Chapter 23

795 16 2
                                    


"Kaya naman pala tumanggi sayo, may boyfriend na pala."

Napayuko ako sa sinabi ng kaibigan ni Adam. They're all staring at me now. I don't know what to say.

"Hi, I'm Adam and this is Darren and Luigi." Pakilala nya sa sarili at sa mga kaibigan. "You must be her boyfriend?"

Tumingin saakin si Sir Calren bago sya sumagot kila Adam. Taas kilay itong sumagot sakanya. "Not yet, I'm Calren Vegas."

"Oooh. Manliligaw." Sabi ni Luigi at agad naman itong siniko ni Darren.

Inabot ni Adam ang kamay at nakipagkamay ito sakanya pati na rin ang mga kaibigan nito na kanina pa nakangisi na parang kinikiliti ng hindi namin nakikita.

Impit na ngumiti si Adam saamin matapos makipagkamayan. "We'll leave you two now. I just went here to say 'Hi'. Nakita kasi kita mula sa baba."

"Sus, sinong niloko mo." Bulong ng kaibigan nya. Mukhang napipikon na si Adam sa dalawa at pinipigilan na lamang ang sarili.

Tumango ako sakanya at kumaway. Nauna syang bumaba at sumunod naman sakanya.

"Sabi ko na sayo wag na natin lapitan e." Himutok ng kaibigan na sumunod sakanya. Binatukan naman ni Adam ang kaibigan.

Mukhang hindi ata nila nakita mula sa baba na may kasama ako kaya't inakyat nila ako dito. The poor boy must be suffering now from the endless teasing of his friends.

"They remind me of the three freaks. They used to go around time square in NYC to find girls to hook up with. One time, may hiningan silang babae, ng number outside a coffee shop. Turns out, she's not alone. She's married to a Sheikh from Dubai and his husband is just ordering coffee inside the shop." Kwento nya saakin habang natatawa.

"I laughed so hard after that. That must've been the fastest run I have ever did in my entire life. We really thought he's gonna pull out something from his dress because he was so mad."

Ako man ay natawa din sa kwento nya saakin. "Ayan kasi."

"If we weren't that fast, we'd be caught up dead." Tawa nya.

Everything around me went slow mo when I saw him laughing. Makailang beses akong kumurap-kurap. I feel like glimmering in my seat right now. Halo halo ang nararamdaman ko habang nakatanaw sakanya na kumakain. Simple lang naman ang mga galaw na ginagawa nya ngunit may kung anong feeling ang hatid nito saakin. I feel like bursting out.

Matapos namin kumain ay pumara kami ng tricycle para masakyan ko pauwi. Ihahatid nya pa sana ako kaso may meeting sya ngayong ala una na dapat nyang daluhan. I was the one who insisted to ride a tricycle instead.

"Please take care." Saad nya saakin ng maka para na kami ng tricycle.

"Oo, ikaw din." I smiled at him.

Tumango sya at inilagay ang isang kamay sa bulsa. "See you at home."

Sumakay na ako sa tricycle at kumaway sakanya nang lumayo na ito paalis sakanya. He waved back at dumiretso na agad sa sasakyan nya. Nang makarating ay agad akong nagbihis ng pambahay dahil may mga naiwan pa akong gawaing bahay na dapat gawin. Matapos kong gawin ang mga 'yon ay naghanda ng meryenda si Ate Delya para saamin ni Kuya Romeo. Nagpatulong kasi ako sa pagrere-plant ng halaman.

"Kamusta naman ang lunch ninyo kanina ni Ser?" Tanong saakin ni Kuya Romeo.

Napakamot ako sa batok ko at ngumisi. "Ayos lang naman po."

"Nang galing dito yoong Franchessa. Wala raw kasi sa opisina si Ser Calren, kaya nagbakasakaling nandito. Ayon, umalis na umuusok ang ilong." Sabi ni Ate Delya saakin habang ngumunguya ng turon.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now