The Way I Loved You [COMPLET...

Per Nananamiyy

31.6K 633 29

Tumakas si Taffy mula sa kanilang bahay matapos itong ipasok sa isang arranged marriage ng kanyang tiyuhin pa... Més

The Way I Loved You
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Calren Frank Fuerte Vegas
Author's Note

Chapter 11

737 13 0
Per Nananamiyy


"I'm fine, Fran." Malalim ang boses ni Sir Calren habang nakikipag-usap sa tao na nasa kabilang linya ng telepono.

Kakatapos ko lang maligo at sakto pagbukas ko ng bintana ay nasa veranda si Sir Calren at may kinakausap sa telepono. Sinilip ko sya at nakakunot ang noo nya na parang kating- kati na ibaba ang tawag. Sino kaya yan?

Naramdaman ko si Baldog sa paanan ko na nakiki usyoso rin sa.

"I'm busy. Call me some other time. Bye." Saad nya at binaba ang tawag. Mabilis ko naman ibinalik ang ulo sa loob ng kwarto. Mahuli pa ako nakiki tsismis.  Nagulat ako ng biglang tumahol si Baldog.

"Shh! Wag kang maingay!" Mahinang bulog ko at tinakpan ang bibig ni Baldog.

"I know you're there, Taffy." Tawag ni Sir mula sa labas. Napapikit nalang ako.

Inilabas ko uli ang ulo at ngumisi sakanya. "Sorry po. Hindi ko alam na nandyan pala kayo."

Ngumisi sya at yumuko saka ibinalik saakin ang tingin. Kinagat ko ang labi ko. Tatlong araw ko din ma mimiss ang taong 'to. Bukas na kasi kami babyahe pa Delfoso. Mag isa lang syang kakain, mas lalong nakakalungkot tignan.

"Aalis na kami bukas." Pagbubukas ko ng usapin tungkol sa byahe namin.

"Yeah, I know."

"Mag isa ka po rito. Hindi ka ba natatakot?" Saad ko at dahan dahang umupo sa may bintana.

"I'm always alone. I've never been scared." Sagot nya. Tinatry nyang pagaanin ang usapan but he's just making it worse. Sa boses nya kasi parang okay lang naman pero ang mga sinasabi nya parang hindi. Inisip ko din na sabihin sakanya na sumama nalang, pero alam kong hindi 'to mag papaawat. Uunahin talaga nito ang trabaho.

Umismid nalang ako. Tumawa naman sya sa reaction ng mukha ko.

"Ahmm.. sege po. Magpahinga na po kayo. Goodnight." Sabi ko at kumaway sakanya.

"Goodnight, Taffy."

Kinabukasan ay sobrang aga kong nagising. Alas tres pa ata ng umaga ay gising na ako at naghahanda na para sa byahe. Nagbihis ako ng simpleng jeans at v-neck na tshirt. Nagsuot din ako ng rubber shoes, relo at itim na jacket. Isinikbit ko na ang bag ko at nag apply ng pabango. Pagkababa ko ay sumunod din saakin si Baldog. Maiiwan sya dito kay Kuya Romeo. Sya ang magpapakain sakanya since nandito lang naman sya buong araw. Saktong alas kwatro na ng madaling araw nang makababa ako. Naabutan ko agad si Ate Delya sa kusina na nag luluto ng nilagang itlog. Babaunin daw namin sa byahe.

"Aba'y ang aga ah. Alas kwatro pa lang ang bango bango mo na." Sabi nya. Tumawa nalang ako.

Nang maayos na namin ang mga gamit at nakapagbihis na din si Ate Delya ay sakto din na bumaba si Sir Calren. Naka pantulog pa sya at sandong itim. Umiwas agad ako ng tingin ng marealize kong masyado akong nakatitig sa braso nya.

"Ihahatid ko na kayo sa bus terminal." Salubong nya saamin.

Nagtinginan kami ni Ate Delya. "Naku, Ser Calren okay laang po. Maiistorbo lang namin kayo. Sasakay nalang kami ng tricycle."

"It's fine. I'll just get my car keys." Sagot nya bago umakyat ulit sa taas.

"Ambait talaga ng batang 'yan. Swerte ang mapapangasawa. Aywan ko ba kung bakit hindi pa nag aasawa 'yang batang yan." Chika ni Ate Delya saakin.

