mr. Grey na para bang hindi makapaniwala. "T-Thessa?"

Kagyat na tumakbo palapit kay Mr. Grey ang ginang at niyakap ang ginoo. Humahagulgol pa ito habang naka-ub-ob ang mukha sa dibdib ni Mr. Grey.

"Gerry! Sa wakas at nakita na din kita. Akala ko wala ka na. Akala ko hindi na kita makikita." Wika pa nito ng hindi inaalis ang pagkakaub-ob ng mukha.

"T-Thessa, i-ikaw ba talaga 'yan?" Untag pa ng ginoo na para bang hindi makapaniwala.

Humiwalay naman muna sa pagkakayakap ang ginang at tinignan sa mata si Mr. Grey. "Oo, Gerry. Ako 'to. Nandito na ako." And she grabbed his neck and kiss him with full of passion as if they haven't see each other for a long time. Mr. Grey kissed her back with the same intensity, a kiss with full of love.

Pansamantalang humiwalay ang ginang at muling tinignan si Mr. Grey. "What happened to you? P-paano mo nagagawang maging lobo? Ha? Mayroon bang masamang nangyari sa'yo, ha?" Untag ng ginang.

Para namang napaisip si Mr. Grey sa tanong ng ginang, at pagkatapos ay itinulak ito palayo sa kaniya.

"Iniwan mo ako. Umalis ka na lang ng walang paalam. Sinaktan mo ako." Saad ni Mr. Grey na para bang naiiyak.

"Gerry, I'm so sorry. Kung alam mo lang kung gaano ko pilit na nilabanan ang mga magulang ko para hindi sumama sa kanila sa States, pero binantaan nila ako na papatayin ka nila,"

"At ipinakasal ka sa ibang lalaki,"

"Supposedly. But I rejected it. Doon naman ako nagkaroon ng lakas. Tinakot ko silang magpapakamatay ako if they will push me to marry a man that I don't love. Ikaw lang, Gerry ang minahal ko. Oo! Hindi agad ako bumalik hindi dahil ayaw na kitang makita. Kasi sa tingin ko, mas maiging magkita tayo kapag parehas na tayong narating na isa't-isa. Kapag parehas na tayong handa. And now, I am fully ready to be with you. Gerry, I still love you." A heartly tears ran down to her cheeks and smile fortuitously.

"But it's too late, Thessa. I am not the old Gerry that you have known. I am now a life manipulator. Isa na akong mamatay-tao." Hayag naman ni Mr. Grey ng nakatungo.

Lumapit naman ang ginang kay Mr. Grey at hinawakan ang mga kamay nito. "Hangga't nabubuhay ka pa, hindi pa huli ang lahat. Maaari mo pang pagbayaran ang lahat ng kasalanang nagawa mo. Wag kang mag-alala, maghihintay ako. Maghihintay ako sa'yo." Unti-unti nitong iniangat ang mukha ng ginoo at tinitigan ng mata sa mata. Wari'y pinakikiusapan ang ginoo.

Nakamasid lamang ako at pianunuod ang makabagbag damdamin ng dalawa, nang mapagawi ang tingin ko sa kaliwang kamay ni Mr. Grey. Ang bato.

Napalingon naman kaming lahat nang lumitaw muli ang limang dalaga. Pawisan ang mga ito at may natamong galos marahil ata sa kanilang pakikipagbakbakan.

Para namang na-threaten si Mr. Grey, kaya pumwesto ito sa harapan ni Ginang Thessa at balak atang harapin ang limang dalaga.

"No! Hindi. Wag kayong maglaban. Susuko siya. Susuko siya. Please, Gerry. Sumuko ka na." Pag-aawat ni Ginang Thessa. Pero hindi siya pinakinggan ng ginoo at tuluyan ng iniangat ang kamay na may hawak ng bato.

Muling sumagi sa isip ko ang sinabi ng nakaitim na lalaki kanina. Kaya naman mula sa likod ay dinamba ko ito at pilit na inabot ang kristal. Natumba naman ito dahilan para hindi na niya magawa ang plano.

Muli kaming nagpa-ikot-ikot habang pilit kong kinukuha sa kaniya ang kristal. Gustuhin mang lumapit ng ginang at ng limang dalaga para tulungan ako ay hindi nila magawa buhat ng mga itim na liwanag na inilalabas ng bato. Mukhang nagpapakawala ang ginoo ng kung anumang salamangka ang mayroon ang kristal na iyon.

