Chapter 10

2K 30 1
                                    


"Kaninong aso ka?" Saad ko habang nakatitig sa maliit na asong nakalabas ang dila na nakatingin saakin pabalik at sumasayaw ang buntot. Nag squat ako para mahawakan sya.

Kaninang umaga habang nagwawalis ako sa labas ng gate ay napansin ko na 'tong asong 'to. Kinakalkal yung basura ng kapit bahay namin. Sinaway ko nga at mukhang nagugutom kaya kumuha ako ng pagkain sa loob at binigyan sya.

Maganda ang breed ng asong 'to ah. Hindi halatang gusgusin na aso. May pagka golden retriever na may halong aspin. Mapayat ngunit mabalahibo. Cute sya at kulay brown. Siguro nasa dalawang buwan na 'tong asong 'to. Mabait naman sya at mukhang gusto ako.

"Wala ka bang matututuluyan? Naku, kung pwede sana ay kukupkupin nalang kita. Kaso, nakikitira lang din ako dito e. Hindi ko din alam pano alagaan ka, hindi pa ako nagkaaso e." Dinilaan nya ang kamay ko.

Nakarinig ako ng yapak ng tsinelas. "What are you doing there?"

Lumingon ako sa nagsalita. Si Sir Calren pala. Naka cross arms sya at may suot na salamin. Sunday nga pala ngayon, wala syang pasok sa trabaho. Tumingin ako sa taas, sa veranda nya. Mukhang natanaw nya ata ako mula doon. May pagka tsismoso din pala sya.

Malapad akong nangiti. "Nakakita po ako ng aso."

Ngumiwi ang mukha nya ng dumapo ang tingin nya sa asong hawak ko. Grabe, hindi nya talaga pinapahalata na ayaw nya. Ang galing.

"Don't touch that thing. You don't know where that came from." Saad nya at tinuro turo pa ang aso. Bakit? Ayos naman sya tignan, ah. Mabaho nga lang.

"Maghuhugas naman po ako ng kamay." Saad ko at tumalikod na sakanya at bumaling sa aso.

"Ayaw ata sayo ng amo ko. Pasenya ka na, hindi kita pwede ipasok dito. Turo mo nalang saakin kung saan ka nakatira, pupuntahan nalang kita doon araw araw." Bulong ko sa aso. Sorry, cute ka pa man din. Baka pag pinuslit kita dito, tayong dalawa ang magpapalaboy laboy sa kalsada pagkatapos.

Akala ko umalis na si Sir Calren dahil nakarinig ako ng yapak ng tsinelas. Lumapit pala sya.

Nag squat sya at timabi saakin. "It's a He."

Ngumiti ako. "Lalaki ka pala. Wala ka bang name?"

Mas lalong lumakas ang pagsayaw ng buntot nya. Mukhang gustong gusto nya talagang hinahawakan sya.

"Do you want him?"

Napalingon ako kay Sir Calren dahil sa sinabi nya.

"Gusto. Pero hindi naman ako maalam mag alaga ng aso e. Atsaka, mukhang hindi kayo mahilig sa mga aso." Saad ko.

"No, I only hated cats." Sabi nya at inilagay ang isang kamay sa ilong. Ah, may allergey sya sa pusa.

"Okay lang po. Magastos din naman po kasi ang pagkakaroon ng aso. Wala pa akong maipapakain sa kanya, sa ngayon." Maliit akong ngumiti. Totoo naman. Hindi ko naman pag aari ang bahay na 'to bakit ako mag aalaga ng aso?

Tinatawag ako ni Ate Delya mula sa loob ng bahay kaya't nagpaalam muna ako kay Sir Calren at iniwan syang nakahalumbaba na nakatingin sa asong nagkakamot.

"Saan ka galing? Nasaan si Sir? May tumawag sa telepono kanina, inakyat ko sya sa taas wala sya do'n." Saad nya.

"Nasa gate po e, tatawagin ko ba?"

"Wag na mamaya na lang. Hugasan mo nalang ang mga 'to." Saad nya at inabot saakin ang mga isda sa strainer.

"Saan papunta si Sir?" Tanong ni Kuya Romeo ng makapasok sa kusina.

"Aba'y ewan namin. Kita mong nandito kami sa kusina tapos tinatanong mo kami." Masungit na saad ni Ate Delya at tinawanan lang sya ni Kuya Romeo.

"Hiningi yung susi ng isang kotse tapos umalis." Saad nya.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now