"Hindi pa po ba yan nagkaka nobya?"

"Meron naman. Pero hindi din nagtatagal. Masyado kasing busy sa trabaho, mahirap talagang makihati ng oras sa taong focus sa ibang bagay. Miski ako din masasaktan kung hindi ako mapaglalaanan ng kaunting oras."

Tumango tango nalang ako kahit may iba akong iniisip. Siguro nakikitaan nya pa ng interes ang trabaho kesa sa mga naging girlfriend nya. Ansakit naman kung ganon.

"Let's go. "  Aya nya nang makababa na.

Tinulungan nya kaming isakay sa sasakyan ang mga bag na dala namin. Laman daw nito ay mga pasalubong ni Ate Delya sa mga anak at pamangkin nya.

Habang nasa kotse kami papuntang bus terminal ay tahimik lang ako. Paano ba naman, nasa front seat ako at katabi ko sya. Halos mag ka stiff neck na din ako kakatingin sa labas ng bintana maiwasan lang ang tingin nya saakin.

"Are you okay? You look sick." Alalang tanong nya.

"Okay lang po ako, hehe."

"Naku, Tappy. Baka hindi ka sanay sa byahe at baka sumuka ka. Nagdala ako ng supot at white flower dito sa bag. Magsabi ka lang." Sabi ni Ate Delya sa backseat.

Tumango nalang ako.

Nang makarating na kami ay agad kaming bumaba. Sya na din ang nagbaba ng mga gamit. Nagpasalamat kami sakanya at mag aantay pa kami ng bus papunta ng Delfoso.

Tatalikod na sana ako ng pigilan nya ang braso ko. Nauna na si Ate Delya papasok ng terminal dahil naiihi daw sya.

Hinarap ko si Sir Calren at naglabas sya ng phone mula sa bulsa nya.

"Take this with you. It's a spare phone that I have. I don't need it anymore so you can have it." Saad nya at inabot ang itim na phone saakin. Hindi lang basta bastang phone. Iphone pa!

"Naku, hindi ko po matatanggap yan."

"No, take this so I can contact you easily." Seryoso nyang sabi at kinuha ang kamay ko at sya na mismo ang naglagay sa kamay ko.

"Ahm salamat po. Aalagaan ko po ito ng mabuti." Saad ko at ngumiti sakanya. Masyado talaga syang mabait saakin. Naalala ko tuloy ang sinabi saakin ni Ate Delya na huwag magpapaniwala sa kanila dahil matinik sila sa babae. Baka yung mga kaibigan nya ang tinutukoy ni Ate Delya? At hindi sya kasali.

Tumango lang sya at ngumiti. Tumalikod na ako at bago yon kinawayan ko muna sya. Kumaway din sya pabalik habang nasa isang bulsa ang kamay.

Mahigit apat na oras din ang itinagal ng byahe namin papyntang Delfoso. Nang makababa kami sa mismong bus stop ng Delfoso ay nilingon ko napaka blue na dagat. Sariwa ang hangin dito sa Delfoso at madaming mga puno. Akala ko ay mabukid itong mismong lugar. Sa banda lang siguro nila Ate Delya ang medyo bukid.

Sumakay kami ng tricycle at sobrang namangha ako sa mga nadadaanan namin. Sobrang gaganda kasi ng mga palamuti na hinanda nila sa nalalapit na pista. Madaming sinabi saakin si Ate Delya habang nasa byahe pa kami. Masaya daw dito dahil every fiesta ay naghahanda sila ng naparaming pakwan para ipakain sa buong Delfoso. Kumbaga tradisyon at pasasalamat sa maganda ani na natatanggap nila taon taon. Excites na tuloy ako. Marami ring palaro at kasiyahan.

Nang makarating kami sa bahay nila ay mas lalo akong namangha sa napakalawak na taniman ng pinya sa gilid ng bahay nila Ate Delya. Gawa sa kahoy ang bahay nila at sobrang ganda ng pagkakagawa. Malinis ang bakuran at magaganda ang mga halaman at bulaklak. Naingit tuloy ako sa mga halaman nila dito.

"Mama!" Sigaw ng batang babae na nasa kinse anyos siguro. Nagmadali itong tumakbo at yumakap kay Ate Delya.

"Angge, anak. Miss na miss kayo ni Mama. Asan si Joaqin?" Sabi ni Ate Delya.