Tumatama sa kung saan ang itim na liwanag. Minsan ay sa puno, minsan ay sa lupa lang, at minsan naman ay sa malalaking bato na naririto.

Hindi din nagtagal ay nagawa kong makuha ang kristal sa kaniya. Subalit nagpakawala pa muna ito ng isang malakas na itim na liwanag na tumama sa may kataasang puno dahilan para unti-unti itong bumagsak. At sa kinamalas-malasan, ay sa ginang pa mukhang babagsak ang ginoo.

"Tita Thessa!"

Dali-daling tumakbo si Mr. Grey sa pwesto nito. At nang makalapit ay agad niya itong itinulak palayo at...

...sakto ding bumagsak sa kaniya ang puno.

Parang natigil ang lahat sa kanilang pwesto. Nagitla ang lahat maging ako.

"Oh my gosh! Tita," tumakbo ang dalagang may maiksing buhok na tinutukoy ko kanina. Sumunod naman ang mga kasamahan nito na pawang nag-aalala.

"Stella! Dali, buhatin niyo ang puno. Tulungan niyo siya." Mangiyak-ngiyak na pakiusap ng kaniyang tita sa dalaga. Sa isang kumpas lang nito, ay gumalaw ng kusa ang puno at ngayon ay nakalantad na ang lupaypay na katawan ng ginoo.

"Gerry, imulat mo ang mga mata mo. Alam kong buhay ka pa. Please, idilat mo ang mga mata mo." Pakiusap naman ngayon ni Ginang Thessa kay Mr. Grey. Pinakinggan naman siya nito at nagsalita.

"T-Thessa," sambit nito sa kaniyang pangalan.

"Sabi ko na eh, buhay ka pa. Dali, mga hija. Tulungan niyo akong dal--"

"Huwag na, Thessa. Hu-huwag mo na a-akong intindihin--ah!" Pigil naman dito ni Mr. Grey. Napaubo pa ito at ininda ang sakit ng katawan.

"Gerry, hindi pwede. Kailangan mo pang mabuhay." Maktol naman ng ginang.

"W-wag na, ah! H-hindi ko na din naman... k-kakayanin. A-alam kong, m-mamamatay na a-ako."

"Wag mo ngang sabihin 'yan. Ngayon na nga lang uli tayo nagkita, iiwanan mo pa ako. Wag ka namang ganyan."

Hindi ko namalayang unti-unti na palang tumutulo ang luha sa mata ko. Pero hindi ko ito pinunasan, sa halip ay hinayaan ko lang itong umagos.

"N-nagpapasalamat ako, a-at bumalik ka. N-natutuwa din akong malamang, m-mahal mo pa ako. Ganoon din ako. Mula noong nasa kolehiyo pa tayo, h-hanggang ngayon. Ikaw lang ang mahal ko."

Inilapat nito ang kamay sa makinis na mukha ng ginang at dahan-dahang iniangat ang mukha at dinampi ang mga labi nito dito.

Pero agad akong napapikit at pilit na pinigilan ang mas malakas na luhang nagbabadyang umagos nang makitang bumigay ang katawan ni Mr. Grey. Bigla kong naalala si Michael. Hindi ko kakayanin kung bigla na lamang siyang mawala sa akin. Parehas ng umikot ang buhay namin sa isa't-isa. Kaya kung sakali sigurong may mamatay na isa sa amin, ay maiging mamatay na rin ang isa. At least, magkasama pa rin naming tatahakin ang kabilang buhay.

Hindi ko na napigilan pa ang luha at hinayaang umagos na lamang iyon nang marinig ang palahaw ng ginang na binabanggit pa ang pangalan ng kakapanaw na iniirog.

Iba ang sakit nang maiwanan ng minamahal. Mas matindi pa sa paso. Mas matindi pa sa bugbog. Mas matindi pa sa kahit na anong pisikal na sakit na maaari mong maramdaman. Sakit na matagal na panahon ang bibilangin bago tuluyang humilom.

Ilang saglit pa ay nakaramdam na lamang ako ng katahimikan. Napadilat na din ako nang makaaninag ng kung anong bagay na lumiliwanag.