"Nasa plaza po sila kasama si Papa. Nag aayos ng decorations para sa baranggay natin." Sagot nya at tumingin saakin.

"Ah. Ito nga pala si Ate Tappy mo. Kasama namin sa bahay." Pakilala saakin ni Ate Delya sa anak.

Kumaway naman ako at ngumiti sakanya. Ngumiti sya saakin pabalik.

"Hello po, Ate Tappy. Ang ganda nyo po."

Gusto ko sana i correct na Taffy ang pagbigkas ng pangalan ko at hindi Tappy. Pero medyo nasanay na din ako sa accent ni Ate Delya pag binibigkas ang pangalan ko, kaya ayos na lang din. Ako na si Tappy.

"Ah hehe salamat. Ikaw din. "

Pumasok na kami sa bahay nila Ate Delya. Ang sabi nya ay sa kwarto daw ako ni Angge matutulog dahil sya lang naman daw ang natutulog doon dahil may sariling kwarto din ang anak nyang lalaki. Hindi maliit ang bahay nila Ate Delya at hindi din naman malaki. Sakto lang para sa pamilya nya. Napaka linis at sobrang kintab ng sahig. Pati yata langgaw madudulas.

"Tappy, magpahinga ka muna dyan. Mamayang hapon siguro mga alas singko ay pupunta tayo sa bahay ni mayor. Kinumbida kasi ako ng asawa nya na kaklase ko noong high school, may salu salo daw sakanila dahil despidida ng bunso nyang anak pupunta ng Germany. Mag ayos ka ha, dahil baka nandoon ang anak nyang panganay, ipakikila kita." Saad ni Ate Delya saakin nang silipin nya ako sa kwarto no Angge. Malaki ang ngisi nya na para bang sobrang excited.

Bumuntong hininga nalang ako at inilabas ang mga damit ko mula sa bag ko. Hindi naman gaano ka raming damit dinala ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit halos summer dress ang dinala ko. Masyado kasi akong excited sa trip na to at namili ako ng mga summer dress sa tyange noong namili ako ng isda at gulay.

Nagbihis muna ako ng pambahay at humiga sa kama ni Angge. Saglit akong nakaidlip at pag tingin ko ng oras ay alas tres na ng hapon. Tinignan ko ang phone na binigay saakin ni Sir Calren at may message doon.

Calren:

Hi. Did you safely arrived?

Si Sir Calren ang nag message. Naka phonebook na pala itong number sakanya. Kinalikot ko na itong phone na 'to kanina habang nasa byahe pa kami. Nag picture pa nga ako at sobrang ganda ng quality ng camera nya. Magtitipa na sana ako ng bigla kong naisip kung may load ba 'tong phone na 'to. Try ko nga.

Me:

Opo, nakarating  po kami ng maayos.

Pagkasend ko ay agad naman lumusot ang message. Meaning may load nya. Hala, siguro may load din 'to pang data. Agad kong binuksan ang data nito at binuksan ang app na Facebook.

Walanjo, may load nga. Siguro naka plan 'to. Medyo mahina lang ang signal pero keri naman.

Calren:

Good.

Yon lang ang nireply nya. Napakunot tuloy ako ng noo dahil hindi ko na alam ang irereply ko sakanya. Ano ba dapat ireply?  Laughing emoji ba? Like?

"Ate Tappy, gusto mo kakanin?" Saad ni Angge ng makapasok sa kwarto ko. "May kutchinta dito at suman."

Nilapag ko ang phone sa kama. Bahala ka dyan. Hindi ko din naman alam ang irereply sayo, kaya dyan ka muna.

Pagkatapos namin kumain ng kakanin habang nag uusap ng Angge ay naghanda na para sa lakad namin ni Ate Delya. Nasa munisipyo kasi sya kanina at uuwi sya para sunduin ako at tutulak na kami pagkatapos.

Nakasuot ako ng puting casual summer dress. Inilugay ko din ang buhok ko at naglagay ng kaunting liptint para hindi magmukhang puting siopao ang mukha ko. Nagsuot din ako ng sandals at nag apply ulit ng pabango.

"Ang ganda mo po talaga! Sana ako rin marunong mag ayos ng ganyan." Saad ni Angge.

"Angge, picturan mo nga ako. Please." Saad ko kay Angge at inabot sakanya ang phone. Pumwesto ako kung saan natatamaan ng araw ang mukha ko. At sa likod ko naman ay ang mga nakahilerang bulaklak. Sunkissed kumbaga. Ipopost ko 'to mamaya sa Facebook. Hehe.

Matapos nya ako picturan ay sakto naman na dumating si Ate Delya kasama ang anak nya at asawa. Ipinakilala nya ako sa asawa at anak nya. Kambal pala ang anak nya akala ko ay panganay na anak nya ay lalaki. Mabait naman ang asawa ni Ate Delya, pareho lang sila na laging nakangiti. Miss ko tuloy sila Mama at Papa.

"O sya. Tutulak na kami kila Carmen. Joaquin, yung kambing natin kunin mo na. Angge, wag nang gagala at mag gagabi na. Ikaw naman Ruben, mamaya ka saakin pag uwi. Rawr." Sabi ni Ate Delya na ikinahagalpak ko ng tawa. Lakas talaga ng tama nitong si Ate Delya.

Mga 15 minutes kaming sumakay ng tricycle papunta doon sa bahay ng Mayor. Pagkadating namin ay medyo marami ang tao at maliwanang ang buong garden at may mga pagkain din sa gilid. Mukhang nagpasadya pa sila na mag catering ah. Mukhang ma eenjoy ko ngayon ang pagkain.

"Carmen! Long time no see!" Salubong ni Ate Delya sa isang babae na kasing katawan nya din. Medyo malusog din at kumikinang sa suot nyang mga alahas.

"Delya! Naku, umuwi ka na pala. Mabuti nalang at nakapunta ka." Malaki ang ngiti sa mukha ng babae. Mukhang mabait naman sya.

"Oo nga e. Ang bongga mo talaga, day. Ang laki laki na ng bahay mo."

Dumapo ang tingin ng babae saakin at mas lalong lumaki ang ngisi nya. "At sino naman itong magandang dilag na ito? Ang ganda mo naman. Delya, ang ganda nya. Model ba sya?"

Ngumiti ako ng hawakan nya ako sa braso.

"Hindi, Carmen. Kasama ko sya. Sya si Tappy."  Pakilala nya saakin.

"Tappy, what a cute name. Anyway, it's nice meeting you, iha. Delya, she's beautiful. I wonder if Yuan would like her. Asa ba 'yong batang 'yon?" Saad nya at luminga linga sa paligid.

Awkward akong ngumiti sakanya.

"Bahala na 'yon. Anyway, iha kumuka ka ng food doon and feel free to enjoy. Delya, girl doon tayo sa loob kumain dahil marami lang ikukwento saakin." Saad nya at tinapik ang braso ko. Pagkatapos ay umalis ang dalawa at naiwan ako sa gitna ng garden habang busy ang iba sa pagkain.

So, ano na?

Kumuha ako ng plato sa tabi ng mga pagkain ay nag sandok ng mula sa mga food containers. Andaming pagkain. Eto lang ata ang interesado akong harapin dito sa bahay na 'to at hindi ang mga tao. Mamaya na ako mag iisip kung saan ako kakain ng mapayapa.

"Ngayon lang kita nakita dito. Are you new here?"

Akala ko ay hindi ang kinakausap ng boses sa tabi ko dahil masyado akong busy sa pagsasandok ng pagkain.

"Hey, miss." Tawag nya muli saakin at kinalabit pa ako.

Tinapunan ko sya ng tingin at tumambad sa harapan ko ang isang lalaki na naka polo. Malakas din ang dating nya at gwapo. Pero nag amaze ba ako sa dating nya? Syempre, hindi. Kung titignan sya, wala pa sya sa kalingkingan ni Sir Calren. Kumbaga tidal wave lang sya na ikukumpara kay Sir Calren na Tsunami na.

"Ah, Oo. But I don't live here." Awkward akong ngumiti.

Ngumiti sya saakin. Maganda ang ngipin nya. Pero kagaya ng kanina ay hindi parin ako na amaze sa presence nya. Halatang matinik sa babae din ang isang 'to at hindi nalalayo sa mga kaibigan ni Sir Calren. Teka, bat ba ako puro nalang Sir Calren ng Sir Calren? Nandito ako para mag bakasyon at hindi mamroblema at mag isip sa lalaking 'yon.

"Oh, I see. By the way I'm Waylen." Inabot nya saakin ang kamay nya.