Sa aking kamay, kumikinang ang itim na bato na kinuha ko kay Mr. Grey. Napakagandang tignan habang pinaiikot ko ito sa aking kamay. Pero napatigil ako saglit sa pag-ikot nito, nang maramdaman kong may lumapit na tao sa akin. And I was amazed, to see the one lady standing in front of me with her crystal hanging on her neck. Katulad ng kristal na hawak ko, it's glowing.

"K-kamusta na po kayo? Ayos lang po ba kayo?" Lumuhod ito sa harapan ko at binigyan ako ng nag-aalalang tingin. Mas lalo ko namang nakita ng malapitan ang kristal na suot nito. Kaparehong-kapareho din ng istilo ng kristal na hawak ko. Kulay lamang ang pinag-iba.

"A-ang bato. B-bakit sila nagliliwanag?" Ang naitanong ko na lang sa halip na sagutin ang kaniyang tanong.

"Ah! Ito po ba? Lumiliwanag sila,dahil muli na naman silang nagkita." Sagot ng dalaga. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Pero bago pa man ako makapagsalita, ay pinangunahan niya na ako.

"Ang kristal na po iyan ay pagmamay-ari ng isang guardian na ang tungkulin ho ay kontrolin ang emosyon ng tao at maging kaagapay ng guardian of light sa pagbalanse ng araw at gabi dito sa ating mundo. Makapangyarihan ang kristal na iyan dahil nagagawa nitong sundin anuman ang naisin ng humahawak nito base na din sa emosyong ipinapakita nito." Litaniya nito.

"Guardian? S-siya ba yung lalaking nakaitim na pantalon at pang-itaas na minsan ay tiniternuhan din ng itim na baluti?" Tanong ko dito.

"Nakikita niyo po ang bantay?!" Tanong nito na para bang hindi makapaniwala.

"O-oo, matagal ko na siyang nakikita. Lagi niyang sinasabi sa aking kunin ang batong ito, at ibigay sa inyo." Sagot ko naman. Naglapitan naman ang mga kasamahan nito maliban sa isa na pamangkin nung ginang.

"Ang Black Crystal." Nasambit pa ng dalagang may salamin sa mata, mahaba ang buhok, at may pagka-chinita.

"Kung ganoon ay nasabihan na pala kayo ni Guardian Kradesco," huminga pa muna ito ng malalim bago muling magsalita. "Alam ko pong malaki ang naging perwisyo ng batong iyan sa buhay mo o sa buhay ninyo. But that stone needs to be at peace now. Kailangan na niyang maibalik sa dati niyang kinalalagyan bago pa makapaghasik ng isa na namang lagim. At kami ang inasahan na kunin at payapain ang mga batong iyan. Kaya po umiilaw din ang suot ko na kristal, dahil ito na mismo ang nagsasabing na dapat na matahimik ang kristal na iyan." Hindi man nito diretsahang sabihin na kailangan niya ng kunin ang kristal sa akin, ay kuha ko naman ang nais nitong ipunto atsaka naniniwala naman ako sa kanila. After of what I've saw, hindi pa ba ako dapat maniwala.

"Here," marahan kong pag-abot nito. Nakangiti naman niya itong tinanggap, at ilang saglit pa, ay nawala na ang pagliwanag ng dalawang kristal.

"Yes! Two more crystals and we're done." Masayang sambit pa ng isang dalaga na may pagka-chinita din. Maamo ang mukha at punung-puno ng positivity.

"Pero paano ito, she has to forget everything." Parang naalarma naman ako sa sinabi ng dalagang may highlights ang buhok, ang dalagang gumagawa ng barrier kanina. Pero bago pa ako maka-apila, ay nagsalita agad ang may hawak ng kristal.

"I think, we don't need to do that anymore. Hayaan na lang natin sa kaniya kung gusto niyang lumimot sa anumang masalimuot na nangyari sa kanila. Malaki din ang naitulong ni ate sa atin. So let's make her an exception." Anito. Napangiti naman ako sa inihayag nito.

"Okay, then. Pero kailangan na nating umalis bago pa may sumalakay na kampon ni Varvasco." Hindi ko man alam ang pinagsasabi nila, naiintindihan ko naman kung ano ang nais nilang sabihin. Mukha atang tungkol sa misyon nila.