"Tantanan mo sya, Waylen. She's a visitor here." Malalim ang boses ng isang lalaki na nagmula sa likuran ko. Nilingon ko sya.

"Bakit ba Kuya Yuan? Kinikilala ka lang naman sya e." Pagdadabog nung Waylen. Yuan? Yung anak ng mayor?

"She's clearly not interested." Tinignan nya ako at agad akong kinilabutan dahil kapantay na kapantay ng titig nya ang titig ni Sir Calren. Halos kasing gwapo nya na din si Sir Calren.

"Ang epal mo kasi. Malamang hindi pa." Ngumuso naman yung Waylen at dumampot ng friend chicken at umalis.

"Pasenya ka na sakanya. He's just like that because he's leaving for Germany next week." Saad nya.

Napakalinis nya din tignan at napaka amo ng mukha. Hindi madilim ang aura nya, hindi katulad ng kay Sir Calren na ang hirap basahin. Maganda din ang hubog ng katawan ngunit Moreno. Matinik din siguro ito sa babae.

"My name is Yuan. And you are?" Inabot nya saakin ang kamay nya at tinaggap ko iyon.

"Taffita. Taffy for short. " Saad ko at ngumiti.

"Nice to meet you, Taffy."

After kong sumandok ng mga pagkain ay sinamahan nya akong maghanap ng place kung saan magiging comfortable ako sa pagkain. Nandito kami sa kabilang banda ng garden, may lamesa at upuan kasi dito. Medyo na aawkward parin ako kapag kinakausap sya dahil kakikila palang namin pero ang daldal nya na agad. Halos magkaedad lang din pala sila ni Sir Calren. Nabanggit nya din na nag tatrabaho na sya at dito lang din sa Delfoso.

"Yes, I already work. I am a public prosecutor."

Tumango tango nalang ako kunwari alam ko ang pinagsasasabi nya. Ang totoo focus lang ako sa pagkain ng spaghetti. Pero alam ko naman kung ano ang trabaho ng isang prosecutor. Hello? Matalino kaya ako nung elementary.

"Bakit 'yan ang pinili mong trabaho?" Sagot ko while ngumunguya. Ang baboy ko naman, e pano ba. Kinakausap nya ako habang kumakain e.

Tumawa nalang sya. "Because I care for those people who couldn't afford to have the justice that they deserve."

Hindi ako umimik dahil moment nya 'yon e. Tumigil din ako sa pag nguya at tinignan lang sya.

"You know what, you're cute." Saad nya at umiwas ng tingin saakin. Kita ko ang pamumula ng tenga nya.

"Ah talaga. Thank you." Yun lang ang sinabi ko at ibinalik ang tingin sa pagkain.

"Yuan, andito ka lang pala. Oh! Tappy, I see you've met my son." Malaki ang ngiti ni Maam Carmen at Ate Delya ng makita kaming dalawa na nag-uusap. Malaki din ang ngiti ni Yuan sa Nanay nya. Pinagkakaisahan nyo talaga ako no?

"She's really pretty no, Yuan? She's like a barbie doll. Kung nagkaanak lang sana ako ng babae,  I wanted it to be just like her."

"Ano ba, Carmen. Kayang kaya pa 'yan." Pabirong sabi ni Ate Delya. Tumawa naman sila...at ako rin pero slight lang. Kinakabag na ata ako sa ka awkwardan.

"Bukas, may mga palaro sa plaza. Son, you should take her there. I'm sure you will enjoy, Iha. Please do come." Imbita nya saakin.

Tinignan ko muna ang anak nya na naghihintay din sa isasagot ko.

"Ahmm.. sege po." Sagot ko.

Ngumiti ako at ganoon din ang ganti nila saakin.

" I'll pick you up tomorrow at 10." Masayang saad ni Yuan saakin.





Continua llegint

You'll Also Like

4.4K 751 74
Si Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte n...
84.6K 1.5K 12
"I've waited for her since I was a kid," he said. "What makes you think that I would give up waiting just because you told me to do so?" he confident...
542 103 29
Sadyang may isang tao sa buhay mo na nananatiling malaking "SANA" sa'yong kasalukuyan. Mga pahina't kabanata na pilit mong binabalikan. Sana hindi na...
1.1M 45.2K 74
" It takes the right guy to see a girl's inner beauty... " bcz mostly people are attractd by the looks which never lasts for so long... What if a...