"Sige po, mauna na po kami. Maraming salamat po!" At kagyat silang lumapit sa isa nilang kasamahan na nasa tabi ng ginang. Nung una ay ayaw pa nitong sumama, pero nag-insist ang tita niya na iwan na lang siya. Bali kaming dalawa na lamang ngayon ng ginang ang narito. Tinabihan ko naman ito at inalo. Pero mukhang lalo lang siyang napaiyak samantalang ako ay napaiyak na din.

Maya-maya ay may narinig akong sigaw ng pamilyar na boses, si Michael.

"Jeanella! Nasaan ka?!" Tanong nito. Tumayo naman agad ako at sumigaw para sagutin.

"Michael! Nandito ako sa baba! Michael!"

Agad naman niya akong nakita kaya dali-dali siyang nagpasadsad sa lupa pababa ng cliff. At nang maituntong ang paa sa lupa, ay agad niya akong kinabig at niyakap.

"God! Jeanella! Pinag-alala mo ako. Pinakaba mo ako. Paano kung may mangyaring masama sa'yo? God! Jeanella. H-hindi ko m-mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon." Usal niya na halos mabasag na. Umiiyak kaya siya?

Nang ilayo niya ako sa kaniya, ay doon ko nakita ang luhang rumerehistro sa mukha niya. Napaiyak din tuloy ako.

"Sorry, Michael! Sorry!" Nayakap ko siya ng mabilis at inub-ob ang ulo ko sa dibdib niya. Naalala ko ang sinapit ni Ginang Thessa at ni Mr. Grey, ayaw kong mangyari iyon.

"Ssh! Tahan na. Ayos lang. At least alam kong ligtas ka." Aniya atsala hinalikan ang ulo ko. Mas lalo lang tuloy akong napahikbi.

Pero agad din akong napahiwalay nang maalala ang ginang. "Si Mr. Grey, patay na siya." Sambit ko atsaka tinignan ang ginang na nanatiling nakaupo pa din sa ulunan ng walang malay na si Mr. Grey.

"Sino ang babaeng 'yan?" Tanong naman ni Michael.

"His long lost love one." At muli na namang nagbabadya ang luha sa mata ko, pero pinigilan ko.

"Kailangan na nating tumawag ng rescue." Saad naman ni Michael. Tumabi na lang muna ako sa ginang habang kino-contact ni Michael ang rerescue sa amin. Sumunod din si Justine sa amin dito sa baba nang makita kami sa itaas.

Hindi din naman nagtagal ay dumating na ang rescue team.

"Ah, aling Thessa, narito na po ang mga rescuers." Pagpapaalam ko dito dahil nanatili pa itong nakaupo malapit kay Mr. Grey. Pinunasan naman nito ang luha niya at tumango-tango pa bago tuluyang tumayo.

"Ang bilis. Ang bilis-bilis ng oras. Hindi mo namamalayan ang maaaring mangyari. Mahalaga ang bawat pilantik ng daliri ng orasan. Sobrang bilis," sabi pa niya. "Akala ko maaabutan ko pa siya. Akala ko may pag-asa pa kaming magsama. Siya lang ang minahal ko ng sobra. Kahit sa tagal ng panahon naming hindi nagkita, hindi ko pa din siya magawang makalimutan. Kanina ang dami kong nalaman, ang dami kong nadiskubre. Dapat ay makikipagkita't-makikipag-ayos lang sana ako sa kaniya, pero hindi ko akalaing makakasaksi pa ako ng mga kababalaghan, ng mga bagay na akala ko ay hindi naman talaga nag-e-exist sa mundo. Gusto kong sa kaniya lang ilaan ang buhay ko, pero mukhang hindi na mangyayari 'yun. Kaya ikaw, hija. Habang mahaba pa ang oras, gawin mo na ang lahat ng dapat mong gawin. Mahalin mo ang lahat ng taong nagmamahal sa iyo. Hindi mo hawak ang oras. Maaaring sa isang iglap, mawala ang lahat sa iyo." Mahaba pa niyang litanya. Humarap ito sa akin at binigyan ng pilit na ngiti.

"Hayaan na natin sa Diyos ang lahat." Huli na nitong sinabi at binigyang daan namin ang rescue team.

Ginamot din ako ng mga medic na kasama sa rescue team, habang si Ginang Thessa naman ay sumama sa paghatid sa bangkay ni Mr. Grey. Siya na daw ang bahala sa lahat.

Nang magamot naman ako ay hinayaan na kami ng mga rescuer na umalis. Subalit ang inakala kong pauwi na, ay didiretso pala ng ospital.

"Kailangan mong bumalik sa hospital, hindi ka pa naki-clear. Bakit ba kasi nagpunta ka sa bahay ni Mr. Grey, ha?! Atsaka ano ang nangyari sa inyo? Tulad niyang daplis mo sa braso. Paano mo nakuha iyan?" may inis sa himig ng kaniyang boses.

Oo nga pala. Hindi nila alam ang tunay na nangyari. Ang rason ko kung bakit ako nagpunta kay Mr. Grey at kung ano ang mga nadiskubre ko.

Inilahad ko naman sa kanila ang kabuuhan ng nangyari. Magmula sa paghampas sa ulo ko, hanggang sa pagpigil ko kay Mr. Grey sa kaniyang plano. Sinubukan ko ding ikwento sa kanila ang tungkol sa limang dalaga at sa mga misteryo sa likod ng nangyari sa aming grupo. Maging sa kaso kay Camille ay hindi ko pinalampas.

"Walangya palang, Mr. Grey 'yan. Buong akala natin ay kakampi talaga natin siya. Pero siya pala ang may pakana ng lahat ng ito. Tama lang siguro na namatay na siya." Galit na komento ni Justine sabay hampas ng hawak na manibela.

"Justine naman. Respetuhin na lang natin ang pagkamatay ng tao. Isa pa, hindi naman by nature ang dahilan kung bakit ginawa ni Mr. Grey ito sa atin. Siguro sa hirap ng pinagdaanan ng tao, kaya niya nagawa ang bagay na iyon. Ipaubaya na lamang natin ang lahat sa itaas. Siya ang nakakaalam ng nangyari." Litanya ko naman dito. Hindi naman ito umimik, pero hagip ng mata ko mula sa salamin na nasa gitna ang sambakol na pagmumukha ni Justine.

Napalingon naman ako kay Michael nang kabigin niya ako palapit sa kaniya. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti, atsaka isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Ligtas na tayo ngayon, hindi ba?" Tanong nito na para bang humihingi ng kompirmasyon. Napangiti naman ako sa tanong nito. Sa puntong ito, siguradong-sigurado na ang aking sagot. Walang halong pag-aalinlangan, walang halong pagdududa.

"Yes, Michael. We're saved." Sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana at minamasdan ang papalitaw na haring araw.

Another day. Another life. Another chance.

I, Jeanella Perez, with my live-in partner, Michael Morgan, saved the lives of the rest of our co-members.

We were able to escape the circle of death only in the given time called The Devil's Time.

==========

Last Chapter na po ito. Sorry sa napakatagal na update. Kapa kasi muna sa school, eh. Salamat po sa mga bumasa at patuloy na bumabasa sa istoryang ito. Nawa'y nagustuhan niyo po talaga. Kung maaari, paki-share niyo na sa iba ^_^.

Kung nagtatanong po kayo kung sino itong limang dalaga na bigla na lamang sumulpot, malugod ko pong ipinakikilala sa inyo ang 'Wizards' ng istorya kong Wizards and the 12 Crystals. Pwede niyo pong i-check kung gusto niyo. Fantasy din po siya.

Ipopost ko po ang epilogue, Tuesday evening kaya wait na lang po ulit kayo. Actually nasimulan ko na siya, tatapusin ko na lang at i-e-edit.

Questions. Clarifications. Violent Reactions. Paki-comment na lang po sa ibaba.

AND PLEASE... DON'T FORGET TO READ THE EPILOGUE. MAY PASABOG PA PONG MAGAGANAP!!

Yun lang po, maraming salamat.

Add me on facebook: El Arcturus WP

or follow me on twitter: @el_arcturus

or visit my booklat account: El_Arcturus

Continue Reading

You'll Also Like

103K 1.5K 200
The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree
334K 2.9K 15
Guzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama a...
7.7K 283 5
Babala: Hindi ka na makakatulog kapag binasa mo ito. Siguraduhing handa ang iyong puso sa mga kuwento rito na sagad sa buto ang takot.
105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...